1
Kabit ako ng asawa ng kabit ng asawa ko.
Chapter One
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Natahimik ang lahat ng tao sa mansion kinaroroonan ko ngayon. Halos lahat yata ng mga kamag-anak namin ay narito. Lahat sila'y nahinto sa ginagawa at napatitig sa aming mag-ina.
Sinampal ako ni mama... sa harap ng lahat.
"Pinakasalan mo ang lalaking iyan?" galit na galit na turo nito sa lalaking nasa likuran ko't walang imik. "Pinakasalan mo ang lalaki na sinabi naman naming ayaw namin at hindi ka mabibigyan ng magandang buhay?"
"K-asal na po kami. Kanina lang. Nagpunta po ako rito para ipaalam iyon sa inyo, ma. Alam ko pong ayaw ninyo." Nilingon ko si Evan. Kahit naluluha ay nakuha ko pa ring ngumiti rito. "Pero mahal ko po si Evan."
"Isa kang malaking tanga, Kadynce. Planado na ang buhay mo pero sinira mo ang planong iyon dahil sa pagpapakasal mo sa taong iyan. Magpapakasal ka na nga lang... pipili ka na nga lang ng lalaki ay iyong wala pang kwenta at walang Plano sa buhay?"
"Ma, tama na po. Please. Mahal namin ni Evan ang isa't isa. Ayaw na po naming magkalayo pa. Kaya po nagdesisyon kami kahit ayaw ninyo."
Muli akong nakatikim ng sampal kay mama. Mas lalo lang itong nanggalaiti sa galit dahil sa pagdepensa ko.
"Tanga ka. Fine. Dahil kasal na kayo ay wala na rin naman akong magagawa. Pero ito ang itatak mo sa kokote mo, Kadynce. Ito na ang huling apak mo sa pamamahay na ito. Dahil nilabag mo na rin naman ang kagustuhan ko... hindi ka na pwedeng bumalik sa bahay na ito... sa pamilyang ito."
"Ma!" nabigla ako. Hindi ko inasahan na maririnig ko iyon dito. Akala ko kapag sinabi ko sa kanila na kasal na kami ng lalaking sobrang inaayawan nila ay may chance na tanggapin na rin nila ang naging desisyon ko. Pero hindi ko akalain na aabot pa kami sa ganito... na itatakwil nila ako.
Nagmahal lang naman ako... iyon nga lang ayaw nila sa lalaking mahal ko.
"Kadynce," tawag ni Evan sa akin.
"Mamili ka, Kadynce. Kaming pamilya mo o iyang walang kwentang lalaki na iyan?"
"Kadynce," tawag ni papa sa akin.
"Kung pipiliin mo ang lalaking iyan ay umalis na kayo. Kung kami ang pipiliin mo, hija, ay paaalisin natin si Evan dito."
"Bakit po ba sobrang lupit ninyo sa amin ni Evan? Nagmamahalan po kami... sobrang mahal na mahal ko po si Evan. H-indi ko po kayang mawala siya---" iyak ko.
"At kami? Kaya mo kaming mawala sa buhay mo, Kadynce?" kwestiyon ni papa.
"Mahal ko kayo." Bagsak ang balikat na bulalas ko.
"Pero mas mahal mo ang lalaking iyan, tama?" agad akong tumango.
"So, siya ang pinipili mo?" sa tinig pa lang ni mama ay bakas ko na ang disappointment nito. "Fine. Siya ang piliin mo. Pwede na kayong umalis."
"Ma." Pwede pa bang magmakaawa't lumuhod dito para lang tanggapin niya kami ni Evan?
"Leave, Kadynce. Wala na akong anak. Pinili mo ang lalaking iyan... huwag mo sanang pagsisihan ang desisyon mo."
"No, ma." Sinubukan kong abutin ang kamay nito. Pero tinabig lang niya ang kamay ko.
"Leave!" umiling ako. "I said leave!" napaiktad pa ako sa takot dahil sa pagsigaw nito. Hinawakan na ako ni Evan sa braso.
"Tara na, Kadynce." Yaya nito sa akin.
"Ma..." sinusubukan kong kunin ang atensyon nito. Hindi na kasi ito nakatingin sa akin.
"Leave. Pinili mo si Evan. Pwes umalis na kayo." This time ay si papa naman ang nagsabi no'n.
Hindi ko kaya... pero siguro nga'y hindi lahat ng bagay ay makukuha ko. Nakuha ko ang puso at apelyedo ng taong mahal ko. Pero ang kapalit no'n ay ang pamilya ko. Itinakwil na nila ako.
Wala na akong nagawa pa nang ilabas na ako ni Evan at isakay sa sasakyan. Iyak ako nang iyak. Parang sinaksak ang puso ko sa labis na sakit.
Nang umusad ang sasakyan palayo ay ang pag-iyak ko lang ang naririnig ko sa loob ng sasakyan.
"Sinabi ko na sa 'yo, Kady, na possible na mangyari ito." Binasag na ni Evan ang katahimikan. "Alam nating pareho na hinding-hindi ako matatanggap ng pamilya mo. Pero sana'y hindi mo pagsisihan na pinakasalan mo ako. No'ng Nag-I do ka sa akin sa harap ng judge ay ginawa mo akong pinakamasayang tao sa buong mundo. Kaya kong patunayan na tama ang desisyon mo, mahal ko. Hindi kita bibiguin. I'll make sure na magiging masaya ka na ako ang pinili mo." Inabot nito ang kamay ko't bahagya iyong pinigil. Sa tono nito'y ramdam kong binibigyan niya ako ng assurance. Assurance na worth it ang lahat ng sacrifices ko sa relasyon namin ito.
"Mahal kita, Evan. Hindi kayang mawala ka pa sa akin. Tiyak ko... tiyak ko na kung hindi Tayo nagmadali sa pagpapakasal ay makukuha na nilang paglayuin tayo. Kaya natin ito. Magsisimula tayo. Kahit mahirap, mahal ko." Emosyonal na ani ko sa lalaki. Bahagya nitong pinisil ang kamay ko.
Nang mag-vibrate ang phone ko ay tinignan ko ang mensaheng natanggap ko.
"Sino iyan?" tanong nito habang nagmamaneho.
"Si mama... kailangan ko raw ibalik ang lahat ng bagay na ibinigay niya sa akin. Cards, money, jewelry, kahit itong sasakyan na gamit natin."
Bigla nitong inihinto ang sasakyan.
"Habang hindi pa tayo nakalalayo ay mas mabuting iwan na natin. Mabubuhay tayo na walang sasakyan, Kady. Kaya ko ring mag-ipon pambili kahit second hand muna na kotse." Tumango ako rito. Mas mahalaga pa rin si Evan kaysa sa mga material na bagay. Kakayanin ko namang mag-commute. Nang maihatid sa harap ng bahay namin ang sasakyan ay iniwan namin iyon doon. Ipinatong ko na lang din sa upuan ang bag ko. ID lang ang kinuha ko. Iniwan ko na iyong wallet na nasa loob ng bag na may lamang cards, iyong cash kinuha ko. Nag-iwan lang ako ng 5k. Hindi naman alam ni mama kung ilan ang cash ko.
Saka kami naglakad palayo habang magkahawak ang aming mga kamay.
"Mahal kita, Even." Tumingin ito sa akin.
"Mas mahal kita, Kady. Gagawin ko ang lahat para patunayan sa lahat na deserving ako sa love na ibinibigay mo sa akin. Magsusumikap ako. Kung prinsesa ka sa bahay ninyo... ikaw naman ang gagawin kong reyna sa bahay natin. Okay ba iyon?" agad akong tumango rito.
"Oo naman. Pwedeng-pwede iyon." Nang may dumaang taxi ay agad na pinara ni Evan iyon. Agad naman kaming lumulan no'ng huminto iyon.
"Kady, sure ka bang sasama ka sa probinsya ko?" ilang minuto na kaming bumibiyahe nang naisipan niyang itanong iyon sa akin.
"Oo, Evan. Sa tingin mo ba'y mag-a-I do ako sa 'yo kanina kung ayaw kong sumama sa 'yo?" napangiti ito. Sobrang lawak ng ngiti. Saka parehong bumagsak ang tingin namin sa mga kamay namin. Mumurahin lang ang singsing na suot namin. Iyon lang ang afford ni Evan pero labis-labis na ligaya na ang naidulot no'n.
"Sa San Rafael tayo magsisimula, misis. Magsisipag ako. Lahat ng mga taong nangmata sa akin at sa relasyon natin... who you sila kasi gagawin ko ang lahat para patunayang may kwenta ako." Bahagya kong pinigil ang kamay nito para kunin ang atensyon nito.
"Hindi natin kailangan patunayan sa kanila... mas mabuting patunayan natin sa isa't isa na deserve nating magsama. Tayo muna, Evan."
"You're right, misis." Sabay halik sa daliri kong may suot na singsing.
Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang aabutan namin sa San Rafael. Magsisimula kami sa zero. Pero magkasama naman kami ng asawa ko... kaya namin ito. Saka may pera pa naman ako... iyong ibinawas ko sa laman ng wallet ko.
Ang taxing sinakyan namin ay dinala kami sa terminal ng bus. Ito ang unang pagkakataon na sasakay ako sa bus. Medyo excited pa nga.
"Mahaba-haba ang biyahe natin kaya naman matulog muna tayo." Inakbayan ako nito. Sumandal ako sa dibdib ng asawa saka pumikit.
Dahil siguro sa pag-iyak kaya agad din akong nakatulog. Pero dahil sa ingay ng lalaking nangongolekta ng pamasahe ay nagising ako.
Si Evan ay agad nagbayad ng pamasahe naming dalawa. Saka ko lang din napansin na wala na kami sa terminal.
"Kaalis lang ba natin?" takang tanong ko.
"Kanina pa. Mahigit isang oras na tayong bumibiyahe, misis." Tugon ng lalaki na humalik pa sa sintido ko. "Nagugutom ka na ba? May pagkain akong binili sa umakyat na tindero kanina." Umalis ako sa pagkakasandal dito at umayos ng upo. Nang iabot nito sa akin ang tinapay ay agad kong tinanggap iyon. Kaninang umaga pa pala ang huling kain ko kaya bigla kong naramdaman ang gutom. May tubig din na binili si Evan na binuksan niya, pero nanatiling hawak niya dahil abala ako sa pagkain ng tinapay.
"Masarap?" aliw na tanong nito. Tango lang ang naging sagot ko dahil puno pa ang bibig ko.
"Ang bilis naman mag-adjust ng taste buds nang pihikan kong asawa." Tudyo nito sa akin. Napatawa ako sa sinabi nito.
"Maarte ba talaga ako sa food?" ani ko. Tumango naman ito. "Sorry na. Bibilisan ko sa pag-adjust para hindi ka mahirapan sa akin. Talbos ng kamote? Go! Mumurahing isda? No problem! Gulay? Okay na rin iyon."
"Heay! Hindi mo kailangan baguhin lahat. Hindi mo kailangan i-adjust lahat, Kady. Kaya nga ako mas lalong magsusumikap para maibigay ko ang gusto mo at mga pangangailangan mo." Pinisil ko ang baba nito.
"Mag-a-adjust pa rin ako para hindi ka mahirapan, Evan. Mag-asawa na tayo, remember? Kaya dapat lang na magtulungan tayo. Hahanap din ako ng work para hindi tayo mahirapan sa finances."
"Thanks, Kadynce." Seryosong ani nito.
Nag-uumapaw ang pagmamahal ko rito. Kaya kaya kong kayanin ang lahat para rito.
Ilang oras na biyahe ang tiniis namin. Nang makarating kami sa San Rafael ay gabing-gabi na. Wala na ring tricycle o jeep na lumilibot sa mga bayan.
"Kaya mo bang lumakad? Mahigit 40 minutes na lakaran mula rito ang bahay na tutuluyan natin. Bukas pa ng alas-5 magkakaroon ng mga public transportation dito."
"Lakarin na natin, Evan. Kaya ko iyon." Full of energy na ani ko. Ayaw ko namang alalahanin pa ako nito. Hindi ako magiging pabigat sa asawa ko.
Kaya sinimulan na namin ang paglalakad. Sa tanang buhay ko ay never ko pang naranasan ang maglakad ng halos 40 minutes. Pero para kay Evan na mukhang ayaw rin namang ipakita na pagod na siya... tiniis ko ang sakit ng paa ko. Nakarating kami sa bahay na tutuluyan namin. Malayo sa mansion na kinamulatan ko. Malayo sa karangyaan na bumabalot sa akin biglang nag-iisang anak ng magulang ko. Hindi ko maiwasang mapatulala sa bahay na dinatnan namin.
Maayos naman. Malinis din naman. Pero sobrang liit.
"Ito pa lang ang nakayanan, Kady. Ayos lang ba sa 'yo? Kasi kung hindi ay bukas bibiyahe tayo agad para mag-hotel na muna---"
"Ha? A-yos na ito, Evan. Nagsisimula pa lang naman tayo. Okay na ito." May isang kwarto, banyo, maliit na space para sa sala, at kusina. Magkarugtong na iyong space para sa sala at kusina. Walang gamit. Kahit isa.
Pwera sa kwarto na sinimulang ilatag ni Evan. Ngumiti ito sa akin. "Bukas na bukas ay mamimili tayo ng mga gamit, misis." Puno ng assurance. Kaya bakit pa ako mag-iinarte. Pagod na rin ako at kaya ko rin naman sigurong matulog muna sa karton. At least kasama ko ito... kasama ko ang lalaking mahal ko.