Third Person's POV
Nakaramdam ng inggit si Dani nang makitang lumabas ng bathroom si Lucas na preskong-presko. Naka pajama itong black at white na sando, medyo napalunok pa siya ng kaniyang laway ng masilayan ang namumutok na masel ng binata. Hindi lang pala mukha nito ang maganda pati rin pala ang katawan, para tuloy bigla uli siyang nagutom.
"Hey! Why are you looking at me like that?" tanong ni Lucas.
Ipinagtataka niya kung bakit parang nakakita ng lechon itong si Dani kung makatingin sa kaniya, hindi kumukurap ang mga mata at panay pa ang lunok.
"May pandesal ka ba? Patingin nga!" Hindi nito pinansin ang tanong na iyon ni Lucas, ang tanong lang niya sa isip na bumabagabag sa kaniya kanina pa na kung may abs ba ito ay kung bakit ba naman naibulalas niya? Pero huli na ang lahat, hindi na niya napigilan ang walang pakundangang bibig na lagi na lang siyang ipinapahamak.
"Tsk! Who's the one who looks like a mani*c here?" sabi ni Lucas. Iiling-iling na sumampa ito sa kama at komportableng nahiga.
"Uy! Matutulog ka na ba? Pahingi naman ng kumot at unan," request ni Dani, baka mamaluktot siya sa lamig mamaya pagtulog.
"There!" sabi ni Lucas sabay hagis ng unan at kumot sapol sa mukha ni Dani.
"Grabe! Napakabait mo talaga, sir. Nakaka touch ang kindness mo, baka pwede lubusin mo na, magpahiram ka naman kahit T-shirt lang ng makapagpalit naman ako ng damit." Pilit siyang tumakas sa kumot na tumakip sa kaniya nang ihagis ni Lucas.
"You know what? Istorbo ka, ang dami mong request! Ikaw nang kumuha ng isusuot mo d'yan sa maleta ko at inaantok na ako." Dumapa na ito sa kama at ipinikit ang mga mata.
"Hay naku! Tingnan mo ang lalaking 'to, hinayaan akong pakialaman ang mga gamit niya. Paano na lang kaya kung masama akong tao? Eh, di sinimot ko na lahat ng laman ng maleta niya sabay takas," bulong ni Dani sa sarili habang naghahagilap ng maisusuot sa dala nitong mamahaling maleta.
Sa huli napili niya ang white round neck na t-shirt na may maliit na print na letter YSL, ito lang kasi ang sa tingin niyang pinaka murang damit sa loob ng maleta, halos lahat ang tatak ay Gucci, Givenchy at Balenciaga. Hindi niya alam kung gaano kamahal ang mga iyon pero sa tela at itsura palang pwede na sigurong makabili ang tatay niya ng brand new tricycle sa isang T-shirt lang nito.
Para siyang lumulutang sa langit dahil sa sobrang presko ng kaniyang pakiramdam. Halos kalahating oras din siyang naligo, bukod sa napakaganda ng bathroom nila sa hotel na ito, ang shower dito pwedeng malamig ang tubig o kaya ay maligamgam, ikaw na ang bahalang magtantiya kung gaanong init ang kaya mo.
Habang nagpupunas ng basang buhok ay napabaling ang tingin niya sa malaking kama kung saan nakapwesto ng higa si Lucas na mukhang malalim na ang tulog at mahinang humihilik.
Nagpapasalamat din siya at hindi siya pina bayaan ni Lord kahit hindi maganda ang nangyari sa kaniya dito sa Prague may ipinadala naman si Lord na taong tutulong sa kaniya, medyo masungit nga lang pero napakagwapo naman. Bigla tuloy pumasok sa isip niya ang sinabi nito.
"Third condition, don't fall in love with me."
Mapangatawanan nga kaya niya ang hindi ma- inlove sa lalaking ito na sa unang beses palang niyang makita ay may kakaiba at hindi maipaliwanag na naramdaman na siya para dito?
Napapatanong din siya kung ano ba talaga ang binabalak nito? At kung anong trabaho ang ibibigay nito sa kaniya?
Mabuti na rin iyon dahil ayaw niyang sabihin sa mga magulang ang nangyari sa kaniya, gusto niyang ilihim sa mga ito ang kalagayan niya ngayon, hangga't maaari ayaw niyang mag aalala ang mga ito, kaya gagawa siya nang paraan na makapagpadala parin ng pera sa mga magulang ng sa gayon ay matubos nila ang kanilang nakasanlang lupa.
Nakatulugan na niya ang ganuong isipin.
Kinabukasan
Naalimpungatan si Dani sa mga kalampag na para bang may nagtutunugang babasagin. Alumpihit na bumangon siya at inilinga ang mga mata sa paligid.
"There you are. Good Morning! How was your sleep?" bungad tanong ni Lucas kay Dani kanina pa siya gising nagpa-deliver na lang siya ng breakfast sa hotel dahil kailangan niyang pumunta sa ospital. Nanganak na si Yassi and as expected lalaki raw ang naging anak nito.
He's a bit excited, gustong-gusto na niyang makita ang bata. Sino kaya ang kamukha nito? 'Yon ang tanong ng isip niya.
"Oh, okay naman, napasarap yata ang tulog ko, sobrang napagod kasi ako kahapon, pasensiya ka na!" Medyo nahihiyang sabi niya, kahit naman makapal ang mukha niya sa totoong buhay, nakakahiya rin para sa lalaking tumulong sa kaniya na umasta siyang parang isang bisita nito.
" It's okay, I ordered breakfast here, kumain ka nalang. I need to go, meron akong importanteng bagay na aasikasuhin. Pagdating ko kailangan nating mag-usap, hintayin mo ako rito, hindi ka pwedeng lumabas wala kang passport at ID mahirap na baka mahuli ka."
"Oo naiintindihan ko, hindi ako lalabas hihintayin kitang dumating." Sinimulan na niyang tiklupin ang ginamit na kumot at pagkatapos ay maayos itong ipinatong sa unan. Lumakad ito papalapit kay Lucas at sinilip ang mga pagkain na nakahain sa lamesa.
"Please, behave when I'm not around, if possible mag-linis karin, ayoko ng marumi at makalat."
"Opo, sir!" maagap na sagot niya at sumaludo pa rito.
"Tsh! Para ka talagang bata." Natatawang naiiling na inabot nito ang coat at dumiretso na palabas.
Nang sigurado na si Dani na nakalayo na si Lucas ay masayang umupo siya at hinarap ang lamesa na maraming pagkain na nakahain, ang ikinatuwa pa niya ay merong kape at creamer sa lamesa. Mapapalaban na naman ang mga bituka niya ngayon sa matinding bakbakan.
Napansin niyang konti lang ang nabawas, parang hindi naman kumain si Lucas mukhang nagkape lang ito. Masasarap ang pagkain sa lamesa pero parang may kulang, hinahanap-hanap niya talaga ang kanin at hindi siya masasanay sa lugar na walang kanin dahil pakiramdam niya kahit busog siya ay nanghihina parin siya. Gusto ng sikmura niya na malamanan kahit konting kanin lang para talagang masabi niyang solve na ang kain niya.
Katulad ng ibinilin ni Lucas, pagkatapos niyang kumain ay nagligpit siya ng mga kalat, wala namang masyado pero ginawa niyang pulido ang pagkakaayos ng mga gamit sa loob ng silid na sa tantiya niya ay nasa 100sqm o higit pa ang lawak. Pwede pa nga siyang mag-drive ng motor sa loob sa sobrang lawak ng silid.
Wala na siyang maisip gawin kaya naman nanuod na lang siya ng movie sa 75 inches flat screen smart TV na nakadikit sa dingding. Halos tatlong oras na simula ng umalis si Lucas at hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik. Nakatulugan na niya ang panunuod ng bigla siyang mapakislot ng may marinig siyang mahinang iyak ng bata.
Napabalikwas siya ng bangon nang makita si Lucas na pumasok sa pinto at may bitbit na sanggol kasunod niyon ay ang dalawang staff ng hotel na may mga hawak na paper bags, inilapag ang mga ito sa loob at pagkatapos ay nagpaalam na rin kay Lucas, nag pasalamat naman siya sa mga ito.
"Hala! Bakit may dala kang bata? Kaninong anak 'yan?" gulat na tanong niya.
"This is my son, his name is Sage," tuwang pagpapakilala ni Lucas, kahit hindi pa lumalabas ang DNA Test result nila ng bata sigurado siya sa kaniyang sarili na anak nga niya si Sage. Sa unang kita palang niya rito ay naramdaman na niya ang sinasabi nilang lukso ng dugo at malaki ang pagkakahawig nila ng bata. Kaya hindi niya maitatangging anak nga niya ito.
Natulala si Dani sa sinabi Lucas, buong akala niya ay binata pa ito.
Ang dami niyang gustong itanong dito kaya lang iyon ang nasa first condition ni Lucas ang bawal siyang magtanong.
"May kakilala ako sa Interpol at ipinaasikaso ko ang kaso mo. Good news... tumawag sila sa akin kanina, nahuli na ang illegal recruiter na sinasabi mo, tatakas na sana ito kaya lang napigilan siya ng mga police sa airport. Hindi lang pala ikaw ang nabiktima niya. Nakapagsumbong na ang iba pa kaya naman mabilis ang naging response ng mga police. Ihahatid na lang daw nila ang mga gamit mo mamaya rito," pagbabalita ni Lucas kaya naman napapalakpak sa tuwa si Dani.
"And about my offer..."
Napalingon si Dani kay Lucas, ipinatong nito ang natutulog na sanggol sa ibabaw ng kama at hinarangan ng unan ang magkabilang gilid nito at pagkatapos ay tinungo ang kinaroroonan ng dalaga, lumapit ito kay Dani umupo sa couch at pinakatitigan ito nang husto. Seryoso ang mukha na para bang may malalim na iniisip dahil tumatagos lang ang tingin nito sa kaniya.
"As you can see I have a new born baby with me. For clarification wala akong asawa but I have a girlfriend. May nabuntis akong babae at kapapanganak lang niya kagabi. She doesn't want to keep the baby kaya ko siya kinuha. Ngayon ang trabahong inaalok ko sa iyo ay maging tagapag alaga ng anak kong si Sage. I will give you a monthly salary with complete benefits, SSS, Pag-Ibig, Philhealth, Christmas bonus and thirteen month pay. I will pay you sixty thousand pesos per month as starting salary, libre bahay mo, tubig, kuryente, wifi at pagkain. Maaring madagdagan ang sahod mo depende sa performance mo at kung magtatagal ka sa akin ay marami kapang makukuhang benifits. Now... I will ask you a question at hindi ko na uulitin ang tanong na 'to. Yes or no lang ang gusto kong marinig buhat sa 'yo. Pumapayag ka ba na mag-trabaho sa akin bilang yaya ng anak kong si Sage?" seryosong tanong ni Lucas.
"Yes, sir! Yes na yes!" pasigaw na sagot ni Dani.
"Shhh! Quiet... magigising si Sage!" saway ni Lucas dito.
Napatutop ng bibig si Dani. Sa sobrang excitement niya kasi nakalimutan na niyang may kasama pala silang natutulog na sanggol.
Sino ba naman tatanggi sa gano'n kabonggang offer? Siyempre nag 'yes' na s'ya baka i-alok pa nito sa iba.
Nahuli nga ang recruiter na si Sheila pero sigurado namang may mga kasabwat pa ito kaya yung pinambayad niya sa placement fee at ginastos niya sa mga requirements ay hindi na niya mababawi dahil siguradong napaghati-hatian na iyon ng mga manggagantso.
Kailangan niyang makahanap ng paraan para unti-unting maibalik sa kaniyang mga magulang ang perang nagastos niya at itong offer na ito ni Lucas ang pinakamagandang solusyon sa kaniyang problema.
Nang hapon ding iyon ay bumaba si Lucas sa lobby ng tawagan siya ng kaniyang contact na pulis, hinatid nito ang maleta at bag ni Dani.
Nanlumo si Dani nang makita ang bag niya, wala na ang wallet niya at cellphone sa loob ngunit nagpasalamat narin siya at naroon ang kaniyang passport at mga damit. Hindi narin siguro pinag interesan pa ng illegal recruiter dahil mukha namang mga basahan. Maganda pa nga ang mga damit na ibinibenta sa ukay- ukay. Kaya lang kapag naiisip niya ang pocket money na dala niya ay nanghihinayang talaga siya.
Kung nakaharap nga lang niya uli si Sheila ay siguradong mata lang nito ang walang latay. Nanggigigil talaga siya sa babaeng iyon dahil pinagmukha siyang tanga at kawawa sa kahihintay sa wala.
"Magpasalamat ka na lang iniwan pa niya ang passport mo. Ang pera madali nalang kitain 'yan," ani Lucas.
Napansin kasi nitong panay ang buntong hininga ni Dani.
"Kapag nasa Pilipinas na tayo, ayokong nag-iisip ka pa ng kung ano-ano. Ang gusto ko focus kang palagi kay Sage."
"Pwede bang magtanong? Hindi naman related sa buhay mo ang tanong ko kaya sana naman pwede," alanganing sabi ni Dani.
"Huh! What is it?" kunot noong tanong ni Lucas.
"Iyon bang ibinigay mo sa aking pera kagabi kailangan ko bang isoli sa 'yo? Pwede bang utangin ko muna wala naman kasi akong kapera-pera. Kapag may kailangan akong importanteng bilhin wala akong pambili. Halimbawa magka-mens ako siyempre kailangan kong bumili ng napkin tapos wala naman akong pera, paano 'yan matatagusan ako? Anim lang ang dala kong panty, eh," dire-diretsong sabi niya.
"Tsh! Ang dami mong sinasabi. Take that money with you," iritadong sabi ni Lucas. Lahat yata ng katangian nitong si Dani ay hindi pasado sa kaniya. Bukod sa makulit na ay sobrang daldal pa.