Chapter 3-TNM°

2072 Words
Third Person's POV "Oh... don't do that again, you're hurting yourself for Pete sake!" Bumitaw si Lucas sa pagkakayakap sa babae na parang walang nangyari. Kanina lang matapos niyang makapag check inn at maipasok ang kaniyang maleta sa loob ng kaniyang suite ay naisipan niyang bumaba para kumain sa restaurant na nasa loob din ng hotel nang mapansin niya ang babaeng ito na naglalakad na parang wala sa kaniyang sarili at gustong banggain ang makakasalubong nitong malaking poste. Mabuti na lang at naagapan niya kaya imbes na do'n sa poste ay sa matipuno niyang dibdib ito sumubsob. "Ahm... Thank you!" napapahiyang sabi ni Dani. "You're welcome! But, be careful next time." Pangaral niya pa rito at saka ipinagpatuloy ang paglalakad at nilagpasan na ito. Nataranta si Dani nang makitang papaalis na ang lalaki kaya naman agad niya itong hinabol ng tawag. "Hey Sir, wait a minute!" Saglit na natigilan si Lucas huminto siya sa paglalakad. Nangunot ang noo niya nang pumihit paharap sa babaeng lakad takbong palapit na sa kinaroroonan niya ngayon. "Yes" Nagtatanong ang mga matang pinagmasdan niya ang napakasimpleng mukha nito. "Ah!" alumpihit na nasabi lang ni Dani. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa lalaking kaharap. "Is there something you wanna say?" Nang aarok ang mga mata na tanong ni Lucas dito. Napakamot siya ng ulo. Talaga namang nakaka-tense ang lalaking ito at hindi niya alam kung bakit ba nako- conscious siya sa mga tingin nito? Sir... Please listen to me! I- I need your help. I'm a victim of the illegal recruiter. She brought me to this hotel then leave without informing me. She takes away my passport, my money and all of my things, I don't know where to find her. I have nothing and I have nowhere to go. I'm so tired and hungry, could you please help me?" pakiusap niya rito. Pinakatitigan ni Lucas nang husto ang babaeng kaharap na sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya nakita. "Oh... Is this a scam or something?" May pagdududa sa tanong niya. Maraming nagkalat na manloloko sa panahon ngayon, kahit saang bansa ka pa magpunta ay hindi nawawalan niyon. "No! Please, sir... You're the only one who can understand me. I asked for help from many people here but they can't speak English." "Look! I'm so sorry but it's very hard for me to trust someone who's a total stranger. What if you're just deceiving me?" Talaga namang napakahirap magtiwala. "Sir, I am telling the truth! I---. " Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng mapangiwi siya sa malakas na pagkulo ng kaniyang tiyan, nasapo niya iyon, walong oras na ang nakakalipas mula ng huli siyang kumain. Napakunot ang noo ni Lucas at wari'y napaisip. Mukha ngang gutom na ito dahil hindi biro ang lakas ng kalam ng kaniyang sikmura, dinig na dinig niya iyon. "I'm not a scammer, believe me! I'm so hungry can__" Natigilan si Dani at hindi na itinuloy ang sasabihin, napatingala siya at napaisip. "Ano nga ba sa English 'yong pautang ng pera?" Pabulong lang sana iyon ngunit medyo napalakas at hindi nakaligtas sa pandinig ng kaniyang kausap. "Can you lend me some money?" Wala sa sariling biglang sagot naman nito. "Oo... tama 'yon nga!" napapalatak na sabi ni Dani at tuwang napapitik pa ito sa hangin. "Can you lend me some money, Sir? I'll pay you as soon as I get my bag and luggage. Please! I'll give you my name and address in where you can find me in my country. I have to eat to gain my energy back, I need to survive for today. I have to find ways on how can I find that illegal recruiter and put her in jail so that she would not do it to others anymore." Desidido at puno ng kumpiyansang napakuyom pa siya sa kaniyang palad. Matagal na natigilan si Lucas. Pinag-aralan ang mga pinagsasabi ng kausap. Sa totoo lang hindi naman siya mukhang manloloko o miyembro ng ano mang sindikato. The way she talks and the way she reacted in the situation is so genuine. It's just that he needs more information on how she put in that situation for him to believe that this girl beside him is not a scammer or something related to illegal business. "Okay... I'm about to eat, you can go with me if you want, I'll treat you food." Halos mapalundag sa tuwa si Dani, pati yata mga bituka niya ay gustong magdiwang sa sobrang saya sa wakas malalamanan narin ang kaniyang sikmura. "I will not say no, Sir. I'm starving to death!" Masiglang sumunod siya rito binilisan ang paglalakad para makasabay sa lalaki. Sa gilid ng kaniyang mga mata nakikita niya ang mala-modelong katawan at pananamit nito na para bang rumarampa sa catwalk habang naglalakad. "Are you a model?" Hindi na mapigilan ang sariling tanong niya, masyado talaga siyang nagiging curious sa lalakeng ito. Napatingin naman ito sa kaniya sabay ngiti. "And what made you think that I am?" balik tanong naman nito sa kaniya. Napakibit balikat si Dani. " I don't know, it's just that you look like one but if you're not, are you by chance a celebrity in your country?" Hindi parin mapigilang tanong niya, para kasing hindi ito basta-bastang tao sa itsura at pananamit. "No, I'm not. But I got used to it. You're not the only one who asked me that same question and if it's your way to make me feel comfortable with you and to make me believe that you're not a scammer. Well... I'm so sorry my dear, it's not working. Not on me!" Pilyong ngumiti ito sabay kindat sa kaniya. Napaawang naman ang bibig ni Dani. "Kainis, bakit ba ganito kalakas ang epekto ng lalaking ito sa akin?" Sa isip-isip niya, para kasing may nagliparang mga paru-paro sa loob ng kaniyang tiyan ng kindatan siya nito. Nasa loob na sila ng mamahaling restaurant. Hinayaan ni Dani na ang lalaki na lang din ang um-order ng pagkain para sa kaniya, isa pa mahirap bigkasin ang pangalan ng mga pagkain nila rito, hindi niya alam kung ano ang masarap at hindi. Nang dumating na ang order nila ay tahimik silang kumain. Ibinuhos ni Dani ang buo niyang lakas para mapagkasya ang lahat ng pagkain na nakahain sa lamesa sa kaniyang tiyan. Hindi niya sigurado kung kailan pa mauulit ang ganito, na malalamanan nang masarap na pagkain ang kaniyang sikmura. Lihim na napangiti si Lucas. In his twenty-six years of existence ngayon lang siya may nakasabay na babaeng mas malakas pa sa construction worker kung kumain. Pati yata plato ay kaya nitong ubusin nahiya lang nang konti kaya hindi na ginawa. " I'm asking you a favor once again, sir. Can you extend your help to me by allowing me to use your phone?" "What ?" Hindi maka paniwalang naibulalas ni Lucas. Kanina lang pagkatapos na pagkatapos nilang kumain ay inabutan niya ito ng five hundred dollars. Napag isip-isip kasi niyang tulungan na lamang ang babae. It's just a money at madali namang kitain iyon. Kung nagsasabi naman ito ng totoo ay mas mabuti at kung hindi naman, kunsensiya na niya iyon. Pinagdaop ni Dani ang dalawang palad na para bang nagmamakaawa. "I know it's too much to ask but I need to talk to my parents to inform them that I'm okay. They're expecting my call seven hours ago and I know they are very much worried about me. Sir, just this one, and I'll never bother you anymore. Don't you worry I will stay here near you for you to make sure that I won't steal your phone." Desperado na talaga si Dani. Ayaw niyang mag alala ang kaniyang mga magulang kaya naman ito ang naisip niyang paraan para makausap ang kaniyang ama't ina, ang manghiram ng cellphone sa lalaking kaharap. Alumpihit na kinuha ni Lucas ang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon. "Here!" Sabay abot niya ng phone rito. Tinulungan narin naman niya ito kaya nga bakit hindi na lang niya lubos- lubusin. Malakas ang epekto sa kaniya kapag usaping tungkol sa pamilya. "Thank you... Thank you so much, Sir." Abot-abot ang pasasalamat ni Dani at hindi na nag-atubili pa na kuhanin ang cellphone buhat dito. Dinial niya ang numero ng mga magulang dalawang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya. " Hello! Nay... si Dani po ito," aniya na pilit na pinasigla ang kaniyang boses. Tuwang-tuwa ang kaniyang ina nang marinig ang boses niya. Kanina pa talaga nag-aantay ang mga ito sa kaniyang tawag. " Dani... anak, kamusta ka na diyan?" tanong ng kaniyang ina. "Ayos lang po ako Nay, napakaganda po rito. Mabait po ang employer ko," maagap na sagot niya. "Kamusta naman ang magiging trabaho mo, ayos lang ba?" "Opo, Nay. Madali lang ang magiging trabaho ko rito. Ako pa ba, diba ang galing-galing ng anak ninyo? Pakisabi po kay Tatay na maayos ako rito sa Prague. Pangako ipapadala kong lahat ang unang sweldo ko sa inyo. Gusto kong bumili kayo ng masasarap na pagkain at mag-date kayo ni Tatay." Habang sinasabi niya iyon ay hindi niya napigilan ang mga patak ng luhang nag uunahang dumaloy sa kaniyang mga pisngi. Pinanghihinaan na siya ng loob pero pinipilit niyang magpakatatag para sa kaniyang mga magulang na umaasa sa kaniya. "Sige na po, Nay. Tatawagan ko po uli kayo, kailangan napo kasi ako ng boss ko. Nagsimula na po kasi agad ako sa trabaho pag dating ko rito kaya hindi rin ako nakatawag agad sa inyo." Habang sinasabi iyon gamit ang kaliwang palad ay pinahid niya ang mga nakakainis na luhang ayaw ng tumigil sa pagpatak. "Mag -iingat po kayo diyan, alagaan po ninyo ang inyong kalusugan, 'wag po kayong mag alala sa akin dito, maganda po ang kalagayan ko. Sige na po Nay. Ba-bye na, mahal na mahal ko po kayo ni Tatay." Hindi na siya nahiya sa kasama alam naman niyang kahit anong sabihin niya ay hindi naman siya maiintindihan ng lalaking ito, tagalog ang lenguwaheng ginamit niya. Matapos ang tawag na iyon ni Dani ay yuko ulong bumaling siya kay Lucas. Hindi niya magawang tingnan ito dahil nahihiya siyang makita nito ang namamaga niyang mga mata "Here's your phone, sir. Thank you so much." Iniabot niya ang cellphone rito. Agad naman iyong kinuha ng lalaki at ibinalik sa bulsa ng kaniyang pantalon kung saan ito nakalagay kanina lang. " By the way, sir... before I go, my name is Maria Daniela Ignacio, I'm from the Philippines. Please give me your name and contact number, I'll pay you as soon as I get my stuff . Thank you for your kindness," aniya rito. "And where do you think you're going now?" tanong ni Lucas sa babaeng kaharap na desidido na talagang umalis. "I don't know where this money can bring me. Maybe I'll sleep in the street for now and report to the police station what happened to me tomorrow and then find a job after." "Tsh, silly! Wrong move. Sounds so easy, but do you think it will work? Mag-isip ka nga, you stupid!" Napaawang ang bibig ni Dani sa narinig buhat dito. "What did you just say? Could you please repeat it?" Para kasing may narinig siyang kakaiba sa sinabi nito. "Wrong move. Sounds like easy but do you think it will work?" Pag-uulit naman nito sa kaniyang sinabi. "No, not that one, sir. The last one." "You stupid?" Patanong na sabi naman ni Lucas. Napapailing na napaisip si Dani. Hindi niya pansin kanina na sinabihan pala siya nito ng stupid. May gusto lang kasi siyang marinig na hindi na inulit ng kausap. Sunod-sunod ang iling na ginawa ni Dani. Nagkamali lang siguro siya ng dinig kaya naman binalewala na lang niya ito. "Never mind, It's late at night. I need to go, Sir. Thank you very much for your help. I'll pay you someday, I promise." Tumayo na siya at inumpisahan nang lumakad, tinatahak niya ang daan papunta sa direksyon ng exit door ng hotel. "Sandali lang! Gusto mo bang sa akin ka nalang muna mag-stay ngayong gabi? Yun ay kung wala kang matutuluyan." Awtomatikong napaawang ang bibig ni Dani sa pagkabigla. Napapihit siya paharap sa estrangherong lalaki, hindi siya maaring magkamali. "Huh! Nagtatagalog ka, Pilipino ka rin?" nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang tanong niya rito. Nakangiti habang tumatango-tango naman ito. "Sa huling pagkakatanda ko, oo." Pilyong sagot nito. " I'm Lucas Lagdameo from Makati Philippines." Inilahad nito ang kanang kamay sa nakatulalang si Dani.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD