Kinabukasan, kahit masakit ang ulo dala ng kalasingan nong nakaraang gabi ay maaga pa ring bumangon si Mara para pumasok. Nagtatrabaho siya bilang financial general manager sa kumpanya ng Daddy niya.
Napabuntong-hininga siya nang maalala ang ginawa kagabi. The pain in her heart was still there. Mugtong-mugto na rin ang mga mata niya sa kakaiyak. Marahil kung hindi dahil sa presensiya ni Xander kagabi ay baka kung ano na ang nangyari sa kaniya.
"Taga-saan kaya siya at ano ang ginagawa niya dito sa Las Vegas?" Tanong niya sa sarili.
Puro tungkol lang kasi sa problema niya ang pinag-usapan nila kagabi. Sa kagustuhan nitong maging okey siya ay hindi man lang ito nakapagkuwento sa sariling buhay.
Sayang dahil ni isang impormasyon tungkol kay Xander ay wala siyang alam. Gusto niyang magpasalamat man lang sana sa tulong na ginawa nito sa kaniya.
Iyon ang kasalukuyang iniisip ni Mara habang pababa siya ng elevator. Nasa shop pa ang kotse niya kaya magta-taxi na lamang siya papuntang opisina.
Eksaktong kalalabas lamang niya ng condominium nang biglang may tumigil na pulang kotse sa harapan niya. Ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Mara nang makitang si Xander iyon.
Ito ang pinakahuling taong inaasahan niyang makita nong araw na 'yon kaya ang tagal niyang nakabawi sa pagkabigla.
"Nakadagdag ba ako sa hang over mo?" Pukaw sa kaniya ni Xander, bakas sa boses nito ang pinaghalong lungkot at pagkadismaya.
Kumisap si Mara at mabilis na umiling. "N-nope. I was barely surprise to see you again."
Sa wakas ay napangiti ang binata. "I'm just checking on you. Baka kasi kung-" ibinitin nito ang ibang saabihin.
"Nagpakamatay ako?"
Nahihiya itong napakamot sa ulo. "You can't blame for thinking that. Halos ubusin mo ang alak sa bar kagabi para lang makalimutan siya..."
Mapait na napangiti si Mara. Napakasakit nong ginawa sa kaniya ni Pete at alam niyang hindi niya agad iyon makakalimutan. Pero hindi niya gagawing dahilan para sirain ang buhay niya. Lalong never na magsuicide ang dalaga. May takot siya sa Diyos.
"Ihahatid na kita sa pupuntahan mo."
"No, thanks. Papasok ako sa work, eh." Hindi rin naman ganon kalayo ang kumpanya nila sa tinitirhan niya kaya hindi na siya mahihirapan sa biyahe.
"Okay lang kahit saan ka pupunta, sasamahan kita." Sumilay ang antipatikong ngiti sa mga mapupulang labi ni Xander. "And I'm sorry but I wont't take 'no' or 'but' as an answer. Sayang naman ang punta ko dito kung hindi man lang kita makasama kahit saglit lang." Walang ligoy nitong deklara.
Napakunot-noo si Mara. Hindi niya maintindihan kung bakit may kakaibang kiliting dulot sa puso niya ang mga katagang iyon. Tinitigan niya ang guwapong mukha ni Xander. Mukhang determinado talaga itong kulitin siya ngayong araw kaya hindi na siya tumanggi pa.
Nag-aalangan siyang pumasok sa pintong binuksan ni Xander. "W-wala ka bang gagawin ngayon? Baka nakaistorbo ako sa'yo." Naisipang itanong ni Mara nang makaupo siya.
"Mas gusto kong samahang ngayon ang bago kong kaibigan." Sumulyap ito sa kaniya. "Mukhang puyat na puyat ka. Are you sure na kaya mong humarap sa work mo?"
"I really have to. Hindi ko puwedeng itigil ang buhay ko para sa kaniya...para lang indahin ang sakit na iniwan niya sa'kin." Bumakat ang kirot at pagdurusa sa kaniyang mukha. "Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mapupuyat gabi-gabi para lang iyakan siya."
Napapiksi si Mara nang bigla nitong gagapin ang kaniyang kamay. "Madaling kalimutan ang taong nanakit sa'yo. Umpisa lang 'yang sakit na 'yan. Sooner or later, magugulat ka na lang na ngumingiti ka na ulit. Na kaya mo ng harapin ang bawat bukas na hindi siya ang iniisip mo."
Pilit na ngumiti ang dalaga. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ang gaan-gaan nong katumbas ng mga salita ni Xander. Siguro dahil kababayan niya ang binata at naramdaman niyang mabuti itong tao.
Napapikit siya at lihim na nagpasamat sa Diyos dahil sa pagbigay nito sa kaniya ng isang bagong kaibigan, sa gitna ng mabigat na pinagdadaanan.