CHAPTER 33

1502 Words
Nauna ngang pumasok ang tatlong lalaki na inutusan ni Anna at narinig pa niyang lumaban pa saglit si Yassy bago ng mga ito naitali at natakpan ng tela ang mga mata nito. Ngayon na Siya lubos na makakaganti Kay yassy. Sa lahat ng ginagawa nito sa kanya! Sumunod na pumasok si Anna at sumalubong agad sa kanyang paningin si yassy na nakagapos na habang may takip na tela ang mga mata nito. Humugot siya ng malalim na hininga bago tuloyang humakbang papunta sa harap ni Yassy. "Nandito na si ma'am-ang nagpapadukot Sayo, Ma'am Yassy Gatchalian.." Wika ng isang tauhang lalaki ni Anna. "Mga hayop kayo! Sino ka!? bakit mo Ako pinapadukot ha! Sabihin mo kung Anong kailangan mo sa akin!!" Galit na galit na pasinghal na tanong ni Yassy. Habang nagpupumiglas at may takip itong tela sa mga mata at nakatali ang kamay at paa nito. Kitang-kita niya ang galit na itsura nito dahil sa kinasasapitan nito. Dinig na dinig pa ni Yassy ang mga yapak at takong ng sandalyas na suot ng babaeng kapapasok lamang at ang paghakbang nito at Ang paghihinto nito sa mismong harapan niya. Nilapitan pa itong lalo ni Anna at narinig naman ni Yassy na muling humakbang itong papalapit pa sa kanya at tumigil sa kanyang harapan na ilang dangkal nalang Ang layo nito kung sino mang ma'am na babae ang nagpapadukot sa kanya ngayon. Tinitigan muna ito ng matiim ni Anna. Sa WAKAS ay matutupad na rin Ang kanyang paghihiganti sa Asawa ng kanyang ex boyfriend na nang-aapi sa kanya at sa kanyang buong pamilya. Pagbabayaran nito ang pinaka malaking kasalanang nagawa nito sa kanya noon. iyon ay walang iba kundi Ang pagpapagahasa nito sa kanya! "Hello Yassy, how are you now? Masarap ba ang Buhay naghihirap??" Nakangising tanong ni Anna rito na may halong pang- uuyam ang tono ng kanyang mga tinig. Nabigla si Yassy sa boses na narinig. pamilyar sa kanya ang boses nito! Kilala niya ito. "Kilala kita!" Gigil na Sagot ni Yassy sa babaeng kumausap at nagsalita ngayon sa kanya. "Really? hahaha. Well.. guess who is me?" Tanong ni Anna. "Hayop ka! kilalang- kilala ko ang boses mo! Kahit hindi kita nakikita pero kilalang Kilala ko ang boses mong yan..!" Singhal ng malakas ni Yassy. At namumula na Naman ito sa galit. " Wow, that's good! Kilala mo pala ako. Mabuti Naman kung ganoon na Kilala mo na pala ako. Pakitanggal niyo manong -ang kanyang takip sa mga mata!" Utos ni Anna sa tatlong tauhan na inutusan. Mabilis namang kumilos ang Isang tauhan at tinanggalan ng takip si Yassy sa mga mata. Mas Lalong namumula sa galit si Yassy nang ma confirm na si Bella nga Ang nag mamay -Ari ng boses at nagpadukot sa kanya. "Walang hiya ka bella! May GANA kapang gawin ito sa akin! pagkatapos mong ahasin ang Asawa ko, pagkatapos mo kaming palayasin sa sarili naming Pamamahay! Hindi kapa nakontento, ginawa mo pa ito ngayon sa akin!" Sunod- sunod na sigaw ni Yassy kay Anna sa sobrang galit nito. "At may hindi ka pa nalalaman, tungkol sa AYF Gatchalian's Trading Company niyo. Ako ang gumawa ng paraan upang pabagsakin ito Yassy, at dahil nagtagumpay Ako pwedi mo akong i-congratulate ngayon! dahil nanalo ako sa laban natin o Yassy!" Napahalakhak na wika ni Anna. "Hayop ka! Demonya ka!!" Malakas na sigaw ni Yassy sa kanya. Napahalakhak si Anna dahil sobrang tuwa niya nang makitang gigil na gigil si yassy ngayon sa kanya dahil sa nangyari. "Ikaw ang demonya! kung Meron mang demonya ay Ikaw yun yassy! dinagdagan mo pa ang kasalanan mo sa akin, alam kong Ikaw ang nagpapabaril sa akin!" Asik Naman ni Anna rito. "Anong dinagdagan ang kasalanan? Ikaw itong may malaking kasalanan sa akin! Oo ako ang nagpapabaril Sa'yo! nanghihinayang ako kung bakit di kapa namamatay!!" Ani Yassy. "Talaga?? Ang sama mo talaga kung ganoon. Gusto kong tanungin ka ngayon Yassy Ano ba Ang feeling ng na aapi at nagiging kawawa tulad mo ngayon?" Napatawang tanong ni Anna. "Wala akong nararamdaman!! ang gusto ko ngayon ay patayin ka! yun lang!!" Gigil na Sagot ni Yassy. Isang malakas na sampal ang Ibinigay ni Anna Kay Yassy na siyang ikinabigla ni Yassy. "Umayos ka Yassy, dahil nandito ka sa aKing mga kamay! At huwag kang magkakamaling magsalita ng Hindi maganda! Manong, pakibigay nga sa akin ang baril mo, Loko yata itong babaeng ito! ni hindi natatakot sa akin! Hindi niya iniisip na pwedi siyang mawala ngayon! " Wika ni Anna. Pero tinakot lang niya si Yassy at never niyang magawa na papatayin ito. Binigay Naman sa kanya ng Isang tauhan ang baril nito. At itinutok iyon Kay Yassy. Nanginginig at namumutla si Yassy sa Pagtutok ni Bella sa baril nito sa kanya. "Huwag bella! Maawa ka Naman.." natatakot at umiiyak si Yassy. Natawa ng malakas si Anna at ibinaba niya ang hawak na baril na nakatutok Kay Yassy dahil naaliw Siya sa nakitang reaksyon ng ayon nito. "It's a prank! tinakot muna kita yassy. 'nu kaba. But anyway, iyan ang gusto ko, ang mapagpakumbaba yassy, naniwala ka naman agad na kaya kitang patayin? no, hindi. hindi ko babahiran ng dugo ang mga kamay ko sa tulad mong may maitim na budhi!!.." malawak ang ngiting Saad ni Anna. "Bakit mo ba ito ginawa sa akin ha? Kung tutuusin, ikaw Ang may pinaka malaking kasalanan sa akin Bella!" Umiiyak na sigaw sa kanya ni Yassy. "Hindi Yassy, Ikaw Ang may pinaka malaking atraso sa akin sa simula pa lang! At ibinalik ko lang Sayo kung ano ang nararamdaman ng Isang naghihirap at kung gaano ka sakit ang dumanas ng pang aabuso !! At kung Ano Ang nararamdaman ng Isang taong sinasaktan na walang kalaban- laban!" Nagsimulang sumikip ang dibdib ni Anna at di na napigilan Ang pagtulo ng kanyang mga luha ngunit nanatiling naging matigas ang kanyang anyo. "What?? Hindi kita maiintindihan! Ano bang mga pinagsasabi mo!?" Ulit nitong Tanong. "Diba Sabi mo sa akin, kilala mo ako? No, Hindi mo pa Ako Kilala ng lubosan Yassy.." Ang Sabi ni Anna. "Nagkakamali ka, Kilala na kita Bella at isa ka palang masamang tao.." "No.mali ka yassy.talagang hindi mo pa Ako Kilala. Hindi Ako si bella yassy.." pagtatapat ni Anna. Kunot- noong tiningnan sya ni Yassy. "Ano?" "Hindi Ako si bella! Simula nang mag suicide Siya ay di na siya nakakabalik pa sa kanyang katawan! At ang kaluluwang nasa katawan niya ngayon na kinalalagyan ko ay Hindi na Siya! Hindi na ito si bella!" Mataas Ang tinig niyang wika Kay Yassy. Nakita ni Anna ang saglit na pagkagulat at pagkabigla ni Yassy sa kanyang mga sinasabi. " K- kung ganoon, sino ka!? Hindi Ako makapaniwala nito! Pero ang totoo ay matagal ko na ring nahalata na parang malayo kana sa dating si bellang nakilala ko!" Gulat na wika ni Yassy. "Dahil Hindi nga Ako si Bella Yassy..." Mariing wika ulit ni Anna. "H- hindi. s-sino ka ba!? Alam na ba ito ng mga magulang ni Bella?? At alam na ba ito ng grand mother ni bella noong Buhay pa ito? ikaw Ang pinamamanahan niya sa lahat! Samantalang Hindi ka Pala si bella! " "Kung makapagsalita ka ay parang Hindi ka adopted Yassy. Isang adopted ka lang din, mas lamang lang Ako Sayo dahil kahit hindi Ako si bella ay katawan niya parin ito! Kaya huwag kanang mangarap ng yaman dahil Wala kang mapapala ,naka transfer na lahat sa akin ang kayamanan ng mga Valdadora. At alam na nila lahat na Hindi Ako si bella..Ikaw nalang at ang iyong Ina sa mga Gatchalian ang Hindi pa nakakaalam, at mas mabibigla ka ngayon kung sasabihin ko kung sino nga ba talaga Ako!" Mahabang Saad ni Anna rito. "S-sino kaba!?" "Gaya ng sinabi ko Ikaw Ang may pinaka malaking kasalanan sa akin yassy. Mula nang pinakasalan ka ni Sam ay sinikap Kong kalimutan at layuan si Sam dahil alam ko na iyon ang nararapat dahil may Asawa na Siya! Pero Anong ginawa mo? Sinasaktan mo at inaapi ang Isang kawawang mahirap na katulad ko! " Nanlaki ang mga mata ni Yassy. "A-Anna!?I-ikaw ba iyan!??" Manghang tanong ni Yassy. "At dinamay mo pa ang buong pamilya ko! Pinasira mo ang Bahay na na ipundar ng ilang taon ng aKing lumpong ama! Luha at pawis ang inabot niya para lang mabigyan kami ng magandang tirahan! At Hindi ka pa nakontento pati mga Bahay ng kapatid ko pinasira mo din! At pinalayas mo kami sa lupang kinalakihan namin at higit sa lahat ang pinaka masakit ay pinagahasa mo pa Ako sa tatlong taong inutusan mo! Yes, Ako to Yassy! Si Anna!" Mahabang dagdag na salaysay at Nanlilisik ang mga matang Sagot ni Anna Kay Yassy. Mas Lalong ikinagulat pa ni Yassy ang kasagutan ni Anna. "No! Hindi 'to totoo!" Umiling iling na Sabi ni Yassy. "P-paano to nangyari, bakit nasa katawan ka ni Bella Anna?" "Hindi mo na kailanganng Malaman at ngayon ,maniningil na ako Sayo Yassy sa kahuli- hulihang ginawa mo sa akin! Ang pinagahasa mo Ako! Hayop ka!" Sigaw ng malakas ni Anna Kay Yassy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD