Kabanata 4

2346 Words
BERNADETTE "HINDI ako makakatulog na walang katabi ngayon!" Reklamo ko sa kanya nang sabihin niya sa akin na sa lapag siya matutulog at ako ay sa kama. Nasa guest room kami ngayon dahil sinundan ko siya hanggang dito. Matapos ang nangyari sa kwarto ko kanina ay hindi na ako makapag-iisa doon. Hindi ko alam kung ano ang pakay ng taong nanloob pero ayon kay Hermes ay siya na ang bahala doon, kahit walang pulis, kayang kaya na niyang mahuli ang salarin. I wonder how, kung paano niya iyon magagawa. Si Superman ba siya? Mayroon ba siyang itinatagong super powers or anting anting? "The fact na sinundan mo ako dito sa kwarto ko ay inistorbo mo na ako, pati ba naman sa pagtulog ay aabalahin mo pa ako?" Reklamo niya sabay kamot sa kanyang batok. Oh. Clean armpit. Medyo mabuhok lang pero hindi gaanong makapal. Ano kaya ang amoy niyon? Tumaas pa ang isang kilay ko sa kaisipan na iyon pero hindi dapat iyon ang focus ko as of the moment. "Bakit? Hindi ba parte ng job description mo ang pagprotekta sa akin habang tulog ako?" tanong ko. "Nasa kwarto na nga kita, anong proteksyon pa ba ang kailangan mo?" naiinis na siya sa akin, halata. "Paano kung hindi mo mamalayan ay mayroong nakapasok at kunin ako?" "Bago ka nila makuha, dadaan muna sila sa bangkay ko," matigas niyang wika. Oh. Superman nga talaga siya. "Well, hindi natin sure. Paano kung masarap ang tulog mo? Tapos hindi mo mamalayan na wala na pala ako?" Namewang ako sa kanya dahil iginigiit ko talaga na magkatabi kami sa higaan. "Sa kagustuhan mong iyan ay parang ako ang gusto mong mapahamak. Nakikita mo ba na mayroong CCTV sa kwartong ito? Bantay sarado ako ng mga magulang mo." Tumingin nga ako sa CCTV at na-bad trip ako sa katotohanan na sinabi niya. Nagmaktol ako at saka ako naupo sa gilid ng kama at nagkrus ang aking mga kamay. Nanahimik ako habang siya ay naglalatag na ng comforter sa ibaba. Panay ang pag-irap ko dahil hindi mapagbibigyan ang aking kagustuhan. "Pwede namang patayin iyan eh," inis kong wika. Hindi na siya sumagot pa, imbes ay tumihaya na siya sa kanyang higaan at saka inunan ang kanyang mga braso at nagpikit ng mga mata. Pero heto, nananatili akong nakaupo sa gilid at kahit antok na antok na ay wala akong magawa. Gusto ko kasi talaga ng katabi, gusto kong maramdaman na safe ako, iyon lang naman eh. Hindi naman ako mangangapa kapag gising ako, pwera na lang kung managinip ako. Pero behave ako, promise. "Hoy, matulog ka na," mahina niyang wika. Hindi ko siya pinapansin dahil galit ako sa kanya. Mabigat na ang talukap ng mga mata ko pero heto, nagrerebelde talaga ang damdamin ko dahil hindi niya ako mapagbigyan sa gusto ko. Maya maya ay tumayo siya at saka biglang lumabas na lang bigla ng kwarto. "Saan iyon pupunta?" mahina kong tanong sa sarili ko. Susundan ko pa sana siya ngunit baka magalit na ng sobra sa akin, alam kong pagmamalabis na ang ginagawa ako pero heto, ini-insist ko pa rin. Ilang guards ko na ang nawalan ng trabaho nang dahil sa akin. Dahil kapag hindi gwapo, tinatakasan ko. Kapag sobrang gwapo, dinidikitan ko. Kaya ang ending nilang lahat ay sisante sa trabaho. And here I am again, doing the same thing sa gwapo kong bodyguard. Kinukulit ng husto, hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko kaya't wala siyang ibang magagawa. But for now, mukhang ako ang susuko sa kanya. Dahil matigas siya, hindi siya madaling bumibigay. At bigla na lang niya akong iniwan sa kwarto na ito. I crawled up sa higaan at sa isang parte niyon ay niyakap ko ang sarili ko. Ramdam ko ang panlalamig pero kahit magkumot ako ay walang magbabago. Nakapikit na ang mga mata ko nang bigla na lang bumukas muli ang pintuan. Hindi na ako nagmulat pa ng mga mata dahil gusto kong magtulug-tulugan. Hanggang sa maramdaman ko ang paglundo ng kama sa tabi ko. Well, napangiti pa ako ng bahagya nang maramdaman ang paghiga niya sa tabi ko. Nakaharap ako sa kanya at sure ako na nakatihaya siya sa tabi ko. Langhap na langhap ko rin ang sabon na ginamit niya at masarap iyon sa pang-amoy ko, lalaking lalaki siya, at pinahihina ng katotohanan na iyon ang tuhod at damdamin ko. Dios ko Badet, magpigil ka. Maghunos-dili ka! Nabigla pa ako nang magsalita siya. "Pinatay ko na ang CCTV. Halika na," malalim ang boses niya nang sabihin niya ito sa akin. Pero ako itong si Maria Clara, ayaw kong iparamdam na gustong gusto ko talaga siyang mayakap, kaya't nanatili akong nakatagilid lang at parang lamig na lamig. "Mahirap talagang gisingin ang nagtutulug-tulugan." Pagkasabi niya nito ay siya na mismo ang lumapit at isiniksik ako sa kanyang tagiliran. "Uuuhhmmm, bakit?" kunwari ay nagising ako sa paggalaw niya sa akin. Well, kung hindi ako marunong umarte, at least, nag try ako. "Akala ko ba gusto mo ng katabi? Oh ayan, tinabihan na kita," mahina niyang wika. Bakit biglang nagbago ang isip niya? Bakit biglang gusto na niya akong tabihan? Nagagandahan ba siya? Nase-sexy-han? Gosh. Tinitigasan siya sa akin? Napangiti ako sa kaisipan na iyon habang nilalanghap ko ang amoy niya. Nakaunan kasi ako ngayon sa braso niya at bahagyang nakayakap ang kamay ko sa kanyang katawan. Big sando ang gamit niya, malaki iyon pero malaki pa rin ang katawan niya. Iyong lumang sando na halos gutay na pero bagay pa rin sa kanya, gano'n. "Normal pa ba iyang paghinga mo? Baka masinghot mo na ako niyan," sita niya sa akin. Ah okay. Masyado yatang napalakas ang paghinga ko. Well, it happens, kapag gusto kong ubusin ang amoy ng katabi ko. Ang bango rin ng kili-kili niya, walang deodorant or any anti-pespirant pero amoy sabon, Safeguard Green yata iyon kung hindi ako nagkakamali. Kailan pa naging sexy sa pang-amoy ko ang safeguard green? Ngayon lang talaga. "Uuuhhhmmm." Sinamantala ko na ang chance, mas lalo ko nang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Ang sarap niyang yakapin, muscled siya pero hindi iyong matigas na matigas. Basta, pakiramdam ko ay kahit anong dumating na pagsubok ay safe ako kapag nasa mga bisig niya ako, gano'n. Habang kinukuha ko ang tulog ko ay panalangin ko talaga na kung hindi ako ang mangapa mamayang madaling araw ay siya na. Hindi ako pwedeng magising na virgin, hindi pwede! Hindi maaari! KINABUKASAN ay mayroon akong ngiti sa aking mga labi nang bumangon ako. Nag-inat ako habang nakaupo sa malambot na kama. Wala na ang katabi ko, pero ang amoy niya ay naroon pa rin, nai-imagine ko pa rin siya habang yakap ko siya kagabi. Iyon nga lang, nakatulog akong virgin, gumising akong virgin. Di bale, hindi naman ito ang huling araw. Mula sa guest room kung saan ako natulog ay narinig ko na mayroong nagluluto ng almusal sa kusina. Napangiti ako sa kaisipan na baka siya iyon, na maabutan ko siyang hot na hot sa suot niyang lumang sando at maikling shorts habang nagluluto ng almusal. Tapos yayakapin ko siyang bigla sa kanyang likuran at saka siya haharapin sa akin bago niya ako halikan at batiin ng good morning. Hay, umiiral na naman ang imagination ko sa bagay na ito. Pagtayo ko ay inayos ko ang aking sarili at dahil wala akong pasok ngayon ay hindi ko kailangang mag-apura. Paglabas ko ng guest room ay siya nga ang nagluluto. Katulad ng inaasahan, kahit gulo gulo pa ang buhok niya ay nagluluto na siya ng almusal. Naupo ako sa isang silya at nangalumbaba habang abala siya sa pagluluto. "Tikman mo nga kung okay na?" Itinapat niya sa akin ang sandok na mayroong kaunting fried rice. "Ano ang titikman ko?" tanong ko. Ang likot na kaagad ng isipan ko, ang aga aga. "Malamang, itong sinangag. Ano pa ba ang sinabi kong tikman mo?" masungit niyang wika. Baka lang naman lumusot, masyado naman siyang conservative. "Masarap. Delicious. Pwede ka nang mag-asawa," komento ko nang matikman ko iyon. "Ows. Talaga? Pwede na akong mag-asawa?" tanong pa niya na hindi nakatingin sa akin. "Oo nga. So ano? Will you marry me na?" Nag-puppy eyes pa ako sa kanya. "Ang pangit mo. May asawa na ako." Sabi pa niya saka tumalikod sa akin at nagpatuloy sa pagluluto. "Hmp. Kunwari ka lang naman," mahina kong wika. "Hindi ako pwedeng magtaksil sa kanya." "Eh di ipilit natin kung hindi pwede. Di ba?" "Kaya ako nagtatrabaho para magkaroon kami ng magandang kinabukasan," sabi pa niya. Ayaw kong marinig ang mga iyon dahil ayaw kong masira ang araw ko. Kung totoo man iyon, wala akong pakialam, basta bet na bet ko siya, final. "Oh, kakain na. Gusto mo ng kape?" tanong niya sa akin. "Mas gusto kita, mas mainit ka pa sa kape," diretso kong wika habang nakatitig sa kanya. "Wala pa akong exercise. Hindi pa ako nagba-boxing ulit. Baka umpisahan kong i-sparingin ang mukha mo ngayon, Miss Penitensya," sabi pa niya. Ouch. Grabe naman siya. Hindi na mabiro. "Kape na lang pala. Nagbago na ang isip ko," bawi ko. HABANG kumakain ay nagsabi siya sa akin ng mga bilin ni Daddy sa kanya. "Sabi ng daddy mo, mayroon tayong pupuntahan mamayang bago magtanghalian. Magsuot ka raw ng maganda," aniya. Wow. Yung totoo? Nag-set ba si daddy ng date para sa aming dalawa ni Hermes? What a nice plan, kung gano'n. ____________________ "MATAGAL na kayo?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig lang ako habang siya'y nagda-drive. "Oo." Ang tipid niyang sumagot. "Seryoso ka rin sa life ano, Hermes?" "Kapag mainit ang ulo ko, seryoso talaga ako." So, mainit ang ulo niya? Bakit? "Bakit mainit ang ulo mo?" "Kindly keep quiet, baka mabangga tayo sa kaingayan mo!" Nakuha niya akong bulyawan. Siya pa lang ang guard ko na nagawa ang bagay na ito. Hindi ako nasaktan, imbes ay na-impress pa ako sa ginawa niya dahil hindi niya iniisip kung masisisante ba siya kapag ginawa niya ito. He is somehow dominant. And I like it. Nanahimik lang ako at tumingin sa daan, nag-iisip ng susunod kong sasabihin. "Where are we going?" tanong ko sa kanya. "Basta." Umirap lang ako sa kawalan at saka ako nagkamot ng aking siko. Hanggang sa marating naming dalawa ang isang restaurant. Pang mayayaman iyon at hindi ko alam kung bakit nandito kami. Kaagad siyang umikot upang pagbuksan ako at saka naman ako lumabas. "Why are we here?" tanong ko. "Follow me," aniya. Nauna siyang naglakad at sumunod ako sa kanya. Pagpasok namin ay kinausap niya ang isang crew at saka kami iginiya sa daraanan namin. Isang private room ang pinuntahan namin and to my surprise ay nakita ko doon ang kaibigan ni daddy na si Mr. Edgardo Reyes kasama ang kanyang may bahay na si Mrs. Esmeralda Reyes at ang isang lalaking sa tingin ko ay anak niya. "Oh, uncle, auntie, you're here." Kaagad akong lumapit sa kanila at saka ako bumeso. Ngiti lang ang iginawad ko sa lalaki nang magtama ang aming paningin. Si Hermes, naiwan sa tabi, nagbabantay lang talaga. Nang lingunin ko siya ay walang ekspresyon ang kanyang mukha. "By the way hija, this is Erwin, our youngest." Pagpapakilala ni Auntie Esmeralda. "Oh, I heard a lot from him mula kay daddy," sabi ko pa. So, siya iyong ibinibida sa akin ni daddy every time na nagkakausap kami? Mukhang nagkakaroon na ako ng ideya kung saan mapupunta ang usapang ito. "By the way hija, your dad called us to meet you here. Sabi niya na ipakilala namin sa'yo si Erwin, so here we are. Nanggaling lang din kami sa kanya kanyang trabaho kaya't ganito ang mga suot namin," sabi pa ni Auntie Esmeralda. Okay, I got it. It's dad who planned this. Gusto niya akong ilapit sa Erwin na ito. Well, gwapo siya, pero ayaw ko sa maputi, so I don't like him. Mas gugustuhin ko pang ibuka ang legs ko sa bago kong bodyguard kaysa sa lalaking ito na parang hindi marunong bumayo...teka, iba na yata ang nasasabi ko. Bago pa man magkaroon ng intimate conversation at maungkat sa pormal na pagkikilala naming dalawa nitong si Erwin ay kailangan ko nang gumawa ng paraan. Gagawin ko na ang skills ko sa pag-iinarte para makaalis sa lugar na ito. "Wait...teka lang, sumasakit ang..." Hinawakan ko ang aking tagiliran at saka ako natumba mula sa aking kinauupuan. "Oh my God! Erwin, help here!" Sigaw ni Auntie Esmeralda sa anak upang tulungan ako. Bago pa man ako mahawakan ng lalaki na nagngangalang Erwin ay nalalapit na si Hermes upang pilipitin ang kamay niya. Napa-aray siya sa sakit at saka siya umatras. "Damn! Man, anong ginagawa mo? I will help her!" Naiinis na wika ni Erwin at alam kong galit na galit siya sa ginawa ni Hermes. "It's my work to protect her," mahinang wika ni Hermes. Bigla siyang lumuhod at walang kahirap-hirap na binuhat ako na para lang bagong kasal. Ako naman itong si artista, kunwari lang malay, hinilig ko ang ulo ko sa kanyang matipunong dibdib at nilanghap ang natural niyang amoy. Gosh, ang sarap niya... I mean, ang bango niya. "Bakit? Sa tingin mo ba ay sasaktan ko siya?" Erwin said. "I am sorry ma'am and sir, pero aalis na kami. I will bring her to the nearest hospital," sabi pa ni Hermes. Pagkasabi nito ay agad na niya akong inilabas sa private room at saka niya ako dinala sa kotse. Pero bago pa man niya ako dalhin sa ospital ay nagmulat na ako ng aking mga mata. "Bring me home, sexy." Saad ko saka naupo ng matuwid na parang walang nangyari. "I know. Umaarte ka lang," sabi niya habang nagmamaneho. "How did you know?" natatawa kong tanong. "Ang tunay na nahimatay, walang malay. Pero ang kunwaring nahimatay, kapag dumikit sa akin ang mukha, parang manghahalay." Natawa ako sa sinabi niyang iyon kaya naman bigla na lang akong pumalakpak. Nakita ko rin na natawa siya dahil sa akin kaya't nahuli ko ang kiliti niya. Huminto siya sa isang bahagi ng kalsada at saka tumingin sa akin. "Do you want to eat? Nagugutom na ako," aniya. "I want to eat you, pwede ka ba?" pilyo kong wika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD