Walang maibigay na kasagutan sa kaniyang sarili si Mara sa tuwing nagtatanong siya kung ano ba ang sumanib sa kaniya at pumayag siya sa gusto ni Xander. It doesn't matter to her anymore. Basta ang mahalaga ay masaya siya sa naging resulta ng lahat. Isang buwan na rin simula nang makipagsapalaran siyang tumalon sa isang relasyon na hindi niya alam kung ano ang tawag. It could be a rebound relationship. Because it helps keep her mind off her ex. Siguradong magagalit sa kaniya ang kaniyang pamilya at mga kaibigan kapag nalamang nanggamit siya ng tao para lang makapag-move on. Kaya nagpasiya si Mara na itago ang tunay na estado nila ni Xander. Hindi na rin niya ito ipinarating sa bestfriend niyang si Elise na nasa Pilipinas. Dahil kahit ito man ay siguradong hindi siya papaboran. Pero m