Third Person's POV Tapos na sa mga gawaing bahay si Dani. Napaliguan na niya si Sage, nakapaglaba narin siya ng mga damit nila. Nasa sala sila at hinayaan niyang gumapang ang bata sa carpet. Anim na buwan na si Sage at mas malaki itong tingnan sa edad niya, siguro dahil narin sa mamahalin ang gatas nito at hindi pumapalya sa mga vitamins kaya naman mabilis itong lumaki. Pinapakain niya rin ito ng mga dinurog na gulay kagaya ng patatas, carrots at kalabasa. Gusto ni Dani na habang maliit pa ito ay alam na ng bata ang lasa ng gulay. Para sa kaniya ang bata ay kailangang sinasanay nang kumain ng gulay para sa paglaki nito ay hindi ito maging sakitin. Marami kasing benepisyo ang gulay sa katawan ng tao, kagaya niya na mahilig sa gulay ay bihira lang siya magkasakit. Ganoon din ang gusto niy