Anak ako ng isa sa mga kawal ng Impyerno habang ang aking ina ay tagapagsilbi ng Palasyo.
Kung tatanungin ninyo ako kung naging maganda ba ang buhay ko noong mga bata palang ako, masasabi ko lang, bilang lang sa diliri ang mga magagandang alaala na iyon. Sa tuwing lalabas ako ng bahay, lagi kong kasama si Mylle, na masasabi kong matalik kong kaibigan. Kung nasaan ako, ay naroon din siya. Dikit kami na tila hindi ako mabubuwag kahit anuman ang mangyari.
Palagi naming tambayan ang pulang puno na malayo sa kabihasnan ng kaharian. Iyon lang ang tanging lugar na alam namin para makalimutan namin kahit pansamantala ang mga problema na nararanasan namin.
"May sakit daw ang tatlo sa mga asawa ni Lucifer. At malapit na daw sila mawala." Pagbabalita niya sa akin nang labing siyam na taong gulang na kami.
"Ibig sabihin, kailangan ulit maghanap ng mga panibagong asawa si Lucifer?" Taas-kilay kong tanong sa kaniya habang nakahiga lang ako sa damuhan na nasa lilim lang ako ng pulang puno na ito.
Ngumuso siya't tumango biglang tugon. "Kaya naghahanap na ng mga panibagong reyna si Lucifer sa lalo madaling panahon. Kahit na sabihin nating meron pa siyang isa."
Tama. May iba pang asawa si Lucifer. Hindi pwedeng mabuwag ang apat na reyna na iyon. May dahilan daw pero hindi ko rin alam kung bakit. Wala naman kasi akong panahon para malaman ko tungkol sa bagay na iyan. Especially, it's royalties' issue. Not mine.
Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko ang mga magulang ko na seryoso nag-uusap. Kumunot ang noo ko. Nagtataka at medyo nagulat lang dahil sa mga oras na ito ay nasa kani-kanila pa silang trabaho.
Sabay silang napatingin sa aking gawi. Pareho silang napatayo nang makita nila akong nasa pinto na. "M-may nangyari ba?" I cluelessly asked.
Bago man nila ako sagutin ay nagtinginan silang dalawa. Tumango ang aking ama habang ang aking ina naman ay bumaling sa akin na may pag-aalala sa kaniyang mukha. "Anak..."
"Ina..."
She reached me. "Kailangan mong pumunta sa Palasyo. Pinapatawag ka ni Lucifer."
Umawang ang aking bibig na magbibigay sana ng reaksyon ngunit, wala akong makapa na tamang salita para doon.
"Anak, isa ka sa pinili ni Lucifer bilang reyna niya."
Para hindi ako makahinga sa aking narinig. Parang napunit ang buo kong pagkatao. Parang gumuho ang aking mundo. Papaano nangyari iyon?
Lumapit si ama sa amin. "Ipapahanda ko mamaya ang mga gamit mo. Mamaya ay susunduin ka ng mga kawal ni Lucifer para ihatid sa Palasyo."
T-teka, hindi ba nila muna ako tatanungin kung tutol ba ako o pumapayag man lang?
Ngunit bigo ako.
Ilang oras pa ang lumipas ay rinig ko ang ingay ng karwahe na magsusundo sa akin. Naririto ako ngayon sa aking silid at hindi pa rin makapaniwala. Bumilis ang kabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko ay parang hahatulan ako ng kamatayan.
"Anak, narito na sila." Rinig kong tawag sa akin ni ina habang kinakatok niya ako dito sa aking kuwarto.
Pumikit ako ng mariin sabay kinuyom ko ang aking kamao. Huminga ako ng malalim saka tumayo na ako mula sa pagkaupo ko sa gilid ng kama. Kumawala ako ng hakbang palapit sa pinto saka binuksan ko iyon. Tumambad sa akin si ina na nakangiti habang nasa likuran niya ang mga kawal na susundo sa akin.
Bakas ang kalungkutan sa aking mga mata ngunit tila balewala lang sa kanila ang aking nararamdaman. Ano pa ba ang aasahan ko? My parents are both demons. It's their nature. Kaya sa buong buhay ko ay naging sunod-sunuran lang ako sa nanaisin nila.
Pagsakay ko ng karwahe ay bumaling ako sa direksyon kung nasaan ang mga magulang ko. Napasapo sa dibdib si ina habang inaakbayan lang sa kaniya si ama. Pareho silang nakangiti.
Malungkot kong binawi ang aking tingin. Sa ibang direksyon ko nalang binaling ang aking atensyon. Napasapo ako sa aking dibdib. Yumuko. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata.
**
Tumigil ang karwahe sa Palasyo. Para sa mga mortal, ito ay nakakatakot ngunit para sa amin at tulad kong demonyo, natural lang sa amin ito. Maski ang mga rosas ay kulay itim.
Pinagbuksan ako ng pinto ng isang lalaki. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Tahimik kong tinanggap iyon at napatingala ako sa matayog na gusali na nasa aking harap. Muli bumuhay ang kaba sa aking dibdib.
"Ikaw nalang po ang hinihintay sa loob, Mahal na Reyna." Wika niya.
Kumunot ang aking noo sa aking narinig. Reyna na agad ang tawag nila sa akin?
Nagbuntong-hininga muna ako at naglakad na kami papasok sa loob ng Palasyo. Mga nakasinding itim na kandila ang nagsisilbing ilaw ng palasyo. Wala masyadong kagamitan ang meron dito. Only the red carpet who instruct the right way.
Tanaw ko ang isang malaking pinto na may nakabantay na dalawang kawal na magkabilang gilid nito. Nang malapit na kami doon ay agad nila binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang mga kapwa kong demonyo sa naturang silid. Mas pumukaw ng aking atensyon ang apat na babae na nakatayo lang sa gilid, malapit kay Lucifer.
Isang ngisi ang iginawad niya sa akin na tila nasiyahan siya sa aking pagdating.
"Hindi talaga ako binigo ng iyong ama."
Nanatili lang akong nakatingin at seryosong mukha ang nakaukit sa aking mukha. Bumaling ako sa tatlong babae na nasa isang gilid. Mas ipinagtataka ko ay ang isang babae na alam ko na mas matanda siya sa akin. Masama niya akong tiningnan habang ang dalawa naman ay seryoso lang nakatingin sa akin.
"Sa wakas, hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng papalit sa tatlong reyna na mawawala na..." Panimula ni Lucifer. "Bukas na bukas din ay kasal natin..."
Doon ako naalarma. Nanlalaki ang mga mata ko't diretso ko siyang tiningnan. "K-kasal?" Ulit ko pa.
Tumaas ang isang kilay niya. "Yes, you and these two ladies right here are my brides. Papakasalan ko kayo sa iisang kasal lang."
Nagwawala na naman ang aking puso sa aking narinig. Ibig sabihin, ipagsasabay niya kaming papasakalan?!
Lumapad ang ngisi ni Lucifer. "My brides should take some rest. Escort them to their towers!" Malakas na utos niya sa mga tagapagsilbi.
Kaniya-kaniyang lapit ng mga tagapagsilbi sa amin. Bago ko man tinalikuran si Lucifer at binigyan ko siya ng isang masamang tingin ngunit binalewala niya lang iyon. Dahil d'yan ay kinuyom ko ang aking kamao at tinalikuran ko na siya.
**
Tahimik lang akong nakadungaw sa bintana kung nasaan ang aking silid---at the top of the tower. Kaya pala apat ang mataas na tore sa bawat sulok ng palasyo na ito.
"Mahal na reyna, ito na po ang inyong tsaa para mahimbing ang inyong tulog." Wika ng isa sa mga tagapagsibi.
"Ilabas mo 'yan." Mariin kong utos.
"Ngunit, Mahal na Reyna-"
"Lumabas ka!" Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mairita kaya ibato ang plorera na nasa aking paanan. Umatras siya dahil sa takot. Nabasag ang plorera sa sahig.
Nagmamadaling lumabas ang tagapagsilbi sa silid na ito. Hingal na hingal ako kahit wala naman akong ginagawa o nagpagod.
Ilang saglit pa ay biglang nagbukas ang pinto. Napatingin ako kung sino ang pangahas na pumasok. Tumambad sa akin ang isa sa mga reyna ni Lucifer. Kilala ko siya. Siya ang babaeng masama ang tingin sa akin ngunit hindi ko alam ang kaniyang pangalan. Pwes, wala akong panahon para alamin pa iyon. Ano naman ang kailangan niya't naparito siya?
Umalis ako mula sa aking kinauupuan. Hinarap ko siya.
Blangko ang ekspresyon sa kaniyang mukha. At walang sabi na malakas na dumapo ang kaniyang palad sa aking pisngi. S-sinampal niya ako!
"Hindi mo pa nakukuha ang titulo ng pagiging reyna ngunit kung makaasta ka ay parang kampante ka na maging asawa ka ni Satanas!" She also prefer Lucifer. "You're just a succubus. You're not like Helissent who's the witch queen."
Sino naman si Helissent?!
Matalim ko siyang tiningnan. "Eh ikaw? Ano ka ba para asawahin ka ni Lucifer?"
Bago man sumagot ang babaeng ito ay may nagsalita upang maputol ang palitan ng masasamang tingin namin ng babaeng nasa harap ko! Teka, siya 'yung isa sa mga magiging asawa ni Lucifer bukas.
"Tama na iyan..." Pumagitna siya sa amin. Bumaling siya sa kaaway ko. "Reyna Staufer, ako na po ang bahala sa kaniya..."
Naniningkit ang mga mata niya sa babaeng pumipigil sa amin. "Siguraduhin mong pagsabihan mo ng maayos ang succubus na iyan!" Tinalikuran niya kami't lumabas sa silid na ito. Sumunod naman sa kaniya ang mga alipores niya.
Hinarap ko ang babaeng naiwan dito sa silid. "Bakit ka narito?"
Nagtama ang mga tingin namin. "Hindi ako narito para makipag-away. Tulad mo ay biktima lang din ako sa kagustuhan nila."
"Ano ngayon?"
Bago man siya sumagot at binigyan niya ako ng ngiti at marahan niyang hinawakan ang aking kamay na ipinagtataka ko. "Gusto kong makipagkaibigan sa iyo. Hindi bilang isa sa mga asawa ni Lucifer. Bilang ikaw."
Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi niya?
"Ako nga pala si Esclair. I'll be a afterlife gate keeper in Hell."
"Eh sino naman si Helissent na tinutukoy ng Staufer na iyon?" Inis kong tanong.
"Ah, si Helissent... Siya 'yung isa sa mga papakasalan ni Lucifer bukas. Well, she's the Mistress of the Sorceress. She's gonna be the witch queen." Matamis siyang ngumiti. "Pero alam na namin na isa kang succubus. Pero, anong pangalan mo?"
Huminga ako ng malalim at ngumiti na din. "Qarina."