Third Person's POV "Dani, I want you to meet my husband, Jeff! Honey, this is Dani, she's the one who took care of Sage," pagpapakilala ni Maxine kay Dani sa kaniyang asawa. "Oh, Dani! Hi... It was nice to meet you!" nakangiting bati nito sa kaniya at inilahad pa ang kamay para makipag-shake hands, alanganing tinanggap naman iyon ni Dani. "Kinagagalak ko rin po kayong makilala, Sir!" sagot niya, alumpihit na tinanggap niya ang palad nito. Parang gusto niyang himatayin, nawalan na siya ng pag-asa na mami-meet pa niya ang idol niya noon dahil nineteen years old palang ito ay tumigil na sa pag-aartista,kasagsagan pa ng kasikatan nito. Kahit naman tinanggap ng mga tao ang pagkakaroon nito ng asawa sa murang edad ay tumigil na ito sa pag-aartista para lang kay Maxine. Sa huli ay na-realized