Chapter 08

2107 Words

"Ehem! Ehem! " Agad akong lumayo mula sa hawak ni Juan Miguel ng marinig kong sabay na tumikhim sina Papa at Mama. Medyo natagalan nga ng ilang segundo yung titigan naming dalawa. Inayos ko ang sarili. Napayuko ako sabay haplus sa aking batok. Nakakahiya. " Anong ginagawa mo dito? Para kang kabute, alam mo yun? Bigla-bigla ka nalang sumusulpot! " " Sabi mo kasi poser ako, kaya gusto kong mapatunayan na hindi. Hello po. Nandito na po yung impakto. " Sinamaan ko siya ng tingin. Yung phone ko sunod-sunod muli ang tunog. Napuno ng heart react yung screen. Kay bilis tumaas ng views. Napaawang ang labi ko mg biglang tumaas ito ng limang libo. [ Kakakiliiiig! ] [Madam! Kaya pala ayaw mong ipakita, ayaw mong may kahati. Damot ni Madam! ] [Shocks! Hindi nga siya poser! Ang guapo pa niya! ]

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD