3
"Anak? Andiyan ka na pala."
Mula sa maliit nilang kusina ay lumabas sa kusina ang ina ni Nisha. Mukhang nagsasaing ito base na rin sa amoy na sumalubong sa kaniya pagpasok niya sa loob ng barong barong nila.
Nahahapong umupo siya sa kanilang lumang sofa. At parang baliw na napatitig sa kawalan.
Kanina kasi, bago siya umuwe eh nakita niya pa sila Jessica at Ashton sa cafeteria ng kumpanya. And they are hugging each other na labis niyang ikinalungkot and at the same time kinawasak ng sobra sobra ng kaniyang puso.
Para tuloy siyang wala sa sarili na umuwe sa kanilang bahay at eto nga siya ngayon. Hindi maalis sa isipan niya ang mga nangyare sa unang araw ng kaniyang trabaho.
First day sucks.
"Nisha anak, may problema ka ba?"
Alalang tanong ng kaniyang ina sa kaniya ng mapansin ang pagkatulala niya.
Malungkot syang bumaling rito.
"Nay, ok lang ako."
At pilit siyang ngumiti sa ina. Tila hindi naman siya pinaniwalaan ng ina at matiim lamang siyang tinitigan. Nag-iwas siya ng tingin.
"Hindi ko tinatanong kung ok ka o hindi. Tinatanong ko kung may problema ka ba? Alam kong meron. Sabihin mo sakin."
Siryosong sabe nito.
Kagat labeng tumingin siyang muli sa ginang. Pinipigilan niya ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa kaniyang mga mata.
Ayaw na niyang umiyak pa. Pagod na siya. Buong araw na siyang nag-ii-iyak. Hindi pa ba pagod ang mga mata niya sa pagluha? Hindi pa ba ubos ang mga luha niya?
"Anak."
Pang-aalo ng kaniyang ina sa kaniya and her mother patted her shoulder.
Doon na niya hindi napigilan ang mapaluha. Umiiyak na yumakap siya sa kaniyang ina.
"Nay! Why do I need to be hurt like this?! Masakit nay! Sobrang sakit! I think I can't handle the pain anymore. Sobrang sakit na nay eh! Sobra!"
And then lumayo siya sa kaniyang ina and she clutched her chest.
"Ano bang nangyare? Nagkita ba kayo ni Ashton?"
Nag-aalalang tanong ng kaniyang ina sa kaniya.
Humihikbing tumango siya.
"He's my boss. And it damn hurts na makita siya with his wife. Nay, akala ko kaya ko nang kontrolin ang emosyon ko once na nagkita kami. Akala ko I am that strong enough to face him and his wife. But I'm wrong! Mahina pa din pala ako. Hindi ko pa kaya. Masakit pa!"
Humagulhol na saad niya. Naawa naman sa kaniya ang ina at niyakap siya ng mahigpit.
"Sshhh. Ganiyan talaga kapag nagmamahal ka. Kailangan mong masaktan. Hindi pwedeng puro saya lang."
Saad nito sa mahinang boses habang hinahagod ang likod niya.
"Pero nay bakit sobrang sakit naman? Bakit?"
Umiiyak pa ring tanong niya.
"Kailangan yan. Ang sakit na yan ang magpapatatag sayo. Diyan sa sakit na yan ikaw matututo. Tiisin mo lang anak. Magtiis ka lang at para saan pa't mawawala din yang sakit na yan? Tandaan mo Nisha, Pagkatapos ng malakas na bagyo, may araw pa ding sisikat. Kaya yang sakit na yan, pag natapos yan o pagnawala, ligaya ang kasunod niyan."
At humiwalay sa kaniya ang kaniyang ina at hinalikan siya sa noo.
"Wag ka nang umiyak, maganda kong anak. Hindi bagay sayo."
At natatawa nitong pinunasan ang mga luha niya sa pisngi.
Ngumiti na rin siya. Gumagaan talaga ang pakiramdam niya sa tuwing pinapayuhan siya ng kaniyang ina. Ang galing kasi nitong magpayo.
"Salamat nay. Galing mo talaga!"
At natatawang yumakap siya dito.
Tumawa naman ng mahina ang kaniyang ina at tinitigan siya.
"Ako pa ba? Oh wag ka ng umiyak hu? Sayang ang beauty mo!"
At nagkatawanan silang mag-ina.
"Ehem!"
Natigil lang sila ng makarinig sila ng pagtikhim.
Napatingin sila sa bukana ng kanilang maliit na kusina.
Doon nakatayo ang nakasimangot niyang kapatid.
"Oh? Anong problema mo diyan?"
Pang-aasar niya sa kapatid.
Lalong sumimangot ang magandang mukha nito.
"Tapos na kayong magdramahan diyan? Daya niyo di niyo ko sinasama!"
Saad nito. Nagkatinginan silang mag-ina at nagkatawanan.
Sabay silang tumayo at lumapit sa kanilang bunso.
"Sus! Tampo ka naman, bunso!"
Pangbubuska niya dito at inakap niya ito sa tagiliran.
Nakasimangot pa din ito pero makikita mo dito ang pagpipigil nito sa pagngiti.
"Eto kasing ate mo nagdadrama na naman!"
At ang nanay naman niya ang yumakap sa kabilang tagiliran nito.
Tumingin sa kaniya si Lisa.
"Bakit ka na naman nagdadrama Ate? Alam mo bang nakakapangit yan!"
Kunwaring inis na sabe ng kapatid niya sa kaniya.
Siya naman ang napasimangot.
"Di ka na nasanay sakin. Lage naman akong nagdadrama huh?"
Kunwaring nagtatampong sabe niya. Napangiti naman ang kapatid at nanay niya.
"Hahahaha oo nga eh. Kaya yan ang pangit mo na!"
Natatawang sabe ng kapatid niya. Natawa din ang kaniyang ina kaya mas lalo siyang napasimangot.
"Ang sama mo Lisa! I hate you!"
Nakasimangot na saad niya.
"The feeling is mutual ate!"
At humagalpak ito ng tawa.
Napalayo siya dito at nakapout na tinignan niya ito.
"Kainis ka! Parang hindi kita kapatid ah!"
Nakapout na sabe niya.
Binehlatan siya ni Lisa.
"Hindi nga. Maganda ako! Pangit ka! Diba nay?"
At natatawang yumakap ito sa kanilang ina.
"Hahaha tama na nga yan! Teka yung sinaing ko baka masunog!"
At nangingiting pumasok sa kanilang kusina ang kanilang ina.
Nagkwentuhan naman silang magkapatid.
Nalaman niyang nanliligaw na pala si Mark sa kapatid niya. Kilig na kilig siya habang nakikinig sa kwento ng kapatid niya. Hindi naman siya against sa pakikipagrelasyon ng kapatid niya kung saka-sakaling sasagutin nito si Mark. Batid naman niyang mabait ang manliligaw nito at alam din niyang siryoso si Mark kay Lisa. Basta alam nila ang limitation nila.
Nang matapos silang magkwentuhan ay tinulungan nila ang kanilang ina sa pagluluto at pagkatapos ay masaya silang nagsalu-salo ng hapunan.
Kahit papaano ay nalimutan ni Nisha ang mga nangyare kanina sa kaniyang unang araw sa trabaho. Nawala sa kaniyang isipan si Ashton at ang masasakit na pinag-usapan nilang dalawa.
(ASHTON's)
Nasa bar counter siya ng kanilang kusina at nakaupo sa isang highstool habang sumisimsim sa kaniyang alak.
Hindi maalis sa kaniyang isipan ang bago niyang sekretarya. Ang mga nangyare kanina. Ang pag-iyak nito sa harapan niya at ang sakit at hirap na dinaranas nito.
Shit! Hindi niya kayang makitang naghihirap at nasasaktan ng ganoon si Nisha. Ang babaeng bukod tanging minahal at mamahalin niya habang buhay. Pero anong magagawa niya? Kasal na siya. May asawa na siya. Hindi na niya pwede pang balikan ito dahil sa may asawa na siya.
Yes. Hanggang ngayon mahal niya pa din si Nisha Martina Greene. Ang babaeng tumunaw sa yelong nakabalot sa kaniyang puso. Ang babaeng nagpakita sa kaniya kung gano kaganda ang buhay.
He's a broken man dahil bata pa lamang siya ng mamatay ang mga magulang niya at ang tanging kasama na lamang niya sa bahay ay si Manang Rosa. Kinupkop sya ng tita nya at dahil sa last will and testament ng lolo nya ay napunta sa kanya ang NMGM Group of Companies. Pero nang dumating sa buhay niya sa Nisha, binago nito ang lahat lahat sa kaniya. Unti unti siyang nabuo. Unti unting natunaw ang yelong bumabalot sa kaniyang puso. Unti unti niyang nakita ang kagandahan ng buhay. Masaya siya na nakilala niya si Nisha. Na dumating ang babae sa buhay niya. Minahal niya ito at nalaman niyang mahal din siya ng babae. And that was the best thing happened to him. Naramdaman niya kung gano kasarap magmahal si Nisha.
Umikot ang buhay niya dito. Naging masaya siya sa piling nito. Akala niya hindi na sila magkakahiwalay pa. Pero nagkamali siya.
Dahil isang araw, nagmakaawa sa kaniya si Jessica. Nagmamakaawa ito sa kaniya na pakasalan niya ito. Nalaman niya ang dahilan kung bakit ito nagmamakaawa sa kaniya. Bukod sa pagmamahal nito sa kaniya ay meron pang ibang dahilan. At dahil doon ay nagpakasal siya dito. Kahit alam niyang mawawala sa kaniya ang babaeng pinakamamahal niya ay pinakasalan niya si Jessica.
Binaba niya ang basong hawak niya at napasabunot sa kaniyang buhok.
How can he hurt the girl he loves so much?
"Sorry Nisha. I'm sorry. I know I'm such a jerk for hurting you but I have reasons."
Yun lang at napaubob na siya sa counter. Crying his heart out loud.
Nasasaktan siya dahil nasasaktan si Nisha.
God knows how much he loves Nisha. Kung gano niya ito namiss ng sobra. Kung gano niya ito kagustong yakapin at hagkan kanina. Kung gamo niya ito gustong makasama. God knows. God really knows.
Nag-angat siya ng mukha and he wiped his tears away. Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa ng suot niyang pantalon.
He look at his wallpaper. Silang dalawa ni Nisha. Kuha ito limang taon na ang nakakalipas. Nasa America sila non at masayang sinecelebrate ang Pasko.
Muli siyang napaluha habang pinagmamasdan ang wallpaper niya. Umiiyak na hinalikan niya ang screen ng cellphone niya.
"I miss you babe. So much."
Bulong niya at muli siyang umubob sa counter at umiyak ng umiyak.
Hindi naman siguro nakakabakla ang umiyak diba? Kung nasasaktan ka na ng sobra.
Kinabukasan ay maaga siyang pumasok sa opisina. Buti na nga lang at hindi namumugto ang mga mata niya eh.
Pagkadating niya sa presidential floor ay agad niyang nakita si Nisha na abala sa working table nito.
Palihim muna niya itong pinagmasdan.
Nisha is really beyond beautiful. Nakacorporate attire ito at nakapuyod ang mahabang buhok nito. Simple but beautiful.
Napangiti siya ng biglang sumimangot ang maganda nitong mukha dahil sa isang dokumento na binabasa nito.
She's so damn cute.
Naglakad na siya patungo dito at huminto siya sa tapat ng table nito.
"Good morning."
Nakangiting bate niya rito. Nag-angat ng mukha ang dalaga at agad napatingin sa kaniya.
"Ahm good Morning, sir."
Naiilang na bate nito sa kaniya.
Nakipagtitigan muna siya rito bago siya pumasok sa kaniyang opisina.
Habang siya'y nagtatrabaho eh pinagmamasdan niya mula sa labas ang maganda niyang sekretarya.
Busy ito sa ginawa nito. Gusto niya sanang kausapin ito. Pero natatakot siya na baka muli na naman itong umiyak kapag kinausap niya ito.
Magkakasya na lamang siya sa pagmamasid dito mula sa malayo.
Magbebreak time na ng kumatok si Nisha sa kaniyang pinto.
"Come in."
He said.
Pumasok ito at may inilapag itong iilang dokumento sa office table niya.
"Pinabibigay po ni Mr. Garcia. Financial Report and Financial Statement."
Saad nito. Tinignan niya muna ito saglit bago siya tumingin sa mga dokumentong inilapag nito sa kaniyang table.
Napatango tango siya.
"Sige. Salamat."
Saad niya.
"Sige, Sir."
Akmang lalabas na ito ng muli niya itong tawagin.
"Nisha."
Tawag niya dito.
Lumingon ito sa kaniya.
"Sir?"
"May dinner party mamaya ang kumpanya. Sumama ka."
Siryosong saad niya rito.
Napamaang naman si Nisha at hindi alam ang isasagot.
"No buts."
Muli niyang saad. Kagat labing napatango na lamang ang dalaga at nagpaalam na sa kaniya.
Napasandal siya sa kaniyang swivel chair nang makalabas na ito.
"Someday, you will be mine again. I fvcking swear."
At ngumisi siya.
Sinong nagsabe na basta na lamang niyang igi-give up si Nisha? No. Hindi siya makakapayag na hindi si Nisha ang magiging ina ng mga magiging anak niya. Dadating din ang tamang oras para magkasama sila. And he's patiently waiting for that right time.
(Nisha's)
"Besss!!!"
Isang matinis na boses ang sumalubong sa kaniya pagkababang pagkababa niya ng taxing kinalululan niya.
Nakangiting sumalubong sa kaniya si Georgina.
"Akala ko hindi ka na dadating."
Nakangiting saad nito sa kaniya.
Napasimangot naman siya.
"May choice ba ko?! Sabe kasi ng boss natin no buts daw! Kaya eto ako ngayon."
Nakasimangot na sabe niya. Napahagikhik naman si Ina.
"Ok lang yan. Minsan lang ito noh! Atsaka ang ganda mo kaya ngayon. Ipakita mo kay Ashton kung ano ang sinayang niya!"
At tumawa ito ng nakakaloko.
Napangiti naman siya sa kalokohan ng kaibigan niya.
Simpleng dress na kulay old rose ang suot niya at sandals na puti. Niladlad na lamang niya ang mahabang buhok niya.
Andito sila ngayon sa isang sikat na bar sa Sta. Mesa. Dito kasi napagdesisyunan ganapin ang dinner party ng kumpanya.
Hindi dapat siya pupunta rito kung hindi lang dahil sa boss nila. No buts eh.
Inaya na siyang pumasok ni Ina sa loob ng bar.
Makukulay na ilaw at masayang tugtugin agad ang sumalubong sa kanila pagpasok nila sa loob.
Arkilado nila ang buong bar ngayon.
"Hi Nisha! Hi Ina!"
Bate ng iilang kapwa empleyado na nakakasalubong nila. Yung iba nagsasayaw sa dance floor at yung iba naman ay nag-iinuman na.
Umupo sila sa isang bakanteng lamesa ni Ina. Umorder lang sila ng dalawang juice at nachos.
Hindi naman kasi sila umiinom eh.
Habang nagkekwentuhan silang magkaibigan eh umiikot ang mata niya. May hinahanap siya.
Si Ashton.
''Asan kaya yun?''
Bulong niya.
"Huy! Nakikinig ka ba bess?"
Saad sa kaniya ni Ina ng mapansin nito ang paglumikot niya.
"Huh? Oo."
Sagot na lamang niya kahit hindi naman talaga.
Napasimangot ang kaibigan.
"Oo ka diyan! Hindi ka naman nakikinig eh!"
Nakasimangot na saad nito.
Napatingin siya rito at napangiti na lamang.
"Hehe sorry!"
At nagpeace sign siya rito.
Nagulat na lamang sila ni Ina ng makarinig sila ng hiyawan mula sa mga nagkukumpulang kapwa empleyado sa gitna ng dance floor.
Kumunot ang noo nila at nagkatinginan.
"Ano yun?"
Kunot noong tanong ni Ina.
"Ewan ko."
Sagot niya.
"Tara tignan natin."
At inaya siya ni Ina mula sa mga nagkukumpulan.
Tumingkayad sila upang makita nila ang nangyayare sa loob ng kumpulan. They see Ashton and Jessica together. Tumatawang hinihila ni Jessica si Ashton sa dance floor habang nangingiting napapailing naman ang lalaki.
"C'mom let's dance Ashton!" Masayang aya ni Jessica dito.
"Matatanggihan ba kita?" Natatawang sagot naman ng lalaki.
Naghiyawan muli ang mga tao ng magsimulang sumayaw ang dalawa. Masayang nagtatawanan ang dalawa habang sabay na umiindak sa masayang tugtugin.
"Ang cute nila Maam Jessica at Sir Ashton noh?" Bulong ng mga iilang empleyado sa paligid nya. "Oo nga eh! Sana makahanap tayo ng katulad ni Sir."
Sumukip ang dibdib niya at naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata niya.
Those laugh, those giggles. Namiss nya iyon eh. Dati sya lang nakakakita nun eh. Ashton never laugh like that in front of everyone, he never giggles too. Sa kanya lang. But now he's laughing and giggling in front of his dear wife na tila ba ito ang tanging babae na nakakapagpasaya dito. Damn it hurts!
Hindi na niya kinaya pa at tumakbo na siya palabas ng bar.
Narinig niya pa ang pagtawag sa kaniya ni Ina.
Sapu sapo ang dibdib na napahawak siya sa pader ng makalabas siya.
Ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya dahil sa nasaksihan niya.
"Bess.."
Si Ina at hinawakan nito ang balikat niya.
Lumingon siya rito at walang sabe sabe na niyakap niya ito.
"Masakit bess. Masakit."
Umiiyak na sabe niya rito. Yumakap pabalik sa kaniya si Ina at hinagod hagod nito ang likod niya.
"Ssshhh I know. I know."
Mahinang bulong nito.
"Mahal ko siya. Mahal na mahal at masakit para sakin ang makita silang masaya. Pero anong magagawa ko? Anong magagawa ko kung masaya sya kay Jessica."
Humagulhol siya ng iyak.
Humiwalay sa kaniya si Ina.
"Naawa na ko sayo bess. You deserve to be happy. You don't deserve this."
Malungkot na saad nito.
Bumuntong hininga ito at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Ayokong nakikita kang lage na lamang umiiyak. As your bestfriend masakit para sakin ang makita kang nasasaktan. Gusto kong maging masaya ka Nisha. At alam kong ang tanging magpapasaya lamang sayo ay ang makasama siya. Kaya Nisha, go and get him back."
Siryosong saad nito.
Naguguluhang tumingin naman siya sa kaibigan. Anong pinagsasabe nito?
Go and get him back? Anong ibig sabihin nito?
"What do you mean?"
Naguguluhang tanong niya.
"Bawiin mo na si Ashton. Bawiin mo kung ano ang kinuha sayo."
Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa sinabe nito.
Bawiin? Pero paano niya mababawe si Ashton? At kaya niya bang bawiin ito mula kay Jessica?
"Pero paano?"
Muling bumuntong hininga si Georgina.
"Alam kong mali. Pero eto na lang ang bukod tanging paraan na nakikita ko para mabawe ang lalaking sayo naman talaga. Be his mistress Nisha. Gawin mong kabit ang sarili mo."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabe ng kaniyang kaibigan at napalayo siya rito.
Siryoso ba ito?
Gagawin niyang kabit ang sarili niya upang mabawe si Ashton?
Pero diba masama ang maki-apid sa may asawa na?
Diyos ko!
"Gawin mo ito para sayo Nisha. Bawiin mo si Ashton dahil sayo naman talaga siya. Be his mistress."
Tama. Sa kaniya naman talaga si Ashton.
Pero kaya niya bang maging isang kabit?