Third Person's POV
Sa dinami-rami ng tao sa mundo na biniyayaan ng kagandahan isa na ang dalawampu't limang taong gulang na si Maria Daniela Ignacio ang hindi gaanong pinalad.
Ngunit, sa dinami-rami rin ng tao na nakasalo ng katangahan ay siya naman ang nangunguna, gising na gising, dilat ang mga mata at nagsahod pa ng planggana.
Halos dalawang oras na siyang nakatayo sa harap ng isang sikat na hotel dito sa Prague. Hinihintay ang kanyang recruiter na Sheila ang pangalan. Sinabihan siya nitong maghintay sa labas upang kausapin muna ang kanyang magiging employer na roon pansamantalang nakatira.
Isa siyang empleyado ng munisipyo sa kanilang probinsiya. Nahikayat siya ni Sheila na ang pakilala sa kanya ay isang recruiter na mula pa sa Maynila at naghahanap ito ng mga taong gustong mag-trabaho abroad. Dahil nga magaling magsalita si Sheila at pinangakuan siya nang malaking sahod kung papayag siyang mag-trabaho sa ibang bansa bilang personal secretary ng negosyanteng Briton na naka-base sa Prague. Dahil sa mabulaklak nitong pananalita ay naingganyo siyang sumama rito. Napilitan ang kanyang mga magulang na isanla muna ang lupang sakahan ng kanyang ama upang magkaroon siya nang panggastos sa mga requirements at placement fee.
'Di pa man, naisip na niya na ang unang susuwelduhin ay ipadadala agad sa kanyang mga magulang upang unti-unti ay matubos nila ang kanilang lupang sakahan. Ngunit, mukhang mapupurnada pa ang lahat ng plano niya para sa pamilya dahil mahigit tatlong oras na siyang nakatayo sa harapan ng hotel ay wala paring Sheila na lumalabas. Ang masaklap pa roon ay kanina pa siya nagugutom. Alas kuwatro nang hapon sa Prague at ang huling kain niya ay ang almusal pa sa eroplano. Hindi nga siya masyadong nakakain dahil hindi niya gusto ang inihain na pagkain sa kanila roon.
Bakit ba kasi pumayag siya na ipaubaya kay Sheila ang pag-bitbit ng mga gamit niya? Kaya naman kahit wallet ay wala siyang hawak, literal na sarili lang niya ang kanyang dala ngayon.
"Sir, I'm looking for my friend, she's in this hotel. Can I go inside?" pakiusap niya sa nakabantay na guwardiya sa entrance ng hotel.
"Where is your ID?" tanong nito.
"ID?" balik tanong niya.
"Yes, Identification Card, no ID, no entry, " matapang na sabi nito at iminuwestra pa na lumayo siya sa gitna ng pintuan dahil may isang babae ang palabas ng hotel kaya napilitan siyang umusog sa gilid.
"Ano bang ID ang pinagsasabi niya, kahit isang gamit nga ay wala ako?" kunot noong tanong niya sa kanyang sarili.
Halos nabilang na niya ang lahat ng tao na labas-pasok sa hotel na iyon at ni anino ni Sheila ay wala talaga siyang nakita. Nawawalan na siya ng pag-asa. Wala siyang makausap para mahingian nang tulong. Wala masyadong nakakapagsalita ng English dito bukod sa masungit na guwardiya.
Manipis lang ang suot niyang jacket. Dala ng lamig at matinding gutom ay nakadama siya nang panghihina, kaya naman kung saan siya nakatayo ay do'n narin siya naupo, pinagkiskis ang dalawang palad at pagkatapos ay dinala ang mga iyon sa kanyang pisngi na nangangapal na dahil sa lamig.
Nawawalan na talaga siya ng pag-asa, matinding takot ang bumabalot sa kanya. Ang mga tanong sa sarili na napakahirap para sa kanyang sagutin ang lubos bumabagabag sa dalaga.
Paano kung hindi na talaga magpakita sa kanya si Sheila?
Paano kung tama ang nasa isip niyang tinangay na talaga nito ang lahat ng kanyang pera at mga gamit?
Paano niya makukuha ang kanyang passport na naroon sa kanyamg bag na tangay-tangay din nito?
Paano pa siya makakabalik ng Pilipinas?
At paano kung mahuli siya dahil wala siyang kaukulang dokumento?
Sino na ang tutulong sa kanya sa estrangherong lugar na ito?
Paano siya makaka-survive?
Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang maiyak. Ilang tao na ang sinubukan niyang hingan ng tulong ngunit, kahit isa man lamang sa mga ito ay walang nagpakita ng interes sa kanya. Karamihan ay hindi siya maintindihan dahil sa language barrier.
Malapit ng dumilim at wala siyang masisilungan, hindi niya alam kung saan siya magpapalipas ng gabi.
7:00 PM, madilim na ngunit hindi parin siya umaalis sa harap ng entrance ng hotel nagbabakasakaling naroon parin sa loob si Sheila. Ayaw niyang malingat ang kanyang mga mata dahil baka bigla na lamang itong lumabas doon at makaligtas sa kanyang paningin. Ngunit, sa tagal ng oras na paghihintay, napaisip siya ng husto kung naroon parin ba ito sa loob? Nakita niyang pumasok ito rito pero hindi na lumabas pagkatapos.
"I'm already here and I'll check Inn at the hotel near the hospital. I will visit you tomorrow morning, I need to take a rest first."
Natigilan si Dani ng may isang lalaking bitbit ang 'di kalakihang maleta sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay ay may hawak na mamahaling cellphone na nakatapat sa kanyang tainga, may kausap ito sa telepono at nagsasalita ng English. Sa itsura ay mukha itong Asian at higit sa lahat ang nakapagpatulala kay Dani ay ang napakagwapo nitong mukha at mala modelong porma. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng ganito ka-gwapong lalake. Lalapitan na sana niya ang estrangherong lalake. Ito lang ang nakikita niyang pag-asa na makatulong sa kanya dahil sa palagay niya ay magkakaintindihan sila nito. Ngunit, nang palapit na siya rito ay biglan namang humarang ang masungit na guwardiya kaya naman nakapasok agad ang lalaki sa loob ng hindi man lang niya nakakausap.
"Why are you still here?" galit na tanong nito sa kanya.
"I told you, my friend is in this hotel and I need to talk to her. Please! Let me go inside to find her, " nangingilid ang luhang pakiusap niya.
Parang nakaramdam naman ito nang awa kay Dani. Kaya naman ang galit na ekspresyon ay napalitan ng simpatiya at pag-aalala.
"Okay, my duty will end in ten minutes, I'm just waiting for my replacement. Wait for me and I'll help you to get inside." mahinahong sabi nito.
Sunod-sunod naman ang naging tango niya. Nakaramdam siya nang pag-asa.
Hindi naman pala totoong masungit si manong guwardiya. Sa isip-isip niya.
Katulad nang sinabi nito. Nang dumating na nga ang kanyang karelyebo ay sinamahan siya nito sa loob.
"What's the name of your friend? I'll ask the front desk if she check inn in this hotel."
"Sheila-- Sheila Legaspi and David Wahlberg, " maagap na sagot niya. Isinama na niya ang pangalan ng dapat ay magiging employer niya.
Saglit siyang naiwan ng lumapit ang guwardiya sa front desk para ipagtanong ang kanyang hinahanap. Hindi niya maintindihan ang lenguwaheng gamit ng mga ito at talaga namang mahirap intindihin ang Czech language. Ngunit, sa mga reaksyon ng guwardiya at ng kausap nito na panay ang iling habang may tsini-check sa computer at logbook ay mukhang negatibo ang sasabihin nito sa kanya. Ilang minuto lang ay bumalik na ang guwardiya.
"I'm so sorry but according to the receptionist's, there's no such name as Sheila Legaspi and David Walberg who enter and check inn in this hotel. They can't find records of the person you are looking for."
Napahawak siya sa kanyang ulo na para bang biglang sumakit. Kahit alam na niya ang sasabihin nito ay hindi parin niya maiwasang manlumo.
"But she's inside, I saw her enter in this hotel."
" There's an exit door at the other side of the building. I don't know, maybe they used that door to leave."
Lalo siyang nanghina sa narinig. Ang buong akala niya ay isa lang ang labasan at pasukan sa building na ito. Napakalaki niyang tanga para maghintay ng halos walong oras sa wala.
"She had my passport, my money and all my stuff. She fooled me, what am I gonna do now? I have nowhere to go, " nanlulumong sabi niya.
"I'm so sorry to hear that, this is all I can do to help you. Go to the police station early in the morning and report what happened to you."
Bahagya siyang tinapik nito sa balikat.
"I need to go, my wife is in the hospital right now, tonight is her schedule for operation and she needs me. I hope you will find your friend soon."
Wala na siyang magawa kung hindi ang payagan itong umalis. May mas higit na nangangailangan kaysa sa kanya ngayon.
"Thank you for your time. Thank you very much." taos sa pusong pasasalamat niya rito.
"It's nothing." Bahagya itong ngumiti at sumenyas na aalis kaya naman tinanguan niya ito.
Wala sa sariling inumpisahan narin niyang maglakad para lumabas nang bigla nalang mabangga siya sa matigas na bagay, muntik na siyang mawalan ng balanse mabuti nalang at maagap siyang nahawakan ng isang lalaki.
"Oh, oh... careful!" ang sabi nito na bigla na lang siyang kinabig kaya hindi niya naiwasan na masubsob sa matitipunong dibdib nito.
Hindi niya alam kung bakit bigla nalang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Parang may kuryenteng gumapang sa buo niyang pagkatao dahil sa pagkakalapit ng katawan nila nang estrangherong lalake. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam na dulot nito. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang mukha at tiningala ang lalaking hanggang ngayon ay nakayakap parin sa kanya.
Para siyang nabatubalani, higit na guwapo pala ito sa personal. Ang lalaking mala modelo na may napakagwapong mukha na nakita niya kanina lang sa labas ng hotel na nagpatigil saglit sa mundo niya ay siya ring lalaki na nagligtas sa kaniya ngayon para hindi tuluyang bumangga sa malaking poste.