Third Person's POV Nakahanda na ang lahat sa pag-uwi nila Lucas ng Pilipinas. Alas diyes ng gabi ang kanilang biyahe. Alas nuebe y medya nang dumating sila sa airport kung saan naghihintay ang private jet plane na inarkila ni Lucas. Maraming staff ng airport ang nag-asikaso sa kanila at nagdala ng mga gamit nila hanggang sa maihatid sila sa mismong eroplano. Namangha ng husto si Dani sa kaniyang nakita. Hindi niya akalaing may ganito palang eroplano na parang hotel sa loob. May apat na upuan at isang kama at may dining table pa. Para siyang isang inosente na inilibot lang ang mga mata sa paligid habang karga-karga si Sage. "Ihiga mo na sa kama si Sage," utos ni Lucas kay Dani na siya naman nitong ginawa. Ilang minuto lang ay nagsimula ng lumipad ang eroplano, naging maganda naman a