Third Person's POV Sa sasakyan ay kakikitaan nang saya si Sage. Panay ang halakhak nito at natutuwa naman si Lucas na makitang marami nang nagagawang reaksiyon ang kaniyang anak. Ang sanggol na iniwan niya noon kay Dani na panay lang ang tulog ay dilat na dilat ang mga mata ngayon at ang sigla-sigla. "Thank you for taking good care of Sage." Nabaling ang atensiyon ni Dani kay Lucas na noon ay nakatutok ang mga mata sa daan. "Trabaho ko naman ang alagaan siya, Sir," aniya rito. "I know, but I have to commend you for being so patient and caring to Sage. It's not easy to take good care of a new born child. Dapat ang ina niya ang gumagawa ng pag-aalagang ginagawa mo sa kaniya ngayon. It's her responsibilities not yours but his mother deprive him the love and attention that he needs at