Third Person's POV "Hindi ka pwedeng umuwi magtatampo sila kapag umalis ka sa party. Don't worry narito naman ako sasamahan kita," assurance ni Lucas, bumitiw na siya sa pagkakayakap kay Dani, mahirap nang may makakita sa kanilang reporter. Bumalik sila sa party naunang lumakad si Dani patungo sa dati niyang puwesto kung saan naroon si Maxine at ang asawa nitong si Jeff, si Lucas naman ay dumistansiya muna para walang makahalata na magkasama silang pumasok. Kumausap muna ito ng ilang mga kakilala para magpalipas ng ilang minuto at pagkatapos ay pumunta na sa pwesto nila Maxine. "Hi!" matipid na bati niya sa mag-asawa, humalik siya sa pisngi ng stepsister at tinapik naman sa balikat si Jeff. Nginitian niya si Dani. "I'm so surprised to see you here, Dani. I have mistaken you for someone