1
(3 years after)
"Nisha anak?"
Bumukas ang pintuan ng kaniyang kwarto ang dumungaw ang kanyang ina.
Nakangiting bumaling sya rito.
"Ma! Pasok ka."
Ani nya rito at pumasok ang kaniyang ina at lumapit sa kaniya.
"Ang ganda ganda naman ng anak ko!"
Ani nito habang pinagmamasdan ang kaniyang kabuuan.
"Ma naman! Kanino pa ba ko magmamana?"
Nakangiting sabe nya rito at nagtawanan silang mag-ina.
Nakasuot kasi sya ng pang corporate attire. Pencil cut na kulay gray at Kulay puting lomg sleeve na tinernuhan nya ng black na coat. Nakapuyod ang may kahabaan nyang buhok.
Mag-aapply kasi sya ng trabaho ngayon bilang secretary sa isang sikat na kumpanya sa Pilinas.
Ang NMGM Group of Companies. Ang NMGM ay isa sa pinakamalaki at pinakasikat na kumpanya sa Pilipinas. Naghahanap ito ng bagong secretary para sa bagong presidente ng kumpanya.
"Galingan mo anak huh? Para kay bunsoy."
Saad ng kanyang ina. Tumango tango naman sya.
"Oo naman nay. Pangako ko sa inyo, iaahon ko kayo sa kahirapan ni bunsoy."
Nakangiting sagot nya rito. Mangiyak ngiyak na yumakap naman sa kaniya ang kaniyang ina.
"Salamat anak. Salamat."
Malungkot na sabe nito. Ngumiti sya ng bahagya at inakap din pabalik ang ina.
Namatay na kasi ang ama nya noong nakaraang taon lamang. Inatake ito sa sakit sa puso ng malaman nito ang kawalang hiyaang ginawa ng date nyang nobyo sa kaniya.
Nang mamatay ito eh sunod sunod na ang kamalasan na ang dumating sa buhay nila. Lalo silang naghirap dahil ang ama lamang nya ang tanging bumubuhay sa kanila noong nabubuhay pa ito.
Sadlak na sila sa kahirapan na tipong naisangla na nya sa bangko ang dati nilang bahay na ipinatayo ng ama nya noon. Tumigil din sa pag-aaral sa kolehiyo ang bunso nyang kapatid na babae dahil sa hindi sa wala na silang pangmatrikula dito.
Ngayon nakatira na lamang sila sa isang barong barong sa isang eskwater area sa Sta. Mesa Manila.
Ang nanay nya ang nagtitinda ng kakanin sa palengke at para makatulong sa mga gastusin sa bahay ay eto nga at maga-apply na sya ng trabaho.
Humiwalay sa kaniya ang ina at tinitigan sya sa mukha.
Kahit nay edad na ang nanay nya, kababakasan pa rin ito ng ganda na taglay nito ng kabataan pa nito.
"Anak makakaahon din tayo sa hirap. Magtiwala ka lang. Malalampasan din natin to. Basta sama sama tayo."
Malungkot na ngumiti sa kaniya ang kaniyang ina.
Naiiyak na niyakap nya ito.
Hindi dapat sila maghihirap ng ganito kung hindi sana namatay ang tatay nya. At hindi sana mamamatay ang tatay nya kung di Dahil kay Ashton.
Ang lalaking dahilan ng pagkasira ng buhay nya.
Napapikit sya ng mariin. Naaalala na naman nya ito.
At kahit tatlong taon na ang lumipas simula ng maghiwalay sila, andun pa din ang sakit ng nakaraan sa kaniyang puso. Andun pa din ang sugat na iniwan nito sa kaniya. Sariwa at hindi pa gumagaling.
Bumangon ang galit sa kaniyang dibdib. Galit sya dito sa ginawa nitong pagpapakasal sa ibang babae. Galit sya dito dahil hindi nito tinupad ang pangako nitong maghihintay ito sa kaniya. Galit sya dito dahil ito ang sumira sa buhay nya. At galit sya dito dahil hindi man lang ito nagpakita sa kaniya para magpaliwanag.
Pero mas galit sya sa sarili nya. Dahil kahit anong gawin nyang pagkumbinsi sa sarili na galit sya kay Ashton, nananatili ang pagmamahal nya sa lalaki. Hanggang ngayon mahal nya pa din ito. Mahal na mahal.
Hindi nya alam na unti unti na palang naglandas ang mga luha sa kaniyang pisngi hanggang sa mapahikbi sya.
Gulat na napakalas sa kaniya ang ina at nagtatakang tinitigan sya.
"Bakit ka umiiyak anak?!"
Alalang tanong nito.
Humikbi sya.
"Ma, kasalanan to ni Ashton eh! Kasalanan nya kung bakit tayo naghihirap! Kung bakit namatay si Papa! Kasalanan nya eh!"
Umiiyak na sabe nya dito. Matamang nakatitig lamang sa kaniya ang kaniyang ina.
Marahas nyang pinahid ang kaniyang luha.
"Pero bakit ganto?! Bakit hindi ko kayang tuluyang magalit sa kaniya?! Bakit ma?!"
Humahagulhol na tanong nya dito.
Niyakap sya ng kanyang ina at hinagod hagod ang kanyang likod.
"Kasi mahal mo sya. Kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo kayang magalit sa kaniya ng matagal na panahon. Kasi mas nananaig ang pagmamahal dyan sa puso kaysa sa galit. Anak naniniwala ka bang mahal ka talaga ni Ashton?"
Saad nito. Umiling sya.
"Hindi. Kasi kung talagang mahal nya ko, hindi dapat sya nagpakasal sa iba! Hindi dapat!"
Galit na sigaw nya at lumayo sya sa kanyang ina.
Naiiling na tinignan sya ng kaniyang ina.
"Bakit anak? Sa tingin mo alam mo na ba kung ano ang dahilan nya kung bakit sya nagpakasal sa iba? Narinig mo na ba ang side nya? Hindi pa diba? Anak lahat ng bagay may dahilan. Baka naman may personal na dahilan si Ash kaya sya nagpakasal. Maghulos dili ka."
Kalamadong sabe naman ng kanyang ina sa kaniya.
Marahas syang umiling.
"No! I don't need to hear his side dahil malinaw na ang lahat. He marry another woman because he doesn't love me anymore or neither he doesn't love me from the very beginning."
Matigas na sabe nya. Nabulag na talaga sya ng galit. Galit para sa lalaki at para sa asawa nito.
Isinusumpa nya! Sisirain nya ang dalawa katulad ng pagsira nito sa buhay nya! At isinusumpa nya, SA KANIYA PA RIN ANG BAGSAK NG ISANG ASHTON GRAY MIDDLETON! Sa kaniya lang ang lalaki at walang ibang nagmamay-ari dito kung hindi sya!
Magsasalita pa sana ang kaniyang ina ng putulin na nya ito.
"Sorry nay sorry. Nawala lang ako sa sarili ko. Hindi ko sinasadyang sigawan ka."
Mahinang paghingi nya ng tawad dito. Her mother nods and caressed her face.
"Ok lang. Naiintindihan ko. Pero sana wag kang magpabulag sa galit. Dahil wala itong magandang maidudulot sayo."
Saad nito at pinahid ang iilang luha sa kaniyang pisngi.
Kiming ngumiti sya sa ina at di na lang sumagot pa.
Nagretouch lang sya dahil medyo nahaggard ang face nya dahil sa pag-iyak. Naglagay lang sya ng konting foundation at blush on sa kaniyang mukha at nagpahid ng lipstick sa kaniyang natural nang mapulang labe. And she's ready to go!
"Ma alis na ko! Bunsoy ikaw na bahala dito sa bahay hu? Maglinis ka!"
Bilin nya kay Lisa, ang bunso nyang kapatid.
Nakangiting tumango tango ito sa kaniya.
"Opo Ate! Galingan mo huh? Good luck!"
Pagpapalakas loob nito sa kaniya. Nginitian nya ito at tumango tango.
"Oo! Para sa inyo ni Mama. Sige alis na ko!"
At nakangiting hinalikan nya sa noo ang nakababatang kapatid atsaka lumabas sa kanilang barong barong.
Pinagtitingan sya habang naglalakad sa makitid na daan papalabas sa eskwater area. Ang iba ay ningitian sya at ang iba naman ay binabate sya.
Kilalang kilala sya sa kanilang lugar dahil sa gandang taglay nya. Mestisahin kasi sya at may lahing Amerikana. Tatay nya kasi ay half american. Namana nya ang asul nitong mga mata at namana naman nya ang pagkamestisa nya sa kanyang ina may lahing Canadian.
"Hi Nisha! Ganda mo talaga!"
Bate sa kanya ni Marko. Isa sa mga tambay sa kanilang lugar. Kasama nito ang ibang tropa nito.
"Oo nga! Ganda mo talaga! Kay crush na cru-- AWW!"
Si Mark na isa sa mga tropa ni Marko. Napadaing ito ng sikuhin ito ng lalaki.
"T*ng ina mo! Itikom mo yang bibig mo!"
Iritang saad ni Marko sa tropa nito. Napakamot ito sa ulo nito at alanganing ngumiti sa kaniya.
Natawa naman sya sa kakulitan ng dalawa.
Simula ng lumipat sila dito sa looban, ito na ang mga naging kaibigan nya dito. Hindi naman ito ang tipo ng mga nambabastos ng babae. Mababait ito at may respesto sa mga babae sa kanilang lugar.
Si Marko ay ang pinakagwapong lalaki sa kanilang lugar. Anak kasi ito ng mag-asawang koreano. Mayaman ang mga magulang nito sa Korea kaya lang itinakwil ito ng mga pamilya nito dahil bata pa ang kanyang ina ng mabuntis ng ama nito atsaka hindi tanggap ng pamilya ng ama nito ang ina nito.
Kaya ang siste, dito napadpad ang mga magulang ni Marko.
"Hahaha ang kulit nyo talaga! Sige na mauna na ko. Mag-aapply pa kasi ako ng trabaho. Bye!"
Nakangiting paalam nya dito at nilagpasan na nya ang mga ito. Ngunit di pa sya nakakalayo ng tawagin sya ni Mark.
"Nish!"
Nilingon nya ito.
"Oh?"
Nagkamot muna ito ng batok bago nagsalita.
"Ahm Si Lisa? Nasa bahay nyo ba?"
Nahihiyang tanong nito sa kaniya. Natawa sya. Alam nya kasing may gusto ito sa nakababata nyang kapatid.
Maganda din kasi si Lisa. Namana naman nito sa kanilang ina ang berde nitong mga mata. Yun nga lang, sa ama nila nakuha ang facial features nito. Pero maganda pa rin talaga si Lisa.
Gwapo rin naman si Mark kaya bagay na bagay ito sa kaniyang kapatid.
"Oo! Pero hoy! Bata pa kapatid ko! Bawal ligaw!"
Natatawang sagot nya rito atsaka nya ito tinalikuran at nagtuloy tuloy na sa paglalakad.
Paglabas nya sa looban ay sumakay sya ng jeep papunta sa NGMG Group of Companies.
Wala syang pang-taxi. Fifty pesos lang ang pera nya. Pamasahe lamang at pangsoftdrinks nya. Mainit kaya!
"Para po!"
Sigaw nya ng makarating sa NGMG. Pagkababa nya ng dyip ay isang matayog na building ang bumungad sa kaniya. Napatingala pa sya sa laki nito.
"Shocks! Kinakabahan ako!"
Bulong nya.
Bumuga muna sya ng hangin bago pumasok sa loob.
Agad na lumagutok sa marmol na sahig ang takong ng suot nyang sapatos pakagpasok nya sa lobby ng hotel.
Grabe! Napakaganda sa loob. Para kang nasa isang hotel. May malaking chandelier pa ang nakasabit sa ceiling.
Ang elegante lang ng kumpanyang ito.
Kahit namamangha pa rin sya ay pinilit nyang ayusin ang sarili bago lumapit sa receptionist.
"Good Morning, Ma'am. What can I do for you?"
Nakangiting bate nito sa kanya.
Kiming ngiti naman ang isinukli nya dito.
"Ahm Mag-aapply po ako para sa President's Secretary."
Nahihiyang saad nya.
Tumango tango naman ang babae.
"Ay ganon ba ma'am? Akyat po kayo sa floor 11 sa HR deparment for interview."
At binigyan sya nito ng Applicant's ID.
Ngumiti naman sya dito at nagpasalamat bago sumakay sa elevator.
Pinindot nya ang floor 11.
Gaaad! Kinakabahan sya! First time nya kayang mag-aapply ng trabaho at hindi nya alam ang mga dapat nyang gawin.
*Ting*
Bumukas na ang elevator nang makarating na sila sa floor 11. Inayos nya muna ang sarili nya bago sya lumabas ng elevator.
Mga nakapilang aplikante ang nadatnan nya.
Itsura palang nito ay alam nyang mas angat ang buhay ng mga ito kaysa sa kaniya.
Para naman syang nanliit sa kaniyang sarili. Pero hindi! May ibubuga sya sa mga ito dahil nakapagtapos sya ng pag-aaral sa isang prestihiyosong school sa Amerika!
Dumating ang oras para sa interview ng bawat isa sa kanila.
Kahit kinakabahan ay nakuha naman nyang sagutin ng maayos ang mga tinatanong sa kaniya.
Kahit na medyo uutal utal pa sya sa pagsagot.
Natapos ang interview at hinhintay na lang nila ang announcement para sa nakapasa.
Nanalangin sya sa kaniyang upuan na sana sya ang matanggap dahil kailangan na kailangan nya ang trabaho nito.
"Ms. Greene?"
Isang babae ang nakacorporate attire ang tumawag sa kaniya. Isa ito sa mga nag-interview sa kaniya.
Kinakabahang tumayo naman sya.
"Po?"
Bumaling sa kaniya ang babae.
"Ikaw ba si Ms. Nisha Martina Greene?"
Tanong nito sa kaniya.
"O-opo. Bakit po?"
Nauutal na sabe nya.
Pinagpapawisan sya ng malapot dahil sa kaba. Para syang natataeng ewan!
Gaaadd!
Nagulat sya ng ngumiti sa kaniya ang babae.
"Congratulations! You're hired!"
Nakangiting sabe nito sa kaniya.
"Huh?!"
Reaksyon ng iilang kapwa nya aplikante. Ang iba naman ay laglag ang balikat na umalis na.
Sya naman ay natulala at hindi makapaniwala.
Hindi nga?! May trabaho na sya?! Sya na ang Secretary?!
"T-talaga po?"
Hindi makapaniwalang sabe nya. Ngumiti sa kaniya ang babae at tumango tango.
"Yeph! Bukas mo mami-meet si Mr. President kaya agahan mo ang pagpasok mo bukas. Congrats ulit! You can now go home and see you tomorrow!"
Saad nito atsaka sya nakatulalang iniwan.
Para naman syang tanga na nagtatalon with matching suntok pa sa hangin sa sobrang saya ng nararamdaman nya.
"Yes! May trabaho na ko! Thank you po Lord!"
Masayang sabe nya.
Nangingiting bumaba sya sa lobby ng kumpanya. At nagtungo sa Reception Area.
"Hello!"
Masayang bate nya sa Receptionist at nakangiting inabot nya dito ang Applicant's id.
"Ang saya mo huh? Siguro ikaw ang bagong secretary ni Mr. President noh?"
Usisa nito.
Tumango tango sya.
"Yuph! Kaya araw araw na tayong magkikita!"
Nakangiting saad nya. Natawa naman ang babae sa kaniya.
"Haha! Congrats!"
"Salamat!"
At nagpaalam na sya dito at lumabas ng kumpanya.
Sumakay sya ng jeep pauwe sa kanila.
Pagkababang pagkababa nya ay nagtatakbo sya papasok sa looban patungo sa kanilang bahay.
Nakasalubong pa nya si Marko na nakakunot noong nakatingin sa kaniya.
Hindi na lamang nya ito pinansin pa at tumuloy na sa kanilang bahay.
Excited na syang ibalita sa kanyang ina at sa kapatid ang magandang balita na hatid nya.
"Ma! Lisa!"
Sigaw nya ng makapasok sya sa kanilang tahanan.
Lumabas mula sa kanilang maliit na kusina ang kanyang ina at galing naman sa maliit nitong silid ang kanyang kapatid.
"Bakit Ate?"
Takang tanong ng kapatid nya sa kaniya.
"Masaya ka ata anak?"
Ang mama naman nya na nagpupunas pa ng kamay habang lumalapit sa kaniya.
"Nay, Lisa! May trabaho na po ako! Makakapag-aral ka na Lisa at matutulungan na kita nay sa mga gastusin dito sa bahay!"
Masayang balita nya. Namilog naman ang mga mata ng kaniyang ina at kapatid.
"Talaga anak?"
"Di nga ate?"
Di makapaniwalang sabe ng mga ito.
Natawa sya.
"Oo nga! Makakaahon na tayo sa hirap!"
Masayang sabe nya.
"Oh! Salamat sa Diyos!"
At naiiyak na yumakap sa kaniya ang ina.
"Ate!"
Nakiyakap din sa kanila ang kapatid nya. Maluluhang niyakap nya ang dalawang babaeng pinakamamahal nya. Ang kaniyang ina at kapatid.
"Salamat sa Diyos!"
"Makakapag-aral na ulit ako ate!"
Naluluhang tumango tango si Nisha.
"Oo. Makakaahon tayo at makakapag-aral ka na. Para sa inyo, gagawin ko lahat."
Naiiyak na saad nya.
"Salamat anak. Napakaswerte namin sayo."
"Oo nga ate. Salamat dahil ikaw ang ate ko!"
Nakangiting humiwalay sya sa mga ito.
"Oh tama na drama! Dapat tayong magcelebrate! Alam ko may tuyo pa dyan sa ref! Tara kumain na tayo! Ginutom ako noh!"
Natatawang saad nya. Nagkatawanan silang mag-anak at masayang nagsalu-salo sa hapag kainan.
Kinagabihan ay tumawag sa kanya si Georgina. Ang bestfriend nya.
Nasa sariling silid na sya at tulog na sa kabilang silid ang kanyang ina at kapatid.
Nangangalawang na yero lamang ang nagsisilbing harang sa dalawang silid at katre lamang ang higaan nila.
"Ina may magandang balita ako sayo!"
Masayang saad nya.
(Ano yun bff?)
Excited na sagot nito sa kabilang linya.
"May trabaho na ko!"
Balita nya rito.
Narinig naman nya ang tili nito. Mayaman si Georgina. Pero kahit ganon naging kaibigan nya ito. Hindi kasi ito katulad ng ibang babae na mayayaman. Hindi ito pasosyal sa buhay. Hindi nga halatang mayaman ito dahil sa kilos nito at pananalita eh.
(Talaga?! Oh my God! Congrats bff! Buti naman at nagkatrabaho ka na atleast makakatulong ka na sa Mudrakels mo at mapapag-aral mo na ang sissie mo!)
Masayang sabe nito sa kabilang linya.
"Oo nga eh!"
(Anyway, anong trabaho mo? At saan?)
"President's secretary ng NMGM"
Nakangiting saad nya.
(What?! Gagabells ka! Doon din ako nagtatrabaho noh! Lukaret ka ba! Hindi mo tanda?!)
Sigaw nito sa kabilang linya. Nailayo naman nya sa tenga nya ang telepono.
"Wag kang sumigaw bruha!"
Ganti nya.
Oo nga pala. Bat di nya naalala na doon nga pala sa NMGM nagtatrabaho itong kaibigan nya? Sa Financial Department ito nakalagay.
Nagtataka siguro kayo kung bakit sa ibang kumpanya nagtatrabaho ang kanyang kaibigan?
Bars and Resorts kasi ang negosyo ng pamilya nito at wala itong hilig sa pagpapatakbo ng mga bars and resorts.
Mas gugustuhin nito sa kumpanya magtrabaho.
"Oo nga pala! Magkatrabaho na tayo bff!"
Masayang saad nya.
(Oo nga eh! Ayyyiieee!)
Nagkatawan sila magkaibigan at ilang minuto pa silang nag-usap bago naputol ang tawag.
Lowbat na pala ang Samsung Champ nya.
Inilapag nya sa ilalim ng katre ang kanyang cellphone atsaka nangingiting pumikit.
Bukas na sya magsisimula sa trabaho at sobrang excited na sya!
Pero andun pa din ang kaba dahil makakaharap na nya ang magiging amo nya.
Sana naman mabait ang magiging amo nya at wag sana syang masyadong pahirapan.
Kinabukasan ay maaga syang nagising. Tulog pa ang kanyang ina at kapatid kaya sya na mismo ang naghanda ng almusal.
Nagprito lang sya ng itlog na inutang pa nya sa tindahan ni Aling Bebang.
Pagkatapos nyang magluto ay nauna na syang kumain at tinirhan na lamang nya ang ina at kapatid.
Pagkatapos ay hinugasan muna nya ang pinagkainan nya bago sya naghanda sa pagpasok.
Naligo sya at nagsuot ng pangcorporate attire ulit. Isang fitted na palda na pencil cut ang suot nya at longsleeve na kulay krema na. Inilugay na lamang nya ang hanggang bewang na buhok. Naglagay sya ng konting make-up para naman maging presentable sya sa pagharap sa President ng kumpanyang papasukan nya.
Nang matapos mag-ayos ay nagtungo sya sa silid ng ina at kapatid at nakangiting hinalikan nya ang noo ng mga ito.
"Pasok na po ako."
Bulong nya sa mga ito at nakangiting lumabas ng kanilang bahay.
Naglakad palabas ng looban at agad na sumakay ng jeep papunta sa NMGM.
Nang makarating na sya ay agad syang nagpara at pumasok sa loob.
"Good morning!"
Bate nya sa receptionist.
"Good morning din! Aga natin hu?"
Nakangiting saad nito sa kaniya.
She laughs.
"Excited sa first day eh!"
Natatawang sabe nya.
"Hahaha! Halata! Sige na. Iniintay ka na ni Ms. Delilah dahil sya ang maghahatid sayo papunta kay President."
Saad nito. Kinabahan naman sya ng marinig nya ang salitang PRESIDENT.
Gaaadd! Sana talaga mabait ang magiging boss nya.
"Uy kinakabahan! Haha don't worry mabait si Boss. Pogi pa! Kaso may asawa na! Haha sige na. Presidential Floor. Pindutin mo yung pulang button sa Elevator at dadalhin ka non sa Presidential floor. Andun si Ms. Delilah. Good luck!"
Saad nito sa kaniya.
Ngumiti lamang sya dito at sumakay na sa Elevator. Agad nyang pinindot ang pulang button.
So, may asawa na pala ang President. Hmm. Pogi daw?! Harhar!
Kumabog ng malakas ang dibdib nya ng makarating na sya sa presidential floor.
Pagkalabas nya sa elevator ay agad na sinalubong sya ni Ms. Delilah. Ito yung babaeng nagsabe sa kaniya na nakapasa sya.
"Hello! Ang ganda mo pala talaga noh!"
Bate nito sa kaniya. Nahihiyang ngumiti naman sya dito.
"Hehe salamat."
Ngumiti lamang sa kaniya ang babae at iginaya na sya nito papunta sa isang black wooden door.
"Andyan si Mr. President sa loob nyan. Kanina ka pa nya hinihintay. Sige na pasok ka na."
Saad nito sa kaniya at nakangiting iniwan na sya nito dahil may aasikasuhin pa daw itong paper works.
She breathe deeply bago nya hinawakan ang door knob.
Yung kaba nya, sobra sobra na! Para syang mauutot ng wala sa oras.
Bumuntong hininga muna sya ulit bago nya pinihit ang door knob at itinulak ang pinto.
"Sir good morning po."
Kinakabahang sabe nya ng makapasok na sya sa loob.
Isang lalaking nakatalikod at nakaharap sa malaking bintana ang bumungad sa kaniya.
Nakablack suit ito at black slacks. At base sa tindig nito, mahahalatang gwapo nga ang boss nya.
"So.. You are?"
Saad nito sa baritonong boses.
Napalunok muna sya bago nagsalita.
"Ahm Ako po Si Nish--"
Magpapakilala na sana sya ng matapigil sya ng humarap sa kaniya ang Boss nya.
Goddamn it! No! It can't be!
Ito ang boss nya?! Bakit?! Bakit ito pa?!
Biglang nanginig ang kaniyang tuhod at bigla ring bumilis ang t***k ng puso nya.
"Nisha?!"
Gulat na anas nito sa pangalan nya.
"A-Ashton."
Nauutal nyang ani sa pangalan ng presidente ng kumpanyang pagtatrabahuhan nya.
Yes! It's him! Ashton Gray Middleton! Ang Ex Boyfriend nya ang magiging BOSS nya.
Ngayong makakasama na nya sa trabaho ang dating nobyo, ano ng mangyayare sa kaniya?