Third Person's POV Matapos nilang mag-almusal at makapaglinis si Dani ng kusina ay tinungo niya ang silid ni Sage binihisan niya ang bata at dinala sa sala. Ang sabi roon sa pinanood niya ay maganda raw sa bata ang pinaaarawan kapag umaga para daw maging malakas ang baga nito. Ganoon din naman sa kanilang probinsiya kapag umaga na ay dinadala na ang mga bata sa tabing dagat at doon pinapaarawan. Ang sinag ng araw ay pumapasok sa bintana ng sala kaya doon sila pumuwesto ni Sage. Ilang minuto siyang nakatayo roon at nararamdaman na niya ang init sa katawan nito. Ang init naman sa umaga ay hindi masakit sa balat ang sabi nila ay vitamin D pa ang makukuha mo roon. Mamula-mula ang balat ni Sage at kita niya ang balbon nito sa mga braso at binti. Ilang araw palang naman siya sa mundo kaya h