chapter one

1601 Words
Qarina Sa loob ng ilang buwan buhat nang ikinasal ako kay Lucifer ay tulad ng aking inaasahan, hindi ako masyado nakakalabas ng palasyo. Mahigpit ang pagbabantay sa amin. Ano pa nga ba ang idadahilan nila? Iniingatan lang daw kami dahil kami ang mga asawa ni Lucifer. Hindi ako naniniwala. Dahil pakiramdam ko ay isa akong preso dito. Palagi akong nakatambay sa aking silid at nakadungaw lang sa bintana. Tinatanaw ang buong kaharian. Buntis ngayon si Staufer. Alam ni Lucifer na lalaki ang magiging anak niya sa babaeng iyon kaya ipapangalan daw niya itong Flavius. Ipinagtataka ko lang, nagkaroon din naman siya ng anak sa mga nagiging reyna niya ngunit wala akong nababalitaan tungkol sa kanila. Hindi ko rin magawang itanong tungkol sa bagay na iyon dahil masyadong abala ang mga demonyo sa palasyo. Isang beses ay sinubukan kong itanong iyon kina Esclair at Helissent ngunit bigo ako makasagap ng impormasyon. Patungo ako sa silid ni Helissent. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko siyang nakatitig siya sa kaniyang bolang kristal. Naputol lang iyon nang naramdaman niya ang aking presensya. Agad siyang tumayo at sinalubong niya ako. "Naparito ka, Qarina... May kailangan ka ba?" "Wala naman, gusto ko lang makipagkwentuhan sa iyo." Tugon ko. Wala rin ngayon si Esclair dahil abala siya sa pagiging gate keeper niya. Kahit na may ginagawa siya ay patuloy pa rin siyang binabantayan ng mga kawal. Dumapo ang tingin ko sa bolang kristal na nasa mesa. "Anong tinitingnan mo d'yan?" Napatingin din doon si Helissent. "Inaalam ko kung ano ang magiging kapalaran ng magiging anak ni Lucifer, lalo na kay Flavius." Sagot niya. "Nakikita ko ay hindi magiging maganda. Hindi ko lang matukoy kung ano iyon." Tahimik akong tumango. Nilapitan ko ang bolang kristal at tinititigan ko iyon. Kumunot ang aking noo nang may nakikita akong bulto ng isang lalaki. Madungis at tila may kaaway siya. Hindi ko lang makita ang kaniyang mukha dahil sa nakatalikod ito. "Qarina?" Tawag sa akin ni Helissent. May bakas na pagtataka. Agad akong napatingin sa kaniya. "Nakikita mo din ba kung ano ang magiging kapalaran ng isang mortal?" Bigla kong tanong. Muli siyang napatingin sa bolang kristal. "Madalas, noong hindi pa ako reyna. Sa katunayan ay pinuntahan ko sila---" Hindi matuloy ang sasabihin niya nang biglang may kumatok sa pinto. Agad din iyon nagbukas. Ang mga tagapagsilbi. May mga hawak silang mga pagkain. Isa-isa silang pumasok at maingat nilang ipinatong ang mga iyon sa mababang mesa ng silid na ito. "Nakahanda na po ang inyong pagkain, mga mahal na reyna." Saka yumuko sila sa amin upang magbigay pugay. "Mabuti pa't mauna na muna ako, Helissent." Pagpapaalam ko. Kumunot ang kaniyang noo. "Ha? Kumain ka muna, kasama ko, Qarina." Isang maliit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "Hindi na, naalala ko na may bigla pala akong gagawin." Sabi ko. Bago pa siya magsalita at pipilitin niya akong kumain na kasama siya ay inunahan ko na. Mabilis akong umalis sa silid. Napaisip ako nang nakita ko ang lalaking nakita ko sa bolang kristal. Tulad ng sinasabi ni Helissent, noong hindi pa siya reyna ay pinupuntahan niya ang mga iyon. Bakit kaya? *** "Mukhang malalim ang iniisip mo." Puna sa akin ni Lucifer na ngayon ay nasa aking silid. Napabisita siya. Iyon ang daan para ibalik ang atensyon ko sa kaniya. Lucifer isn't that old. He's immortal, pero kung pagbabasehan sa hitsura ay parang kasing edad lang namin siya. "May iniisip lang ako." kaswal kong sabi at tinalikuran ko siya. "Ano nga pala ang sadya mo dito, Lucifer?" "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa iyo, Qarina." Panimula niya. "I need a child from you." Kumunot ang aking noo. Muli ko siyang tiningnan. "Hindi pa ba sapat na magkakaroon ka na ng anak kay Staufer?" Seryosong tanong ko. "Kahit sina Helissent at Esclair ay aanakan ko din." Aniya. Hinahawakan niya ang itim na rosas na nasa plorera. "Nasaan ba ang mga anak mo sa mga dati mong reyna, ha?" Iritable kong tanong. "Pakalat-kalat lang sila sa tabi-tabi, kung minsan ay nasa mundo sila ng mga mortal." Walang emosyon niyang sagot. "Sa oras na nawala na ang mga ina nila sa trono, iyon din ang dahilan para matanggalan sila ng karapatan dito sa palasyo. They are no longer to be a prince or a princess." Umigting ang aking panga, kasabay na pagkuyom ng aking kamao. "Balewala lang sa iyo na maging anak sila." I stated. Dahil sa inis ko ay mabibigat na hakbang ang aking pinakawalan. Nilapitan ko siya at walang sabi na sinampal ko siya! "Hinding hindi kita bibigyan ng anak, Lucifer." Mariin kong sambit. Nanlalaki ang mga mata niya habang ibinabalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "What did you say?" May bakas na galit sa kaniyang boses nang sabihin niya iyon. Matalim ko siyang tiningnan. "Pinagbigyan lang kita. Pinagbigyan kita na gawin mo ako bilang isa sa mga reyna mo kahit labag man sa kalooban ko. Lalo na't pinagbigyan lang kita na galawin mo ang aking katawan kahit galit na galit ako sa iyo." Nanatili lang siyang nakatingin sa akin tila hindi pa rin siya makapaniwala na masabi ko ang mga bagay na iyon. "Sa lahat ng mga naging reyna mo ay hindi ako katulad nila. Ni minsan ay hindi ko habol ang korona at pagiging reyna na ikakabit sa pangalan ko. Tatandaan mo ito... Hinding hindi ako yuyuko sa iyo. Hindi kita kikilalanin bilang asawa ko. Lalo na't hinding hindi ako makakapayag na ikaw ang magiging ama ng mga magiging anak ko!" Tinuro ko ang pinto. "Kung wala ka nang sasabihin pa ay maaari ka nang umalis dahil ipaparamdam ko sa iyo kung gaano kita kinasusuklaman, Lucifer!" Tiningan pa niya ako ng ilang segundo bago man niya ako tinalikuran. Tahimik siyang umalis sa silid na ito. Sa pagkasara ng pinto ay nakahinga ako ng maluwag. Napapikit ako at tumingala sa kisame. Sa oras man na patayin niya ako dahil sa pagiging bastos ko sa kaniya, wala akong pakialam. Basta hinding hindi ako papayag sa anuman ang sasabihin o gugustuhin niya. Biglang sumagi sa aking isipan ang lalaking nakita ko sa bolang kristal ni Helissent at may nabuong ideya na dahilan para mapangisi ako. *** Maingat akong umalis sa tore kung nasaan ang aking silid. Dumaan ako sa silid ni Helissent. Hindi ako sigurado kung gising pa siya o hindi. May kailangan akong kunin doon. Isang bagay, Dahan-dahan kong nilakihan ang awang ng pinto. Maingat din akong pumasok sa silid. Tanaw ko siyang mahimbing na natutulog sa malambot at malapad niyang kama. Nilapitan ko ang mesa kung nasaan ang bolang kristal niy pero hindi naman talaga iyon ang pakay ko. May iba pa. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko ang bagay na hinahanap ko. Nasa tabi lang ng bolang kristal. Ang medalyon. Ipinakita na din niya sa amin iyon noong magkakausap kami na kasama si Esclair. Ayon sa kaniya, magagawa nitong pababain ang enerhiya ko bilang demonyo upang hindi kami natunton kung sinuman na kapwa ko ding demonyo. Kahit si Lucifer pa. Nang makuha ko ang medalyon ay agad akong umalis hanggang sa marating ko ang portal kung saan ang labas n'on ay sa mundo ng mga mortal. Tagumpay akong nakalabas. Kumunot ang aking noo nang tumambad sa akin ang maliit na espasyo. Mukhang makipot pa ang daan na ito. Kunot-noo akong humawak sa pader. Maglalakad na sana ako nang may naririnig ako na parang may gulo. May nag-aaway ba? "Putang ina, tapusin ninyo na ang gagong iyan!" Sigaw ng isang lalaki. "Tang ina mo pala, eh. Ang lakas ng loob mong sumugod dito mag-isa, wala ka palang palag!" Rinig ko ng isa pa. Kumunot ang noo ko. Parang may humahatak sa akin papunta sa pinanggalingan ng boses na iyon. Sumilip ako kung ano ang kaganapan. Napaawang ang bibig ko nang matagpuan ko ang mga kalalakihan na tila may pinagtutulungan sila. Isang lalaki na nakahandusay at mukhang naghihingalo na. Patuloy pa rin siya pinagsisipa na akala mo ay isa siyang hayop. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tahimik akong humakbang palapit sa kanila. Itinutok ko ang palad ko sa kanila. Kusa silang lumutang at pinaghampas ko sila kung saan-saan. Napahiyaw sila sa sakit. Dinampot ko ang nakakalat na mapalo na yari sa bakal at walang sabi na hinaghahampas ko sa apat na kalalakihan. Sa huli ay nawalan sila ng malay. Tahimik kong dinaluhan ang lalaking nakahandusay. Tinukod ko ang isang tuhod at lumapat iyon sa semento. Pinaharap ko ang lalaki. Marami siyang sugat sa mukha at mukhang baldado na. "U-ughh..." Ungol niya. Dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata. "S-sino ka...?" Nanghihina niyang tanong sa akin. Nanatili lang akong tahimik. "T-tulungan mo ako..." Mahina niyang saad. Dumapo ang tingin ko sa kaniyang tiyan. May dugo. Marahas kong inangat ang damit niya. May sugat. Mukhang nasaksak siya. Malalim ang kaniyang lagay. "T-Tulong..." Patuloy pa rin niyang sambitin iyon. "H-hindi pa ako p-pwedeng mama-tay..." Sumilay ang ngisi sa aking mga labi. "Tutulungan kita sa isang kondisyon." Sabi ko. Tumingin siya sa akin gamit ng namumungay niyang mga mata. "A-anong ko-kondisyon?" Tanong niya. "Ibebenta mo sa akin ang kaluluwa mo." Sagot ko. Natahimik siya. Taas-baba ang kaniyang dibdib. "S-sige..." Sa huli ay iyon ang kaniyang sagot. Itinapat ko ang aking palad kung nasaan ang kaniyang sugat. Nilabas ko ang enerhiya na kulay pula. Saglit lang din naman ito kaya walang poproblemahin. Kahit na sinara ko na ang sugat niya ay mahina pa rin siya. Kailangan niya ang sapat na pahinga. Walang emosyon na nakaukit sa aking mukha nang tingnan ko ulit siya. "Anong pangalan mo, lalaki?" Tanong ko. "A-Aldous... Aldous Rivera..." Tugon niya bago man niya tuluyang ipinikit ang kaniyang mga mata...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD