Third Person's POV
"Pambihira naman, sir! Halos dumugo na ang ilong ko kaka-ingles marunong ka naman palang magtagalog, magkababayan naman pala tayo, bakit kailangan mo pa akong pahirapan?" himutok ni Dani sa kaharap.
"But why? You're not even asking, don't you?" Hindi rin naman pumasok sa isip ni Lucas na Filipino rin ang kaniyang kausap. Nang marinig niya lang itong magsalita ng Tagalog ay saka niya napagtantong kababayan pala niya ito. She looks like an Asian, pero malay ba niyang Filipino rin ang dalaga. Naisip niya noong una na Malaysian or Thailander ito.
"So, are you going with me or what? I'm so tired I want to go back to my room now." Masyado siyang napagod sa biyahe pero mas pagod ang utak niya sa kaka-isip kung ano ang gagawin niya once na makuha na niya ang bata kay Yassi. Wala siyang nabuong plano bago siya tumulak patungo ng Prague. He's just after his child. Kung sa kaniya nga talaga ang bata ay hindi rin naman siya makakapayag na ipaampon ito ni Yassi sa ibang tao.
"Ah__ Sir, gusto kong sumama sayo kasi wala talaga akong mapupuntahan pero, sigurado bang mas safe ako kapag ikaw ang kasama ko? Oo gwapo ka at amoy mayaman, pero hindi ka ba r*pist? Baka kasi pagsamantalahan mo ako kapag tayo na lang dalawa." Walang preno at dire-diretso ang bibig ni Dani.
Hindi makapaniwalang napatingin si Lucas dito." Are you out of your mind? And who do you think you are para pagnasahan kita? Look, I'm just being nice to you but if you think of me that way, never mind my offer. I changed my mind. I'll get going!" Napikon siya sa sinabi nito, siya si Lucas Lagdameo, isang business tycoon, mayaman, gwapo at sikat na Basketball Player sa Pilipinas, pagbibintangang r*pist! He admit, nuong una ay naawa siya sa naging kalagayan ng babaeng ito. He just take in consideration na magkababayan sila that's why he offered her a help, pero ang pag tulong pala rito ay ikakasama pa niya, better not to help her anymore. Walang lingon likod na naglakad na siya at iniwan si Dani, ito namang si Dani ay sising-sisi sa kaniyang mga pinagsasabi, ang kapal nga naman ng mukha niyang isiping pagnanasahan siya ng gwapong lalaking iyon. Parang gusto na niyang sapakin ang pahamak niyang bibig dahil sa pagiging taklesa nito.
"Sira ulo ka talaga, Dani! nagmamagandang loob na nga 'yong tao pinag isipan mo pa ng masama and worst sinabi mo pa talagang r*pist siya. Hindi ka na nahiya sa balat mo, sa susunod nga mag-isip ka muna bago ka magsalita. Gandang-ganda ka talaga sa sarili mo eh, naku naman!" sermon ng subconscious niya sa kaniya.
Lakad takbo ang ginawa niya para masundan ito, natatakot siyang baka bigla na lang mawala sa kaniyang paningin ang lalaki kailangan niyang humingi ng sorry dito. Sobrang lamig sa labas at ayaw niyang manigas sa lamig dahil pagnagkataon ay wala talaga siyang matutulugan.
"Si__Sir, hintay naman,Sir. Please lang!" Hinihingal at napapangiwi na sa pagod na pakiusap niya. Ikaw ba naman patakbuhin pagkatapos busugin, kung hindi ba naman sumakit ang tiyan mo.
Ayaw na sanang pansinin pa ni Lucas ang nakakabwisit na babae pero bakit ba parang may sariling isip ang mga paa niya at kusa na lang itong huminto?
"Sir," tawag ni Dani rito. Ayaw naman siyang lingunin nito kaya umabante siya paharap dito.
"What do you want?" walang ganyang tanong ni Lucas.
"Sorry na, please! Hindi ko sinasadyang sabihin iyon, promise!"
Hindi niya alam kung patatawarin pa siya nito, pero wala na talaga siyang choice kung hindi ang magmakaawa rito.
"Wala talaga akong matutulugan kaya sana naman huwag mong bawiin ang inaalok mong tulong mo sa akin. Please lang... I'm so sorry! Sorry na talaga!"
"Watch your mouth next time. Ang ayoko sa lahat ay 'yong madaldal. If you want me to help you, you need to follow my condition."
"Huh! Anong kondisyon?" kunot noong tanong niya rito.
Tumingin muna ito kay Dani at pagkatapos ay bumuntong hininga ng malalim bago sumagot.
"If you have a problem, I have my personal problem too, all I want is for you to cooperate. First condition, bawal magtanong."
"Ganun! Bakit bawal?" nagtatakang tanong ni Dani.
"See, kasasabi ko lang na bawal magtanong.
Are you not listening to me? Asking too many questions may lead of knowing more about me. We don't know each other, so better stay that way." As much as possible gusto ni Lucas na magkaroon ng malaking harang sa pagitan nila. Ayaw niyang maging komporatble ang babaeng ito sa kaniya, kaya naman hangga't maaga pa, he will set a boundary for the two of them.
"Second condition, I will help you to go back to the Philippines but you have to work for me and you can't say no."
"Pe__pero anong tra---" Magtatanong uli sana siya nang maagap siyang pigilan nito.
"There you are, your asking again. I told you bawal kang magtanong, hintayin mo lang na ako ang magsasabi sa 'yo ng mga bagay na gusto mong malaman."
"Ganun!" tanging nasabi ni Dani.
"And my third and last condition..." Pinutol ni Lucas ang sasabihin, pinakatitigan muna nito nang husto sa mata si Dani bago seryosong nagsalita. "Don't fall in love with me."
Muntik ng masamid sa sarili niyang laway si Dani sa narinig.
"Hala! Anong klaseng kondisyon ba 'yan? Oo gwapo ka pero sa tingin mo mai-inlove ba ako sa 'yo? Grabe ka naman, Sir." reklamo niya.
Hindi napigilan ni Lucas na mapangiti sa naging reaksyon nito. "So, you think kaya mo ang mga kondisyon ko? Kung kaya mo then you can stay with me, pero kung hindi you are free to leave."
"Naku, Sir. kayang-kaya, 'yong " don't fall inlove with me" na kondisyon mo sisiw na sisiw sa akin, hindi ako mai-inlove sa 'yo itaga mo pa sa bato," mataas ang kompinsang sabi niya.
"Ha!ha!ha! Too much confidence. That's more I like it," sabi nito sabay kindat kay Dani.
Waring natigilan naman si Dani nang kindatan siya ni Lucas.
"Hala! Ano ba itong nararamdaman ko bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko nang kinindatan ako ng lalaking ito?" Nagtatakang bulong niya sa sarili. Bigla siyang napakislot ng may maramdaman siyang pumitik sa harapan ng mukha niya.
"See! That was just a wink, natulala ka na." Natatawang sabi ni Lucas dito.
He's a playboy and he knows how to make a girl fall for him in an instant. Ngunit, ang kaharap niya ngayon ay wala man lang sa kalingkingan ng mga babaeng idini-date niya. She's so simple and she's not his type of girl.
"Hmp! OA mo naman, sir. May bigla lang akong naisip kaya natigilan ako, kahit kumindat ka pa ng buong maghapon diyan walang epekto sa akin," mataray na sabi niya para mapagtakpan ang tensiyon na bumalot sa kaniya kanina lang.
"Ha! ha! ha! You're so funny, ano nang magiging itsura ko no'n kapag ginawa ko nang buo ang pagkindat?" tanong naman nito.
"Malamang sa malamang, sir mahihipan ka na ng hangin tapos magiging kirat ka na ang mata mo," sagot niya sa tanong nito.
Hindi narin niya napigilan ang mahawa sa tawa ni Lucas na i-imagine na kasi niya ang itsura ng lalaki kapag hindi tumitigil kaku-kurap ang mata, talaga namang nakakatawa kung mahipan ito ng hangin sa kaki-kindat.
"Happy now?" nanunudyong tanong ni Lucas, tuwang-tuwa kasi itong si Dani at para bang ayaw ng magpaawat sa katatawa kaya naman sinimulan na ni Lucas ang paglalakad. Naiwan ang hindi parin tumitigil sa pagtawa na si Dani, pero bigla rin siyang nataranta ng makitang palayo na ang lalaki.
"Sir! Naku Sir, wait lang! Huwag mo akong iwan dito. Joke lang yung kanina, ito naman hindi mabiro." Lakad takbong hinabol na naman niya ito.
Wala na talaga siyang ginawa kung hindi ang habulin ang lalaking ito sa totoo lang.
Naabutan na lang niya ito sa tapat ng elevator.
"Sir naman, kakain ko lang," reklamo niya nang tuluyang makalapit dito.
Tiningnan lang siya nito at pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa nakasarang pinto ng elevator, hinintay na bumukas ito.
Ilang sandali lang ay bumakas na ang pinto pumasok sa loob si Lucas at hindi man lang inaya si Dani kaya siya na ang nagkusa na ipasok ang sarili sa loob.
Pumuwesto siya ng tayo sa dulo, malayo rito hindi niya sinubukang tumabi sa lalaki dahil magmumukha lang siyang alalay nito.
Nakita niyang pinindot nito ang buton na may numerong pito kaya naisip niyang naroon sa 7th floor ang silid nito.
"Have you thought about my offer to you?"
Napakislot si Dani ng marinig ang tanong na iyon ni Lucas.
" Anong offer?" maang na tanong niya rito. Nakalimutan na kasi niya ang pinag-usapan nila kanina.
"Hmm... You obviously don’t listen to what I’m saying," dismayadong sabi nito.
"Ano po ba kasi 'yon, Sir? Puwede bang ipaalala ninyo sa akin?" tanong na naman niya rito.
Hindi naman ito umimik dahil tumigil na ang pagtaas ng elevator at bumukas na ang pinto nito.
Nagpatiuna nang lumabas si Lucas, dali-dali namang sumunod si Dani. Natakot siyang baka iwan na naman siya nito. Pag nagkataon ay sa kalye siya matutulog ngayong gabi.
Mahaba ang pasilyo at puro nakasaradong pinto lang ang makikita mo sa paligid. Panay ang ikot ng mga mata niya.
Tumigil si Lucas sa pikagitnang pinto. Dumukot ito sa likod na bulsa ng suot na pantalon para kunin ang kaniyang key card.
Pumuwesto naman si Dani sa likuran nito, nakaabang na siya sa pagbukas nito ng pinto ay papasok narin agad siya, mahirap ng mapagsarahan.
"Wow, ang ganda naman ng kwarto mo!" bulalas ni Dani.
Nagulat pa si Lucas ng makita na nakapasok na agad ito sa loob kahit hindi pa niya sinasabing pumasok.
Humahangang inilibot ni Dani ang mata sa paligid, napakaganda ng silid kung saan siya naroroon ngayon. Sa mga magazine at sa mga social media lang niya nakikita ang ganito.
Ang laki ng kama, kumpleto sa gamit ang kwarto may malaking TV, mahabang sofa, may ref, upuan, lamesa, lampshades at mamahaling mga paintings. May carpet pa ang sahig. Sa kanilang probinsiya kapag may carpet sa bahay ibig sabihin lang no'n ay nakakaluwag-luwag sa buhay.
"You like it?" tanong ni Lucas, masyadong inosente sa mga bagay-bagay ang kaniyang kasama kaya lihim siyang natutuwa sa kainosentihan nito, lalo pa at ng parang bata itong tumalon-talon sa sofa.
"Oo ang ganda, at saka wow! Yung kama parang ang sarap mag-tumbling diyan." Agad bumaba sa sofa si Dani at akmang tatakbo papunta sa canopy bed ng bigla itong pigilan ni Lucas.
"Don't... that place is restricted. Para lang sa akin ang kama na 'yan so don't you dare!" banta nito, sa lahat ng ayaw niya ay nadudumihan ang mga gamit niya lalo pa ang higaan niya. Malinis siyang tao at allergic siya sa dumi, ni hindi pa nga nito hinuhubad ang suot na sapatos tapos ay gusto pang sumampa sa kama.
"Ang damot naman nito, susubukan ko lang kung malambot talaga, eh," reklamo ni Dani na napakamot pa sa ulo.
"No way! I told you that bed is all mine."
"Ganun! Eh paano 'yan, saan ako matutulog?"
"Bawal kang magtanong diba? Sa sofa ka matutulog." Kumuha ito ng gamit sa kaniyang maleta. "I'll take a shower first before going to sleep, I'm warning you, don't you dare mess with my bed or even lay your hands on it or else, you will sleep outside," banta na naman nito kay Dani.
"Oo na po, Sir. Dito lang ako sa sofa," dismayadong sagot ni Dani.
Ang gusto lang naman niya ay ma-experience na humiga sa malambot na kama although, okay naman sa sofa pero mas the best parin kung sa kama siya matutulog dahil sa laki niyon kahit magpa gulong-gulong siya ay hindi siya mahuhulog pero wala naman siyang magagawa, makikitulog lang siya kaya wala siyang karapatang pumili kung saan niya gustong mahiga. Sa kanilang probinsiya kasi papag na nilagyan lang ng manipis na foam ang higaan niya kaya dama pa rin niya ang tigas ng kahoy na sagad sa buto.