Third Person's POV Isinuot ni Lucas ang tuxedo na ipinadala ng kaniyang Tita Lei. Ipinasadya itong gawin sa kaniyang desingner na si Luna, kaya lang ay hindi na niya nagawang kunin pa sa boutique nito dahil sa sobrang busy niya kaya ang kaniyang Tita Lei nalang ang nag- utos sa mga tauhan nito na kunin iyon at ipadala sa condo unit niya. Katulad ng kaniyang inaasahan ay saktong-sakto sa kaniya ang damit. Kabisado na ng fashion designer na si Luna ang sukat niya. Almost ten years na kasing ito ang nagdadamit sa kaniya. Isinuot niya ang kaniyang mamahaling relo, ang bukod tanging accessory sa katawan na meron siya. Sinipat ng mabuti ang buhok sa salamin. Hindi na siya nagpadala pa ng hairstylist dahil ayos lang naman sa kaniya ang striking and messy hair cut niya ngayon, wala na masyadong