Chapter 5

1654 Words
Lumipas ang mga araw at patuloy siyang sinuyo ni Pete. Humihingi ito ng sorry sa ginawang kataksilan. Pero nang hind nito nakuha ang kaniyang kapatawaran ay lumabas ang tunay nitong anyo. Sawang-sawa na daw ito sa kaartehan niya. Masiyado daw siyang madamot kaya sa ibang babae na lamang nito hinahanap ang pagkukulang niya. Nasaktan siya sa nalamang iyon. Ilang beses na pala siyang niloko ni Pete...at nagpaloko naman siya. "Ang tanga-tanga mo, Mara...ang tanga-tanga m-mo." parang baliw na pinagsasampal niya ang sarili habang tinutungga ang huling laman ng bote ng wine glass. Nasa bar siya noon at naglalasing para ipagluksa ang pagiging broken hearted niya. Sobra siyang nasaktan nang sabihin sa kaniya ni Pete na ang pagpapahalaga daw niya sa virginity ang naging dahilan kung bakit siya nabigo sa pag-ibig. Hinding-hindi daw siya magiging masaya hangga't ganon ang paninindigan niya. Muli niyang naramdaman ang pag-init ng kaniyang mga mata nang maalala ang panloloko sa kaniya ng nobyo. Ang tanga-tanga niya na umasa sa salitang forever. Alam niyang normal iyon sa tulad niyang first timer pero hindi niya akalain na magiging ganito ka-disaster ang una niyang pag-ibig. Naramdaman ni Mara ang tuluyang pagpatak ng kaniyang mga luha. Sana nakinig na lang siya noon sa sinabi ng iba tungkol kay Pete. Kung hindi lang sana niya pinili ang magpakatanga. Habang iniisip niya kung paano siya nagawang saktan ng nobyo sa kabila ng pagmamahal niya rito ay unti-unting nagkakaroon ng boses ang tahimik niyang pag-iyak. "Okay ka lang ba, Miss?" Awtomatikong natigil sa pag-iyak si Mara at dahan-dahang nag-angat ng ulo. Sa naliliyong tingin ay nakita niya ang chinitong lalaki. Hindi na siya nagulat sa nalamang kapwa niya ito Pinoy dahil isang Filipino bar ang lugar na iyon. Naipilig niya ang kaniyang ulo habang matamang pinagmamasdan ang lalaki. Kahit saang anggulo niya tingnan ay hindi maipagkakailang guwapo ito. Pati hininga nito ay napakabango rin na humalo sa amoy ng alak na ininom nito. Parang gusto niyang matawa sa sarili nang maalala ang mga ka-dramahan niya na siguradong narinig ng lalaki. Dahil mukhang kanina pa rin ito nakaupo doon. But she didn't give a damn. Hindi iyon ang concern niya nang mga oras na 'yon. Mas iniintindi niya ang sariling damdamin, ang pusong nasasaktan. "Are you okay?" Muling tanong ng lalaki. Nang-uuyam siyang tumawa. "D-do I look okay?" Puno ng sarkasmo ang boses ni Mara. "K-kailan pa ba naging okey ang taong broken hearted? Ang taong niloko ng lalaking...m-mahal niya? K-kung okey lang 'yon, eh di sana hindi ako umiiyak at nagpapakalasing dito " Tinamaan na ng alak ang kaniyang utak kaya kung anu-ano na lamang ang pinagsasabi ng dalaga. Pero mukhang matibay ang sikmura ng lalaking ito pagdating sa pakikipag-usap sa mga lasing kaya matiyaga itong nakinig sa ka-dramahan niya. "I...I d-didn't do anything bad to him." Ani Mara sa lasing na boses. "Ang kasalanan ko lang dahil mataas ang pagpapahalaga ko sa virginity." She chuckled. "So funny, right? Ipinagpalit niya ako sa iba dahil hindi ko kaagad naibigay sa kaniya ang gusto niya." Muling napaiyak ang dalaga. Ngunit nang sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nag-iisa. Inabutan siya ng lalaki ng panyo para sa kaniyang mga luha at hindi na iyon tinanggihan ni Mara. Hindi niya maipaliwanag kung bakit habang pinupunasan ang mga luha, gamit ang panyo ng estranghero, ay nakaramdam siya ng kaluwagan sa dibdib. "T-thank you..." ibinalik niya ang panyo pero umiling ito. "You can keep it for yourself tonight. Meron pa ako dito pero hindi ko na iaalok sa'yo. I hate seeing beautiful woman in tears..." puno ng simpatiya ang boses nito. "Lalo na kung kasing ganda mo." She fixedly looked at him. Kahit na ngayon lamang niya ito nakaharap ay nasisiguro niyang mapagkakatiwalaan at mabuti itong tao. Because he had the friendliest eyes that she had ever seen. Napakababa at napakamahinahon din ng boses nito. Iyon marahil ang naging dahilan kaya unti-unting napalagay ang loob niya rito. "Gaano ba ka-guwapo ang lalaking iyon para iyakan mo siya ng ganiyan?" Itinuro nito ang pisngi. "Kasing-guwapo ba nito?" Biro ng lalaki na halatang gusto lamang siyang pangitiin. Nakakahawa ang mga mata nitong masayahin kaya kahit mabigat ang dibdib ay napangiti na rin si Mara. "H-huwag kang mag-alala dahil mas guwapo ka d'on." Sakay niya sa biro ng lalaki bago pinunasan ang kahuli-hulihang luhang pumatak sa kaniyang mga mata. Kung anu-ano na lang kasi ang ipinagkukuwento nitong nakakatawa para lang mapangiti siya. Inaamin niyang nakaramdam siya ng hiya nang malamang kanina pa nga talaga nito gustong damayan siya dahil sa narinig nitong pagda-drama niya. Hanggang sa bandang huli ay ipinagkatiwala niya sa estranghero ang dahilan ng pag-iyak niya. "That man was completely son of a b***h. He's an asshole for hurting you!" Napakuyom ito nang marinig ang buo niyang istorya. "Gago lang ang Pete na 'yon dahil nasa kaniya na ang pinakamagandang babae sa mundo pero pinakawalan pa niya." Parang hinaplos ng mainit na palad ang puso ni Mara. Kakakilala lamang nila ngayong gabi pero parang ang tagal na nilang magkaibigan kung mag-alala ito para sa kaniya. Dahil d'on kaya muli siyang napaluha. Nagulat pa siya nang bigla nitong punasan ng hinlalaki ang mga likidong isa-isang pumapatak sa kaniyang pisngi. "You have a great pair of eyes. Sayang lang kung iiyak ito para sa isang maling lalaki. So please...stop crying." Masiyadong masakit ang pinagdadaanan ni Mara nong mga sandaling iyon at sa lalaking ito siya nakahanap ng masasandalan. Kaya tinibag niya ang kasabihang, 'Don't talk to stranger'. Luhaan siyang yumakap dito. Sa balikat ng lalaki siya nakahanap ng comfort zone. Mukhang hindi rin uso sa lalaki ang kasabihang iyon dahil masuyo nitong hinagod an kaniyang likod para patahanin siya na animo'y matagal na silang magkakilala. Ang pagkakaroon ng pakialam sa feelings niya ang naging dahilan ni Mara para pagkatiwalaan itong ihatid siya sa tinitirhan niyang condo unit. "Anyway, I'm Xander..." anito nang tumigil sila sa tapat ng pintuan ng unit niya. Naging mapilit kasi ito na ihatid siya hanggang dito dahil baka daw mahilo siya. Pero ang totoo ay parang nawala ang kalasingan ni Mara nong gabing iyon dahil sa walang katapusang pagpapatawa ng binata habang nasa biyahe silang dalawa. "I'm Mara..." nakangiti niyang inabot ang nakalahad na kamay ni Xander. Natatawa siya dahil ilang oras na silang magkasama pero ngayon lang nila naisipang magpakilala sa isa't-isa. "See? Hindi lang pala mukha mo ang maganda, eh. Ang ganda rin ng pangalan mo. That, no one ever have a right to make you cry." Seryoso nitong saad bago pinisil ang kamay niya. "T-thank you again. Thankful ako dahil may nakasalamuha akong kababayan tonight. Iba pa rin talaga mag-alala sa kapwa ang isang Pilipino." Pinakatitigan siya ni Xander. "You're right. Dahil ibang-iba ako sa Pete na 'yon..." hindi niya nakayanan ang nakakapaso nitong mga tingin kaya iniwas niya ang kaniyang mga mata at aktong bubuksan na ang pinto pero mabilis na inagaw ng binata mula sa kamay niya ang susi. "Let me do it..." Nagulat pa si Mara nang bigla siya nitong alalayan papasok sa loob. May pag-alinlangan sa mga matang tiningnan niya si Xander. "Katulad ng sinabi ko kanina, I'm not like your ex. Tulad mo, mataas din ang pagpapahalaga ko sa mga babae..." ngumisi si Xander. "Hindi lang halata pero bukod sa guwapo ay gentleman din ako at God-fearing. Kaya puwede mo akong pagkatiwalaan." Natawa si Mara habang namumungay na sa kalasingan ang mga mata. "S-sige na...ipasok mo na ako. B-bago ka pa mabigatan sa pagbubuhat mo ng sarili mo." Nakangiti siyang umangkla dito. Napahaplos ito sa batok. "Heck, ang yabang pala ng dating ko." Pagkatapos ay inalalayan na siya nito papasok sa kuwarto niya. Iyon ang unang beses na may pinapasok siya sa kuwartong iyon. Hindi niya ito ginawa noon kay Pete dahil lagi siyang takot na baka lalo itong matuksong ipilit na may mangyari sa kanila. Ngunit ang ipinagtataka ni Mara ay kung bakit hindi niya maramdaman kay Xander ang takot na 'yon. Hindi niya ito dapat na pinagkakatiwalaan nang ganoon. Ilang oras pa lang silang magkasama. Puwede siya nitong pagsamantalahan ano mang oras nitong gustuhin dahil sa kalagayan niya. Ngunit hindi iyon ginawa ni Xander simula pa kanina sa bar hanggang ngayon na tinutulungan siyang ihiga sa kama. Oo, panaka-naka niya itong nahuhuling napapatingin sa nakalantad niyang mga hita dahil sa suot niyang maiksing shorts. Pero kaagad din itong umiiwas na tila ba nahihiya sa ginagawa. Hindi rin naman masisisi ni Mara si Xander dahil talagang bukod sa mukha, strong asset din niya ang mahahaba at makikinis niyang mga legs. Na ayon pa sa iba ay lalong nagpapatingkad sa kaseksihan at kagandahan niya. Napabuntong-hininga si Xander matapos siyang pikit-matang kinumutan. "S-sige na matulog ka na. Ako na ang magla-locked ng pinto mo." Masuyo nitong hinaplos ang kaniyang buhok bago lumabas ng kuwarto. Nang mawala ito sa paningin niya ay sunod-sunod na napahinga ng malalim si Mara. What is really happening to her? Nagpapasok siya ng isang estranghero sa bahay, at sa buhay niya. Sa isang iglap lang ay ipinagkatiwala niya dito ang kaniyang buhay. Napakagat-labi ang dalaga. Ganito na ba siya ka-desperadang makahanap ng masasandalan sa oras ng kabiguan niya sa pag-ibig? Tumagilid ng higa si Mara at hinayaang mahulog ang nagsisimula na naman niyang mga luha dahil sa pagkaalala niya sa ginawa ni Pete. Alam niyang hindi madaling kalimutan ang taong buong puso niyang minahal. Pero tama ang sinabi sa kaniya ni Xander na hindi niya dapat panghinayangan ang taong walang pagpapahalaga sa kaniya. Hindi raw tama na iyakan niya ang paghihiwalay nila. Break up was made neither to hurt nor to make us cry. Nabuo ang salitang ito para ilayo tayo sa mga maling tao na inakala nating tama para sa'tin. Mapait na napangiti si Mara sa huling sinabi na iyon ni Xander. It's amazing how their little conversations comforts her. Malaking bagay ang pagkakilala niya kay Xander para kahit papaano ay lumuwag ang kaniyang dibdib. Nakaramdam siya ng panghinayang sa pag-aakalang iyon na ang maging huli nilang pagkikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD