2
"A-ashton?"
Gulat na anas nya sa pangalan ng kaniyang AMO.
OMG! Bakit sa dinami rami ng pwede nyang maging boss ay bakit ito pang lalakimg ito?! Bakit ang lalaking sumira pa sa buhay niya?!
Nanginginig ang mga tuhod niya at ang bilis bilis din ng t***k ng puso niya sa mga oras na ito.
Magkatitigan sila ng lalaki at para bang huminto ang oras para sa kanilang dalawa.
After 3 long miserable years, ngayon na lang ulit sila nagkita ni Ashton at aminado syang miss na miss nya na ito.
His face. His lips. His nose. His gray eyes and his body. Lahat namiss nya dito.
Gusto nyang lapitan ito at yakapin ng sobrang higpit. Gusto nyang ipadama rito ang pangungulilang nararamdaman nya para sa lalaki.
She wanted to cry infront of him but she tried to hold her emotions.
"Nisha.. God! Ikaw ba yan?! Is that really you?!"
Hindi makapaniwalang sabe nito. Unti unti itong lumapit sa kaniya.
Nasa mata nito ang pangungulila at lungkot.
At nang makalapit na ito sa kaniya ay ganon na lamang ang gulat nya ng yakapin sya ng mahigpit ng lalaki.
"God! It's you! It's really you! Fvck! I miss you. I miss you so much!"
Saad nito habang mahigpit syang yakap yakap.
Napatulala sya at hindi niya alam ang gagawin.
Yakap yakap sya ngayon ni Ashton. Ang namiss nya ang yakap nito. Ang yakap na nagbibigay sa kaniya ng warmth and safetyness.
Hindi nya namalayan na unti unti na niya palang niyayakap pabalik ang lalaki at huli na rin para malaman nyang unti unti na palang naglalandas ang luha sa kaniyang pisngi.
"Ashton.."
Hikbi nya.
Nagulat naman ang lalaki sa paghikbi niya at akmang lalayo ito sa kaniya upang tignan sya ng higpitan nya ang pagkakayakap niya rito at isinubsob nya ang mukha nya sa black suit nito.
"Nisha. Why are you crying?"
Tanong nito sa kaniya. Nasa boses nito ang pag-alala.
Hindi sya sumagot. Nanatili syang nakasubsob sa malapad nitong dibdib habang umiiyak.
Akala niya kaya niyang kontrolin ang emosyon niya once na makita nya ang lalaki ngunit mali pala sya.
Gusto nyang iparamdam dito ang sakit, lungkot at pangungulila nya dito.
"I hate you."
Mahinang anas nya sa pagitan ng hikbi.
Lumuwag naman ang pagkakayakap ni Ashton sa kaniya ng marinig nito ang sinabe nya.
"I'm sorry."
Saad nito sa mahinang tinig.
"I really really hate you."
Sasd nyang muli at lumuluhang tinignan nya sa mukha si Ashton.
Nakabalatay sa mukha nito ang lungkot habang nakatingin sa kaniya.
"Bakit? Bakit sa dinami rami ng pwede kong maging boss bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa na sumira sa buhay ko? Bakit ikaw pa na dahilan ng pagkamatay ng tatay ko? Bakit ikaw pa?! Tell me! Is destiny are playing games with me?! Bakit niya pa hinayaan na magtagpo ulit ang mga landas natin?! Bakit?!"
Umiiyak na saad nya.
Napayuko naman si Ashton.
"I'm sorry."
Sabe nito.
Napapikit sya. Yun lang ba ang kayang sabihin nito?! Yun lang ba?!
"Sorry? Maibabalik ba nyan ang tatay ko?! Maibabalik ba nyan ang dateng masaya kong buhay?! Maibabalik ka ba sakin ng sorry mong iyan?! Tell me. Maibabalik ba?!"
Punong puno ng hinanakit na sabe nya rito.
Napatunghay naman ang lalaki sa sinabe nya.
"Nisha. I'm sorry. I'm sorry. I didn't mean to hurt you. I didn't mean to make your life miserable and I didn't mean to--"
Agad nyang pinutol ang kadugtong ng sasabihin nito at sya na mismo ang nagtuloy.
"And you didn't mean to marry another woman."
Mapait na sabe nya. Umiwas naman ng tingin si Ashton.
"Tell me Ashton. Why did you marry her? Why did you marry another woman?"
Malungkot na tanong nya.
Tumingin sa kaniya si Ashton.
"I have my own reasons, Nisha and I can't tell you all those reasons of mine."
Malungkot na sabe nito.
"Do you love her? Do you love your wife?"
Muli nyang tanong rito.
Umiwas ng tingin si Ashton at hindi ito sumagot.
Nahigit nya ang kanyang hininga at kagat labeng pinigilan nya ang paghagulhol nya.
Silence means yes right? At hindi ito sumagot ng tanungin nya ito kung mahal ba nito ang asawa.
Isa lang ang ibig sabihin non. Mahal ni Ashton ang misis nito.
And yeah! Aminado syang nasasaktan sya ngayon.
Bigla syang napatawa ng mapakla kaya napatingin sa kaniya si Ashton.
"Ha-ha-ha! Great! Now I know kung bakit mo pinakasalan si Jessica. That is because you love her. You love your wife. And yes! I'm hurting so much right now. But don't worry, I'll try to be happy for the both you. I will try."
At nakangiting pinahid nya ang mga luha niya.
Lumayo sya kay Ashton at nakangiting humarap sya rito.
"So! Hi Sir. Ashton. I'm Nisha Martina Greene and I'll be your secretary. If you need something just call me. Nice meeting you, Sir."
Yun lang at tinalikuran na niya ang lalaki.
Hindi na niya kaya pang makipag-usap dito ng mas matagal. Lalo lamg syang masasaktan.
Mabibigat ang hakbang na naglakad sya papuntang pinto at lumabas mula sa office nito.
Pagkalabas na pagkalabas nya ay natutop nya ang kaniyang bibig at doon nya pinakawalan ang mga luha niya.
Masakit. Sobrang sakit ng nararamdaman nya ngayon. Kung date ay wasak na ang puso nya, ngayon ay wasak na wasak na ito at parang hindi na mabubuo kailan pa man.
Now that she knows what's his reason sa pagpapakasal kay Jessica ay parang mas lalong nadagdagan ang sakit sa puso nya.
Mahal ni Ashton si Jessica. He loves his wife and it damn hurts!
Pinakawalan nya ang bibig niya at pinahid nya ang luha niya. Hindi sya pwedeng mag-iiyak na lang dito maghapon. Kailangan niyang magtrabaho. Andito sya para magtrabaho para sa pamilya niya at hindi para umiyak ng umiyak.
So what kung boss nya ang lalaking sumira sa buhay niya?! Hindi sya pwedeng magresign nang dahil lang don. Isipin na lamang niya ang Ina at kapatid nyang umaasa sa kaniya. Kung kinakailangan niyang magtiis sa presensiya nito and so be it! Wala na syang pakielam pa sa sarili niya. Sa nararamdaman niya. Wala na syang paki kahit na alam nyang masasaktan lamang sya sa tuwing makakasama niya ito. Tutal naman ay nasasaktan na sya eh di sulitin na niya.
Bumuntong hininga muna sya at inayos nya muna ang sarili niya bago niya tinungo ang work place nya.
Nasa gilid ng pinto ang work table nya.
Umupo sya sa kaniyang swivel chair at tinigyan niya ang mga nakaline up na meeting ni Ashton.
Bilang presidente ng isang sikat at malaking kumpanya ay alam niyang maraming meetings na kailangan daluhan si Ashton. Maraming investors na kailangan kausapin nito. Good luck na lang para dito.
Inayos niya lang ang mga papeles na nasa table niya at sinimulan na niya ang trabaho niya bilang Secretary ni Ashton.
[BREAKTIME]
Breaktime na andito sya sa cafeteria ng kumpanya upang magkape. Wala naman kasi syang pera pang miryenda noh atsaka kumain na sya sa kanila. Sapat na yun.
Nakaupo sya sa may bandang dulo ng cafeteria at tahimik na uminom ng kape.
May iilang empleyado na bumati sa kaniya at nakipagkilala sa kaniya. Syempre magiliw rin syang nakipagkilala sa mga ito.
Mababait naman ang mga empleyado rito sa kumpanyang pinapasukan niya kaya hindi sya mahihirapang makisama sa mga ito.
"Nisha!"
Isang matinis na boses ang tumawag sa kaniya. At mula sa entrance ng cafeteria ay nakita niya doon ang kaniyang bff na si Georgina.
Agad syang napatayo ng makita niya ito.
"Ina!"
Tawag nya rin dito.
Nakangiting lumapit sa kanya si Ina at niyakap sya.
"Waaahh! Namiss kita Bff!"
Saad nito at nangingiti namang niyakap nya rin ito.
"Namiss din kita!"
Saad nya.
Ilang buwan din kasi silang hindi nagkita. Tanging sa cellphone lang sila nagkakausap.
Nakangiting lumayo ito sa kaniya at pinasadahan sya ng tingin.
"Ang ganda mo pa rin bff! Lalo na sa suot mo ngayon!"
Nakangiting sabe nito sa kaniya. Ngumiti sya rito at nagpasalamat.
Iginaya nya itong maupo sa harapan nya.
"So, kamusta ang first day bff? Masaya ba?"
Tanong nito sa kaniya.
Her smile faded dahil sa tanong nito. Masasabe nga ba niyang masaya ang first day niya sa trabaho?
Nalungkot ang mukha niya na agad namang napansin ni Georgina.
"Bff malungkot ka. Bakit?"
Alalang tanong nito sa kaniya.
Malungkot na tinitigan niya si Georgina.
"Kilala mo na ba ang CEO?"
Tanong nya muna dito.
Umiling naman si Georgina.
"Hindi pa. Bakit? Absent kasi ako ng pinakilala yung bagong CEO. Nagkasakit kasi ako eh. Sayang nga eh! Sabe nila gwapo daw yung bagong president."
Sabe nito.
"Ina. It's him. Siya yung bagong CEO."
Nagtaka naman si Ina sa sinabe nya at naguguluhang tinignan sya.
"Huh?! Sinong siya'?"
Naguguluhang tanong nito.
She took a deep sigh bago nagsalita.
"S-si Ashton Gray Middleton. Sya ang CEO."
Sagot nya.
"What?!"
Nagulat naman si Ina at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa kaniya.
"Seriously?! Si Ash na ex boyfriend mo na nagpakasal sa iba ang CEO?!"
Gulat na tanong nito.
Tumango tango sya.
Wala namang nakakarinig sa kanila dahil kokonti na lamang ang natitirang empleyado sa cafeteria. Yung iba kasi ay bumalik na sa kani-kanilang trabaho.
"Yes. Siya nga."
Malungkot na sabe nya at bahagya syang napayuko.
Natutop naman ng kaibigan nya ang bibig nito.
"Oh my! Small world friend!"
Sabe nito. Hindi sya sumagot pero bumuntong hininga sya.
"Hay nako friend. Paano yan? Ano nang gagawin mo ngayong makakasama mo na sa trabaho ang lalaking sumira sa happy life mo? Magpapatuloy ka pa ba o magreresign ka na lang?"
Tanong nito sa kaniya.
Tumingin sya rito at umiling.
"No. Hindi ako pwede magresign dahil inaasahan ako nila Mama ngayon. Atsaka kailangan ko ang trabaho na ito para makaahon kami sa hirap. Titiisin ko na lang itong nararamdaman ko. Magtitiis na lang ako kahit masakit na makita at makasama sya."
Malungkot na saad niya.
Naawa naman sa kaniya ang kaibigan at malungkot na tinitigan sya.
"Bff andito lang ako huh? Tandaan mo yan! Best of friends tayo kaya wag kang mahihiyang magsabe sakin. Don't worry ihahanap kita ng iba pang trabaho para hindi mo na kakailanganin pang magtiis na makasama si Ash."
Saad nito.
Umiling sya.
No. Hindi na niya kailangan pa ng iba pang trabaho. Ok na sya rito. And besides, gusto nya ring makita at makasama si Ashton. Kahit ang relasyon na lamang nila ngayon ay employer-employee relationship eh ayos na sa kaniya. Basta makasama niya lamang ito. Kahit masakit, titiisin niya.
"Bff mahal mo pa ba si Ash?"
Tanong ni Ina sa kaniya.
Malungkot syang tumitig sa mga mata nito.
"Yes. I love him. I never stop loving him and i think i will forever love him. Kahit sabe ng iba walang forever."
At malungkot syang tumawa. Malungkot lamang syang pinagmamasdan ng kaibigan niya.
"Nisha. Please, wag kang maging masokista. Stop loving him. Masasaktan ka lang lalo eh at mas lalo ka lang masisira. May asawa na sya."
Malungkot na sabe ng kaibigan niya sa kaniya.
Umiling sya at nakangiting binalingan niya ito.
"No, Georgina. I don't want to stop. Loving him is my life, Ina. Kapag tinigil ko ang pagmamahal ko sa kaniya para na ring pinigilan ko ang sarili kong huminga. Hindi ako masokista pero sadyang mahal ko lang talaga sya. I gave myself to him, alam mo yan at ganon ko sya kamahal. I'll do everything just for him. Kung kinakailangan kong maging masaya for him and for his wife, and then be it. I'll try to be happy. Pipilitin kong maging masaya for them. Kahit na masakit para sakin."
Saad niya.
Bumuntong hininga naman si Georgina.
"If that's what you want then go. I'll support you, anyway. I always will. Basta kapag sobrang sakit na, please tama na. Bumitiw ka na and try to find your own happiness. You deserve to be happy bff. You really do."
Payo nito sa kaniya.
Nakangiting tumango tango sya rito. Oo alam nyang deserve nya ang maging masaya but how can she be happy kung ang happiness niya ay wala na sa kaniya at nasa iba na?
Ilang minuto pa silang nag-usap na magkaibigan bago ito nagpaalam sa kaniya dahil babalik na ito sa trabaho nito.
Inubos lamang din nya ang natitira niyang kape bago sya rin sya bumalik sa trabaho nya.
Pakaupo na pagkaupo nya sa mesa nya ay nagsimula na ulit syang magtrabaho.
Inayos nya ang schedule ng Boss nya. Pabalik balik din sya sa loob ng office nito dahil may inuutos ito sa kaniya. Kailangan niyang magpapirma ng iilang dokumento sa mga Manager ng bawat department sa kumpanya.
Taas baba taas baba sya. At aminin man nya o sa hindi ay napapagod na sya.
Diyos ko! Ganito pala kahirap ang maging secretary ng president! Nakakapagod!
"Sir. Ito na po lahat ng dcuments na pinapapirmahan niyo. Nakapirma na po lahat ng manager from the Financial department to Hr Department."
At inilapag nya sa office table nito ang Tatlong dokumento.
Inabot naman iyon ni Ashton at binasa.
At bumaling sa kaniya.
"Ok. Thanks. I'll call you again kung may iuutos ulit ako."
Saad nito sa pormal na boses. Tumango naman sya.
"Ok po, Sir."
Saad nya at akmang tatalikod na sya rito ng tawagin sya nito.
"Nisha."
Bumilis ang pintig ng puso nya sa pagbanggit nito sa pangalan niya.
Gosh!
Humarap sya rito.
"B-Bakit Sir?"
Uutal utal na tanong niya.
Bumuga muna ito ng hangin bago nagsalita.
"About what happen earlier, gusto kong tapusin na ang lahat. Wala tayong formal break up diba?"
Tanong nito sa kaniya.
Tumango sya.
Yes. Totoo iyon. They have no formal break up. Basta na lang sila nawalan ng komunikasyon.
"Gusto kong tapusin na ang lahat ng namamagitan sating dalawa. Sorry Nisha but I have my wife now and ngayong magkatrabaho na tayo, ang panget naman siguro kung nagkakailangan tayo diba? I want a closure Nisha para satin, sayo."
Saad nito at malungkot syang tinitigan.
Saglit syang natigilan. So, eto na yun? Dito na talaga sila magwawakas? Wala na talaga silang ugnayan pa? Oh! Damn it hurts again!
"S-sige. Kung yan ang gusto mo. I'll give what you want. You want closure? Fine. I'll give you that closure, Sir."
At ngumiti sya rito.
"Nisha. Sorry."
Saad nito sa malungkot na boses.
Sorry again?
"What's the use of sorry if the damage has been done? Sige na sir. Balik na ko sa table ko."
Yun lang at lumabas na sya ng office nito. Napahawak sya sa dibdib nya.
Pinigilan niyang wag maiyak sa nararamdaman nyang sakit ngayon.
Closure? Maibibigay ba nya ang gusto ni Ashton? Kaya ba niyang ibigay?
Bumuntong hininga muna sya ng paulit ulit bago bumalik sa table niya.
Lulunurin na lamang niya ang sarili niya sa trabaho. Maalis lamang sa isipin niya si Ashton at ang closure na hinihingi nito.
Nasa kalagitnaan sya ng pagtatrabaho ng may biglang isang babae ang nagsalita sa harapan ng table niya.
"Ahm miss? Excuse me?"
Napahinto sa ginagawa nya si Nisha at tiningala ang babae.
Ganon na lang ang panglalaki ng mga mata nya ng makita ang mukha nito.
Shit naman oh!
"Nisha?!"
Gulat na sambit nito sa pangalan niya. At katulad nya ay gulat na gulat din ito na makita sya.
"Jessica."
Yes its Ashton's Wife. Jessica Saavedra-Middleton.
"Oh My Gosh! So, ikaw pala ang secretary ng ASAWA ko?"
Tanong nito sa kaniya emphasizing the words ASAWA KO.
Kagat labing napatango tango sya.
Matiim na tinitigan sya ni Jessica bago ito muling nagsalita.
"Nasan sya ngayon?"
Walang emosyong tanong nito sa kaniya.
Halata sa mukha nito na hindi sya nito gustong makita. Na ayaw pa rin nito sa kaniya.
"Ahm nasa loob po ng office niya ma'am."
Magalang na sagot niya.
Kahit na hindi ito kagalang galang para sa kaniya, pinili pa rin niyang galangin ito dahil asawa ito ng boss nya.
"I see."
Yun lang at walang katok katok na pumasok ito sa loob ng office ni Ashton.
Narinig pa niya ang matinis nitong boses sa pagbate sa asawa nito.
"Hi baby!"
Narinig niyang bate nito at mula sa salamin na nagsisilbing pader ng office ni Ashton ay nakita niya kung paano salubingin ni Ashton si Jessica at kung paano halikan ito ng babae at syempre gumanti ng halik si Ashton.
Nasasaktang iniiwas niya ang paningin sa dalawang taong naghahalikan sa loob ng office.
Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa kaniyang pisngi.
Sya dapat iyon eh. Sya dapat ang nasa loob ngayon at hindi si Jessica. Sya sana ang kahalikan ni Ashton ngayon at hindi ang babaeng iyon. At Sya sana ang asawa ni Ashton kung hindi lamang sya umalis upang mag-aral sa America.
Ngayon nya naisip na kasalanan din pala niya kung bakit sya nasasaktan ngayon.
Kung hindi sana sya umalis eh di sana hindi nahulog si Ashton kay Jessica. Hindi sana ito mamahalin ng lalaki at hindi sana magpapakasal ang dalawa. Pero wala na eh. Huli na ang lahat. Huling huli na. Nangyare na eh. Wala na tayong magagawa pa.
Umiiyak na napaubob sya sa kaniyang mesa.
Nasasaktan sya ng sobra sobra. Nasasaktan sya....