Two
"Abram!" tuwang-tuwa na tawag ko sa lalaki nang makita ko itong papasok ng sala namin. Katatapos ko lang gumawa ng output ko. Mukhang balak nitong maglaro ng basketball kasama ang Kuya ko na kaibigan nito. Nang malaman ko sa kasambahay na naghatid ng merienda sa kwarto na narito si Abram ay dali-daling nag-ayos ako para magpaganda.
S'ya si Abram, kaibigan ni Kuya Cayde. Ang lalaking grade 6 pa lang ako ay crush ko na. Alam naman iyon nito pero dahil kapatid ako ni Kuya Cayde at 7 years ang agwat ng edad namin ay hindi talaga ako matipuhan nito.
"Nasaan ang kuya mo?" tanong nito.
"Akala ko naman ako ang binisita mo."
"Naku! Ayan ka na naman, Batsy." Ginulo pa nito ang buhok ko. Graduating na ako sa high school pero bata pa rin ang tingin nito sa akin. Palibhasa ito graduate na sa college at nagtratrabaho na rin katulad ni Kuya Cayde. Parang pareho ang mga ito ng likaw ng bituka. Mahilig sa mga babaeng malaki ang dibdib.
Kasalan ko bang normal size lang ang dede? Gano'n pa lang siguro kasi high school pa lang ako.
"Hindi ko alam kung nasaan si Kuya Cayde ko. Ewan ko ba roon, sinabi ko na sa kanya na pupunta ako sa mall kasi may bibilhin ako para sa output ko pero hindi ko naman mahagilap." Reklamo ko rito. Pero sa totoo lang naibili na ako ni Kuya Cayde nang kailangan ko. Let's see kung kagatin ng lalaking ito ang pagpaparinig ko.
"Samahan na kita." Kita n'yo na? Kinilig na naman ako.
"Saan kayo pupunta?" takang ani ni Kuya Cayde na mukhang ready na maglaro ng basketball. Napasimangot ako at inirapan ang kapatid na nagtaka pa sa reaction ko.
"Ano na naman ang kasalanan ko? Bakit ganyan mo ako tignan?"
"Sabi ni Batsy wala ka." Ani ni Abram na parang naguluhan.
"Hoy, hindi ko sinabing wala s'ya. Ang sabi ko hindi ko alam. Magkaiba 'yon." Depensa ko agad sa lalaking natawa. Mukhang na gets agad nito ang binalak kong gawin.
"Nagpapasama s'ya sa mall." Dagdag pa ni Abram na ikinangiwi ko na ng tuluyan.
Inakbayan ako ni Kuya Cayde. Ang braso ay ipinulupot sa leeg ko.
"Usap muna tayo bunso." Nakangising ani nito saka pakaladkad na hinila ako. Ang sama rin talaga ng ugali ni Kuya Cayde. Hindi ko alam kung bakit maraming girls ang nahuhumaling dito. Samantalang ang pangit ng ugali nito. Tapos kapag tinamad kumilos ay hindi naman naliligo. Tsk!
Narating namin ang kitchen. Saka lang ako nito pinakawalan at sinamaan ng tingin.
"Ano na namang kalokohan ang tumatakbo d'yan sa isipan mo?" salubong ang kilay na tanong nito. Ngunit ngumisi lang ako saka namewang.
"Bakit? May angal ka?"
"Ikaw, ha! Halos ayaw na ngang pumunta ni Abram dito dahil sa mga kalokohan mo."
"Bakit? Kasalanan ko ba? Saka bakit kasi nag-uuwi kayo rito sa bahay natin ng mga chicks ninyo? Sa tingin n'yo ikinagwapo n'yo 'yon? Gusto mo ba isumbong kita kina Mommy? Ha?"
"Tumigil ka nga! Baka nakalimutan mo na mas marami ka pang ginawang kalokohan. Saka nasa tamang edad na kami para gawin ang mga bagay na iyon." Ani nito na sumadal pa sa bar counter. Saka itinungkod ang siko roon.
"Inosente ako!" mariing tangi ko rito.
"Inosente? Akala mo ba hindi ko malalaman na ikaw 'yong naglagay ng higad sa twalya no'ng dating girlfriend ni Abram?" napanguso ako saka sinamaan ito nang tingin.
"May evidence ka? Show me, saka lang ako aamin kung may patunay ka. Pero kung wala, pwes hindi ako ang may gawa." Mataray na tugon ko sa Kuya ko. Hadlang sa kaligayan ang isang ito.
"Ang bata-bata mo pa pero ang galing mo nang rumason."
"Hindi na nga sabi ako bata." Maktol ko rito. Napapadyak pa dahil sa labis na inis dito.
"See…bata ka pa. Hindi magmamaktol ng ganyan ang dalaga na or matured na." Sabi nito sa akin. Napasimangot ako saka inirapan ito.
"Basta, isusumbong kita kina Mommy."
"Batsy!"
"Tapos sasabihin ko kina Mommy na palagi kang wala rito sa bahay tapos palagi akong naiiwang mag-isa rito."
"Liar! Kaya nga ako kumuha ng isa pang Yaya mo para may makasama ka rito."
"Bakit? Ate ko ba sila? Kuya ko ba sila? Hindi naman, ah! Mag-isa pa rin ako. Palagi kasi kayong wala." Bigla akong natigilan. Biglang outburst sa labis na inis ko sa mga sinasabi ng Kuya Cayde ko. Akmang magwa-walk out na ako nang mabilis ako nitong sakalin gamit ang braso.
"H-elppp!" hirap na ani ko. Ngunit pinitik nito ang noo ko.
"Masyado kang OA. Sabihin mo na lang kasi na gusto mo na namang sumama sa game namin." Ani nito saka pinakawal ako at iniharap dito."Ano? Gusto mo bang sumama?"
"Pwede? Kunwari pipilitin mo ako para hindi isipin ni Abram na nagpumilit ako?" nakangiting ani ko rito. Bumuntonghininga si Kuya Cayde saka marahang tumango. Ngiting-ngiti na hinalikan ko sa pisngi ito sabay yakap.
"Galingan mo sa pag-convince sa akin, ha?" ani ko sabay tapik sa balikat nito.
Kumaway pa ako kay Abram nang makita ko ito sa sala at naghihintay. Ilang segundo lang sumunod si Kuya Cayde sa akin.
"Batsy, sumama ka na sa amin. Wala kang makakasama rito. Baka sa labas na rin kami mag-dinner." Tawag ni Kuya sa akin.
"Ayaw ko."
"Sige na, bunso. Sa tingin mo mag-e-enjoy ako sa game ko kung iniisip kita rito? Sumama ka na, please?" pagmamakaawa pa nito. No! Hindi pa kapani-paniwala iyon. Kailangan si Abram imbitahan din ako.
"Ayaw ko. Kung ayaw mo akong maiwang mag-isa rito, pwes 'wag kang aalis."
"Please, minsan lang hindi busy ang kuya. Alam mo naman na tambak lagi ang trabaho na ibinibigay ni Daddy sa akin. Please, pumayag ka na." Ani ni Kuya Cayde sa akin. Sinulyapan ko si Abram.
"Sumama ka na, Batsy. Minsan lang naman kaming makalabas ng Kuya mo."
"Talaga? Gusto mo akong sumama?" excited na tanong ko rito. Hindi naman na lingid sa lalaking ito na crush ko s'ya.
"Oo, sama ka na. I-treat kita ng milk tea." Ani ni Abram. Excited na tumango ako rito. Mabilis akong pumanhik ng silid para magpalit. Sumunod naman ang mga ito na nakihiga pa sa bed ko habang nasa walk-in closet ako at naghahanap ng damit.
Alam ko rin ang reason ng dalawang ito. Tiyak na aantabayan ng mga ito kung ano ang isusuot ko. Naging mainit ang minsang nagilang laban ng mga ito sa kabilang kupunan dahil sa damit ko. Sa sobrang paghahangad kong mapansin ni Abram ay medyo sexy ang sinuot ko. Hindi naman mahalaga sa akin ang sasabihin ng iba, ang papuri ng iba. Pero hindi ko rin naisip na possible na may makuha akong atensyon sa mga kalaro nila Kuya Cayde.
"Change!" mas nauna pang magsalita si Abram. Kalalabas ko lang ng walk-in closet at isang skirt na tinernohan ko Ng blouse ang suot ko. Hindi naman revealing iyon kagaya noong nakaraan. Pero iyon pa rin ang sinabi nito.
"Jeans or jogging pants, bunso." Ani naman ni Kuya na ikinasimangot ko.
"Ayaw ko nang gano'n." Nakasimangot na ani ko rito.
"Please?" ani ni Abram na sinipat pa ang orasang pambisig nito. Mukhang male-late pa yata ang mga ito sa laro nila ng dahil sa akin. Kaya naman pumasok na akong muli sa walk-in closet ko. Naghalungkat ako ng pwedeng isuot. Nakakita ako nang paldang lagpas tuhod ko. Bulaklakin iyon kaya naman iyon na lang ang tinerno ko sa blouse na suot ko. Saka pinaresan ng white rubber shoes. Iyon ang uso ngayon. Saka ko isinuot ang sumbrelong galing kay Abram. Kulay puti iyon at paborito kong isuot. Actually hindi naman n'ya talaga binigay. Basta ko na lang kinuha at sinabi kong akin na lang. Hindi naman na ito nagreklamo. Lumabas ako sa walk-in closet at ipinakita sa mga ito ang ayos ko.
"Much better, let's go." Ani ni Kuya. Nang lumabas kami ng silid nakaakbay na sa akin si Abram. Walang malisya para sa lalaki, pero sa akin? Girl, ito ako pasimpleng kinikilig.
"Huwag makulit doon, ha? Bawal kang makipag-away." Bilin ni Kuya. Isinusuot nito ang seatbelt ko. Ako ang pinaupo nito sa backseat. Nagbibilin na naman. Anong tingin sa akin nito? War freak? Well, iyon na nga. Saka nito isinara ang pinto nang matapos ako nitong ayusin ang seatbelt ko. Saka ito sumakay sa passenger seat habang si Abram sa driver seat. Gusto ko sanang katabi ito. Kaso baka makutusan na ako ni Kuya Cayde. Ayaw kasi nitong masyado akong nagpapaka-obvious na gusto ko si Abram. Dapat daw demure ako. Lintik na, iyon ang pinakamahirap gawin. Dahil namulat ako na halos boys ang nasa paligid ko naging boyish ako. Si Bible lang ang friend kong girl. 'Yong ibang babae kasi gusto lang makipagkaibigan sa akin dahil lang Kuya ko si Kuya Cayde. Mga haliparot.
Mahigit 25 minutes bago namin narating ang court na paglalaruan ng mga ito. Naroon na ang ibang kaibigan ng mga ito na hindi rin busy sa araw na ito. Lahat sila ay nagwo-work na. Kahit pa mga bata pa at kagra-graduate lang sa college. Mga mahuhusay sa field na pinili nila. Si Kuya ko nga lang ang naiba ng landas. Pilot ito, pero na-train din kasi ni Daddy sa business kaya naman ginawa na lang hobby ang profession nito at kinarir ang pagpapatakbo ng negosyo namin.
"Doon kayo maupo ni Bible." Utos ni Kuya Soul at itinuro ang kaibigan ko na kumakaway-kaway pa sa akin. Napabungisngis ako nang makita ang ayos ni Bible. Tiyak na hindi rin pinayagan ni Kuya Soul na magsuot ng trip nitong damit. Halos pareho kami ng style ni Bible sa mga damit. Lalo na ngayon. Lagpas tuhod din ang palda nito. Tulad ko ang suot nitong blouse ay tinuck-in na lang din. Hindi ko na hinihintay pa ang kuya ko. Lumapit agad ako kay Bible na nakipagbeso-beso sa akin. Napabungisngis ako nang makita ang box na nasa tabi nito.
Basketball game ang panonoorin namin pero feeling ko magpi-picnic kami sa laki ng box na dala nito.
"Anong mayroon?" nakatawang ani ko sabay turo sa box.
"Hindi naman tayo mag-e-enjoy sa laro nila, eh. Mag-picnic na lang tayo." Natatawang tumango ako rito. Kaya rin madalas kaming sabihan nila Kuya Cayde na bata pa kami dahil na rin sa mga trip namin ni Bible, eh. Nagsimula kaming ilatag ang picnic cloth na dala nito. Saka isa-isang inilabas ang mga tupperware na may lamang fruits, sandwiches, pasta, fried chicken and drinks.
Nang lingunin ko sina Kuya Cayde nakita kong natatawa ang mga ito sa amin. Lahat sila nakatingin at nagbubulungan pa. Tsk, mga pangit. Nang si Abram naman ang tignan ko ay nasa mukha nito ang amusement habang nakatitig sa akin. Oo, sa akin lang. Aba, pagdating sa lalaking ito gusto kong magdamot.
"Go, hubby. Galingan mo sa laro mo. 'Yong pustahan na mapapanalunan mo ay pambili pa natin ng gatas ng mga anak mo." Biro ko rito na malakas na ikinatawa ng mga kaibigan nito. Sumenyas si Kuya Cayde na manahimik na ako ngunit ngumisi lang ako.
"Go, hubby!" muli pa akong tumili na mas lalong ikinatawa ng kanilang mga kaibigan. Pati si Bible ay tawang-tawa samantalang inihahanda ko lang din naman ang sarili ko. Nakikita ko kasi ang future ko na dakilang cheerleader ng future husband ko, ni Abram.
"Ang lakas talaga ng tama mo kay Kuya Abram." Ani ni Bible.
"Hintayin mo lang, tatamaan din sa akin ang lalaking 'yan. Bata pa kasi ako ngayon, hindi pa rin gaanong malaki ang dede. Pero darating ang panahon, s'ya na ang maghahabol sa akin. Mamahalin din n'ya ako." Buo ang loob na ani ko rito. Napangisi pa nga ako saka sinulyapan ang magkakabarkada. Nagsimula na ang laro, kami rin ay nagsimula na ang mini picnic naming dalawa.
Nawala na rin sa isip ang mga naglalaro. Abalang-abala kami sa pagkain namin ng lumapit sa amin ang apat na babae na malawak ang ngiti sa amin.
"Hi, kapatid kayo ni Soul and Cayde?"
"Oo, bakit?" nakaangat ang kilay na tanong ko.
"Pwede bang hinging ang number?" nagkatinginan kami ni Bible. Nauna akong tumango at inilahad ang kamay para sa cellphone nito. Tuwang-tuwa namang iniabot ng babae ang cellphone nito saka ako mabilis na tumipa roon. Nilagyan ko na rin ng name para wala ng problem.
"Mamaya mo na lang ipa-ring. Baka i-block ka ni Kuya kapag ngayon mo s'ya tinawagan."
"Akin na, ita-type ko rin 'yong number ni Kuya Soul." Polite na ani ni Bible. Mabilis namang ibinigay ng babae ang cellphone n'ya. Mukhang kilig na kilig ang mga ito. Nang makuha na ng mga ito ang number ay dali-dali na rin nag-excuse pa.
"Kaninong number 'yong binigay mo this time?" nakangising ani ni Bible.
"'Yong number ng water refilling station sa labas ng subdivision. Ikaw?"
"'Yong funeral parlor sa south." Ani naman ni Bible na malakas kong ikinatawa. Natigilan pa nga ang mga naglalaro dahil sa lakas nang tawa ko, eh. Nakalimutan ko rin kasi na hindi lang kami ang tao kaya todo bigay ang naging tawa ko.