"Saan naman ako pupunta para idahilan ko kay Abram na wala kang kasama rito?" kakamot-kamot na tanong ni Kuya Cayde. Sunday morning na, dinner namin mamaya sa bahay ni Abram. Tikom ang bibig ni Kuya kung sino ang dine-date ng kaibigan nito ngayon. Pero malalaman ko rin naman.
"Sa impyerno kung gusto mo. Kailangan hindi s'ya magtaka kung bakit nandoon ako sa dinner na sinet-up ni Mommy Rhea."
"But we both know na sinet-up 'yon dahil may ipakikilala si Abra---" umangat agad ang kilay ko na sinamaan ito nang tingin.
Humakbang ako palapit dito.Napaatras naman ito dahil sa matalim na tingin ko rito.
"Alam mo? Tapos kinukunsinti mo?" parang hapong bumuntonghininga ito. Saka namewang sa harap ko.
"Ikaw bata ka! Daig mo pa ang girlfriend ni Abram. Please, huwag mo namang pag-trip-an 'yong kaibigan ko."
"Gusto mo ikaw ang pag-trip-an ko?" maangas na ani ko sa Kuya ko na bumuntonghininga na lang.
"Hindi kasi tama na ginugulo mo ang love life no'ng tao." Paliwanag nito na hinawakan pa ang pisngi ko.
"Kaninong love life ang guguluhin ko? Sa 'yo? Gusto mo ba?" maangas na ani ko pa rin rito. Napailing na lang ito.
"Fine!" sumusukong ani nito."Kesa love life ko ang guluhin mo." Tumalikod naman na ito.
"Feeling may love life." Pasaring ko rito saka excited nang tumalikod at binuksan ang phone ko.
Chinat ko agad si Mommy Rhea at sinabi kong pwede na n'ya akong sunduin.
"IKAW MUNA ANG BAHALA SA kapatid ko." Panimula ni Cayde. Salubong ang kilay na tinignan ko ito. Sumaglit si Cayde rito sa office ko. Napadaan lang daw dahil may dinaanang appointment.
"What?" takang ani ko rito.
"May out of town trip kasi ako ngayon. Uuwi lang ako sa bahay at kukunin 'yong gamit ko. Kaninang tanghali kasi ay sinundo ni Tita Rhea si Batsy."
"S-inundo?" bagsak ang panga na napatingin ako sa kaibigan.
"May problema ba?" takang tanong nito na napakamot sa ulo."Ipapasundo ko na lang pala s'ya sa driver." Nakangiwing ani nito.
"Dude, mamaya ko dadalhin ang girlfriend ko sa house. Hindi na tuloy 'yong date namin noong nakaraan dahil inutusan ako ni Mommy."
"Ngayon ba 'yon? Damn, man. Hindi ko talaga alam. Wala kasi s'yang makakasama sa bahay. Alam mo namang wala rin ang mga kasambahay dahil holiday nila."
Wala ngang kasama si Batsy. Damn!
"A-ko na ang bahala." Bagsak ang balikat na ani ko na wala na rin namang choice. Kakausapin ko na lang si Batsy mamaya para hindi maging pasaway kapag sinama ko si Kelly sa mansion. Ipinagpatuloy ko ang pagliligpit ng gamit ko.
Saka kami sabay na lumabas ng office ko. Minamasahe ko na ang sintido ko dahil parang biglang sumakit ang ulo ko.
Idadaan ko na lang talaga sa pakiusapan ang babaeng 'yon.
Naghiwalay na rin kami ng sasakyan ni Cayde nang marating namin ang parking lot. Uuwi muna ako. 6 pm ko pa susunduin si Kelly para isama sa bahay.
Nang marating ko ang bahay ng parents ko, nasa tapat pa lang ako ng pinto papasok ay naririnig ko na ang malakas na tawa ni Mommy at ang matinis na tinig ni Batsy.
Sa totoo lang, si Batsy lang at ang kadaldalan nito ang nagpapatawa sa Mommy ko. After mamatay ang bunso kong kapatid na babae sa isang car accident. Labis na depression ang dinulot sa Mommy ko. Kaya naman nakatulong din si Batsy sa pag-heal ni Mom.
"Naku! 'Yang sa Abram, noong bata 'yan sabi n'ya ayaw raw n'yang magpatuli---"
"Mom, that's not true!" mabilis kong saway rito at tuluyan nang pumasok ng sala.
"Abram!" tuwang-tuwa na lumapit si Batsy at nilundag ako nang yakap. Mabuti na lang mabilis ang reflexes ko. Naipulupot ko kaagad ang braso para alalayan ito.
"Brat!"
"No, I'm not!"
"Mom, kausapin ko lang si Batsy." Paalam ko sa ina. Nanatili ko pa rin itong buhat na parang unggoy kung makakapit. Nakangising tumango ito. Saktong nag-flash ang camera ng phone nito.
"Mom!"
"Ang cute n'yo kayang dalawa. Picture perfect." Masayang ani nito. Wala na rin naman akong nagawa. Ayaw rin nitong bumaba kaya naman buhat-buhat ko ito patungo sa kwarto ko.
"Let's talk!" seryosong ani ko nang maiayos ko s'ya sa kama. Pumagitna naman ito at basta na lang humiga. Komportableng-komportable.
"Talk now, Abram!" ani nito na may ngisi sa labi.
"Kuya!" pagtatama nito.
"Abram, ang weird naman na tawagin kong Kuya ang future ko."
"Stop it, masyado ka pang bata para sabihin 'yang mga 'yan." Saway ko rito. Kailangan ng mahabang pasensya sa babaeng ito. Sa tigas ng ulo nito, kawawa ito kung lahat ng tao ay susuko na lang sa pag-aalaga rito. 16 pa lang ito. Kung walang katulong si Cayde na gumabay rito ay baka mapahamak ang batang ito.
Hindi close si Batsy sa parents nito. Hindi ko inalam ang reason dahil ayaw kong makialam sa family issues nila kahit pa kaibigan ko si Cayde.
"16 pa lang ako. Pero hindi na ako bata, kaya ko na ngang gumawa ng bata." Nanlaki ang matang napasapo ako sa noo gamit ang palad ko.
"Stop it!" ani ko rito saka ito malakas na tumawa.
"Joke lang, eh."
"Ano na namang sinabi mo sa Kuya mo para sakyan ang trip mo?" salubong ang kilay na tanong ko rito.
"Hoy, bakit judgemental kayo? Anong magagawa ko kung may out of the country trip si Kuya Cayde?"
"Out of the country? Ako talaga pinagloloko mo? Sabi n'ya out of town trip lang." Napangiwi ito.
"Out of town ba? Mali na naman s'ya ng script."
"Batsy!" frustrated na ani ko rito.
"Bakit ba hot na hot ka? Wala naman akong ginagawang masama."
"Alam mong dadalhin ko si Kelly ngayon. Please---"
"Girlfriend mo? Malaki na naman ba ang dede? Sabi ko naman sa 'yo, lalaki rin ito." Nakaingos na sabi ni Batsy sabay sapo sa dibdib nito. Mabilis akong nag-iwas nang tingin dahil sa ginawa nito. Sumusukong tinignan ko rin ito ulit.
"Batsy, please!" nakikiusap na ani ko rito. Tumayo ito sa gitna ng kama sabay namewang at mataray ang bukas ng mukha na tinignan ako.
"Kung hindi kita magiging jowa at asawa, pwes, walang liligaya." Mariing ani nito saka mabilis na lumapit at yumukod sabay lapat ng labi sa labi ko. Nanlaki ang mata sa labis na shock dahil sa ginawa nito. Narinig ko pa ang pagtakbo nito, at ang nakakalokong tawa ng malditang dalagita.
"S'YA ANG SISTER MO?" tanong ni Kelly sa akin. Paano ba naman kasi nakayakap kay Mommy si Batsy habang nakangising nakatingin sa amin. Sinundo ko si Kelly para nga isama ito sa family mansion.
"She's not my sister." Sagot ko rito.
"Cousin?" mabilis namang umiling si Batsy.
"Future n'ya." Nagsisimula na naman ito. Pati si Mommy ay napahagikgik. Mukha pang planong magkampihan ng mga ito.
"Stop it." Saway ko rito.
"Welcome, Kelly. Pasensya ka na rito kay Batsy. Mapagbiro talaga ito." Magiliw na ani ni Mommy pero nanatili pa rin na yakap ni Batsy. Nang tignan ko si Batsy bahagya itong ngumisi at kinindatan ako.
Oh God. Hindi na ako magugulat kung ang gabing ito ay maging disaster sa relasyon namin ni Kelly.
TAMA NGA AKO NANG HINALA. Malaki talaga ang dibdib ng babae. Bakit ang karamihan ng lalaki ngayon ay hilig ang mga ganoong dede? Tsk, ayaw ba nila sa dibdib na hindi nakakalunod?
Nagtungo kami sa dining room. Wala pa si Daddy ni Abram, baka mamaya pa iyon. Ready na ang table. Ipinaghila ni Abram ng upuan si Kelly. As usual, katabi ko si Mommy Rhea.
Nang tignan ko ang mga pagkaing nakahain, napangisi ako. Hindi naman 'yong mga favorite ni Kelly ang nakahain.
Paborito ko ang lahat ng ito.
"Sana'y magustuhan mo ang food." Nakangising ani ko kay Kelly. Parang mabait na dalagita na nakangiti kay Kelly ang peg ko ngayon.
"Of course, tiyak na masarap ang food na inihanda ni Tita." Ngumiti ito kay Mommy Rhea. Tsk, walang mararating ang 'tita' n'ya sa tawag kong mommy sa nanay ni Abram.
"Oh, hindi ako ang naghanda n'yan. Si chef ang inutusan kong magluto. Busy kasi kami ni Batsy kanina." Mabilis na ani ni Mommy Rhea. Tiyak na disappointed ngayon ang babaeng ito dahil hindi man lang nag-effort si Mommy Rhea sa pagdating n'ya.
"Mommy Rhea, dapat ipatikim mo sa kanya 'yong favorite food na palagi mong niluluto para sa akin. Sayang, sobrang sarap pa naman no'n." Bida-bidang ani ko rito.
"Maybe next time." Nakangiting sagot ni Mommy Rhea.
Nagsimula kaming kumain. Sinasadya kong kausapin si Mommy Rhea para hindi makasingit si Abram na mukhang planong ibida ang jowa nito.
"Batsy," tawag ni Abram sa akin. Ngumisi lang ako rito. Bumuntonghininga naman ang lalaki. Sa durasyon ng dinner halos kami lang ni Mommy Rhea ang nag-usap.
Advice #2 : Sabotage the meet with the parents. Huwag hayaang magbida-bida ang iba. Kailangan daigin mo si Jollibee.
Pagkatapos ng dinner ako pa ang nag-suggest na sa garden tumambay. Panay na ang buntonghininga ni Abram. Nang walang makuhang opportunity ang dalawa na makuha ang atensyon ni Mommy Rhea, naglingkisan na lang ang dalawa sa kabilang bench. Nakayakap sa bewang ni Abram si Kelly habang sweet na nagkwekwentuhan ang dalawa.
Sa huli ng plano ko, na ingit lang ako. Shuta sila.
Tinapik ni Mommy Rhea ang kamay ko.
"Cheer up, baby girl. Ikaw naman ang bet ko." Bulong nito na ikinabungisngis ko na.
"D'yan pa lang, panalo na po ako." Sagot ko rito na ikinatawa naming dalawa.
Napalingon pa nga si Abram at Kelly nang bigla kaming tumawa ni Mommy Rhea.
Nang magsabi si Mommy Rhea na magpapahinga na ito, gusto pa sana ni Abram na magprotesta pero dahil plano kong daigin si Jollibee at gustong-gusto kong magbida-bida ngayon ay inunahan ko na si Abram na magsalita.
"Hatid na po kita, Mommy Rhea, sa room mo po. Darating na po ba si Daddy Oscar?"
"Mamaya pa 'yon. Mauuna na akong umakyat."
"Samahan na po kita." Alok ko rito. Tumango naman ang ginang.
"Good night po." Mahinhing ani ni Kelly.
"Good night, hija. Hihintayin n'yo ba ang Daddy mo?" baling nito kay Abram.
"Yes, Mom."
"Okay, good night. Tara na, Batsy?" sunod-sunod akong tumango rito.
Umalis kami nito. Plano ko pa rin namang bumaba. Hindi pwedeng magsolo ang dalawa. Hindi pa tapos ang 'meet with the parents nito' hihintayin pa nila si Daddy Oscar.
"Alam ko ang iniisip mo. Sige na, bumaba ka na." Aliw na ani ni Mommy Rhea nang marating namin ang kwarto nito.
"The best ka talaga, Mommy Rhea." Kinikilig na ani ko na mabilis yumakap dito saka mabilis ding nagpaalam para balikan sina Abram. Pero nasa sala na ang dalawa---naghahalikan.
Dahan-dahang umatras ako saka nagpanggap na tumatakbo pababa ng hagdan. Sinadyang iparinig ang maingay na yabag para magambala sila.
"I'm here ulit!" maligalig na ani ko sa mga ito. Ngising-ngisi lalo na kay Kelly na hindi na naitago ang disappointment sa mukha nito.
"Hindi ka pa ba matutulog?" salubong ang kilay na ani ni Abram sa akin. Ngunit ngumisi ako rito.
"'Di ba sabi mo manonood pa tayo ng movie."
"Manonood kayo?" disappointed na ani ni Kelly sa lalaki.
"Babe…" hindi maapuhap ni Abram ang tamang salita na dapat sabihin sa babae. Naupo ako sa single couch kaharap ang mg ito.
"Hihintayin ko rin si Daddy Oscar, hindi pa n'ya alam na nandito ako. Maggo-good night ako sa kanya." Saka iniangat ang paa at ipinatong sa couch at namaluktot.
Dahil sa presensya ko, halos magbulungan na lang ang mga ito.
Mukhang nasasagad ko na ang pasensya ni Abram na pasimpleng tumitingin sa akin nang matalim.
Pero pasensya s'ya. Kung hindi s'ya magiging akin, pwes, wala talagang liligaya.
"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ni Abram sa akin.
"Hindi pa."
"Babe, sa tingin ko ihatid mo na lang ako. Baka gabihin pa kasi ang Daddy mo." Walang siglang ani ni Kelly sa jowa nito. Sinulyapan ko si Abram na sa akin pala nakatingin.
"Hahatid mo s'ya? Sama ako?" ngiting-ngiti na ani ko rito.
"Batsy, kailangan mo nang magpahinga. Anong oras na rin, oh!" ani ni Abram sa akin.
"Ayaw mo akong isama? O-kay." Sagot ko rito na bahagyang ngumisi. Saka kunwari'y abala ako sa cellphone ko. Saktong nag-ring 'yon. Nagbago ang expression ng mukha ko nang makita ko ang pangalan na tumatawag.
"M-om?" bahagya pang nanginig ang tinig na ani ko sa aking ina. Hindi ko na pinansin ang pagtayo ni Kelly. Ang atensyon ko ngayon ay na kay Mommy na.