Chapter 7

1676 Words
Sabado. Nagsidatingan kahapon ang mga inorder kong bale para sa i-lalive selling ko bukas ng hapon. Nasa tatlong bale ang dumating. Masusubok na naman ang lakas ko neto. Tinulungan ako ni Mama at Papa na buksan ang mga bales at isa-isang tinanggal ang mga ito sa loob ng malaking sakong pinaglagyan nito. Pinaghiwalay namin yung maayos pa at mga kailangan tahiin o yung mga may issue. Nang matapos namin maisegregate ay nagsimula na kaming labhan ito. Si Mama taga ikot sa washing machine, ako naman taga banlaw habang si papa naman taga sampay. Tinutulungan din ako ni mama na tanggalin yung may mga mantsa. Kusot dito, kusot doon. Brush dito, brush doon. Nakakangalay sa braso ngunit laban lang. May pangangailangan tayo. Kapag natuyo na ang mga ito ay ako naman ang taga plantsa, si mama taga tahi sa mga may butas at si papa naman taga tupi pagkatapos nitong sukatin ang waist line gamit ang tape measure, sinusulat niya to sa masking tape tsaka ididikit. Ganito routine namin sa tuwing may darating na mga order kong bale. Malaki rin naman kasi ang kita. Higit sa double ng capital. Tiyaga, sipag at samahan mo na rin ng diskarte. Yun ang mga puhunan namin dito. Kay laking tulong na nito sa aming mag-anak. Nakakapagod pero worth it naman talaga. Linggo. It's ukay time. Nalabhan at naplantsa na namin nina mama at papa ang mga pantalon at dresses na isasalang namin mamaya sa live. Ako yung host at taga lagay ng masking tape kung saan nakasulat ang mga names ng mga nagmamine. Si mama tagalista sa mga miners at si papa naman tagabigay sa akin sa susunod na mga item. Ang tatlong maniquin na binili ko ay yun ang ginawa naming model. Isa lamang ang nakatayo sa likuran ko. Si papa ang tagapalit at taga bihis ng maniquin para spontaneous yung pagpapakita ng item. Nilagay ko na ang cellphone sa ring light ko. Pinindot ko na ang red button upang simulan ang live selling. Nagpose muna ako sa harap ng camera habang hinihintay dumami ang mga viewers. [Good noon Madam!] [May bago ngayon madam?] [Ang ganda mo madam. ] [Hello madam.] [May dresses ngayon madam.] [Mabubutas na naman bulsa ko nito madam. ] Isa-isa ng nagcocoment ang mga viewers ko at possible miners. Nang umabot ng one hundred viewers ay sinimulan ko na ang pagbebenta at pagsasalita sa harap ng camera. " Hi mga madzam! Welcome ulit sa ating online ukay! Dresses at baggy jeans ang item natin ngayong gabi. I'll start with baggy jeans. Pagnaubos dresses naman. Bawal po tayo sa mga bugos madzam ha! Di po madali magsisigaw dito tapos ibibugos niyo lang. Char. " Lumapit ako maniquin na may suot na baggy jeans at hinawakan. " Baggy Jeans, size 30. Makapal tela, nauuso, mukhang bago for 130 pesos only, pa mine 001. " Sunod-sunod ang pagpasok ng mga miners sa screen ko. " Seller's screen po tayo mga madzam at ang nauna. Chelcianne Rentino Cardosa, yours na madzam! Di ka magsisisi dito! Matibay to! Mas matibay sa relasyon niyo ng jowa mong kano! Char char lang madzam. " Kinuha ni papa yung maniquin at ipinalit ang isang maniquin na may suot ng item. " Baggy jeans pa rin, size 26, para sa matatangkad to, makapal sing kapal ng pagmumukha ng jowa niyong sumakabilang buhay este bahay, walang issue, di katulad ng mga kabitahay mong mga marites charot! maganda to, bongga, bongga pa sa lablyp niyo. Mine 002 " Muli ay sunod-sunod ang pasok ng mga pangalan ng miners. Minsan natatawa ako sa mga komento ng mga ito. Para lang akong natatawa sa mga readers na nagkokoment sa mga stories ng paborito kong author na si Drey. Char. " Yours na madzam Regine Natividad! Congrats madzam gandara nito! Kung nabigo ka sa mga naging jowa mo, ay! Dito hinding-hindi! I guarantee! Mga Wampiti! " Muli ay pinalitan ni papa ang maniquin sa tabi ko. " Size 27, walang issue, makapal, para sa kasing tangkad ko. 5'2 ang height ng maganda niyong seller ha. " Bigla akong napahinto ng may nakakuha ng atesyon ko mula sa mga nagcocoment. " Mine ataol. Shoutout kay JM Fernandez, meron po sir! anong size mo po! Shuta ka! Ako na rin sponsor papalibing niyo! " Natawa ulit ako sa mga komento ng mga miners. Stress mag live selling ng ukay pero ito yung stress reliever eh. Yung mga komento ng miners na para ka lang nakikipagchikahan. " Balik na tayo, may taga mental na naligaw. Mine 003. " Muli ay sunod-sunod ulit ang pagpasok ng mga miners. Naguunahan. May nakikipagaway pa kesyo sya daw nauna. " Ulitin ko po, seller's screen po tayo at ang nauna, tededededeng yours na Madzam Kimberly Malincoln! Swerte mo madzam nakajackpot ka dito- " Muli ay bumalik na naman yung nagmine ng ataol kanina. " Mine Thermos na may minit na tubig. Shout out muli nantaga mental na naligaw JM Fernandez meron po sir! Free testing ibubuhos sayo kung talagang mainit! iniinit mo ulo ko Sir! " Sana'y na naman ako sa ganito kaya sinasakyan ko nalang kaysa pinapatulan ko. " Size 27 ulit! Ay! Bongga to! branded po madam! 130 pa rin po. Unahan po tayo ha. Tingnan nyo naman. Gandara diba! Sige mine 004! Mine 004! " Ang raming nagmine! Bongga talaga! Ngunit tila di pa rin nanahimik ang kaluluwa ni JM Fernandez. Humirit pa nga. " Mine Seller. Sir JM Fernandez, gusto mo po sir ako magpapatahimik sa kaluluwa niyo po sir! " Pinanliitan ko ng mata yung cellphone screen ko. Nacurious na ako tuloy sa pagkatao nito. Kinuha ko ang isa kong phone at mabilisang tinignan ang porfile nito. Hinayupak! Gusto kong magmura ngunit pinipigilan ko dahil nasa paligid lang mga magulang ko. " Hoy! JM Fernandez! Bawal impakto dito! Bumalik ka na sa purgatoryong pinanggalingan mo! " [Ay! Kay guapong impakto naman pala ito. ] [Sir, ako nalang e mine mo!] [Sir, akin ka nalang!] [Sir, sponsor ko na ataol mo basta tayong dalawa sa loob.] [Sir, anakan mo ko.] [Mine JM Fernandez! ] [Mine JM Fernandez!] Wala na , nagkagulo na mga miners ko. " Poser yan! Pangit yan sa totoong buhay ! Balik na ulit tayo sa negosyo ko. Hoy JM Fernnadez utang na loob. Naghahanap buhay ako! " [Kung pangit talaga, sige nga pakita ka sir. ] [Oo nga! ] [Agree! ] [Go! ] [ Pakita na yarn! ] " Wag na kayong umasa, di yan magpapakita dahil poser nga yan! Pangit! Mukhang impakto. " Saad ko. " Anak, sobra na yan. " Saway sa akin ni Mama. Bigla naman akong natigil. " Sorry po mama. Pinagalitan na ko ng mama ko. Balik na tayo sa negosyo ko! At ikaw mukhang impakto, tigil-tigilan mo ko. Di ka nakakatulong sa'kin. Okay sana kung bilhin mo lahat ng paninda ko " Laking pasasalamat ko nalang na di na nagparamdam yung impakto. Tuloy-tuloy na yong pagbebenta ko. "Okay! Okay! Back to normal dahil wala na ang taga mental- " " Addison Eunice! " Saway ulit ni Mama sa akin. " Sorry ulit mama. Nadala lang po ako sa bugso ng damdamin ko. Size 25, walang issue, makapal tela sing kapal ng mukha ni JM Fernandez. Joke! Baka magalit ulit si mama. Mine 005. " Muli ay bumalik rin sa normal mga naghuhurumintado kong miners ng mastalk din ng mga ito ang profile ni Juan Miguel. Sunod-sunod muli ang pagpop out ng mga names ng mga miner. " Thank you for the 1,102 viewers. At ang nauna sa pila ay ang napakagandang, yours na Madam Liecel Gan! Isauli mo madam kung di mo magustuhan! Mas magsisisi kapa kung di mo isauli jowa mo! Joke! " Nang magisang oras na ako kakasigaw ay nag water break muna ako habang nagbabasa sa mga komento ng mga miners ko. Hindi pa rin nakakalimutan ng mga ito si Juan Miguel. Panay pa rin hanap nila sa impakto. " Di yun magpapakita! May kutong lupa bang magpapakita sa mga tao. Kayo talaga. Maraming poser ngayon, gumagamit ng photo na di naman sa kanila. " Pagsisinungaling ko. Mabuti na yung makauna tayo. Sobra rin kasi manglait yung impakto na yun. Pagkatapos ng limang minutong water break ay balik ulit ako sa pgasisisgaw. Marami-rami pa to. Nasa baggy jeans pa lang ako. Meron pang mga dresses kaya kailangan double time. " Size 32, Makapal, gandara, usong uso! Mine 071! Bilis! Para sa korean dresses na naman tayo. Sino bang nauna? Yours na madam Rossette Alcachupas! Gandara to madam, sing ganda niyo po. Char! " Nakarinig akong may kumatok sa pintuan. Ngunit nagpatuloy lamang ako sa pagsasalita. Binigay muna sa akin ni Nanay ang listahan niya sa mga nagmine upang pagbuksan ang bisita. " Size 28, Makapal tela, walang issue, bonggang-bongga! kabog na kabog! Promise gandara din nito sobra! Seller's screen pa rin tayo ha! At ang nauna! Yours na madzam Dada Dy! i loved it madzam! " Bigla akong may naamoy. Ang bango! Pero di ko pinansin dahil busy ako sa pagsusulat. Tinignan ko muli ang screen kung ng isa kong cellphone kong Si Ms. Dada Dy nga yung nauna. [Ay! Sya yan! Si JM Fernandez! ] [Guapo! Trulalo! ] [Mine po sir! ] [Nagpakita na po yung impakto! Isama mo po ako sa kaharian niyo po sir. ] Natawa ako sa komento ng isang seller ko. " Shout out Ms. Dannilyn De guzman baka pagsisihan niyo po yung sinasabi-" Tinignan ko ang screen sa isa kong cellphone na nakapatong sa ring light. May impakto nga sa likuran ko. Nagwave pa nga. Bigla akong napalingon sa likuran ko. Laking gulat ko ng paglingon ko dibdib agad sumalubong sa akin. Napaatras isa kong paa at naging dahilan sa pagkawala ng balanse ko. Akala ko talaga mabubuwal ako buti nalang at maagap ang isang braso ni Juan Miguel sa paghapit sa baywang ko upang di ako tuluyan na matumba. Paglingon ko sa kanya, muntikan pa akong maduling sa lapit ng mukha niya sa akin. Di ko maintindihan ngunit bigla na lamang lumakas yung t***k ng puso ko habang nakikipagtitigan sa pinakaguapong impakto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD