CHAPTER 28

1529 Words
Mas Lalong Hindi na napakali si Anna sa mga sinasabi sa kanya ng daddy ni bella. Wala talaga Siya sa sarili habang nakikipaghalubelo sa kanyang mga bisita na sina Sarah ang matalik na kaibigan ni Bella at si Gimme na boyfriend ni Bella. Kinabukasan ay maaga pa silang nagbyahe papuntang probinsya ng Santa Barbara kung saan ang mansion ng matandang mangkukulam.. Habang papalapit si Anna sa mamahaling kabaong ng matandang matandang mangkukulam ay kinakabahan siya. Tanging Sila lamang ang tao sa malaking mansion at ang mga katulong ng matandang mangkukulam. Nakamasid lamang ang mga magulang ni Bella sa kanya at ang nga katulong habang papalapit Siya sa mamahaling kabaong na kinalalagyan ng matandang mangkukulam. Nang makarating na Siya ay unti-unti na rin niyang tiningnan ang laman ng kabaong. Nagulat at nabigla pa siya nang tumambad sa kanya ang tila kalansay nang hitsura ni madam ambrosia! Halos balat at buto nalang ito dahil sa sobrang payat! "Anna Bella.." Sambit ng Isang malamig at matandang boses na nagmumula sa loob ng kabaong. Ngunit di Naman niya nakikitang bumuka ang bibig ng matandang mangkukulam! Mabilis na lumayo si Anna sa kabaong na pinangilabutan. Pinanginigan siya ng buong katawan dahil sa kanyang narinig. Lumapit si Frederick sa anak nang makitang biglang namumutla si Bella. "Iha bakit? " tanong nito sa kanya. "N-narinig ko Ang tinig ni Lola Dad Mula sa loob ng kanyang kabaong..t- tinawag niya Ako.." nanginginig na Sagot ni Anna at pati tuhod niya'y ramdam niyang nangangalay iyon dahil sa kanyang takot. "What? Iha.. a-anong mga bilin saiyo ng iyong Lola. bago Siya namatay? Sa pagkakaalam ko Kasi dati sa pamilya side Kay inang, ang taga pagmana bilang mangkukulam ay M-may iaalay itong vata sa kinilalang panginoon ng pamilya Valdadora kapag darating Ang kabilogan ng buwan. At kailangang ang bata ay isang kadugo mo lang ito.. at ang gumugulo ngayon sa isipan ko kung saan ka kukuha ng kadugong Bata na iaalay natin?" Wika at tanong ni Frederick. Isa din Pala iyon sa gumugulo ng isipan ng Daddy ni Bella dahil hindi na pala ito inosente tungkol sa alay na ibinilin sa kanya ng matandang Mangkukulam. Natigilan si Anna. Hindi Pala inosente ang daddy ni bella. 'Jusko..' isip ni Anna. "D-dad.. isa nga iyan sa pinoproblema ko ngayon dahil iyon ang bilin niya sa akin. pangalagaan ko ang bertud na nasa sa akin.. at pagkatapos ay M- may dapat akong iaalay na isang bata ngayong darating na kabilogan ng buwan.. at bago iyon darating ay dapat may inihanda na aKing iaalay, at nahirapan Ako daddy,vaning gagawin ko??" Umiiyak na wika at Sagot ni Anna rito. Hindi niya sinasabi ritong Kapatid niya at bunsong babae ang gusto ng matandang mangkukulam dahil Hindi Naman alam ng mga ito Ang tunay niyang pagkatao na Hindi siya si Bella. "Malaking problema nga natin ito anak bella, kung saan Tayo hahanap ng Isang batang kadugo lamang upang ialay sa panginoon ng kadiliman ng iyong Lola ambrosia.." sabad Naman ni Amanda sa usapan at lumapit din sa kanila. "Dad, mom.. natatakot Ako bakit Ako pa??" Nanginig na tanong ni Anna. "Dahil nag- iisa ka lang apo at Ikaw Ang karapat dapat.." Sagot Naman ni Frederick. "Maging Ako ay Hindi sana gusto ito para Sayo, pero wala tayong magagawa sapagkat ito Yung mana na Hindi dapat nating itakwil dahil nagmumula pa ito sa ating mga ninuno at kung Hindi natin ito tatanggapin ay nasisiguro Kong malaking kagulohan ito sa ating pamilya anak." Muling wika ng Daddy ni Bella. Samantalang nabalitaan Naman nina Yassy ang pagkamatay ng matandang mangkukulam. "Mas Lalong naging Isang powerful na babae ngayon si Bella anak dahil siya ang tagapagmana sa lahat ng ari-arian o kayamanan ng kanyang Lola ambrosia.." Ang Sabi ni Mrs. Faye Gatchalian. "Unfair yun Diba mommy..? May karapatan din Akong isa sa tagapagmana kahit adopted lang Ako dahil legal adopted daughter niyo Ako ni Daddy Alfredo!!" Galit na Sabi ni Yassy. " kaya nga ehh, siguro dapat nating ipaglaban Ang right mo Iha.." ang wika Naman ni Faye. "Hindi ko hahayaang maging Masaya si Bella, pagkatapos ng lahat na ginawa niyang ahasin ang Asawa ko at isa pa. babawiin ko si Sam! Dahil Asawa ko Siya!!" Matigas ang katagang Saad ni Yassy. " Ang tanong kung nagsasama ba Ang dalawA ngayon?.Hindi natin na monitor iyon anak.." Ani Faye Kay yassy " Iyan nga uusisain ko mommy.. kung maaari, Ako MISMO ang papatay Kay Bella. Wala na akong Pera para mag- utos ng tao para tuloyan siyang mawala sa aKing landas kaya ako na Mismo ang gagawa ng hakbang!" Despiradang Saad ni Yassy. Bahala na. Nawala na Ang lahat sa kanya Lalo na Ang lalaking mahal niya at biglang bumulosok Ang Buhay niya ngayon Mula sa ibabaw pabagsak pa ilalim. Kaya Hindi niya hahayaang maging Masaya si Bella. Sa pamilya Sebastian Naman. Habang nag arrange si aling Wella sa mga panindang whole sale para sa kanyang tindahan ay bigla namang dumating si Lisa roon. "Magandang hapon po aling Wella.." Bati at pagbibigay galang ni Lisa rito. Nabigla naman ito sa biglang pagdating ni Lisa. "Oh, Lisa! Ikaw pala. may bibilhin kaba? Sige pumili kana.. halika at pumasok.." Wika namang tanong ni aling Wella. " Salamat po aling Wella.." Ani Lisa at pumasok Naman ito kaagad. "Maupo ka muna at magmeryenda.." Sabi ni aling Wella. "Ang bait niyo po aling Wella kahit may kaya na kayo ngayon sa Buhay. Pero Hindi nagbabago ang ugali niyo ni Mang doro, ang iba ay kunting angat lang sa Buhay ay parang sino na kung umasta.." Nakangiting Sabi ni Lisa. " Itong batang ' to, kung Anong ugali noon Meron kami ay ganoon parin iyon Lisa at Hindi magbabago kailan man. Tandaan mo, Hindi yaman Ang tunay na kaligayahan ng Isang tao. kahit gaano pa kayamanan ang Isang tao dito sa Mundo ay wala paring saysay iyon kung walang Diyos na pumapagitna sa isang pamilya. Kaya kung Ako, hindi ko na kailangan pang mas yumaman pa, happy at kontento na Ako sa simpleng yaman. Ang importante walang kagulohang nangyari sa aKing pamilya at lahat nagkakaintindihan at nagmamahalan at kumpleto sana ang kaligayahan namin kung nandito si Anna. At kung Buhay pa sana si Anna kung nasaan man ngayon ang best friend mo.." Mahabang wika ni aling Wella at biglang lumungkot na tumigil sa ginagawa at naupo paharap Kay Lisa. "Ahhmm.. Tama kayo aling wella. siya nga Pala, may Kasama Ako ngayon aling Wella.." Sabi Naman ni Lisa. " oh sino..?" Anitong nagtataka. " Sana huwag po kayong magalit. Kasama ko si Sam ngayon aling wella.." tugon ni Lisa. Saglit namang natigilan si aling Wella. "A- Anong kailangan niya..?" Maang na tanong ni aling Wella. "Magandang hapon Sa'yo aling Wella.." Bigla namang bati ni Sam na lumabas Mula sa likuran ng tindahan Nina Aling Wella. " S- Sam, Anong sadyang mo sa amin..?" Kaagad na tanong ni aling Wella. " Baka kung Ano na namang kagulohang gagawin ng Asawa mo kung malalaman niyang lumalapit ka dito sa amin?" Paunang Sabi ni aling Wella. "Ahh no aling Wella, ang totoo, nagkahiwalay na kami ni Yassy, may importante lang kaming kailangan ni Lisa sainyo ni Mang doro.. kaya kami nandito.." Ang Sagot ni Sam. "Pumasok ka dito Sam.. at maupo,. Tatawagin ko lang si Doro .." Ani aling Wella na ni Hindi man lang ngumingiti. " Sige po, salamat.." Tugon naman ni Sam. Dinulotan Muna ni aling Wella ng ma snacks sina Lisa at sam bago tinalikuran. Pumasok at naupo nga din si Sam habang kapwa nila hinihintay ni Lisa ang pagdating ni Mang doro sa tindahan.pagka maya- maya' y tulak- tulak- na ni aling Wella ang Asawa sa wheel-chair nito palabas ng Bahay patungong tindahan nila. Naka separate Kasi ang malaking tindahan nila sa bago nilang Bahay. Nakita pa Nina Sam na parang disgusto Ang itsura ni Mang Doro nang Makita nito si Sam. Madilim ang anyo nito nang makarating na ito Kasama si aling wella sa kinaroroonan nina Sam at Lisa, sa loob ng malaki na tindahan ng mga ito. "Magandang hapon po Sayo Mang doro .." halos sabay na bati pa ni Lisa at Sam. "Anong sadya niyo sa amin Sam..at Lisa..?" Pormal Ang mukhang tanong ni Mang Doro. "Mang doro.. nandito po kami para makikipag- uganayan sa Inyo sa pagpapatuloy na paghahalungkat at paghahanap kung nasaan nga ba talaga ngayon si Anna at kung Anong nangyari sa kanya .." pagsisimula ni Sam. Halatang kapwa na sorpresa ang mga magulang ni Anna sa sinabi ni Sam. "Iyan Pala ang kailangan niyo ngayon sa amin?" Ang tanong ni mang Doro na medyo na bawas bawasan ang pagdilim ng anyo nito. "Opo Mang Doro. balak po namin ni Sam na pupuntahan ang Isabella sa lumang mansion kung saan huling nagpunta si Anna.." ang Sagot Naman ni Lisa. Nagkatinginan qng mga magulang ni Anna at halatang biglang nalungkot ang mga ito sa muling pagka alala ng mga ito sa anak na mahigit Isang taon nang nawawala at Hindi nila alam kung Buhay pa ba ito o Wala na talaga ito. Nakita naman ni Sam Ang reaksyon ng mga magulang ni Anna. At maging Siya ay nakadama ng pagkaawa sa mga ito dahil sa pagka missing ng anak ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD