CHAPTER 29

1323 Words
" Pero nabalitaan namin na itinigil ng mga police ang imbistigasyon tungkol sa pagkawala ni Anna diba Sam? Iyan Kasi ang itsinismis ng iyong Ina. Balak pa nga sana naming susuportahan ka sa pagpapaimbistiga sa pagkawala ng aming anak pero nadismaya kami ni Doro nang nalamang e closed ng mga police ang imbistigasyon sapagkat Wala daw'ng pag- asang mahahalungkat pa ang totoong pagkawala ng aming anak.." maluha- luhang wika ni aling Wella. "Nagkamali po kayo aling Wella.. Napag-usapan namin ni Lisa na Ang nagngangalang Ambrosia Valdadora na Isang mayamang mangkukulam ang talagang suspect at may malaking kinalaman sa pagkawala ni Anna. kaya hindi tayo susuko, gusto Kong mabigyang ng tuloyan ng hostisya ang pagkawala ng babaeng minahal ko kung nasaan man Siya ngayon inilagay ng panginoon.. para nang sa ganoon ay mapatawad niya rin Ako sa lahat ng pagpapasakit ko ng kanyang damdamin noon. hindi Ako patatahimikin ng pusot isipan ko kung Hindi ko tatapusin ang paghahalungkat ng totoong pagkawala ng anak niyo.." Mahabang wika ni Sam sa mga magulang ni Anna. "Kaya magtulongan po tayong lahat aling Wella Mang Doro para po sa kaibigan ko.." Ang Sabi Naman ni Lisa. "Si Edmund. kakausapin namin ang panganay naming anak para sasamahan kayo ni Lisa sa Isabella." Ang Sabi ni Mang doro. "Mas mabuti din sigurong makikipag- ugnayan na rin tayo sa mga police sa Santa Barbara para sa problemang ito.." ang Sabi ni aling Wella " Huwag ho Mang doro, duda Ako sa mga police ehh, parang madadala lang Sila sa pera. Sabi ni Lisa, hindi daw simpleng tao ang matandang mangkukulam.. isa raw itong bilyonaryang mangkukulam sa Santa Barbara. kaya pag nagkataon, pera lang ang katapat ng mga police at titikom na Ang bibig ng mga ito.. iyan din Kasi ang duda ko sa mga police dito sa ating probinsya.. halata Kasing suspect ang matandang mangkukulam sa pagkawala ni Anna pero bakit bigla nalang nilang itinigil ang imbistigasyon..??" Mahabang wika at pagdududa ni Sam. Nagkatinginan ang lahat. "May Punto ka Sam..." Ang Sagot naman ni Mang Doro na biglang tumigas ang anyo nito sa galit. "Hindi Tayo titigil hangga't Hindi natin nahahalungkat kung nasaan ngayon Ang aKing kaibigan dahil malaki talaga ang pagdududa ko na may misteryong nangyari sa kanya sa loob ng lumang mansion ng matandang Mangkukulam.." Sabi rin ni Lisa. Samantala... Sa lumang mansion naman ng matandang mangkukulam ay inilibing na nila si madam ambrosia sa Likud ng lumang mansion nito. "Aling Martha.. kayo na Muna Ang bahala dito sa mansion ni Lola ..uuwi Muna Ako. babalik nalang Ako dito next week.." Ang Sabi ni Anna sa mayordoma ng mansion. " Ma'am bella .. kailangang ihanda mo na ang lahat bago pa darating Ang kabilogan ng buwan para sa bilin ng iyong Lola. kailangang tuparin mo ito at huwag kang mag isip na umiskapo sa lahat ng iyong obligasyon.." wika Naman ng mayordoma. Nagalit Naman Siya sa mga sinabing iyon ng kanilang mayordoma. "Pwedi ba aling Martha! Gulong -gulo pa Ang isipan ko! Gusto ko ng peaceful mind muna sa ngayon. ayoko munang isipin ang mga bilin ni Lola ! please lang huwag nito muna akong lahat iipitin , at huwag niyo Akong pagsabihan dahil Ako parin ang masusunodbdajil Ako ang amo dito." Galit na wika ni Anna. " ikaw'ng bahala ma'am Bella, pinapapaalahanan lang kita, mas Kilala ko ang Lola mo dahil ilang taon na akong nagserbisyo sa mansiong ito.." Sagot ng mayordomang si Martha. " Huwag kang mag- alala manang Martha. hindi eeskapo si Bella sa mga bilin ni inang.." Sabi naman ni Frederick na parang nainis din sa mayordoma. Umuwi na nga sina Anna at ang mga magulang ni Bella. medyo malayo pa Ang kabilogan ng buwan kaya gusto Muna ni Anna na huwag itong iisipin. Gusto Muna siyang e relax ang sarili sa susunod na mga mangyayari. Ayaw niyang nakatutok lang Ang isipan niya tungkol sa kanyang problemang iyon. Ngunit mabilis na lumipas ang mga Araw kaya ilang days nalang ang natitira upang darating na Ang kabilogan ng buwan. Narinig ni Anna ang pag- uusap ng mga magulang ni Bella. Hindi Siya nagpapakita sa mga ito at nanatiling nakikinig lang Siya sa kanyang kinatatayuan. "Kailangang mag hanap Tayo ng Isang bata na relatives lang ng ating pamilya para tulongan ang ating anak sa kanyang problema Frederick.." Ang Sabi ni Amanda. " Akong bahala, Pera lang ang pakikilosin natin para I search kung saan Tayo makakatagpo ng Isang kadugo na may Isang batang anak para ipapakidnap natin ito.." wika din ni Frederick. Nanlaki Ang kanyang mga mata sa narinig Mula sa mga ito. Hindi niya nagustuhan Ang mga binabalak NH mga ito kaya galit na lumabas si Anna sa kanyang kinatataguan. " No dad! Hindi pweding may Buhay ng kawawang Bata ang mawawala dahil sa walang kuwentang kapangyarihan ng bertud na nasa sa akin ngayon!! Kung gagawin niyo iyan magpapkamatay nalang Ako! Para matapos na itong lahat!" Biglang sabad Ni Anna sa usapan ng mag- asawa. Kapwa Naman nabigla ang mga ito. Ang Hindi alam ng mag- asawang Gatchalian na Ang bilin sa kanya ng matandang mangkukulam ay ang Mismong bunso niyang kapatid na si Lara ang kanyang ialay sa pAnginoong kadiliman ng mga ito at Hindi rin naman niya pweding sabihin ang lahat dahil malalaman ng mga ito kung sino talaga Siya. Hindi niya pweding sabihing Hindi niya talaga makakaya ang bilin sa kanya ng matandang mangkukulam na Ang bunso niyang kapatid ang ialay sa kadiliman dahil mabibisto Siya na Hindi siya si Bella. " Pero Bella! Tinutulongan ka lang namin ng iyong mommy, at delikado Tayo Lalo kana kapag Hindi mo susundin ang bilin ni inang!" "Bahala na!! Bahala na daddy!" Umiiyak na wika ni Anna at nagtatakbo pabalik sa kanyang kuwarto. Humihingal si Anna habang napasandal sa dingding sa loob ng kanyang kuwarto. Kailan man ay Hindi niya makakaya ang bilin ng matandang mangkukulam na Ang kanyang sariling kapatid ay papatayin niya upang ialay sa kasamaan!! At Hindi niya niya hahayaang may inosenteng Bata na mawawala dahil sa walang kuwentang bertud na iyon! Kawawa Ang batang mabiktima. "Dios ko, tulongan niyo po akong makalabas sa ganitong problema!! Gusto Kong makasama pa ang aKing pamilya. Gusto Ko namang maging maligaya Kasama Sila.." humagulhol ng iyak na wika ni Anna. Hindi mapipigilan ni Anna ang takbo ng mga Araw, dumating nga ang kabilogan ng buwan ngunit buo na rin ang desisyon ni Anna na huwag susundin ang mga bilin ng matandang mangkukulam. At ang mga magulang Naman ni Bella ay sobrang nag- alala sa posibleng mangyari sa kanilang anak na si bella. ngunit ang Hindi alam ni bella na may inihanda na Pala ang mga magulang nito. Malapit nang sumapit Ang Gabi at kabilogan ng buwan ngunit Hindi man lang kumikilos si Bella kung Anong gagawin nito tungkol sa mga importanteng Bagay na dapat isagawa ni bella sa Araw na iyon- ang mag-alay ito ng Isang batang kamag- anak lang nila. ipinagwalang bahala niya Ang lahat. Wala siyang maisip na pweding Gawin upang lutasin Ang problemang iyon kaya minabuti niyang hayaan nalang iyon. At Ang Panginoon na ng bahala sa kanya. Siya'y ay nagmamatyag lang sa susunod na mangyayari. nasa terrace Siya ng mga sandaling iyon upang lalanghap ng fresh na hangin. pinagpapawisan na Kasi siya sa sobrang pag- iisip kung Anong maaring mangyari na Hindi niya sinunod ang bilin sa kanya ng matandang mangkukulam. Panay dasal Naman niya sa panginoon na sanay malalampasan din niya Ang problemang iyon at Hindi Siya pababayaan nito. Nang siya'y nagmamasid sa labas buhat sa terrace ay Kitang-kita pa ni Anna ang paglabas ng bilog at mapupulang buwan sa kalangitan Mula sa kanyang kinauupuang terrace at di niya napigilang manindig ang kanyang mga balahibo. Nabigla pa Siya nang bigla namang umungol ang mga aso ng kanilang mga Kapit -bahay. Napatayo si Anna at napayakap sa kanyang sarili na nakaramdam ng panggiginaw at pagkakatakot. Dumating na talaga Ang kanyang kinatatakutan pero alam niyang mas makapangyarihan Ang Diyos keysa sa kadiliman .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD