Third Person's POV Alas siyete ng gabi, tama namang sa mga oras na iyon ay gising si Sage kaya nagawa ni Dani na makapunta sila sa bahay ni Paul. Sinundo siya nito at naghintay sa gate na makalabas siya. "Sage, makiki-birthday muna tayo, ha," aniya sa alaga matapos suutan ng hoodie jacket. Naka-pajama rin ito at nilagyan pa niya ng medyas ang mga paa para makasigurado siya na hindi ito lalamigin. Malamig ang simoy ng hangin ngayon sa labas kahit na sa umaga ay malamig parin. "There you are. Hi! Little cute boy," bati ni Paul kay Sage nang makalabas na sila ng gate. Hinawakan pa nito ang kamay ng bata. Tiningnan lang ito ni Sage at hindi kinakitaan ng reaksyon ang mukha. Inalalayan si Dani ni Paul hanggang sa makatawid sila sa kabila. Binuksan nito ang gate na pan-tao at pinaunang pu