Parang automatic ang paglukot ng expression ng mukha namin ni Bible nang matapos maglaro ang boys ay dali-daling sinalubong ang mga ito ng mga babaeng nakapwesto sa baba ng bench na kinauupuan namin. Ano ito? Varsity idols lang ang peg? Isinalpak ko sa bibig ang hawak na pagkain.
Ayos lang naman kung lapitan ang ibang boys, ang hindi ayos 'yong may epal na ngayon ay pinupunasan na ng pawis si Abram. Mukhang gustong-gusto naman nito na ngingisi-ngisi pa.
"Para namang mauubusan ng lalaki itong mga ito. Hindi alam ng mga baliw na 'yan. Minsan umiihi pa sa higaan ang kuya ko."
"Sira ka talaga!" natawang ani ko kay Bible. Alam ko namang joke lang 'yong sinabi nito.
"Tara na!" ani nito na ngayon ay mas lukot pa sa mukha ko ang makikitang expression ng mukha nito. Mabilis naming niligpit ang mga pinagkainan namin saka dali-daling pinag-isahang bitbitin ang mga iyon at tumayo na. Hindi na namin tinapunan ng mga tingin ang mga boys na naririnig pa namin ang pagbibida-bida sa mga babaeng kita pa mga kuyokot sa suot nila.
"Batsy!" dinig kong tawag ni Kuya. Pero mabilis kaming naglakad ni Bible. Narinig ko pang sinabi ni Yko na tinopak na naman daw kami.
Bahala sila sa buhay nila.
"Sis!" nakahabol na pala si Kuya. Nandidiring itinulak ko ito dahil basa pa ng pawis.
"Yuck!"
"Maka-yuck ka naman. Gusto pa ngang katasin no'ng mga girls 'yong pawis ko para gawing pabango." Huminto ako sa paglalakad at nakapamewang na hinarap ito.
"Gustong-gusto mo naman? Pwes, doon ka na!"
"Tapos ano? Isusumbong mo na naman ako? Tsk, 'di bale na lang. Sama ako sa inyo," ani nito na inagaw ang hawak ko.
Nakasunod na rin pala ang mga ito.
"Daan muna tayo sa condo. Bago tayo maggala." Yaya ni Yko na inagaw kay Bible ang hawak.
"Mga babaero." Himutok ni Bible na mabilis kong sinigundahan.
"Sinabi mo pa. Kaya hindi na ako magtataka kung masasawi sa love life itong mga ito, eh. Kakarmahin sila. Darating 'yong araw na kapag nagmahal na sila hindi agad nila makukuha 'yong happiness na gustong-gusto nila. Maghihirap muna sila. Itaga mo 'yan sa bato, Bible." Nakangising ani ko rito.
"May sa demonyo 'yang dila mo, Batsy. Magtigil ka d'yan." Saway ni Kuya pero nginisihan ko lang ito.
"Mga playboy. Gusto n'yo bang kapag nasa right age na kami, kami ang sumalo ng mga karma ninyo?" ani ni Bible na inirapan pa ang mga boys.
"Hinding-hindi mangyayari 'yon. Oras na may gumawa sa 'yo no'n, bubugbugin ko." Seryosong ani ni Kuya Soul. Pero inirapan lang ito ng kapatid. Narating namin ang parking lot. Kanya-kanya sakay sa magagarang sasakyan ang mga ito. Nagtungo nga kami sa condo ni Kuya Yko. Hindi naman kami hinarang kahit marami kami. Ganoon talaga kapag kilala.
Ang hindi alam ng mga guards mas delikado ang mga taong ito. Malilikot kaya ang mga kamay nila.
Kami lang naman ni Bible ang hindi nag-shower dahil hindi naman kami pinawisan. Kaya habang hinihintay ang mga ito ay tumambay muna kami sa sala ng condo nito.
"What is this?" takang iniangat ni Bible ng isang daliri n'ya ang kulay itim na tela---parang mga tali na lang nakasuksok sa upuan iyon. Akmang uupo sa couch si Bible nang makita iyon.
"What the f**k?" mabilis na lumapit si Kuya Yko at hinablot iyon kay Bible.
"What is that?" tanong ko.
"A hair bond?" tanong ni Bible sa lalaki. Dahil may lahi kaming tsismosa, hindi ko na itatangi pa, mabilis kong inagaw iyon na hindi naman mahirap gawin dahil hindi nito inasahan.
"Nope, I think it's panty." Kumbinsidong ani ko na hinawakan ang magkabilang gilid at inilaglag sa harap ng mga ito."And it smells bad." Diring-diri na ani ko saka initsa ko kay Kuya Yko na tumama sa balikat nito.
"Disgusting!" nakasimangot na ani ni Bible na ikinatawa lang naman ng lalaki.
"Sa balcony na lang tayo." Yaya ko kay Bible.
Daig pa namin ang one of the boys. Halos sa lahat ng lakad ng mga ito ay sabit kami ni Bible.
Pwera na lang kung mambababae sila or pupunta sa bar.
"Malapit na naman ang pasukan." Nangalumbaba ako sa railing saka ibinato ang tingin sa baba.
"Mag-aaral pa ba ako?"
"Ha?"
"Iisa lang naman ang pangarap ko. Ang maging asawa ni Abram Cleaven." Seryosong ani ko rito. Natawa si Bible na tinusok ang tagiliran ko.
"Sira, mas maganda 'yong may iba ka pang pangarap para hindi ka pulutin sa putikan kapag lumagpak ka."
"Never mangyayari 'yon. Kung hindi s'ya mapapasaakin, pwes, pareho kaming magiging single habang buhay." Buo ang kumpyansang ani ko rito.
Malakas itong tumawa at tinapik ang balikat ko.
"Malabo kasi talaga, eh. Alam mo bang narinig ko kay Kuya Soul na may date si Kuya Abram mamaya?" mabilis akong napatingin dito.
"Seryoso?"
"Yes."
"Tinanong mo kung saan?"
"Para ano? Uutusan mo na naman ang bodyguards mo na sirain ang gabi nila? Papuputulan mo na naman ng ilaw 'yong restaurant?"
"Hoy! Judgemental ka! Kasalanan ko ba kung nag-brownout?"
"Neknek mo, Batsy. Pareho nating alam na may generator 'yong restaurant." Napangiwi ako at nag-iwas nang tingin.
"Bata ka pa pero ang dami mo nang kalokohan," ani nito na waring sinesermonan ako.
"Tayo lang ang nakakaalam no'n. Hanggang walang evidence, walang aamin," ani ko rito na waring kinukumbinsi ito. Feeling ko tuloy ako talaga ang bad influence rito sa best friend kong ito, eh.
"Yeah, walang aamin hanggat walang evidence." Nagkamay kami na waring nagkaroon nang kasunduan at pagkatapos ay natawa.
"Brats!" ani ni Kuya Gage na lumakad patungo sa balcony. Balita ko stick to one itong si Kuya Gage. Hindi pa nga lang naipapakilala ang jowa nito. Hindi lang din ako sure kung legit ba 'yong nasagap kong tsismis.
"Hindi kami brats!"
"Sinong may sabi? Katatapos ko lang marinig 'yong usapan n'yo." Eksaheradang napasinghap kami ni Bible.
"N-arinig mo?" kabadong tanong ko.
"Yes. Don't worry, hindi ako magsasalita. Basta ba sasamahan n'yo akong bumili ng gift," sabi nito na waring nagpipigil mangiti.
"Nagpaalam ka na kay Kuya?" tanong ni Bible na inginuso ang kapatid na nagpupunas pa ng buhok nito.
"Yes, pati na si Cayde nakausap ko na," ani nito.
"Libre mo kami? May gift din kami?" tanong ko na kumapit na sa braso nito. Ganoon din si Bible.
"Oo."
"Tara na pala!" excited na ani ko rito."Tiyak naman na mambabae ang mga kuya namin at ang ibang boys. Kasi malabong pumayag ang mga iyon tapos hindi sila kasama." Sagot ko na napaingos pa.
"Kilalang-kilala mo talaga ang mga kuya n'yo ha. Oo nga, plano nilang magpunta sa bar mamaya. Tapos si Abram may date." Dumiin ang kuko ko sa braso ni Kuya Gage.
"Ouch!" daing nito.
"Dalian lang nating mamili ng gift." Mabilis ko ritong Sabi.
Hindi na nga kami nagpaalam ni Batsy. Si Kuya Gage na ang humila sa aming dalawa pagkatapos nitong magpaalam kina Kuya Cayde. Inirapan ko pa si Abram na parang nagtaka sa naging action ko rito.
"PARA KANINO BA ITO?" tsismosa lang talaga ang nagpapainit ng dugo ko. Kaya hindi napigil na tanungin si Kuya Gage. Bumili ito ng set ng jewelry.
"Secret." Tipid na tugon nito.
"Ito sa akin!" nakangising ani ni Bible. Itinuro nito ang isang kwintas na ginto. Simple lang iyon at parang pang-friendship necklace.
"Ganyan na rin ang sa akin." Pareho na kaming nakangisi ni Bible sa lalaki na tumango-tango lang din naman. Isa pa ito, walang pakialam sa price na gusto namin. Tango-tango lang.
Pagkatapos naming mamili ay niyaya namin itong kumain muna. Para tuloy itong naging chaperone naming mag-bff. Habang kumakain ay nagkwekwento si Bible at Kuya Gage. Habang ako, abala ako sa pag-type ko ng message kay Tita Rhea. Mommy ito ni Abram. Bff kami noon. Dream nga n'ya akong maging anak, eh. Kaya naman pareho kaming nasa misyon. May gc kaming dalawa nito, pero syempre in-add ko 'yong dalawang account ko para makagawa ng gc for our mission.
"Mommy Rhea, may date raw si Abram. Tiyak kong pangit at hindi bagay bilang future daughter-in-law ninyo. Payag ka po bang malahian ng pangit ang mga Cleaven?"
Nang mai-send ko 'yon ay nag-angat ako nang tingin. Sa akin na pala nakatingin ang mga ito. Bumungisngis ako saka iniangat ang kutsara.
"Kain." Yaya ko sa mga ito.
"Bakit pakiramdam ko may ginawa ka na namang kalokohan samantalang nakaupo ka lang naman d'yan." Naghihinalang ani ni Kuya Gage.
"Wala, ah!" mabilis kong tangi. Ngunit mabilis ko ring naibalik sa phone ko ang tingin. Nag-reply na kasi si Mommy Rhea sa chat ko rito.
"What? Tatawagan ko s'ya. Uutusan ko s'ya para hindi makarating sa date n'ya."
Napabungisngis ako sa naging tugon nito. Habang pinapanood ng dalawang kasama ko ang ginagawa ko. Hindi naman nila nakikita ang reason nang pagtawa ko, eh.
Advice #1: Kung may lalaki kang gustong sungkitin, kaibiganin ang nanay.
Mabilis akong tumipa.
"Really, Mommy Rhea? That's perfect."
"Magpapa-set ako nang dinner rito sa bahay sa Sunday. Kailangan pumunta ka. Nabangit ni Abram na may dadalhin day s'yang kaibigan. I doubt kung kaibigan lang ba talaga."
Natawa ako dahil with emoji pa na umuusok ang ilong ang nakalagay sa message nito.
Muli akong tumipa. Waring nakalimutan na ang mga kasamang ibinalik na lang ang atensyon sa kanilang pagkain.
"I doubt din, Mommy. Pupunta po ako."
Nakailang dinner na ako sa bahay nila Abram simula nang matuto akong manligaw. Char, pero talagang si Mommy Rhea ang una kong nilapitan at sinabihan nang pagsintang purorot ko kay Abram.
"Nice, titiyakin kong hindi makikipag-date ang batang iyon. Walang taste sa babae. Hindi makitang mas magandang daughter-in-law ka."
"Tama ka d'yan, Mommy Rhea. Magpapaalam po ako kay Kuya tapos d'yan ako magdi-dinner sa Sunday."
"'Wag mong kalimutan. Later na lang tayo magchika-han. Tatawagan ko muna si Abram."
Pinusuan ko na lang ang chat nito saka ko inilapag ang cellphone ko. Mission success.
"Tapos na kayo?" gulat na ani ko nang makitang ubos na ang pagkain nila.
"Eat now, cellphone ka nang cellphone." Biro ni Bible na ikinatawa ko saka dinampot ang spoon.
"Young love." Aliw na ani ni Kuya Gage na nginisihan ko lang naman.
"Kung kailangan n'yo ng advice, 100k per session," ani ko na ikinasimangot ni Bible habang malakas na ikinatawa ni Kuya Gage.
"Bata ka pa, Batsy, pero scammer ka na. Hindi maganda, baka dalhin mo hanggang sa pagtanda." Sermon ni Bible na hinilot-hilot ang sintido.
"Mas magandang ma-train na ng maaga. Para sure win sa pagtanda." Puno nang kumpyansang ani ko rito. Nag-apir pa kami ni Kuya Gage habang tatawa-tawa.
"Nag-text na nga pala ang Kuya Cayde mo. Iuwi ko na raw kayo," ani nito.
"Tsk, mag-iinom daw ba sila? Saan bar?"
"That...I'm not going to tell you that. Sa pagiging reckless mo baka magpunta ka pa roon at magpasaway."
"Hindi, ah! Saka hindi naman kasama si Abram kaya matutulog na lang ako sa bahay."
"Kung makabakod akala mo talaga jowa. Naku!" ani ni Bible. Kontrapelo ito pagdating sa pagsintang purorot ko kay Abram. Pero bff kami, ha.
"Hintayin mo lang, Bible. Mapapasaakin din s'ya. Sadyang nahihilig lang sa matatanda ngayon."
"Crazy." aliw na sabi ni Kuya Gage na agad tumayo nang makitang hindi ko na ginagalaw ang pagkain ko."Uwi na tayo."
"Excited umuwi kasi hahabol." Biro ko rito.
"Tama ka d'yan. Tara na!"
Inihatid nga kami nito sa mga bahay namin. Pagpasok ko sa mansion ay naghihintay na si Kuya. Mukhang hinihintay lang ako nitong dumating para ito naman ang aalis. 7 pm pa lang, ang aga namang inuman.
Tumayo agad ito at pinisil ang pisngi ko.
"Nag-text si Abram. Anong kalokohan na naman ang ginawa mo ha? Hindi matutuloy ang date n'ya?" nang-aakusang tanong nito.
"Ako na naman? Wala akong alam d'yan!" tangi ko rito saka tinabig ang kamay nitong nakapisili pa rin sa pisngi ko.
"I doubt!" ani ni Kuya kaya naman pabirong sinuntok ko ito sa t'yan. Actually, malakas talaga 'yon kaya napahawak ito sa nasaktang t'yan.
"Wala akong alam. Ako na lang lagi, wala akong kamalay-malay!" kunwari'y napipikong ani ko rito. Pero sa totoo lang gusto kong mag-bodots dahil feeling ko wagi na naman ako.
Sabi sa inyo, eh. Perfect talagang ka-tandem ang mga future mother-in-law natin.