"Alam mo lolobo talaga ako nito kapag ganito lagi kasarap ang mga pagkaing niluluto natin." Hinimas-himas ni Mara ang busog na busog na tiyan. Katatapos lamang nilang pagsaluhan ang niluto nitong kaldereta. Napahagikhik si Xander na tila kinilig sa kaniyang sinabi. "Ngayon alam ko na kung bakit bata pa lang ako ay tinuruan na ako ni Mama sa kusina. Dahil ito pala ang magiging way para magustuhan ako ng napakagandang babae..." She smiled sweetly at him. "And thank you for her. Kasi nang dahil sa kaniya kaya natitikman ko ngayon ang ganitong kasarap na mga pagkain..." Kapagkuwa'y tumayo si Xander. Hinila siya nito sa kamay papunta sa sala, para pagsaluhan naman ang wine na dala nito. Sabay na nilang tinutungga ang alak nang muli siyang mapatitig kay Xander. Ang hirap talagang pigilan