Chapter 12-SPG

1025 Words

Halos mag-uumaga na nang matapos ang party. Pero hinatid pa rin siya ni Xander sa unit niya at hindi na rin pinauwi pa ni Mara ang binata. Bago tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto ay niyapos siya ni Xander sa beywang. "Good night, baby..." "Good night, too..." bahagya niyang inilayo ang kaniyang sarili. Dahil nagsisimula na namang mabuhay ang mga apoy sa kaniyang katawan. Pero mabilis siyang ibinalik ni Xander sa mga yakap nito at hinalikan sa labi. Ngunit padampi-padampi lamang iyon na animo'y nagpipigil. "M-matulog ka na. Bago pa ako tuluyang makalimot." anito sa naghihirap na boses at itinulak siya papasok ng kuwarto. Nahahapong sumandal na lamang sa likod ng pintuan si Mara nang maisara iyon. Bakit ba napaka-ipokrita niya? Gustong-gusto naman niya ang ginagawa sa kaniya ni Xander.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD