Kabanata 5

2015 Words
BERNADETTE PAGKAGALING namin sa labas upang kumain ay umuwi na rin kami kaagad. Nababahala ako sa plano sa akin ni daddy kung bakit niya ako gustong makipagkilala kay Erwin. Kaya naman hindi pa man kami nakakarating ni Hermes sa bahay ay tumawag na siya sa akin. "Bernadette!" Inilayo ko kaagad sa tenga ko ang cellphone dahil nasigawan ako kaagad. "Bakit ka sumisigaw dad?" "Anong ginawa mo?" "Wala." "Anong wala? Where are you?" "Pauwi na kami," saad ko. Nakatuon lang si Hermes sa daan habang nagmamaneho nang tingnan ko siya. "You go back!" "Why dad?" "Kailangan mong makipag-usap kay Erwin. He is a nice guy!" "And? Just because he is a nice guy ay makikipag-usap na ako sa kanya? Ano bang agenda mo, dad?" "Malalaman mo pagdating ko. For now, you please talk to him. Bumalik kayo!" "No dad. Kanina pa kami nakaalis." "Pababalikin ko sila." "Daddy, pagod ako. Gusto kong magpahinga. Nahihilo pa rin talaga ako," sinadya kong hinaan ang boses ko upang sa gano'n ay mas makatotohanan. "Palalagpasin ko ito, Badet. Pero sa pag-uwi ko ay hindi ka na pwedeng tumanggi pa. Maliwanag?" "Let's see." Ibinaba ko na ang tawag at walang gana kong inilagay sa loob ng bag ko ang cellphone at naiinis na nagtuon ng pansin sa daan. "Kausapin mo nga ako, naba-badtrip ako ngayon." Pagmamaktol ko saka ko nilingon si Hermes. Pero heto siya, parang walang naririnig. Pinagmasdan ko ang kanyang panga, balbas sarado siya at nai-imagine ko ang kanyang mabuhok na mukha na nakadikit sa akin. Dagdag factor sa akin ang balbas sarado, basta bagay at hindi maruming tingnan para sa isang lalaki. Matangos din ang kanyang ilong, balak kong mag-slide doon dahil napaka tangos talaga. Mahaba rin ang kanyang pilik-mata at makapal ng kanyang kilay. "Hoy, narinig mo ba ako? Kausapin mo ako." "Anong sasabihin ko sa'yo?" Mahina niyang wika bago nagtapon ng masamang tingin sa akin. Kahit tiger look ang tingin niya ay ang sexy pa rin niyang tingnan para sa akin. Siya iyong naka-tiger look na hindi nakakatakot, kundi nakakatakam. "Aba'y bahala ka kung anong gusto mong sabihin. Basta't kausapin mo ako." Nanahimik na naman siya. "Wala kang maisip na sasabihin? Then talk dirty to me, please," seductive kong wika sa kanya. Talk dirty? Sana patulan niya. Para naman malaman ko kung gaano siya katalented sa bagay na iyon, kahit in words lang. "Huwag mo akong susubukan, Badet. Baka kapag pinatulan kita, comatose ka kaagad." Shocks. Na-imagine ko ang lakas na pwede niyang ibuhos kapag nangyari iyon. Comatose agad? Gano'n na ba talaga siya ka-brutal? "Daan nga tayo sa kaibigan ko, mayroon lang akong bibilhin." Balak kong bumalik kay Jewel para dagdagan ang s*x toy ko, mabilis akong ma-bored sa huli kong nabili. "Saan?" "Iliko mo riyan, tapos pangalawang kanto sa kanan, and then sasabihin ko na lang kung nasaan." "Copy." Mabilis siyang maka-pick up ng instructions kaya't wala pang ilang sandali ay naroon na kami. "Halika na, samahan mo ako." Bumaba ako sa kotse at saka siya sumunod sa akin. Pagpasok namin sa store ay sinalubong kami ni Jewel. "Oh, Hello. Nagbalik ka? Huwag mong sabihin na nasira? Nabored ka?" "Yung pangalawa," walang gana kong sagot. Kahit naka-sunglasses si Hermes ay alam kong lumilibot ang tingin niya at nagtataka kung anong ginagawa naming dalawa dito. "Sino siya? Jowa mo?" takang tanong ni Jewel. "Nope. My new bodyguard," sagot ko. Bahagyang lumapit sa akin si Jewel at bumulong. "Ang hot niya ha? Grabe ka na, ipakilala mo naman sa akin," aniya. "Alam mo Jewel, hindi ka na yata tatanda," bulong ko rin. "Ha? Bakit naman?" Nagtataka niyang tanong saka seryosong tumingin sa akin. "Kasi ngayon pa lang, mapapatay na kita. Uunahan mo pa akong lintik ka," inis kong wika. "Malay ko ba kung ayaw mo sa kanya. I-donate mo na lang siya sa akin at marami akong pwedeng panggamitan sa kanya. Dios ko, 'day, sa lips pa lang niya, naglalawa na ang panty ko," mahina pa niyang wika saka siya tumingin kay Hermes na tatlong metro lang ang layo sa amin. "Bwisit ka talaga, Jewel. Ano na?" "Anong ano na? Hindi mo pa sinasabi kung anong gusto mo." Maya maya ay lumapit sa amin si Hermes at hinawakan ako sa braso. "Walang matinong babae na pupunta sa mga lugar na ganito para lang sa sekswal na pangangailangan nila," bulong niya sa akin. Gumapang naman ang mainit niyang hininga sa aking tenga hanggang sa batok ko kaya't tumindig ang balahibo ko nang dahil doon. "Excuse me," baling ko kay Jewel bago ako humarap kay Hermes. Nang humarap ako sa kanya ay tumingin ako sa kanyang mga mata na natatabingan ng sunglasses niya. "Anong ibig mong sabihin, na magtitiis na lang ako kung kailangan ko na talaga?" "Tsk. Maganda ka, sexy, at matalino. Hindi mo kailangang gawin ang mga ganitong bagay, Badet," concern niyang wika. And wow, parang umaayon sa akin ang panahon. Siya na mismo ang nagsabi sa akin na maganda ako at sexy. Alam ko nang matalino ako kahit hindi niya sabihin kaya't mahalaga iyong unang dalawa. At least, hindi siya bulag, nakikita niya na maganda at sexy talaga ako. Mas lalo tuloy akong naging confident. "So anong deserve ko?" "Deserve mo ng totoo," aniya. Shocks. Nang marinig ko iyon ay gusto nang manginig ng mga hita ko dahil nagpapahiwatig siya ng kung ano, at hindi ko iyon pwedeng ma-misinterpret dahil malinaw iyon sa aking pandinig. "So, gagawa ka ba ng paraan para magkaroon ako ng totoong laruan?" "Hindi lang laruan. Kaya't itigil mo na ito." "Okay. Mabilis akong kausap. Basta't sure ka sa sinabi mo ha?" "Oo sure ako." At dahil natupad na ang isang pangarap ko (wow pangarap) ay agad akong tumingin kay Jewel sa aking likuran. "Okay, Jewel. Huling pagkikita na yata natin ito. s*x toys no more na ako ngayon. Nakahanap na ako ng totoong malalaro ko. So paano, good bye. Huwag kang umiyak." Lumapit ako sa kanya at yumakap ng mahigpit. "Beh, mag-share ka naman. Kung hindi kasya sa'yo ang haba, i-donate mo na sa akin ang extra," bulong niya. "Gaga ka. Ang akin ay akin, walang sa'yo. Akin lang ang sausage niya, okay? Sige na, makakahanap ka rin ng para sa'yo. I am sad for you, pero gano'n talaga, malaya na ang pempem ko sa mga paninda mo, bye na, ayaw kong paiyakin ka pa ng husto," kunwaring concern ko sa kanya. Pagkasabi ko niyon ay tumayo ako ng diretso at inikot ang buong paningin sa kanyang store. "Good bye toys. Wish me luck." Pagkasabi nito ay maarte akong naglakad palabas ng store at sumunod sa akin si Hermes. WALANG imik si Hermes nang pauwi na kami. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay dahil kinakabahan siya sa mga magaganap. Klaro naman sa akin ang sinabi niya eh, na magkakaroon na ako ng tunay na magpapaligaya sa masalimuot kong mga gabi na kasama ang mga vibrators na binili ko. At ngayon, hindi na lang tunog ng nakakaboring na vibrator ang maririnig ko, makakarinig na ako ng salpukan for real. Tumingin ako kay Hermes, sa braso niya at sa kanyang torso, ang mucho mucho niya. Kayang kaya niya sigurong gawin ang lahat ng pantasya ko kung tutuusin. Sorry na lang talaga kung mayroon na siyang asawa pero for now, akin na muna ang isang ito. Hindi pa kami nakakauwi pero naglalaway na ako sa kanya. "May problema ka ba Miss Penitensya?" "W-wala naman." Umiling pa ako. KINAGABIHAN, matapos ang dinner ay naligo na ako at naghanda ng sarili ko. Pupuntahan ko siya sa kanyang kwarto dahil wala naman siyang ginawang move kanina o instructions man lang. Kaya't nagsuot ako ng red silk bathrobe at ternong undergarments na lace. Pinili kong ilugay ang buhok ko para mas lalo akong magmukhang seductive sa kanyang paningin. Pagpasok ko sa kanyang kwarto ay bukas ang pintuan, inaasahan niya siguro akong papasok. Habang naglalakad ay parang nagpapalakpakan ang egg cells ko dahil sa wakas, makakakita na sila ng tunay na human vibrator na magpapayanig sa kanila sa aking kaibuturan. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo at siguro ay naliligo rin siya. Gosh, ngayon lang ako na-excite ng ganito sa tanang buhay ko. Habang naghihintay ay nakialam ako sa mga gamit niya sa bedside table niya. Naroon ang isang wallet na leather na kulay itim. Hindi naman siguro masama kung titingnan ko iyon. At doon ay nakita ko ang isang ID na kung saan ay nakasaad ang tunay niyang pangalan. "Alessandro Macalinga," binasa ko iyon. Ang gwapo rin ng kanyang pangalan. Lalaking lalaki. Nabitawan ko ang wallet niya nang marinig ko siyang magsalita. "Anong ginagawa mo rito?" "Ah eh, hindi ba't sabi mo ay ikaw na ang bahala sa laruan na kailangan ko?" "Ang sabi ko, mahahanap mo rin ang taong para sa'yo. Hindi mo deserve ang mga gano'ng bagay, okay?" "Ha? Hindi gano'n ang naintindihan ko, Hermes." Naiinis akong lumapit sa kanya na ngayon ay nakatapis lang ng tuwalya. Shems. Ang bango bango niya, ang ganda ganda rin ng katawan niya. Iyong buhok sa paligid ng kanyang mga ut*ng, ang cute. At ang abs, my goodness, ang abs, namumutok. And his bulge na parang gusto nang kumawala sa towel, ay parang nagsasabi na talagang comatose ang ending ko kapag ginalit ko iyon ng husto. "Badet, may mahal na ako. At hindi ko pwedeng lokohin ang mahal ko dahil lang sa gusto mong mangyari. Pagiging bodyguard ang trabaho ko, at hindi para magbigay ng ligaya at maging parausan mo lang," seryoso niyang wika. Nasaktan ako sa mga sinabi niyang iyon kaya't naiinis akong nagsabi: "Liar! Paasa ka!" Mangiyak-ngiyak akong tumakbo palabas at hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Bad trip na bad trip ako sa kanya habang naglalakad-lakad paikot sa kwarto ko, nag-iisip kung paano makakaganti sa kanya. Pinaasa niya ang buong kweba ko, ang mga taong tabon sa aking yungib, ang mga maliliit na bata na naghihintay na mapisa ng kanyang armas. "Nakakainis!" Panay ang padyak ko sa semento dahil sa bagay na iyon. "Nag effort effort pa ako para mag-ayos, magpaganda at magpabango, tapos ang ending, vibrator na naman ang didikit sa pempem ko? Ang saklap!" Napaupo na lang ako sa sahig dahil hindi ko talaga kayang matanggap. "Hindi pwede. Kailangan kong gumanti sa kanya. Hindi ito ang magiging huli ng lahat. Kailangan kong ipa-realize sa kanya na hindi lang siya ang lalaki at hindi lang siya ang pwede kong lapitan para sa kaligayahan na hinahanap ko." Saka ako tumayo. Maya maya ay mayroong kumatok sa aking pintuan. Hmp. Siya na siguro iyan. Hindi rin pala niya ako matitiis. Dahan-dahan akong lumapit doon upang sa gano'n ay pagbuksan siya. Nang buksan ko iyon ng bahagya upang malaman kung sino ay siya nga. Nakasuot siya ng itim na sando at shorts na kulay gray. "Bakit? Napag-isip isip mo na bang mali ka?" nakasimangot kong tanong sa kanya. Ngunit hindi siya sumagot, imbes ay tumabi siya upang paraanin ang kung sino mang paparating. Bumukas ng husto ang pintuan at iniluwa niyon si Daddy. "Dad? A-anong ginagawa niya rito?" "Natural, pamamahay ko ito. At ayusin mo iyang hitsura mo dahil mayroon tayong pag-uusapan sa ibaba." Saka siya naglakad palabas ng kwarto ko at sumunod naman sa kanya si Hermes na ngayon ay wala nang lingon lingon pang ginagawa para sa akin. Shocks. Nagulat ako. Nakauwi na pala si Daddy? Kasama ba niya si mommy? At dahil strikto si daddy pagdating sa aking pananamit ay nagbihis kaagad ako ng jogging pants at big size shirt. Inayos ko rin ang buhok ko at bago ako bumaba ay muli pang kumatok ang kung sino sa pintuan. "Nandiyan na!" Pinagbuksan ko ang kumakatok at si Hermes iyon. "Dalian mo raw, ipinapasundo ka na sa akin." "Bakit? Ano bang mayroon?" "Aalis tayo." "Ha? Aalis? Saan tayo pupunta?" "Basta." Ngayon ay naka-pantalon na siya at t-shirt na puti na hapit sa kanyang katawan. Bakit siya nagbihis? Sumunod na ako sa kanya at nang makababa na ako sa hagdan ay nakita ko ang mga taong hindi ko ine-expect na makita bukod kay mommy. "Magandang gabi, Bernadette." Tumayo ang lalaki at lumapit sa akin upang halikan ako sa aking kamay. "Erwin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD