Nagpatuloy ang malabo pero masaya nilang relasyon. Halos sa unit na niya nakatira ang binata. At dahil nag-iisa lang ang kuwarto, pinagkakasya ni Xander ang sarili sa maliit na sofa, para lang bantayan siya gabi-gabi. Wala rin itong palya na samahan si Mara sa bawat lakad niya. Kinansela pa nito ang meeting sa isang kliyente para maging escort sa wedding anniversary ng kaniyang mg magulang. "Anak..." untag sa kaniya ng Mommy Aida niya. "Wala bang sariling buhay 'yang si Xander at daig pa ang personal bodyguard kung makabantay sa'yo." Sa ilang buwan nilang pagsasama ng binata ay nakilala na ito ng kaniyang pamilya na ipinakilala niyang official boyfriend. Hindi rin lingid sa pamilya niya ang pag-aalaga na ginagawa sa kaniya ni Xander. Kaya botong-boto dito ang mga magulang at Kuya Jed n