2

1713 Words
Chapter Two Nagising ako na wala nang katabi. Masakit ang katawan dahil sa matigas na higaan na first time ko lang nasubukan. Dahan-dahan pa akong kumilos dahil ina-adjust ko pa ang sarili ko sa ngawit na ramdam na ramdam ko. Gumagala ang tingin. Walang kahit na anong gamit. Ayos lang iyon. Dito kami sa bahay na ito magsisimula ni Evan. Pupunuin namin ito ng mga gamit at magagandang alaala. "Good morning, misis." Biglang litaw ni Evan sa pinto. Naka-topless lang ito at pawisan. "Good morning, mister. Parang ang aga mong gumising." Tuluyan na akong tumayo pero no'ng nag-unat ay bahagya pang napangiwi dahil sa sakit ng katawan. Alam kong napansin iyon ni Evan pero hindi ito nagkumento. Lumapit lang ito at pumwesto sa likuran ko. Ang dalawang kamay niya ay ipinatong niya sa balikat ko at minasahe niya ako. Napapikit naman ako at ninamnam ang sarap ng masahe nito. "Kanina pa ako gising, Kady. Naglinis ako ng bakuran. Hinihintay ko lang din si Manang Mariana. Kapitbahay natin iyon. Inutusan kong mamalengke." "Buti pumayag?" takang ani ko. "Binayaran ko ang serbisyo niya, misis. Inilista ko na lang muna ang mga kailangan tapos siya na ang nagtungo sa palengke." "That's nice." Yumakap ito sa akin. Ang mukha ay isinubsob sa leeg ko. Ang dalawang palad ay sumapo sa dibdib ko. "Mister," pabirong saway ko rito. "Misis, ang tagal kong nagtimpi. Kaunting sandali na lang ay matitikman na kita." Malakas ang naging pagtawa ko sa tinuran ni Evan. Magkasintahan pa lang kami ay alam ko na ang ginagawa nitong pagpipigil sa sarili. Gusto niya kasi'y dapat kasal muna kami bago kami mag-s*x. Nakontento ito sa halik sa labi at yakap lang. "Pwede naman na." Nangingiting ani ko rito. "Nope. Hindi kita kukunin sa karton o banig lang. Bibili muna ako ng foam mattress natin para hindi naman sumakit ang katawan mo." Agad ko itong tinignan. Natatawa ako sa dahilan ng asawa ko. "Seryoso ka ba d'yan, mister?" aliw na tanong ko rito. Tumango naman ito sa akin. "Gagawin natin iyon kapag maayos na Ang bahay na ito. Gusto kong espesyal ang gabi nating dalawa." "Okay. Ikaw ang bahala. Basta ako ay okay na sa akin... asawa mo na ako. May karapatan ka na sa katawan ko." Napangiti ang lalaki saka kinabig ang batok ko at mariing hinalikan ang labi ko. "Mahal na mahal kita, Kady. Ikaw lang ang babaeng inibig ko ng ganito. Tiyak na kapag dinala kita at ipakilala sa pamilya ko ay magagalak ang mga iyon." "Malapit lang ba sila rito?" "Ilang kanto mula rito, misis. Hindi tayo dumeretso roon dahil gusto kong nakabukod agad tayo. Wala mang gamit ay ikaw ang Reyna at ako ang hari ng bahay na ito. Walang magulang o pamilya na magmamando sa atin at sa relasyon natin." Gets ko naman ang pinupunto nito. Lalo't naranasan nito kung gaano ka-controlling ang family ko. Naputol ang lambingan namin nang nakarinig kami ng tricycle na huminto. "Dito ka lang, misis. Mainit na sa labas. Kukunin ko lang iyong mga pinamili ni Manang Mariana. Agad din akong sumilip sa bintana para panoorin ito. May matandang babae akong nakita na kausap ni Evan. Nang lumingon ito sa bahay ay nakita ako nito kaya kumaway ako. Kumaway rin naman ito sa akin. Parang punong-puno ang tricycle ng mga pinamili nila at si Evan lang ang bumuhat ng mga iyon. Nakailang balik ito hanggang sa natapos siya. Sa kusina ay nagsimula akong nagkalkal ng mga laman ng plastic. "Misis, pupunta rin tayo mamaya sa bayan para makabili ng appliances. Kailangan natin ng ref at electric fan. Wala pa tayong gas stove kaya dapat makabili rin tayo later." "Kaya ba ng savings mo?" worried na ani ko. Ngumisi ito sa akin. "Sinabi ko naman sa 'yo no'ng niyaya kitang magpakasal na handang-handa ang savings ko. Hindi sobrang laki kagaya ng sa 'yo pero kayang bumuo at bumuhay ng pamilya." Lumapit ako rito't yumakap. Ewan ko sa magulang ko kung bakit hindi nila makita ang ganitong katangian ng asawa ko. Masinop naman sa pera si Evan. Hindi siya mayaman pero may plano sa buhay. Ibang plano kasi ang hinahanap nila mama. Pagtatayo ata ng negosyo ang hanap nila sa isang lalaki na nais nila para sa akin. "Basta kung kailangan na natin iyong savings ko ay magsabi ka lang sa akin. Gagamitin din natin iyon. Naipon ko iyon sa pagtratrabaho ko sa company at malaki na rin iyon." "Misis, hindi natin gagalawin iyon. Kapag maayos na natin ang lahat dito ay mag-a-apply rin agad ako ng trabaho para hindi lang puro labas ang pera sa bangko natin. Kailangan may papasok din." "Mag-a-apply rin ako." "No! No! Hindi pa ba natin napag-usapan iyan? Hindi ka mag-a-apply, dito ka lang sa bahay." Natigilan ako't napatitig dito. "Kady, hindi mo kailangan magtrabaho. I got you, misis. Dito ka lang sa bahay... mag-aalaga ng future kids natin." "Pag-usapan natin iyan sa susunod." Nauunawaan ko naman ito. May provider mindset ang asawa ko. Mukhang nais niyang siya ang mag-provide sa magiging pamilya namin. Hindi madaling magsimula, pero kaya namin ito. Pinuno namin ang bahay ng mga kailangan naming mag-asawa. Halos araw-araw ay nasa bayan kami para lang bilhin ang mga kailangan namin. Isang linggo sa bago naming tahanan, parehong nakahiga sa manipis na foam. Pagod dahil sa maghapong lakad namin. Pero kapwa nakangiti dahil sa kagalakan. "Kompleto na ang kailangan natin dito, misis. Bukas ay pwede na tayong bumisita sa pamilya ko." Umunan ako sa braso nito at yumakap sa kanya. "Matatanggap kaya nila ako?" "Oo naman. Mabait ang pamilya ko, Kady. Marunong rumespeto ng relasyon ang mga iyon." At ang pamilya ko ay hindi. Iyon ang katotohanan na nagpapalungkot sa akin. Hindi nila makita iyong katangian ng asawa ko na minahal ko. "Dapat magdala tayo ng gifts sa kanila, Evan. Ano ba ang mga gusto nila?" "Misis, mauunawaan nila na wala tayong maidadala sa pagpunta natin doon. Alam nilang nagsisimula palang tayo." "Okay lang iyon?" curious na tanong ko. Agad naman itong tumango. "Sige, saka na lang tayo magbigay kapag nakaluwag-luwag na tayo." Mas sumiksik ako sa asawa kahit pa pareho kaming pawisan dahil sa mainit na panahon. Hindi sapat ang electric fan na gamit namin. "Pawis na pawis ka, Kady. Sa susunod ay magpapakabit tayo ng aircon dito." "Okay lang iyon, Evan. Masasanay rin ako." "Nope, hindi sa lahat ay kailangan mong masanay. Bukas ay kukunin ko kay nanay iyong contact na sinasabi niya sa akin. Mag-a-apply agad ako para maibigay ko ang mga pangangailangan mo." "Anong work?" "Bodyguard daw, misis. Naghahanap kasi iyong head ng security ng gobernador ng San Rafael. Iyong contact na sinasabi ni nanay ay malakas ang kapit." "Okay sa 'yo ang work na iyon?" sanay sa trabahong opisina si Evan. Ibang-iba sa tinutukoy nitong trabaho. "Misis, nakalimutan mo bang pumasok ako sa milatary?" umangat ang kilay nito sa akin. Napabungisngis ako dahil Tama ito. "Evan, sorry. Nakalimutan ko nga." Kiniliti tuloy ako at halos mamatay na katatawa. "Kaya ko iyong trabahong iyon, misis. No'ng nag-resign ako ay naging bodyguard din ako ng isang sikat na basketball player. Kayang-kaya ko rin iyong trabaho kay Governor Nicholai Rosales." "Ikaw ang bahala." Tugon ko rito. "Basta kapag nakapasok ko na roon ay mag-iingat ka." "Siyempre naman. Kawawa naman ang misis ko kung mabiyuda agad." Napalo ko tuloy ang tiyan nito. "Iiyak talaga ako." Nakangusong ani ko rito. Tumawa naman ito nang nakita niya ang reaction ng mukha ko. "Mag-iingat ako palagi. Huwag kang mag-alala." Ang kamay nitong humaplos sa pisngi ko ay bumagsak patungo sa dibdib ko at bigla niyang nilamas iyon. "A-ray!" reklamo ko rito. "Oh, sorry. Kagigil." Bulong nito. "Gustong-gusto ko na, misis. Pero masyado pang manipis ang higaan natin." "Okay lang sa akin iyon, Evan." Nakipagtitigan ako rito. "Huwag mong pigilan ang sarili mo dahil lang manipis pa ang sapin ng higaan natin. Pinahihirapan mo ang sarili mo, mister." "No. No. May paninindigan ako, Kady. Ipinangako ko na aangkinin kita sa malambot at kumportableng kama. Alam kong virgin ka pa..." sinalat nito ang p********e ko na ikinagulat ko. Pero hindi ko iyon tinabig. "Kukunin ko ito... pero titiyakin kong espesyal ang unang gabi mo." Napakagatlabi ako nang lumusot ang daliri nito sa gilid ng short ko hanggang sa nakarating sa panty ko. Marahan niyang ginalaw ang daliri niya roon. Bahagya akong napasinghap. Ito ang unang beses na medyo bold ang action ng lalaki. "Namamasa ka, misis." Bulong nito sa akin. Para akong nahiya. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nito na ikinatawa niya. "Nahihiya ako, Evan." Bulong ko rito. "Pero nasasarapan ka ba?" tanong nito sa akin. "Y-es." Honest na tugon ko rito. No'ng magkasintahan pa lang kami ni Evan ay yakap at halik lang talaga ang ibinibigay nito sa akin. Ngayon pa lang... as in ngayon pa lang ito nangahas na ipasok sa short ko ang daliri niya... hinawi nito ang panty ko. Nang dumikit sa basang p********e ko ang daliri nito ay impit akong napadaing. "B-asa, Kady." Bulong nito saka bahagyang kinagat ang dila ko. Huminga ako nang malalim. Nasasarapan sa ginagawa ng asawa na ngayon ay nahanap na ng daliri ang clit ko. Marahanang idinikit niya iyon doon sunod ay kinalabit. "E-van..." halinghing ko. "Tao po! Tao po!" para kaming natauhan ng asawa. Agad nitong inalis sa p********e ko ang daliri niya. "Evan! Evan!" dinig naming ani ni Manang Mariana. Agad humila ng wipes si Evan at mabilis na pinunasan niya ang daliri. Iniwan ako nito para silipin si Manang Mariana. "Manang Mariana, bakit po?" takang tanong ni Evan sa matanda. "Galing ako kina nanay mo. Tumuloy raw kayo roon bukas dahil naghihintay sila sa inyo." "Iyon lang po ba? Pupunta po talaga kami roon." Nang sulyapan ako ni Evan na nasa tapat ng bintana ay kumindat pa ang lalaki. "Mabuti naman. Hijo, pakitulungan mo nga ako saglit sa gripo ko." May pag-aalinlangan si Evan na agad gumuhit sa mukha. Pero sinenyasan ko siya na tumulong. Mabait naman ang ginang sa amin. Kaya walang nagawa si Evan, narinig ko pa ang saglit na pagbukas ng gripo. Mukhang naghugas ng kamay ang lalaki... at ako? Bumangon na at nanguha nang pamalit na panty sa drawer. Malabong matuloy iyong ginagawa ng asawa ko sa akin kanina. Kaya naman nilinis ko na ang sarili ko. Pero habang ginagawa ko iyon ay napapangiti pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD