"Pasok ka muna, babe." Naglalambing na ani ni Kelly. Pero kanina ko pa gustong bumalik sa mansion nila Mommy. Nag-aalala ako kay Batsy sa reaction nito nang tumawag ang ina nito.
"Kailangan kong umuwi ngayon." Seryosong ani ko rito.
"Why? Nagpahinga naman na ang Mommy mo. Tapos wala pa ang Daddy mo." Reklamo nito na napasimangot na. Alam ko namang kanina pa ito nagtitimpi. Ang kulit din naman kasi no'ng bubwit sa bahay. Alam talaga nito kung paano patirin ang pasensya ng mga taong ayaw nito.
"Next time na lang babawi ako sa 'yo."
"Seryoso ka? Expected ko ngang babawi ka ngayon. After mo akong paasahin sa date natin, nagpa-salon pa ako. Namili pa ng damit para lang magandang-maganda ako sa paningin mo. Pero anong nangyari? Kinansel mo. Tama ba 'yon? Tapos nangako ka sa akin na babawi ka. Akala ko ito na 'yon, kasi ipakikilala mo na ako sa parents mo, pero anong nangyari? Para akong hindi nag-exist sa dinner na 'yon." Halata namang naghihinanakit na ito. Pero mas nag-aalala ako ngayon kay Batsy.
"Kelly, please! Not now!" ani ko rito. Si Batsy ang inaalala ko. Si Batsy ang mahalaga sa mga oras na ito.
"Not now? So, kailan? Kapag ba napagod na ako? Pwede naman na nating tapusin ito, eh!" naluluhang ani nito.
"Are you freaking serious?" inis na ani ko sa babae.
"Kasi naman nakakainis ka na!" ani nito na napahikbi na dahil sa frustration.
Bumuntonghininga ako saka kinabig ito at niyakap.
"Fine, dito muna ako." Napipilitang ani ko rito na sumusukong bumuntonghininga.
Saka naman ito malawak na ngumiti at pinahid ang luha. Kinabig ako at nilapat ang labi sa mga labi ko. Pero para akong napapasong lumayo at umiwas. That brat, labi nito ang pumasok sa isip ko. Pakiramdam ko kasalanan iyon kay Kelly.
"What's wrong?" takang tanong nito. Kapag ito ang gumagawa ng move, mabilis kong sinusunggaban. Pero ngayon, ewan ko.
"Ayaw mo ba?" tanong nito sa akin.
"I'm so wet na down there. Ayaw mong i-touch?" tanong pa nito saka ikinuskos ang gitna sa hita ko. Napapasong lumayo ako rito.
"Sorry, Kelly. Mag-usap na lang pala tayo ulit. Tatawagan kita. Uuwi muna ako." Nagmamadaling ani ko rito. Hindi ko na nilingon ang babae na tinatawag ang pangalan ko.
Uuwi ako para i-check si Batsy.
Mabilis akong umalis ng condo ni Kelly.
Pagdating ko sa entrance ng subdivision malutong akong napamura nang makita kong naglalakad palabas si Batsy na bitbit ang back pack nito. Nang makitang nagpapahid ito nang luha ay sumikip ang dibdib ko, kaya naman mabilis kong iniharang ang sasakyan sa daraanan nito na waring nagulat pa dahil sa pagsulpot ko. Saka ako mabilis na bumaba ng sasakyan.
"Batsy!" ani ko rito. Natigilan si Batsy at mabilis na nagpunas ng luha nito saka malawak ang ngiti na kumaway sa akin."Saan ka pupunta?" salubong ang kilay na ani ko rito saka hinawakan ito sa pulsuhan nito at iginiya patungo sa passenger seat. Pinasakay ko ito at sinuutan ng seatbelt, saka ko isinara ang pinto at umikot para sumakay sa driver seat.
"Hatid mo na lang ako sa bahay."
"What happened?" tanong ko rito. Ngunit tumawa ito sa hindi ko malamang dahilan.
"Or, magta-taxi na lang ako."
"No, sa bahay tayo." Seryosong ani ko sa dalagita.
Hindi naman ito kumibo. Nag-iinit ang ulo ko sa mga guards namin sa bahay. Gabi na, bakit pinalabas pa nila si Batsy. Paano kung may nangyaring masama sa batang ito?
Pagdating sa family mansion mabilis akong bumaba at pinagbuksan ito ng pinto.
"Baba!" utos ko rito saka kinalas ang seatbelt nito. Nang hindi ito kumilos ay walang sabi-sabing binuhat ko na lang ito.
Mabilis naman itong kumapit sa leeg ko at isinubsob ang mukha roon. Bumuntonghininga na lang ako.
Sa labis na attachment ni Mom kay Batsy, pinaayos nito ang isang silid para sa dalagita. Buhat ko itong dinala roon.
"What happened?" tanong ko rito. Walang kakilos-kilos ang babae nang mailapag ko ito sa kama. Ako na rin ang nagtanggal ng back pack nito.
"Ayaw mong magsalita? Fine, magpahinga ka na." Utos ko rito.
"Pwede bang bantayan mo muna ako hanggang sa makatulog ako." Pakiusap nito. She's not okay. Kaya naman tumango na lang ako rito.
"Matulog ka na." Ulit ko saka hinaplos ang buhok nito. Kaya naman kumilos na ito at umayos na ng higa. Saka tumalikod sa akin. Bumuntonghininga ako.
Kung ano man ang problema nito sana lang ay nandito ang Kuya nito para madamayan ito. Ako kasi, wala naman akong idea sa problema ni Batsy.
Humiga ako sa kabilang gilid. Nag-iwan ng distansya sa pagitan naming dalawa. Hindi na ito lumingon pa, mukhang itinulog na lang nito ang bumabagabag dito.
NAGISING AKO NA HIRAP SA PAGHINGA. Nang magmulat ako ng mata ay tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Abram. Napabungisngis ako dahil mahigpit akong yakap nito. Nasaan ba 'yong cellphone ko? Ngunit hindi ko nahagilap. Nasa bag ko yata. Kaya naman pasimpleng kinuha ko ang cellphone ni Abram na nasa bedside table. Walang password ang loko, kaya naman madali ko lang iyong nabuksan.
Pagkatapos ay binuksan ang camera ng phone. Malawak ang ngisi na nag-picture ako. Tulog pa rin si Abram. Saka ko pinindot ang video. Natigilan ako nang maramdaman ko ang pagsinghot-singhot nito sa leeg ko. Nanigas ang katawan nang maramdaman ko ang dila nito sa leeg ko at ang kasunod ay ang marahang pagsipsip doon.
"s**t!" hiyaw ng isip ko. Na-save ko pa naman ang video bago ko na bitawan ang phone ni Abram.
Nang tignan ko ito ay tulog pa rin pala ito. Kinikilabutang itinulak ko ito saka dali-daling nagtungo sa banyo. Nang tignan ko ang itsura ko sa salamin ay nanlalaki nga ang mata ko.
Humakbang ako palapit sa salamin at napatitig sa leeg na ngayon ay may iniwang marka ang kapangahasan nang natutulog na lalaki.
Shit! Makakatay ako ni Kuya kapag nakita nito iyon. Mabilis akong naghilamos at nag-toothbrush. Kinuha ko rin sa silid ang back pack ko at mabilis na nagpalit. Sa bahay na lang ako maliligo. Tulog pa si Abram nang matapos akong magpalit at lumabas ng silid. But of course, ipinasa ko muna ang video at picture sa phone ko. Saka binura ang original copy na nasa phone nito saka ako umalis.
Si Mommy Rhea ang nag-offer na maghatid. Tiyak na nasa bahay si Kuya kaya naman pasimpleng tinakpan ang leeg ko ng buhok.
Pagpasok ko ay tamang-tama namang pababa ng hagdan si Kuya.
"Kumusta? Success ba ang pananabotahe mo?" nakaangat ang kilay na ani nito. Ngumisi ako rito saka nilagpasan ito.
"W---ait, anong klaseng reaction 'yan? Anong nangyari sa malditang kapatid ko?" nakaangat ang kilay ni Kuya sa akin.
"Tumawag si Mommy." Nakangising ani ko rito. Lumarawan ang pag-aalala sa mukha nito akmang magsasalita pa ito nang tumalikod na ako at nag-angat na lang ng kamay.
"Usap na lang tayo later, Kuya Cayde." Putol ko sa ano pa mang sasabihin nito, saka dali-daling pumanhik ng hagdan. Magre-recharge lang ako ulit. Tapos babalik na sa jolly na Batsy na kinasanayan ng lahat.
NANG MAKAAKYAT SI BATSY mabilis kong inilabas ang phone at sinubukang tawagan si Mommy.
"Hi, my favorite son!"
"Mom, ako lang ang son mo." Saway ko rito."Anong sinabi n'yo kay Batsy?" seryosong tanong ko rito.
"What? Wala, ah!" tangi nito na ikinabuntonghininga ko.
"Mom, nag-usap na tayo, 'di ba?" mahinahong ani ko rito.
"Tsk, pinagsabihan ko lang naman. Alam mo naman 'yang kapatid mo. Ginagawang big deal ang lahat nang sabihin ko."
"Mom, big deal iyon dahil ikaw ang nagsabi. Mahalaga kay Batsy ang ano mang sasabihin mo."
"Tsk, nagrerebelde lang talaga ang batang 'yan. 'Wag mo na lang problemahin. Bye!" mariing kumuyom ang kamao ko nang maputol ang tawag.
Masyadong mali ang trato ni Mommy sa bunso kong kapatid. Nagpasya akong huwag nang tumuloy sa lakad at samahan na lang ito.
"Manang, pahanda naman ng breakfast na favorite ni Batsy. Sa kwarto kami kakain."
"Okay po, Sir!" ani ng kasambahay at dali-daling kumilos para maghanda.
Nang matapos itong magluto ng sinangag, tuyo with kamatis, tocino at hotdog ay pinagtulungan naming dalhin iyon sa kwarto nito. May fresh juice and fruits din iyon na s'yang bitbit ko.
"Batsy, open the door. Kain tayo. Nangangawit na ako." Malakas na tawag ko rito. Sabay katok at mabilis ding hinawakan ang tray.
Bumukas naman ang pinto. Nakapagpalit na ito ng pambahay. Nakasimangot pa ngang tumingin sa akin.
Hinawi ko ito at pumasok na. Sa balcony agad ang deretso dahil iyon ang favorite spot ni Batsy kapag nandito sa kwarto. Inilapag ko sa table na naroon ang tray. Ganoon din ang dala ni Manang.
Saka inutusang lumabas na ang matanda.
"Mukhang masarap." Excited na ani nito. Mukhang balik sa dating sarili.
"So, kumusta ang sabotage plan mo?" nakangising ani ko rito. Dinampot nito ang tuyo at ipinakita sa akin.
"Sing-alat ng tuyo ang sintang pururot ni Abram." Proud na ani nito na napatawa pa dahil na rin sa kalokohan.
"Crazy," sabi ko na nagsimula na ring galawin ang pagkain.
"Pero kapag napagod ka nang mang-trip sa isang iyon tigil na ha. Baka sumobra at hindi na healthy."
"Tsk, itaga mo sa bato, kuya, magiging asawa ko 'yang kaibigan mo na 'yan."
"Bata ka pa!"
"Bata pa nga ako pero tignan mo naman kung gaano kataas ang pangarap ko, 'di ba?" natawa ako sa sinabi nito.
"Masyadong mataas---at matanda 'yong taong gusto mong abutin."
"Not really, ilang taon lang ang agwat namin. Saka wala namang masama kung maging sugar daddy ko s'ya."
"Pasaway ka talaga." Nailing na ani ko na aliw na rin sa naging takbo nang usapan.
"Sabi ni Mommy dapat daw tumulad ako sa 'yo." Natigilan at napatingin ako sa kapatid kong panay ang nguya.
"W-hat?"
"Kuya, turuan mo nga akong mambabae."
"Are you freaking crazy?"
"Doon ka lang naman magaling, eh. Tularan daw kita, weird." Napasimangot ako na nagpatuloy sa pagkain.
"Sabi n'ya kailangan ko na raw mag-decide sa plano ko sa buhay. Pinagalitan n'ya ako, kasi ang plano ko ay maging simpleng housewife ni Abram."
Napabuntonghininga ako na inangatan ito ng kilay.
"Lalo mo pa lang pinainit ang ulo."
"Masyado kasing istrikto. Anong gusto n'yang mangyari mas maging perfect ako? Kuya, anong magagawa ko kung 99% lang ang pagiging perpekto ko. Nagkulang lang ng 1% pero I can assure you, ako na ang the best." Natawa ako sa sinabi nito.
"Ano bang plano mo kasi? Papasok ka ba sa business? Magte-teacher? Magdo-doctor?"
"Magiging house wife, kuya!" napipikong pinitik ko ang noo nito. Agad iyong namula dahil maputi ang kapatid ko.
"Tigil-tigilan mo ako sa ganyang sagot, 16 ka lang, ineng!"
"16 pa nga lang ako, pero buo na ang pangarap ko. Nabuo na ni Mommy Rhea at Daddy Oscar." Buo nga ang loob nito, ako naman ngayon ang natawa sa hirit nito. Ibang klase talaga ang batang ito.
"Gusto mo bang gumala? Puntahan natin si Bible?"
"Gusto kong pumunta sa mall. Wala ka bang work? Walang babaeng paiiyakin?"
"Wala, Batsy. Matino ang kuya mo." Mayabang na ani ko rito.
"Saan banda?" sinimangutan ko ito. Ang galing lang talaga nitong mambara.
"Dapat igalang mo ako. Kuya mo ako. Lahat nang sinasabi ko ay paniwalaan mo. Sang-ayunan mo."
"Ano ka gold para igalang?" sarcastic na ani nito sa akin.
"At least may gold bar ako. Kaya igalang mo pa rin ako."
"Tsk, ayaw ko n'yan. May gold bar din naman si Abram."
Saka ito nagpatuloy sa pagkain. Hirap makipagtalo sa taong ito. Ang daming sagot. Ang daming banat.
"Gusto mo bang bago matapos ang vacation puntahan natin sina Mommy?" tanong ko rito. Masyado kasing malayo ang loob ni Batsy sa Mommy namin. Simula nang mag-focus si Mommy sa trabaho, at mas piniling samahan si Daddy sa Amerika para asikasuhin ang ilang business doon. Ayaw nitong manatili rito sa Pilipinas after nitong makunan sa ikatlong anak sana nito.
"Ayaw ko." Tipid na sagot nito na nawalan nang sigla ang tinig.
"Tsk, paano magiging okay ang relasyon ninyo ni Mom kung ikaw mismo ayaw mong ilapit ang sarili mo sa kanya."
"Paano ko ilalapit 'yong sarili ko? Alam ko namang ako ang sinisisi n'ya sa pagkakakunan n'ya noon."
"That's not true!" tangi ko.
"Alam natin ang totoo, Kuya." Bumuntonghininga ako. Malabong maging okay talaga ang dalawa kung parehong mataas ang mga pride. Nahihirapan din kami ni Dad na pag-ayusin ang relasyon ng dalawa. Kaya nga naiwan si Batsy sa akin at hindi sumama sa magulang namin sa abroad.
Saka palaging magkasalungat ang mga ito. Hindi magkasundo sa lahat ng bagay.
"Iniisip mo pa rin na sinisisi ka n'ya sa pagkakakunan n'ya?" tanong ko rito.
"Kung hindi n'ya ako sinisisi, hindi dapat ganoon ang approach n'ya sa akin noong mga nagdaang taon. Para akong hangin, para akong hindi anak. Kung hindi ko lang s'ya kamukha, baka isipin kong hindi n'ya ako anak, eh." Himutok nito sa akin.
Masyadong malalim din ang hugot nito. Alam ko naman kung bakit. Dahil nakita ko rin naman ang pagbabago ng treatment ni Mommy sa akin at kay Batsy.
"Saka 16 na ako, kuya, kaya ko na ang sarili ko. Iiyak, oo, pero mabilis ko ring mapapalayas ang negative emotions. Saka mas mahalaga na buligligin ko ang future ko. Ang daming mga langaw ang umaaligid." Balik ang sigla sa tinig nito na huminto na sa pagkain sabay dampot sa cellphone nito.