3

1586 Words
Chapter Three "Magandang umaga po. Ako po si Kadynce." Pakilala ko sa Nanay Eleya ni Evan. "Aba'y ang ganda naman nitong asawa mo, Evan. Sure ka bang pinakasalan ka nito?" nasa tinig nito ang panunudyo. Nagmano ako rito, pero pagkatapos no'n ay ito pa ang yumakap sa akin. "Nanay, oo naman po. Ginawa ko ng Kadynce Dixon para hindi na ako iwan." Saka ako inakbayan ng asawa ko na nasa mukha ang pagka-proud na asawa niya ako. "Aba'y alagaan mo, Evan, para hindi matauhan." Nagtawanan ang ibang kaanak ni Evan na naroon. Nakita na lang din ako. Mukhang may masayahing pamilya si Evan. Sa mga gathering sa family namin ay hindi ganito ang mood ng lugar. Madalas kasi'y seryoso ang pamilya ko. Parang kasalanan nga ang tumawa sa event na inilulunsad nila. "Tumuloy na muna kayo. Marami kaming pagkain na inihanda para sa inyo. Tuloy. Tuloy." Ang init nang pagtanggap nila sa akin... sa aming mag-asawa. Habang sa mga Ybañez ay masasakit na salita, panglalain, at pagkadisgusto ang natanggap naming mag-asawa. Hindi ko maiwasang ipagkumpara ang pagkakaiba ng dalawang pamilya. Pagpasok pa mismong bahay nila Evan ay may bumeso agad sa aking babae. "Ako si Erina. Baby sister po si Kuya Evan." Sa pagkakaalam ko ay 17 pa lang itong si Erina. She's pretty. Hawig siya sa kuya niya. "Hello, Erina. Ang ganda mo naman." "Mas maganda ka, ate. Iba talaga kapag mayaman. Parang gatas ang balat." "Erina," kuha ni Evan sa atensyon nito. Agad namang lumapit si Erina sa kuya niya at agad na yumakap. "Na-miss kita, Kuya Evan. Nasaan ang pasalubong ko? Lipstick or perfume?" "Wala kaming dala, Erina. Sa susunod ay pasasalubungan kita." Bahagya pa nitong pinisil ang baba ng kapatid na agad sumimangot. "Iyan na lang bracelet ni ate, Kuya." Gumawi sa bracelet na suot ko ang tingin namin ni Evan. Regalo sa akin iyon ni Evan. Silver bracelet na hindi kamahalan pero sobrang espesyal sa akin. "Erina!" saway ng Kuya Evan niya. "Next time na lang, Erina. I will buy you a make-up set." "Totoo? Promise mo iyan, ate?" tumango naman ako rito. Nailing na lang si Evan na agad na akong dinala sa kusina para ilayo sa kapatid niya. "Pasensya ka na kay Erina. Spoiled na spoiled kasi ang batang iyon." Napabuntonghininga pa ito. "Okay lang sa akin iyon. Naglalambing lang siguro." Naupo ako sa hinila niyang upuan at saka ito nagsimula sa pagkuha ng mga handang pagkain. Nang matapos siya ay inilapag niya iyon sa table saka naupo sa tapat ko. "Kain na tayo, misis. Tiyak mamaya ay dudumog pa ang ibang relatives dito." Kinuha ko ang tinidor at nagsimulang kumain. "Nasaan ang gwapo kong pamangkin? Evan! Evan!" nagkatinginan kami ni Evan. "For sure iyong kapatid ni nanay iyan." Bulong ni Evan sa akin. "Aba'y totoo nga ang balita!" ani ng ginang nang bigla itong bumungad sa pintuan ng kusina. "Magandang araw po." Bati ko. "Mas maganda ka pa sa araw, ineng. Ikaw iyong asawa ni Evan?" She's so loud. Pero mukhang gano'n talaga ang speaking voice nito. Tumango naman ako. "Tita, si Kadynce nga pala. Asawa ko." Pakilala nito sa akin. "Kady, si Tita nga pala. Kapatid ni nanay." "Hello po." "Ang ganda mo naman, ineng. Anong sabon mo sa face at ganyan kakinis iyan?" "Tita, pwedeng kain muna kami ni misis?" alanganin ani ni Evan. "Sige na nga. Chika mo sa akin later ha?" "S-ige po." "Pero kung may stock ka hingi ako sa 'yo." "Tita." Tawag ni Evan dito. "Ito na aalis na. Ang sungit mo naman." Saka lang natahimik ang kusina nang lumabas ang ginang. Nang tignan ko si Evan ay ngumiti ako rito. "Uncomfortable na ba? Pwede na tayong umuwi if you want---" "Ha? No, Evan. Okay lang ako. Let's stay here. Kakausapin mo pa ang nanay mo about doon sa contact na sinasabi niya, right?" tumango naman agad ito. "Okay. Kapag nakuha ko na ay uuwi na tayo." "Ikaw... ikaw ang bahala, mister." Nagpatuloy kami sa pagkain. Maingay pa rin sa sala at sa balcony nila dahil sa mga kamag-anak nila Evan. Nang lumabas kami para kausapin ang magulang nito ay agad naming nakita sa gate ang dalawa at nag-uusap. "Ayan na si Evan." Biglang ani ng matandang lalaki sa amin. "'Tay, 'Nay, kunin ko sana iyong sinasabi ninyong contact para makapag-apply na po ako ng trabaho." "Ito, 'nak." Agad na inilabas ng ginang ang wallet niya at kinuha roon ang papel na may nakasulat na contact number at email. "Tawagan mo itong number at dito mo sa email na ito i-send iyong mga requirements mo. Kapag nakapasa ka ay saka mo dalhin iyong mga requirements sa capitol." "Salamat dito, 'nay. Mag-a-apply po agad ako para hindi masyadong matagal na bakante at walang source of income." "Tiyak makakapasa ka d'yan. Ikaw ba, Kady, mag-a-apply ka rin ba? Pwede kitang hanapan ng trabaho." Ngiting-ngiti na ani ng ginang sa akin. "Pwede---" "Hindi po, 'nay. Sa bahay lang po si Kady. Sa aming dalawa ay ako po ang magtratrabaho at bubuhay sa aming dalawa." Marahan kong hinaplos ang braso ng asawa ko. Grateful talaga ako sa asawa ko. Kahit kaya ko namang magtrabaho ay ayaw niya dahil sa provider mindset niya. "Parehong-pareho kayo nitong tatay mo." Komento ng ginang. "Kanino pa ba magmamana?" proud na ani ni Tatay Edner. Napapangiti na lang ako. Sobrang sweet ng mga ito sa isa't isa. Iyong parents ko parang hindi ko pa nakitang sweet sa isa't isa. Palagi kasing pormal kahit pa anak ang kaharap. Saktong may dumaang bus kaya natahimik kami. "Iyan! Iyan iyong magiging amo ni Evan kapag nakapasok siya kay gov." Turo ng ginang sa mukha ng lalaki sa gilid ng bus. Iyan ang gobernador ng San Rafael? Mukhang kaedad lang ni Evan. "Makakapasok ako d'yan kay Governor Rosales, 'nay." Buo ang loob ng asawa ko. "Galingan mo, 'nak." Tumango-tango si Evan. Nang nakalagpas na ang bus ay bumalik na sila sa pagkwekwentuhan. "May backer ka naman. Si Ma'am Gemma, iyong asawa ni governor." "Si Gemma po?" takang ani ni Evan. "Oo. Natatandaan mo pa ba siya? Classmates kayo no'ng High school. Asawa siya ni governor. Tiyak na tutulungan ka niya." Napatingin si Evan sa akin. Ngumiti ako rito. "May backer o wala ay tiyak kong matatanggap ka sa trabaho." Napabuntonghininga naman ito at tumango. "Alis na kami, 'nay. Asikasuhin ko na rin agad ang pag-a-apply." Paalam ni Evan. "Ang bilis naman ninyo. Mag-uwi kayo ng pagkain. Ipagbabalot ko kayo." "Hindi na, 'nay. Busog na rin naman kami ni misis. Saka maglalakad-lakad din kami para makapasyal si Kady rito." Good idea iyon. Kanina kasi ay sumakay kami sa tricycle. Gusto kong maglakad-lakad muna. "Sige pala. Ingat kayo. Balitaan n'yo ako kung kumusta ang pag-a-apply ha." "Opo, 'nay." Bumeso pa kami sa magulang nito bago kami lumabas ng gate. Hawak-hawak ng asawa ko ang kamay ko habang naglalakad kami. Hindi mainit, sa totoo lang ay may kalamigan pa nga ang hangin dito. May mga tarpaulin na masyadong pansinin dahil sa laki. Si Governor Nicholai Sixto Rosales ang naroon. Gwapo ang gobernador. Papasang model o kaya ay artista. Malakas ang dating nito. Pero siyempre mas gwapo pa rin sa paningin ko ang asawa ko. "Kapag iyan ang naging boss ko ay tiyak na malaki ang sahod ko. Hindi lang basta politiko iyan, Kady. Businessman din. Sa pagkakaalam ko'y bilyonaryo at hindi madamot sa mga tauhan niya. Tiyak na makakaipon agad ako. Lahat ng mga kailangan mo... sa unang sahod ko ay bibilhin natin." "Evan, iyong kailangan mo ang dapat unahin natin dahil ikaw itong magwo-work." Aliw na ani ko rito. "Huwag mo akong alalahanin." "No. Ikaw dapat, misis." Pagdating kay Evan... ako palagi ang priority. Siya lang ang taong gumawa no'n. Iyong inilagay ako sa unahan ng priority list niya. Kaya mahal na mahal ko ito. Ipinararanas nito sa akin kung paano mahalin ng tama. Muli akong napatitig sa tarpaulin ni Governor Nicholai Rosales. "Sana'y maging mabait sa 'yo ang gobernador na iyan. Kapag nakapasok ka at nagtrabaho sa kanya... kapag pinahirapan ka ay isumbong mo sa akin agad. Aawayin ko iyan." Malakas ang naging tawa nito. "I'm serious!" reklamo ko rito. "Misis, hindi mo kailangan mang-away. Kayang-kaya kong protektahan ang sarili kahit pa sa gobernador ng bayan na ito. Saka mabait iyan." Kumpiyansang ani nito. "Okay. Sabi mo, eh." Saglit pa kaming huminto para pagmasdan ang larawan ng gobernador sa malaking tarpaulin. "Malaki na ang naitulong no governor sa San Rafael, misis. Kaya marami ang umiidolo sa kanya. Isa na ako roon." "Talaga?" tumango naman ito. "Pero mas pogi ako d'yan, Kadynce." "Oo naman. Mas pogi ang mister ko d'yan." Proud na sang-ayon ko. "Good. Good. At least malinaw." Tatawa-tawang ani ko saka niya ako inakbayan at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nakauwi kami ng bahay na hindi man lang ininda ang distansya na nilakad namin. Hindi rin naman kasi sobrang layo. Saka maganda ang lugar at hindi boring kakwentuhan ang asawa ko. Pagdating pa lang namin ay agad nang tinawagan ni Evan iyon number na ibinigay rito. Ako naman ay naghintay lang sa kanya sa sala ng bahay namin. Nang lapitan ako nito ay sobrang lawak ng ngiti nito. "Sure na ang trabaho ko, misis. Ipasa ko na raw iyong requirements ko sa email for formality tapos dalhin ko raw sa capitol iyong mga copy ng requirements ko bukas." Tuwang-tuwa na ani nito. Galak na tumayo ako at niyakap ang mister ko. "Congratulations, Evan! I'm so happy for you." Niyakap din niya ako. "Para sa atin ito, Kady." Usal nito saka niya ako hinalikan sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD