4

2850 Words
4  "Be his mistress." Yun ang mga salitang nagpatigalgal sa kaniya.  Ano ba itong sinasabe ng kaibigan niya?! Mistress? Kabit? Diba't kasalanan yun? Ang makiapid sa taong may asawa na?!  At isa pa. Hindi niya kaya ang bagay na yon. Hindi niya kayang maging kabit. "Ano bang pinagsasabe mo Georgina?! Kabit?! Gagawin kong kabit ang sarili ko?! Hindi ko kaya!" Sabe niya rito.  Matiim siyang tinitigan ng kaniyang kaibigan at hinawakan nito ang magkabila niyang balikat.  "Nisha naman! Papairalin mo pa ba yang kabaitan mo huh kung nasasaktan ka na?! Diba gusto mong mabawe si Ashton?! Yun na lang ang paraan Nisha! Yun na lang!" Sigaw nito sa kaniya.  Marahas niyang tinabig ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniyang balikat at inis na lumayo dito. "Pero hindi ko sinabeng gagawin kong kabit ang sarili ko! Hindi ko sinabeng makikiapid ako!" Sagot niya rito.  Frustrated na tinignan siya nito.  "Nisha, tinutulungan lang kita. Kasi bilang bestfriend mo, masakit para sakin ang lage na lang kitang nakikitang nasasaktan." Worried na saad nito sa kaniya.  Naiintindihan naman niya ito eh. Naiintindihan niyang nag-mamalasakit lamang ito sa kaniya. Pero hindi niya matanggap amg sinabe nitong gawin niyang kabit ang sarili niya. Hindi niya kaya itong gawin. Lumapit sa kaniya si Ina at niyakap siya nito. "Pag-isipan mong mabuti Nisha. At kapag nakapag-isip ka na, lapitan mo agad ako. Tandaan mo, I'm always here for you." Saad nito habang yakap yakap siya nito. Hindi siya sumagot. Nanatili na lamang siyang tahimik. (Ashton's) "Hon, sinong hinahanap mo? Bat kanina ka pa hindi mapakali?" Tanong sa kaniya ng kaniyang asawa na si Jessica.  Nasa VIP area sila ng bar at napansin siguro ng asawa niya na kanina pa siya palinga linga na tipong may hinahanap.  Ang totoo niyan ay may hinahanap talaga siya. Hinahanap niya ang kaniyang secretary.  Diba inimbitahan niya ito kanina? Sinabe pa niyang bawal tumanggi, so asan ngayon ito?  Palihim siyang napabuntong hininga at sumimsim sa baso niyang may lamang vodka. Hindi niya pinapansin ang kaniyang asawa na nasa tabe niya at parang tuko na nakalingkis sa kaniyang braso.  "Hon? Hon." Tawag nito sa kaniya. Hindi niya pa rin ito pinansin.  'Tss. Ano bang kailangan ng babaeng to?!'' Inis na sabe ng kaniyang isipan.  Ang totoo, kanina pa siya naiinis sa babae. Simula kasi ng dumating sila dito sa bar ay hindi na ito humiwalay sa kaniya. Hindi tuloy niya makausap ng maayos ang mga empleyado niya. Imbis na nakikipagbonding siya sa mga ito ay heto siya't nakaupo sa isang sulok at kasama ang napakaclingy niyang asawa. Hindi niya maenjoy ang gabe.  But honestly, he had fun dancing with her awhile ago. Nakakainis lang na para itong tuko after nila sumayaw.  Ayaw niyang sungitan ito ngayon kaya hindi na lamang niya ito pinapansin.  "Hon!" Inis na kinulbit siya ni Jessica. Nainis na ata dahil sa hindi niya pagpansin dito.  Malamig na lamang niya itong tinignan. "What?" He said coldly.  Nabahiran ng pagkainis ang maganda nitong mukha sa inasal niya. "What's your problem, Ashton? Bat di mo ko pinapansin?!" Naiinis na tanong nito sa kaniya.  Palihim siyang napairap. "Nothing. I'm just not in the mood." Yun na lang ang isinagot niya rito at pinanood na lamang niya ang mga empleyado niyang nagkakasiyahan sa dance floor.  Hindi niya talaga makita si Nisha? Asan ba yun? Hindi ba ito pumunta? Bigla ay parang nakaramdam siya ng lungkot.  Nagulat na lamang siya ng biglang tumayo si Jessica at padabog na pumunta sa kaniyang harapan. "Wala ka sa mood kasi wala si Nisha?! Hinahanap mo siya diba?! Kaya ka di mapakali?!" Sigaw nito sa kaniya.  Kunot noong napatingin siya sa dito at nakita niya ang galit nitong mga mata.  "What are you saying?!" Maang niya.  "What am I saying?! Wag ka na magmaang maangan pa Ashton! Di mo ko pinapansin kasi busy ka sa kakahanap diyan sa secretary mo! Pwede ba Ashton wag mo kong lokohin?!" Sigaw muli nito. Buti na lang at malakas ang tugtog kaya walang nakakapansin sa kanila.  Frustrated na naihilamos ni Ashton ang mga palad niya sa kaniyang gwapong mukha. Eto na naman si Jessica. Sinusumpong na naman ng pagkaselosa nito. Grabe pa ito magselos. Nagwawala.  Isang halimbawa nito ay nung araw na magkikita sila sa mall. Iniintay niya nun si Jessica ng may isang babae ang nadapa sa kaniyang harapan. Siyempre imbis na pagtawanan niya eh tinulungan niya itong makatayo. Yun ang eksenang nadatnan ni Jessica. Nagulat na lamang siya non ng bigla nitong sinugod ang babaeng tinulungan niya at doon mismo sa mall nagwala. Hiyang hiya siya non at parang gusto na lamang niyang magpakain sa lupa dahil sa eksenang ginawa ng kaniyang asawa.  At yun ang pinaka ayaw niya kay Jessica. Ang pagiging selosa nito. Sabe nga ng kapatid niyang babae ay baliw daw ang babaeng pinakasalan niya at pinalit kay Nisha. Hindi naman siya magpapakasala dito kung di siya naaawa kay Jessica.  "Can you please stop Jessica? Wag mo kong simulan kung ayaw mong mag-away tayo." Siryoso niyang saad dito.  Tila mas lalo namang nais si Jessica sa sinabe niya. "Ikaw ang tumigil! Akala mo ba hindi ko napapansin na kanina mo pa hinahanap si Nisha?! Damn it!" Sigaw muli nito.  Doon na siya napuno. Tumayo na siya at walang sabe sabeng hinila nya papalabas ng bar si Jessica.  Wala siyang pake kahit na nagkakandatali-talisod na ang babae. "Ano ba Ashton! Dahan dahan naman!" Angal nito.  Hindi niya ito pinansin at tuloy tuloy siya hanggang sa makarating sila sa parking lot.  "Ano ba!" Sigaw ni Jessica ng bahagya niya itong tinulak papasok sa loob ng sasakyan. Pabalibag niyang sinarado ang pinto sa passenger seat ng makapasok ito at padabog siyang sumakay sa driver seat. "Ano bang problema mo?!" Singhal sa kaniya ni Jessica at galit siyang tinignan nito.  "Tinatanong mo kung anong problema ko?! Eh ikaw?! Anong problema mo hu?!" Singhal niya rin dito at galit na tinitigan niya ito.  Mukha namang natakot sa kaniya si Jessica at biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "A-Ash.." Nanginginig na tawag nito sa pangalan niya. "Nanahimik ako tapos ikaw bigla kang pupunta sa harapan ko at Bigla akong sisigawan?! Oo! You're right! I'm looking for Nisha kaya tahimik ako! Ano masaya ka na?! You totally ruin my night! Sana hindi na lang kita sinama!" Asik niya rito. Talagang napuno na siya kaya hindi na niya napigilan pang sigawan ito at pagsalitaan. Nagsisisi din siyang isinama niya ito. Kung hindi lang ito nagmakaawa sa kaniya kanina ay wala talaga siyang balak isama ito.  "A-Ash naman." Naiiyak na sabe ni Jessica.  Pinakalma niya ang sarili niya nang makitang naiiyak na si Jessica. Bumuntong siya ng paulit ulit.  "Let's go home." Saad niya at binuhay na niya ang makina at nagsimula silang bumiyahe pauwe.  Habang nasa biyahe ay tahimik lang sila. Hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay.  Nauna siyang pumasok at umakyat sa kanilang kwarto.  Umupo siya sa kanilang kama at hinubad niya ang kaniyang sapatos.  Pagkatapos ay tumayo siya at nilagay niya sa shoe rack ang sapatos niya.  Huhubarin na sana niya ang suot niyang polo ng pumasok si Jessica.  "Ashton." Tawag nito sa kaniya.  Nilingon niya ito. "What?" Malamig niyang sabe rito.  "Bakit? Bakit siya pa rin?" Nakatungong tanong nito sa kaniya.  Nangunot ang noo niya at nagtatakang tinignan niya ito. "What are you saying?" Kunot noong tanong niya rito. Tumunghay ito at nakita niya ang malungkot nitong mukha. "Bakit si Nisha pa rin? Bakit hindi mo ko magawang mahalin?" Saad nito sa malungkot na boses. Napamaang naman siya. Bigla rin ang dagsa ng awa para sa asawa.  Bakit nga ba hanggang ngayon si Nisha pa din? Bakit nga ba hindi niya magawang mahalin si Jessica?  Hindi rin niya alam. Isa lang ang alam niya NA KAY NISHA MARTINA GREENE PA DIN ANG PUSO NIYA.  "I-I don't know Jessica. I don't know. I'm sorry." Saad niya sa malamlam na boses. Lumapit sa kaniya ang babae. May iilang luha na ding namumuo sa mga mata nito.  "Ashton naman eh! Ilang taon na ba tayong kasal?! Halos tatlong taon! Pero sa loob ba ng tatlong taon na yon natutunan mo ba kong mahalin? Hindi diba?! Now I'm asking you! Why can't you learn to love me?! Mahirap ba kong mahalin?!" Saad nito sa naghihinakit na boses at bumuhos na ang masagana nitong luha sa makinis nitong pisngi.  Naawa naman siya dito at bigla niya itong kinabig upang yakapin. Humihikbing napasandal ito sa kaniyang matipunong dibdib. "I'm sorry Jessica. I'm very sorry. I tried to love you, but i can't. I really can't." Saad niya sa malungkot na boses.  Humiwalay naman ang babae sa kaniya at naghihinakit siyang tinignan nito. "Pero bakit nga?! Bakit di mo ko magawang mahalin? Ha Ashton?! Bakit?!" Naghihinakit na sabe nito at hinampas hampas nito ang kaniyang dibdib.  Hinawakan naman niya ang dalawang kamay nito at pilit siyang umiilag sa mga hampas nito. "Stop Jessica! Alam mo ang sagot diyan! Sa simula pa lang alam mo na kaya don't ask that question to me!" Sabe niya rito.  Tumigil ito at lumuluhang tumingin ito sa kaniya.  "Ano bang meron siya na wala ako? Ano ba?" Umiiyak na saad nito.  Naaawa naman siya dito. Hindi siya kumibo at naaawang pinagmasdan nya lamang ang kaniyang asawa.  Kasalanan ba niya kung hindi niya ito kayang mahalin? Kasalanan ba niya kung hindi niya magawang turuan ang kaniyang puso na mahalin ito?  "Kaya ko namang ibigay sayo hu? Kaya ko. Kaya ko ring higitan ang pagmamahal na binigay niya sayo, but why can't you love me? I can give you anything. I can give you my money, my heart, Kahit pa ang katawan ko, ibibigay ko sayo. Mahalin mo lang ako." Nagmamakaawang sabe nito at tumingin ito sa kaniyang mga mata.  Puno ng lungkot at mga luha ang mata ng babae. Ngayon niya lang nakitang nagkaganito si Jessica.  "Ashton, mahalin mo lang ako. Ibibigay ko ang lahat sayo."  Saad nito at nagulat siya ng bigla itong maghubad sa kaniyang harapan.  Nanlaki ang mga mata niya at hindi niya alam kung bakit ito ginagawa ni Jessica.  The fvck! "What the fvck are you doing Jessica?! Bakit ka naghuhubad?!" Gulat na tanong niya rito. Tumingin ito sa kaniya at ganon na lang ang pag-atras niya ng lumapit ito sa kaniya.  Tanging undies na lang ang suot ni Jessica. "I'll make you fall in love with me Ashton Gray Middleton." At ganon na lang ang panglalaki ng mata niya ng kabigin siya ng babae at bigla siya nitong halikan.  Ito din mismo ang naglagay ng kaniyang mga palad sa malulusog nitong dibdib. "Love me, Ashton. Love me and I give you everything." Nakakaakit nitong sabe sa pagitan ng paghalik sa kaniyang mga labe.  Pero bigla siyang nandiri dito. Si Jessica ba talaga ito?! Bat parang hindi?! Ngayon lamang ginawa ito ni Jessica. Sa tatlong taon nilang pagsasama ay hindi ito ginawa ng babae. Although, may nangyare na sa kanila and that was their honeymoon. Pagkatapos ng gabeng yun ay wala na ulit nangyare sa kanila.  Dahil isang babae lamang ang gusto niyang makasiping. Yun ay ang babaeng kaniyang minamahal.  Si Nisha.  Bigla ay napapikit siya ng mariin at naitulak niya ang babae dahilan upang mapaupo ito sa sahig.  "A-Ashton." Anas ni Jessica. Muli itong lumuha.  Nandidiring tinignan niya ito. "Ano ba Jessica?! Ano ba tong ginagawa mo sa sarili mo?! Nagpapakababa ka ng dahil sa pagmamahal mo sakin? Baliw ka na ba ha?!" Galit na sabe niya rito.  Tumayo naman ito at lumuluhang hinarap siya. "Oo! Baliw ako! Baliw na baliw ako! I'm totally crazy to the point that I can give my self to you just for you to love me! Ganito ako kabaliw sayo! Handa akong magpakababa! Mahalin mo lang ako!" Humahagulhol na sabe nito at dinuro duro pa siya.  "Bakit Jessica?! Sa tingin mo ba kapag ibinigay mo sakin yang katawan mo, may posibilidad na mahalin kita?! Hindi! Hindi ganon yon! Hindi ko rin kailangan ng pera mo! Meron ako niyan Jessica! I have my monies! Jessica tanggapin mo na! Na kahit anong gawin mo hindi kita kayang mahalin!" Sabe niya rito.  Napahilamos pa siya kaniyang mukha at naaawang tinignan ang ngayon ay humahagulhol na asawa. Lumapit siya dito at hinawakan niya ang yumuyugyog nitong balikat. "I'm sorry. I'm very sorry. But I can't force my self to love you." Yun lang at hinalikan niya ang ulo nito at lumabas siya ng kanilang silid.  Narinig pa niya ang malakas nitong pag-iyak ng maisarado niya ang pinto.  Napabuntong hininga siya. Naaawa siya kay Jessica pero alam niya sa sarili niya na hindi niya talaga ito kayang mahalin. Na kahit anong gawin nito ay hindi niya ito mamahalin.  Nangako siya sa sarili niya na iisang babaeng lang ang bukod tanging mamahalin niya habang buhay. Ang babaeng tumunaw sa kaniyang nagyeyelong puso. Ang babaeng nagpakita sa kaniya kung gano kaganda ang buhay at ang babaeng nagparamdam sa kaniya kung gano kasarap magmahal at mahalin. At ang babaeng yun ay si Nisha Martina Greene.  His Babe. His Life. His Queen. And His Forever. (Nisha's) Nagmamadaling pumasok sa malaking building ng NMGM Corporation si Nisha. Late na kasi siya dahil late na siyang nagising.  Aba napuyat siya sa pag-iisip sa sinabe ng kaniyang kaibigan.  Oo pinag-isipan niya yun. Kung papayag ba siya sa sinabe nitong gawin niyang kabit ang sarili niya.  At hanggang ngayon hindi pa rin niya alam ang sagot.  Nasakasay na siya sa elevator at akmang isasarado na niya ito ng biglang sumakay si Jessica.  Nakapustura ito at nakakaakit ito sa suot nitong Black Halter Dress.  Ano kayang ginagawa nito dito? Bibisitahin na naman ba nito si Ashton?  Sumara na ang elevator at nakakarandam siya ng pagkailang.  Silang dalawa lang kasi ang laman ng elevator.  "Bakit dito mo napiling magtrabaho?" Malamig na tanong nito sa kaniya.  Medyo nagulat pa siya ng magsalita ito.  Napamaang siya. "Ha?" Nilingon siya ni Jessica at malamig itong tumitig sa kaniya. "Bakit dito mo napiling magtrabaho? Dahil ba sa andito si Ashton?" Tanong muli nito. Nagulat naman siya sa sinabe nito.  Ano daw?! Ano bang pinagsasabe ng babaeng to?! "Ano bang sinasabe mo diyan ha? Para sabihin ko sayo, hindi ko alam na dito pala nagtatrabaho ang asawa mo. Na siya pala ang Presidente ng kumpanyang ito. Huli na ng malaman ko. Atsaka nagtrabaho ako dito hindi para sa kaniya kung di para sa pamilya ko." Sabe niya rito at inis na tinignan niya rin ito.  Jessica smirked at her.  A devil one. "Really? Hindi ako naniniwala. Bakit sa dinami rami ng pwede niyang maging sekretarya ay ikaw pa?" Tanong muli nito. Nasa boses nito ang galit para sa kaniya. "Kasalanan ko ba kung ako napili para maging sekretarya niya? Pwede ba Jessica tigilan mo na ko?! Hindi ako nagtrabaho dito para kay Ashton! Andito ako dahil kailangan kong tulungan ang pamilya ko!" Naiinis niyang saad dito.  Pinaningkitan siya ng mga mata ni Jessica at nagulat na lamang siya ng sampalin siya nito. "What the?!" Naibulaslas niya ng bumaling pakaliwa ang kaniyang mukha dahil sa lakas ng pagkakasampal nito sa kaniya. "Umalis ka na dito! Umalis ka na sa buhay ni Ashton! Umalis ka na sa buhay namin!" Sigaw nito sa kaniya at galit na galit siyang tinignan nito.  Kunot noong tumingin siya rito. "Ano bang problema mo hu?! At ano ang karapatan mong sabihin sakin yan?!" Singhal niya rito.  "Asawa ako ni Ashton kaya may karapatan akong sabihin sayo na umalis ka na sa buhay namin! Asawa niya ko! Asawa niya! Nisha, alam ko yang mga galawan mo. Nagtatrabaho ka dito para maagaw mo sakin si Ashton? Diba? Diba?!" Sigaw nito sa kaniya.  Nangunot ang noo niya. Ano bang pinagsasabe ng babaeng to?! Baliw na ba to?!  Anong sinasabe nitong nagtrabaho siya rito para agawin si Ashton sa babaeng to?! Excuse me? Nagtrabaho siya dito para sa pamilya niya.  Atsaka siya pa ngayon ang pinagbibintangan nitong mang-aagaw?  Diba't ito ang nang-agaw? Inagaw nito si Ashton sa kaniya.  Kung tutuusin ay wala itong karapatan magalit sa kaniya. Siya dapat ang magalit dito dahil sa pang-aagaw nito sa lalaking pinakamamahal niya. Dahil isa ito sa sumira sa masaya niyang buhay.  Ang kapal din pala ng mukha ng babaeng to.  "Hoy Jessica! Naririnig mo ba yang sinasabe mo ha? At ako pa talaga ang lumabas na mang-aagaw dito? Diba't ikaw ang mang-aagaw? Dahil inagaw mo sakin si Ashton!" Naghihinakit na sabe niya rito at dinuro niya pa ito.  Lumapit ito sa kaniya at muli siya nitong sinampal. "Ang kapal ng mukha mo! Hindi ko siya inagaw sayo! Dahil simula pa lang akin na si Ashton! Ako ang unang nagmahal sa kaniya. Bago ka dumating sa buhay niya, ako ang nauna! Inagaw mo siya sakin! Sa una palang akin na siya! Akin si Ashton! Ikaw ang mang-aagaw!" At isa na namang sampal ang natamo niya rito.  Hindi na siya nakapagpigil pa at nasampal niya na rin ito ng pagkalakas lakas. Bumaling ang mukha nito sa kanan at bakat na bakat ang palad niya sa pisngi nito.  "Baliw ka na ata Jessica! Oo, siguro nga, ikaw ang nauna kay Ashton, pero ako ang unang babaeng minahal niya! Inagaw mo lang siya sakin wag kang ambisyosa! Walang sayo Jessica. Dahil sa pinakasimula pa lang, ako na. Akin si Ashton, Jessica. Akin siya. Inagaw mo lang siya sakin. AT PANAHON NA SIGURO PARA BAWIIN KO KUNG ANO TALAGA ANG AKIN!" Madiin niyang sabe rito at sakto namang bumukas na ang elevator at nasa presidential floor na sila.  Dire-diretso siyang lumabas at pumunta sa kaniyang work place.  Iniwan niyang nakatulala sa loob ng elevator si Jessica.  Serves her right. Hindi siya ang tipo ng babaeng basta na lamang magpapa-api. Mabait siya sa taong mabait sa kaniya at dimonyo siya kung dimonyo ang kaharap niya.  Umupo siya sa kaniyang swivel chair at tumingin sa loob ng office ni Ashton.  Andun na ang lalaki at busy sa binabasa nitong dokumento.  Napakagwapo nitong tignan sa suot nitong reading glass. Bumagay ito sa matangos nitong ilong at sa siryoso nitong mukha.  Tama na ang drama.  Tama na ang pag-iyak-iyak.  Panahon na siguro para lumaban.  Panahon na siguro para bawiin niya si Ashton.  Sa kaniya naman talaga ito diba?  Gagawin na niya ang sinabe ng kaniyang kaibigan.  Wala na siyang pake kung kasalanan man ito o ano pa. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang mabawe ang lalaking kaniyang minamahal.  Wala na siyang pake kung mahuhusgahan siya. Kung mag-iiba ang tingin ng mga taong nakapaligid sa kaniya.  She doesn't care anymore.  She will make herself a MISTRESS.  Kakabit na siya.  Magiging kabit na siya.  Mabawe lamang niya si Ashton Gray Middleton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD