Chapter 6

2052 Words
Napalingon kaming dalawa ng biglang may kumatok. Nagkatinginan kami ni Engineer Rhian. "Ika na magbukas. " Hinintay ko munang ayusin nito ang sarili at makaupo sa harap ng isang table kung saan nakalagay ang laptop nito. Pinulot ko muna ang Blueprint at nilagay ko pabalik sa ibabaw ng lamesa. Pagkabukas ko nagkagulatan pa kaming dalawa ni Justine. He's with two of his board of directors and two of his other head engineers. Ang isa sa Engineer ay yung magbibigay ng grades sa'kin. " Oi par- Sir! Good morning! Good morning! " Tangina muntik ko pang makalimutan, boss ko pala to. Napatayo rin si Engineer Agnes ng mapagsino ang bisita. " Good morning Sir! " Bati nito. " Tuloy po sir, tuloy, tuloy." Nakangiting saad ko at nilakihan ang awang ng pintuan. Napakunot ang noo ni Justine ng makita ako. "Gusto niyo Kape? " Pinaglipat-lipat ni Justine ang tingin sa akin at kay Engineer agnes. Nagtagal sa akin, napangisi lamang ako. " How was your day Sir! Welcome to-" " Pakitimplahan kaming lima. Bilisan mo. Bawal pabagal-bagal dito. " Nalintikan na. Napasubo ako sa sarili kong katarantaduhan. Pinaliitan ko ng tingin si Justine baka sakaling magbago isip, pero di eh, apaka seryoso. " Ano pa tinatayo-tayo mo dyan? Bilis! Time is ticking Mr. OJT. " Napakamot ako sa sariling ulo bago tumalikod at tinungo ang coffee counter. " Engineer Agnes, magaling ba? " Nanlaki ang mga mata kong nilingon si Justine. Hinayupak na to, seryoso ng mukha ah. "So-rry sir, co-me again? " Nauutal na tanong ni Engineer Agnes. Tumaas ang isang gilid ng labi ni Justine at sandali akong sinulyapan. " Yung kape namin! " " Heto na nga! - I mean coming sir. " Tanginang Justine to! Sarap sabuyan ng mainit na kape ah. Inihanay ko ang limang tasa. Isa-isa kong nilagyan ng mainit na tubig ang mga ito. " Black lang ba lahat? Yung strong, yung kaya kayong ipaglaban- Aray! Pisti! " Mura ko ng mapaso ang daliri ng hawakan ko ang tasa. " Sorry Sir. " " Bilis! " Epal ha! Walang sumagot sa tanong ko kaya black lahat tinimpla ko. Maya-maya, isa-isa ko na tong nilapag sa lamesa. Here's your coffee Engineer, Sir. Nakaupo ang apat sa silyang nakapalibot sa lamesang ginawan namin ng kasalanan ni Engineer Agnes. Nanatiling nakatayo si Justine. Huli kong ibinigay ang sa kanya. " Kape mo master. " Mahina kong saad. " Ang kalat mo! Amoy ko yung lamesa, hayop ka! " Bulong nito sa akin. Ngumisi lang ako sa kanya. " Leche ka! Pinagtimpla mo pa ko. " " Minumura mo ko? " Nanlaki ang mga mata ko ng sinadyang lakasan nito ang boses. " Hindi sir! Sabi ko gusto mo ba ng leche plan.Masarap yun ipares sa kape. " Palusot ko. Buti nalang pagkatapos ko magtimpla ay pinalayas na ako ni Justine. Hinayupak na yun. May araw ka rin sa'kin! Nasa loob na ako ng aking sasakyan. Binuksan ko ang compartment at kumuha ng isang candy doon. Binalatan at kinain ko ito bago ko pinaandar ang sasakyan. I turned on my stereo . Nakasave na dito ang mga kantang gusto ko. Unang sumalang ang Welcome to my life ng Simple plan. Sa chorus di ko na napigilan ang sariling mapasabay. Tangina! Sapul na sapul talaga ako sa kantang ito. "To be hurt, to feel lost To be left out in the dark To be kicked when you're down To feel like you've been pushed around To be on the edge of breaking down And no one's there to save you No, you don't know what it's like Welcome to my life " I was just so glad, I've met my friends dahil kung hindi baka matagal na kong pinaglamayan. Char. Ngunit natigil ang pagsisinte ko ng biglang tumunog ang phone ko. I looked at my phone screen. [Lola Juana Nurse] Agad ko itong sinagot. [ Sir! Nagwawala lola niyo po. Hinahanap si Rosario. ] " Ano? " Nakakunot noo kong tanong. [ Gusto daw niya puntahan si Rosario sa hospital po sir. ] Napamura ako ng maalala ko yung babaeng nagligtas kay lola. Tangina! Mukhang mapapasubo ako nito ah. Galit pa naman yun sa akin dahil sa bunganga ko. Naalala ko rin yun. Siya yung babaeng nanampal sa akin sa Elevator. Yung magandang mukhang manang dahil sa pananamit nito. " Sige-sige. Try mo nalang pakalmahin si Lola dahil susubukan ko ring hanapin yung hinahanap niya. " Now, I'm having a delimma on how to find her at kung makita ko man paano ko kukumbinsihin itong sumama sa akin. Napagkamalan pa naman akong m******s. Infairness sa lahat ng babae ito lang yung di naaakit sa karisma mo. Challenging. With my connections kay bilis kong nahanap ito pero puta! Di ko talaga maiwasang matawa sa suot nito. Patawarin nawa ako ng maykapal. Ang sarap din niyang asarin eh, ang bilis mapikon. Pero yun nga bago pa siguro matapos ang araw na to abobog berna na'ko. Lulan na ulit kami ng sasakyan ko pauwi ngunit di niya ko iniimik. Nasagad ko yata pasensya nito. Kailangan kong magbalik loob dahil tiyak hahanapin na naman ito ni lola. Baka ayaw na niyang sumama sa'kin muli o kaya'y mahirapan na kong kumbinsihin ito. Binabagtas namin ang daan pauwi sa pinagtratrabaho.an niya kung saan iniwan nito ang sasakyan niya. " Kumain muna tayo Addison. San mo gusto? " Basag ko sa katahimikan. Inaya ko to maghapunan sa mansion ni Lola pero atat na talaga itong umuwi. " Ayoko, sa bahay na ako. " Saad nito habang nakatingin sa labas ng bintana. " Sige na, libre ko naman. " " Ayoko nga, gusto ko luto ng nanay ko. " " Sana all my nanay. May nanay na, may tagaluto pa. " Napalingon ito bigla sa akin. Ramdam ko ang mga paninitig nito. Nanatiling nasa daan ang mga mata ko. " Saan ba nanay mo? Diba si Rosario nanay mo? " Tanong nito. Tumango ako. " Di ko alam bata pa lang ako ng iniwan niya kami ni Daddy. " " Hinanap niyo ba? " " Oo naman, pero wala eh. " Tangina kailangan ko ilihis yung topic. Di talaga ako komportable kapag pamilya ko ang pinaguusapan. She was about to say something ngunit inunahan ko na. " Masarap magluto mama mo? " " Oo naman! Sobra! Yung luto niya ang nagpapauwi sa akin ng maaga. " " Swerte mo ah. Pwede makikain? " Shuta! Kapal ng mukha ko. Ey wala akong maisip na matinong sasabihin baka mapikon na naman to sa akin. " Makapal talaga mukha mo no? " Natawa ako sa sinabi niya. " Nahiya na ako Addison kailangan mo talaga akong pakainin. " "Naks! Alam mo pala ang salitang hiya? " Natawa ako ulit. "Oo naman! Tao rin naman ako parang greek god ngalang pero tao ako. " " Gwapong-guapo ka talaga sa sarili mo no? " Nilingon ko siya nakatingin na ito sa harapan ng kotse. " Di ka naguaguapuhan sa akin? " " Hindi. " " Ouch naman! Alam mo bang ikaw lang di naguaguapuhan sa akin o tinatago mo lang? " " Hindi talaga promise! Sama kasi ng ugali mo. " " Prangka mo ah! " " Nagsasabi lang po ng totoo. " " Grabe ka, isang araw palang tayong nagkasama, jinajudge mo na agad ako. " " Di yun pangjajudge. Summary yun sa kung anong nakita ko sayo ngayon. " " Shuta! Mas lalong sumakita ah. " " Nasasaktan ka pala? " " Sa tingin mo? " Tangina, patawa-tawa lang ko pero nasasaktan din naman ako lalo lang akong nasaktan dahil galing sa kanya, yung taong seryoso talaga sa buhay. " Galit ka na nyan? " " Di naman ako marunong magalit. " I smiled. Totoo naman yun. Maya-maya y narating na namin ang kumpanyang pinagtratrabahoan nito. Nagconvoy lang kami patungo sa kanila, ayaw pa sana nitong pumayag ngunit nagpumilit ako. Sinandya ko rin para alam ko na agad saan ko to hahagilapin sakaling absent sa pinagtratrabahoan nito. Mindset ba! Mindset! Sumunod ako ng pumasok ang sasakyan nito sa gate ng isang subdivision at huminto sa isa sa mga row houses. Pinatay ko ang kotse at bumaba. Bumaba rin si Addison sa sasakyan nito. Hinarap niya ko. Lumapit ako sa kanya. " Thanks for today Addison. I owe you a lot. " I sincerely said. Tinitigan niya ko ng mariin, tila di naniniwala. " Di talaga ako sana'y na magseryoso ka. Baka kasi nagbabalatkayo ka at may balak na gagawing masama na naman. " Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Shuta sabi na eh. " This is my other side Addison. Tarandado man sa iyong paningin may tinatagong kabutihan din. " Natawa ito. Damn! Ang ganda niya pala pag nakangiti at kapag mas natitigan ng maayos. " Diba gutom ka? Ayaw mong maghapunan muna? " Napangiti ako. " Okay lang ba? Nakakahiya nomon. " Sagot ko sabay haplus sa batok ko. Nahiya ako. s**t. " Alam mo para kang tanga! Halika, pasok ka! Medyo may kaliitan bahay namin pagpasensyahan mo na. " Sumunod ako sa likuran nito. Kumatok ito sa pintuan. Agad itong pinagbuksan ng isang may edad na babae. Tantya ko ito yung mama niya. Agad na nagmano si Addison nito. Napatingin ang nanay nito sa akin. Napangiti ako. " Good evening po! " Magalang na bati ko sa mama niya. " Magandang gabi din hijo. Tuloy ka . " Sumunod ako kay Addison. Katamtaman lang ang laki ng bahay nila. Ang linis. " Umilag ka Cardo! Umilag ka! Yan! Jumbagin mo ! Ilag Cardo! Ay! Tanga! Bobo mo Cardo! Ang dali lang ilaga- " " Darling, yung boses mo baka magising si Adam. " " Ay sorry Darling, nadala lang. " Napatigil ang isang may edad na lalaki ng makita ako. Lumapit si Addison dito at muling nagmano. " Good evening po Sir. " " Manliligaw mo anak? " " Hindi po pa! Kakilala lang . " " Akala ko.manliligaw. Kikilatisin ko sana. Magandang gabi naman sayo Hijo. " " Kumain ka na ba hijo? Halika at samahan mong maghapunan ang Addison namin. " Malambing na aya ng mama niya. Sumunod naman ako. Umupo ako sa silya katapat ng inuupuan ni Addison. Binigyan kami ng mama niya ng tig iisang plato, kutsara't tinidor. Naglagay ito ng kanin sa lamesa. Ininit nito ang ulam sa oven bago nito inilapag ulit sa lamesa. Nilagyan niya ng tig iisang baso sa gilid namin. Kinuha ang isang pitsel na may nakatimpla na na juice mula sa ref at sinalinan ang mga baso naming dalawa. I was about to get some rice ngunit hinampas ni Addison ang kamay ko. " Pray muna tayo. " Medyo napahiya ako. Di kasi uso sa akin. Ako lang kasi laging kumakain mag-isa. Pagkatapos naming magdasal ay nagsimula na kaming kumain. Kami na lamang dalawa sa dining dahil nakisali na ang mama nitong manuod ng TV kasama ang papa ni Addison. " Kaya pala gusto mo luto ng nanay mo. Ang sarap pala magluto. " Sabi ko sayo. " " Swerte mo, napakamaalaga ng mama mo. " I said pagkatapos kong kumain. Ininum ko ang juice na hinanda ng mama nito. " Sinabi mo pa. Sobra talaga yang maalaga si Mama. " "Sarap siguro magkaroon ng kumpletong pamilya. " " Oo, ang saya, nakakawala ng pagod. " Ngumiti lamang ako. Habang pinagmamasdan ko ang pamilya ni Addison, mas lalo kung naramdaman yung kulang sa akin. Nakukuha ko nga lahat ng gusto kong materyal na bagay ngunit kailanman di ko mararanasan magkaroon ulit ng buo na pamilya. Simple lang ang buhay na meron sila ngunit puno iyon ng pagmamahal, nakakainggit lang. I am alone again inside my condo. Tumambay ako sa labas ng terasa, I was holding a bottle of beer. Kaya ayaw kong magpirmi sa condo. Nakakalungkot. Tinungkod ko ang magkabilang braso sa railing ng terrace at bahagyang nakayuko. Napatingala ako sa langit. Tinatanong ang sarili kung nandoon na kaya si Mama ba't hanggang ngayon kay ilap niyang hanapin. " Siguro kong di mo kami iniwan ni Papa, di ko maranasan ganito ka lungkot. Kay laki ng butas na iniwan mo sa puso ko Mama pero di ako galit, nagtatampo lang. I miss you so much. Pakita ka na sa akin please. Kailangan ko yakap mo. " Biglang tumulo ang luha ko sa isang mata ko na agad ko ring pinunasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD