Chapter 4

791 Words
Excited si Mara na pumunta sa condo unit ng boyfriend niyang si Pete para sorpresahin ito sa kanilang first anniversary. Dala-dala ang pinakabagong disenyo ng gitara ay bumaba ng sasakyan ang dalaga. Isang buwan pa lang siya noon dito sa Las Vegas nang makilala niya sa bar na pinupuntahan niya ang Filipino-American band vocalist na si Pete. Noong una niya itong napanood ay kaagad siyang humanga dito. Kaya nga ang dami niyang kilig nang isang araw ay lapitan siya nito at personal na nakipagkilala sa kaniya. Regular itong tumutugtog sa bar na madalas niyang puntahan noon. Kaya nang malaman ni Pete na magaling din siyang kumanta ay inalok siya nitong kumanra doon kapag bakanteng araw niya. Bukod sa hilig naman talaga ni Mara ang musika, gusto rin niya noong mapalapit sa lalaking unang nagpatibok ng kaniyang puso. At iyon ang nagtulak sa kaniya para pumayag sa gusto nito. Ang pagkanta-kanta niya sa bar ang naglapit sa kanila ni Pete, hanggang sa niligawan siya nito. Palibghasa'y unang pag-ibig kaya pagkalipas lamang ng isang buwan ay sinagot niya ang lalaki-sa kabila ng mga narinig niya tungkol sa pagiging babaero nito. Mas pinaniwalaan ni Mara ang bulong ng kaniyang puso at ang mga matatamis na salita ni Pete. At hindi naman niya iyon pinagsisisihan dahil sa loob ng ilang buwan nilang relasyon ay naging sweet ito at mabait sa kaniya. Mapagmahal din itong nobyo at walang bakas ng kahit anong pagiging playboy. Sa halos lahat ng bagay ay magkasundo silang dalawa-maliban sa isa-ang pre-marital s*x. Iyon ang nagiging dahilan ng tampuhan nila minsan. Pero laking pasalamat pa rin ni Mara na sa kabila ng pagtanggi niya ay iginalang pa rin at minahal siya ni Pete. Alam niya kung paano ito nagtitimpi sa tuwing magkasama silang dalawa. May pagkakataong nahihirapan na itong pigilan ang sarili at kung hindi pa malakas ang self-control ni Mara ay baka matagal na niyang ipinagkaloob dito ang pinaka-iniingatan niyang bagay. Pero nitong mga nakaraang araw ay nakapag-isip-isip na si Mara. She's already twenty-six years old and enough to do matured thing. Tutal, mahal naman nila ni Pete ang isa't-isa at sigurado na siya na ito na ang gusto niyang makasama habang buhay. At isa pa ay iba na ang mundong ginagalawan niya ngayon, nasa liberated country na siya at hindi na uso ang pa-demure-demure. Kaya kagabi ay nagdesisyon na si Mara na ngayong araw-sa kanilang unang anibersaryo-tatapusin na niya ang paghihirap ng nobyo. She is now ready to surrender her everything to him... Nang makarating sa tapat ng pintuan g condo unit ni Pete ay humigit muna ng malalim na hininga si Mara bago kumatok. Inihanda na rin niya ang pinakatamis na ngiti para sa nobyo. Siguradong matutuwa ito sa naging desisyon niya. Sunod-sunod na doorbell ang pinakawalan ni Mara pero walang nagbubukas. Hindi alam ni Pete ang ginawa niyang pagpunta rito. Pero sigurado naman siya na nandito lang ang boyfriend kapag ganitong araw at oras. Isang doorbell pa ang kaniyang ginawa pero wala pa ring nagbubukas. Hanggang sa naisipan ni Mara na pihitin ang doorknob at nakahinga siya ng maluwag nang malamang bukas pala iyon. Wala siyang nadatnang tao sa sala pero may narinig siyang pag-ungol mula sa bahagyang nakabukas na kuwarto ni Pete. Kinakabahang lumapit doon si Mara at habang palapit ng palapit ay lalong lumalakas ang pagkabog ng kaniyang puso. Lalo pa't hindi lamang boses-lalaki ang naririnig niyang umuungol. Buong-tapang na itinulak ng dalaga ang pintuan. Napaawang ang kaniyang mga labi sa nasaksihan at napahigpit ang pagkakahawak niya sa gitara. Mukhang abalang-abala pa ang dalawa na hindi man lang naramdaman ang presensiya niya. Pakiramdam ni Mara ay para siyang binagsakan ng langit. Ubod-lakas niyang ibinato ang hawak na gitara sa likod ni Pete na noo'y nakapatong sa ibabaw ng isang babae. "Mga hayop kayo!" Kasabay ng pagkagulat ng nobyo ay ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Patakbo siyang lumabas. Pero habang naghihintay sa pagbukas ng elevator ay inabutan siya ni Pete. "Sweetheart...please let me explain." Iniharang nito ang sarili sa pintuan ng elevator para pigilan siya sa pag-alis. "Please..." Nanginiginig ang mga kamay na sinampal niya ng malakas ang nobyo. "H-how...could you do this to me...P-pete?" Aniya sa garalgal na boses. Muling umangat ang labi ni Pete pero hindi na hinintay pa ni Mara ang iba nitong sasabihin. Sa sobrang sikip ng kaniyang dibdib ay baka himatayin siya sa harap nito. At bago pa man sumabog ang mga emosyon ay nanakbo na si Mara pababa ng fire exit. Nang masigurong hindi na siya hinahabol ni Pete ay tumigil si Mara at sumandal sa pader. Doon niya hinayaang maglandasan ang masagana niyang mga luha. Parang sasabog ang kaniyang dibdib sa sobrang sakit. Ang inakala niyang first and forever love ay siya palang magiging dahilan ng pag-iyak niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD