CHAPTER 32

1688 Words
"Ako po Yung kaibigan ng nagngangalang Anna na na magpapakulam dito noon na Hanggang ngayon ay nawawala at Hindi na nakakauwi.." ang Sagot ni Lisa. "Ang kulit mo ring Bata ka,Diba sinabi ko na saiyo na madaling Araw palang ay pinauwi na Siya noon ng aKing among mangkukulam? At heto kana Naman,bumabalik.." Galit Ang mukhang wika ng mayordomang si Martha. Tumikhim si Sam at nagsimulang magsalita. " kailangan naming kakausapin ang amo niyong mangkukulam..pwedi mo bang ipaalam sa kanya na may mga bisita Siya..?" Matigas na wika ni Sam at ni Hindi nagpapakita ng pagkakatakot. Tiningnan Siya ng mayordoma. " Pasensya na kayo,Wala na si madam ambrosia..Patay na Siya at kalilibing lamang niya.." Kapwa pa nabigla sina Sam,Lisa at Edmund sa Sagot ng mayordoma. "Ano?? Ku- kung ganoon,Wala ba siyang anak na pwedi naming kakausapin..?? Hindi kami titigil hangga't Hindi kami mabibigyan ng tamang Sagot at ebidensya na nakauwi na nga Si Anna ng Araw na iyon..dahil kahit bangkay niya ay Wala kaming nakikita at na trace sa tagal ng paghahanap namin..at natural na dito kami mangungusisa dahil dito Siya huling nagpupunta sa mansiong ito.." walang prenong Sabi ni Sam sa mayordoma. "Kahit CCTV man lang na ipapakita niyo sa amin na nagpapatunay na nakauwi nga Ang kapatid ko at nakalabas sa mansiong iyan ng Araw na iyon ay sapat na para maniwala kami.." Ang Sabi Naman ni Edmund. "Sa Tono ng pananalita niyo ay parang pinagbintangan niyo na Ang aking amo na siyang suspect ng pagkawala ng sinasabi niyong si Anna..Wala Sila ngayon dito,Wala ang mga pamilya ni madam ambrosia ngayon sa mansion kaya makakaalis na kayo.." Galit na pagtataboy ng mayordoma sa kanila. Isasara na sana ni aling Martha ang malaking gate nang may biglang dumating na kotse at bumusena iyon.tumabi sina Sam,Lisa ay Edmund nang buksan nang malawak ng mayordoma ang malaking gate para makakapasok ang bagong dumating na kotse na walang Ibang nagmamay- Ari niyon kundi si bella! Si Anna Naman ay nagulat nang Makita kung sino ang mga nasa labas ng malaking gate ng lumang mansion-sina Sam iyon at ang kaibigang si Lisa,at ang kanyang nakakatandang kapatid na lalaking si Edmund! "No,bakit nandito Sila? Anong sadya nila rito..??" Inatake sa kabang tanong ni Anna sa sarili. Nagdalawang isip pang tuloyang lumabas sa loob ng kanyang kotse si Anna,hindi niya alam ang gagawin.ano nalang Ang iisipin ng mga ito kung malalaman ng mga ito ngayon na apo Siya ng matandang mangkukulam na naging suspect sa pagkawala ni Anna na ito ay siya? Kinatok ng mayordoma ang among si bella sa loob ng kotse nito nang matagalan ito sa paglabas. Pigil- hiningang lumabas na lang si Anna at kailangang haharapin niya sina Sam,Lisa at kanyang kuya Edmund. Nanlaki kapwa ang mga mata Nina Lisa,Edmund at Sam nang makitang si bella ang lumabas Mula sa loob ng kararating lang na kotse. " Ma'am bella!?" Halos magkasabay pang gulat na Sambit Nina Lisa at Edmund. "Miss bella..bakit ka nandito..?" Manghang tanong din ni Sam. "apo Siya ni madam ambrosia.." ang mayordoma ang sumagot. Gulat at nagkatinginan sina Lisa ,Sam at Edmund. 'Edmund,Lisa at Sam..bakit kayo nandito..?" Kalmadong tanong ni Anna at Hindi ipinahalatang kinakabahan siya. "Teka, nagugulohan Ako miss bella,ang matandang mangkukulam na si madam ambrosia Valdadora na pinuntahan Nina Anna at Lisa dito sa Santa Barbara at ang iyong grand mother na si Lola ambrosia Gatchalian ay iisa lang Pala..??" Laking gulat na tanong ni Sam. Mag- Asawa nga Sila ni Yassy pero ni Hindi Sila nakakapunta dito noon ni Yassy dahil Hindi Naman malapit ang loob ng grand mother ni bella Kay Yassy nakalimutan nga lang ni Sam na sa Santa Barbara din Pala nakatira ang grand mother ni bella. "Y- yes Sam,iisa lang Sila,bakit? M- may problema ba..?" Sari- saring emosyong tanong ni Anna.kaba,takot at pagkakainis dahil patuloy parin sa paghahalungkat si Sam sa kanyang pagkawala. At ang nakakainis Lalo ay nakumbinsi pa nito ang matalik na kaibigang si Lisa na samahan ito dito ngayon at pati na rin siguro ang kanyang tunay na pamilya dahil nandito rin ang kanyang kapatid na lalaki ngayon. Napatitig si Sam ng maigi Kay bella..naalala niya bigla ang namagitan sa kanilang DalawA nito doon sa kubo. sa loob loob ni Sam ay sobrang namimiss niya Pala ito at parang gusto niya itong yakapin ngayon ng mahigpit.ngunit pilit na winaglit iyon ni Sam Lalo na ngayong nalalaman niyang ang matandang mangkukulam na si madam ambrosia Valdadora at ang grand mother nitong si Ambrosia Gatchalian ay iisa lang Pala! "Baka nakalimutan mo miss bella..Diba sumama ka dati sa police station sa pag- iimbistiga Kay Lisa tungkol sa pagkawala ni Anna?? Diba alam mong si madam ambrosia Valdadora ang matandang mangkukulam na suspect sa pagkawala ni Anna..??bakit Hindi mo sinabi sa amin na apo ka Pala ng matandang mangkukulam na pinuntahan Nina Anna at Lisa dito!? Bakit Hindi mo sinabi sa aming grand mother mo Pala si madam ambrosia Valdadora!? Pati ang pamilya Sebastian ay hindi mo ito sinabi sa kanila! Bakit bella,may tinatago ba kayo ng Lola mo..??" Galit na pangungusisa at mga tanong ni Sam Kay Bella. "Wala kaming tinatago ni Lola ambrosia,at mas Lalo nang Wala akong kaalam- alam sa takbo ng Buhay niya! At hindi na Ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin sainyo o sa pamilya Sebastian na apo Ako ni ambrosia Valdadora! Dahil pati Ako nagugulohan na rin na naging suspect ang aKing grand mother! Kaya please lang magdahan dahan ka Muna Sam sa Tono ng mga pananalita mo! " Galit na ring wika ni Anna rito. Ngunit ang kaba sa dibdib ni Anna ay dinig na dinig niya dahil sa sobrang kabog nito ng mga Oras na iyon. "At Anong gusto mong iisipin namin sa ngayon ma'am bella? Talagang ipagtataka naming lahat na Hindi mo man lang sinabi sa aming apo ka Pala ng matandang mangkukulam na nilapitan ng aKing kapatid dati! Na siyang suspect ng pagkawala ng aKing kapatid.malaking katanungan Ang nasa isipan namin ngayon Lalo na at bigla ka nalang dumating sa Buhay namin at tinulongan mo kami .." Ang Sabi Naman ni Edmund. "Umalis na kayo dito,gusto ko Munang makapagpahinga ! Huwag niyo muna akong i- pressure sa mga negative na katanungan ng mga isipan niyo ngayon.. please lang.." mariing wika ni Anna sa mga ito. 'Jusko..ayoko munang malalaman nilang Ako ito,si anna.hindi pa Ako handa Lalo na't may malaking problema pa akong haharapin..ayokong madamay ang pamilya ko..' anang isipan ni Anna. "Hindi miss bella..kailangang makakausap ka Muna namin huwag mo Muna kaming tatalikuran!" Madilim ang anyong wika ni Sam. "Manang Martha,papaalisin Muna sila!" Ani Anna at nanginginig na tinalikuran ng tuluyan sina Sam,ang kaibigang si Lisa at kapatid na si Edmund. " Miss Bella..!" Rumihistro ang sobrang Galit sa Mukha ni Sam na tawag Kay Bella. " Umalis na kayo .." Sabi Naman ng mayordoma. " Sabihin mo ito Kay Bella na Hindi namin Siya tatantanan,kailangang sabihin niya kung Ano ang nalalaman niya tungkol sa kanyang Lola ambrosia,kung talagang may kinalaman nga ba ito sa pagkawala ni Anna! " nagngalit ang ngiping wika ni Sam. Nang makauwi sina Sam,Lisa at Edmund sa Bahay ng pamilya Sebastian ay si Edmund ang nagsumbong lahat sa mga magulang tungkol sa kanilang nalalaman Kay Bella na apo Pala ito ng matandang mangkukulam na si madam ambrosia Valdadora na siyang number one suspect ng pagkakawala ni Anna ,ang buong pangalan pala ng matandang mangkukulam ay si ambrosia Valdadora Gatchalian..nanlumo ang buong katawan ni Mang doro nang Malaman nito iyon at Lalo na si aling wella.nasasaktan Sila sa nalalaman. "Bakit di niya ito sinabi sa atin..?? At Anong intensyon niya na tinulongan Tayo..jusko doro Iba Ang takbo ng aking isipan ngayong nalalaman Kong apo Siya ng matandang mangkukulam na nilapitan ni Anna noon,Isa palang Gatchalian ang matandang mangkukulam.." umiiyak na Sabi ni aling Wella. "Ang pagkakaalam Kasi namin aling Wella na Valdadora ang apilyido ng mangkukulam..Kasi iyon Ang sikat na apilyido ng mga bantugang mangkukulam sa Santa Barbara.." Ang Sabi man ni Lisa. "Valdadora Siya nang dalaga pa siguro ang mangkukulam,pero isa palang Gatchalian ang apilyido niya ngayon na apilyido siguro ng kanyang naging Asawa..ang ipinagtataka lang natin kung bakit inilihim ito ni ma'am bella sa atin na Lola niya ang matandang mangkukulam na nilapitan ni Anna noon.. samantalang alam Naman niya na suspect ang kanyang Lola sa pagkawala ni Anna dahil sa pagsama niya sa presento nang inimbistigahan si Lisa.." mahaba namang Saad ni Edmund. "Isa lang ang takbo ng isipan ko ngayon. Nagdududa akong may connection ang pagtulong ni ma'am bella sa atin sa biglang pagkawala ni Anna..baka tinulongan niya Tayo Wella dahil iyon Ang kapalit sa Buhay ng nawawala nating anak na si Anna!!" Nanlaki ang mga Matang Sabi ni Mang doro. Kapwa nagkatinginan Ang lahat sa sinabi ni Mang doro. "Mang doro,sana mali itong mga hinala natin..iyan din Kasi ang nasa isipan ko ngayon..kaya kailangang babalik Tayo doon ..Edmund.bukas na bukas..bahala na, maghanap Tayo ng paraan upang makapasok doon sa loob ñg mànsion gusto Kong maghanap ng ebidensya na pwedi nating gamitin laban sa mga ito." Ani Sam. " Mahihirapan Tayo Sam ..Isang powerful na pamilya ang magiging kalaban natin..Hindi Sila basta- Basta.." natatakot na Sabi ni Lisa. "Pero Patay na si madam ambrosia..at tanging si miss bella nalang at ang kanyang mga magulang ang haharapin natin.." ang Sagot ni Sam. "Kahit na Sam.." si Lisa. "Ano?patay na Ang matandang mangkukulam..?" Nabiglang wika ni aling Wella. "Opo aling Wella..yun Ang Sabi sa amin ng mayordoma ng mansion.." si Lisa parin ang sumagot. Samantalang Si Anna Naman ay lihim na humakbang patungo sa kuwarto ng kanyang Bihag ngayon.si Yassy! " Oras na sa paniningil Yassy..." Napangiting wika ni Anna. Naabutan ni Anna ang tatlong bantay sa labas ng kuwartong kinalalagyan ni Yassy na kanyang binayaran at inuutusan sa pagkidnap Kay yassy. "Magandang hapon ma'am..nandito kana Pala.." ang bati ng Isang tauhan. "Yes,.kanina pa Ako dumating, nagpapahinga lang Muna Ako saglit..buksan niyo Ang pinto at Mauna kayo sa loob..itali niyo Siya at takpan ng tela ang kanyang mga mata..gusto ko siyang susupresahin kung sino ang nagpapakidnap sa kanya at higit sa lahat gusto Kong malalaman niya kung sino talaga Ako!" Utos ni Anna sa tatlong lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD