Chapter 3: Popsicle

2060 Words
3rd Person POV “I am Jasper Dimitri and nice meeting you,” he said, and extended his right arm. “Ako naman si Rossana Valiente, Rossie for short.” walang kyemeng inabot ni Rossie ang palad ng lalaki at ngumiti s'ya. Para namang na-startruck si Jasper sa bagong kakilala at sa kung anong dahilan, bumilis ang pintig ng kanyang puso. “I'm sorry about that dog. That's Elmer's favorite pet,” nahihiyang paliwanag ni Jasper. “Walang anuman. Nakakahiya nga sa kanya at salamat din sa pagprotekta sa akin,” tugon ni Rossie. Nahihiya siyang aminin na totoong takot talaga siya sa aso. Dahil minsan na siyang nakagat ng aso noon and it was her biggest secret. Ayaw niyang malaman at matanong kung bakit. “Wala 'yun. Matalik na kaibigan nga pala namin si Elmer. Maglalaro sana kami ng basketball kaso sumunod sa kanya ang alaga at ayon nga, nakita ka siguro. Hahaha,” natawang sabi ni Jasper, pinipilit maging komportable sa nakakabighaning dalaga. Ngayon lang kasi siya nakaramdaman ng ganitong atraksyon sa isang babae. “Oo nga eh. Pero alam mo, sayang 'yong ice cream, ang mahal pa naman ng bili ko. Pinag-ipunan ko pa-” Natigilan si Rossie. Bakit n'ya nga ba sinasabi ang mga ito sa lalaking ngayon n'ya lang nakilala? “Hey, that is fine. Can I compensate you instead?” alok nito kay Rossie na biglang umaliwalas ang mukha sa narinig. “Talaga?” excited na tanong ni Rossie. “Why not?” “Nakakahiya mang tanggapin pero gusto ko talaga ang ice cream na 'yon,” nakangusong tiningnan muli ni Rossie ang bahid ng ice cream sa semento. “Let's go?” “Sigurado ka?” “Oo naman, as long as you trust me.” Napatigil saglit si Rossie. Matiim na tinitigan ang lalaki. Gwapo si Jasper at mukhang mabait naman. Ngumiti siya at masayang napapaindak na naglakad at napahalakhak silang dalawa habang papunta sa parking lot. “I trust you.” Ito ang naging dahilan kung paano nagkakilala at naging matalik na magkaibigan si Rossie at Jasper sa maikling panahon. Mabilis na nagkakilanlan ang dalawa at nagkapalagayan ng loob. Nalaman ng dalaga na si Jasper ay isang college student sa isang kilalang school sa bansa at graduating na s'ya this year. Varsity player at magaling sa academics. Si Rossie naman ay freshman sa isang pampublikong paaralan. At noong araw ding 'yon, nalaman ni Jasper na mahilig pala tlaga sa cold desserts si Rossie. Naging magkaibigan sila at magkasundo sa mga kalokohan. Si Rossie kasi ang tipo ng babae na walang pakialam sa ibang tao basta masaya siya at walang inaapakang pagkatao. Naging super close friends kahit na magkaiba sila ng pinapasukang school. Madalas sunduin ni Jasper and dalaga sa bahay nito upang ihatid sa school. Naging daily routine na nila iyon. Nagkakatampuhan din sila minsan. Iilang buwan pa lamang silang magkaibigan pero daig pa nila ang magkapatid kung mag-away. Para kay Rossie, kapatid ang turing niya kay Jasper kaya walang kyeme ang dalaga sa mga kilos n'ya at isa ito sa ikinatutuwa ni Jasper. Ngunit hindi lahat dahil minsan, hindi rin kaaya-aya ang mga kilos ni Rossie bilang isang dalaga tulad na lamang ng minsan ay nagtampo ang dalaga at sinuyo niya ito. Napalunok si Jasper habang pinagmamasdan ang babae sa kanyang harapan. “Mmmmm ... Mmmmm ... Jasper, ang sarap talaga..ahh!” sambit ni Rossie pagkatapos dilaan at bago isubong muli ang popsicle sa kanyang bibig. Ice cream lover si Rossie pero gusto n'ya rin ang kahit anong klase ng frozen desserts. Wala s'yang pakialam kung ano ang flavor nito. Hindi gaanong maunawaan ni Jasper kung bakit may ganitong habit ang kanyang kaibigan sa tuwing kakain ng popsicle o ice cream. Umuungol sa sarap habang dinidilaan ang kutsara o kahit simpleng popsicle lang. Nakapikit na mga mata habang in-e-enjoy kung gaano ito kalinamnam ayon sa kanyang panlasa. At hindi rin kontento at matatapos ng hindi naibabahagi kung gaano siya ka-satisfied. “Oh please, Rossie! Quit doing that!” naiiritang sita niya sa dalaga. Tiningnan lang siya ni Rossie at inirapan ng mabibilog nitong mata. “Pwede ba itigil mo ang habit mong 'yan?” iritang sita ulit ni Jasper sa matalik niyang kaibigan. Hindi siya komportable sa mga oras na iyon. Inilabas muli sa bibig ang nakasubong popsicle at nagtanong ang dalaga, "What?" "Popsicle lang 'yan, for Pete's sake!" inis na sagot ni Jasper at tumingin sa mga customer sa loob ng ice cream parlor. "Jasper Dimitri, kung hindi ka makapaghintay at naiinip ka na, go! I will enjoy this and remember, kasalanan mo kung bakit tayo nandito. Kung ayaw mong kumain, e 'di 'wag!” mataray na sagot ni Rossie sabay ikot ng mabibilog na mata pataas na halos pumuti na ito habang nakangisi. "Nakakahiya ka, babae ka pa naman!" Gigil na sagot ni Jasper sa kaibigan. Ngunit sa isang banda, naaaliw rin naman siya kapag ganito ang kaibigan. “Ikinahihiya mo na ako ngayon?” biglang napataas ang boses ni Rossie at binigyan siya ng death glare. “Hinaan mo nga ang boses mo!” pigil ang boses na lumigon sa paligi sa Jasper at tangkang magsasalita pa sana ito. Pero ayaw na niyang humaba ang pagtatalo kea itinaas na lamang ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Kasalanan mo! Basag-trip ka kasi." “Sorry na,” malambing na sabi Jasper sabay kamot sa kanyang batok. Sa tuwing nagtatampo si Rossie kay Jasper, isa lang ang alam nitong paraan para suyuin ang dalaga. Dadalhin niya si Rossie sa paborito niyang ice cream parlor o sa pinakamalapit na ice cream shop as soon as possible. Hindi niya matiis ang kaibigan kapag ito ay galit o wala sa mood. Tumatagal ng ilang araw o buong linggo bago s'ya patawarin ni Rossie. Ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigang babae at ayaw niyang nagagalit ito sa kanya . Simula ng magkakilala ang dalawa, madalas sunduin ni Jasper si Rossie sa school at para silang magkasintahan sa paningin ng iba. Kung noon madalas tampulan ng tuksuhan si Rossie at madalas din siyang ma-bully, kusang natigil ito dahil napag-alaman ng karamihan na isang anak-mayaman at galing sa maimpluwensyang pamilya si Jasper. Subalit hindi maiwasang may mainggit kay Rossie at marami rin ang mga kababaihang nagtaas ng kilay sa friendship ng dalawa. Ang biglang pagkakaroon ng isang mayamang kaibigan na lalaki ay isang malaking question mark sa mga kababaihan sa kanilang campus. Si Rossie ay galing sa isang simple at ordinaryong pamilya ngunit siya ay wala ng mga magulang. Nakikitira lamang siya sa kanyang mababait na pinsan. Ilang buwan na lang at graduate na si Jasper sa college. Pareho sila ng kurso subalit si Rossie ay freshman pa lamang. Si Jasper naman ay may extra activities pagkatapos ng kanilang klase. Si Rossie ay madalas na sa library nagpapalipas ng oras habang hinihintay n'ya si Jasper sa tuwing maglalaro ito ng basketball upang ihatid s'ya sa kanilang bahay. Pagkahatid sa school ng dalaga at bago sila maghiwalay, nangako si Jasper na susuduin n'ya ito sa kanilang campus subalit sa pagod ng lalaki, nakaligtaan n'yang sunduin si Rossie. Huli na 'nung maalala n'ya ito at nasa bahay na siya. Nagmamadali s'yang bumalik sa campus at nadatnan n'ya si Rossie sa isang wooden bench, nakasimangot at halos maiyak na sa sobrang inip. “Dumating ka pa,” pagtatampong sabi ni Rossie sabay punas sa kanyang mga luhang handa ng pumatak sa kanyang rosy cheeks. “I'm sorry,” sagot ni Jasper habang nakayuko. “Gusto ko ng popsicle,” sabi ni Rossie. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at nagsalitang muli, “Ngayon na.” “'Di ka na galit?” “Pag-iisipan ko pa,” walang amor na sagot ni Rossie. Pangiti-ngiti at napailing na lamang si Jasper at lakad-takbong sinundan ang babae patungo sa kanyang sports car na naka-park sa 'di kalayuan. Agad n'ya itong binuksan at maingat na inalalayan sa pagpasok ang kanyang kaibigan. Halos walang imik ang dalaga na nakatanaw lang sa bintana. “Rossie, I'm sorry.” “Okay, okay. Bilisan mo bago pa magbago ang isip ko. Hindi kita ipagluluto at wala kang lunch box sa mga susunod na araw, bahala ka.” “Malapit na, 'wag naman ganun. Paano naman ang monster tummy ko, gusto mo ba akong magutom sa school?” Masayang hinimas ni Jasper ang kanyang tiyan. Nakangiti na siya dahil alam n'yang good mood na ulit ang dalaga. Alam ni Jasper na 'di siya kayang tiisin ni Rossie kahit papaano. Kung kaya naman 'di mapigilan ni Jasper ang mahulog ang loob niya at lihim na mapamahal sa dalaga. ___ “Tapos na ako..” Pukaw ni Rossie kay Jasper subalit ito ay walang kibo habang nakatitig lamang sa kanya. Ngumiti si Rossie at inilapit ang kanyang mukha, mga dalawang pulgada lang ang distansya. “Mr. Tulala,” sabi ni Rossie. “Gising na.” Malambing na sabi ni Rossie at bigla n'yang hinipan ang mga labi ng lalaki. “H-Ha?” bulong ni Jasper while blinking his eyes continuously. “Ano, okay ka na? Ano ba'ng ini-imagine mo ha?” tanong ng dalaga habang dinadampot ang libro n'ya sa upuan. “Ah, wala. Let's go. Nag-aalala na sa'yo ang dalawa.” “Malamang, ganoon na nga. Kasalanan mo.” “Bati na tayo 'di ba?” “Ay, oo nga pala,” she answered. “Kung hindi lang kita mahal, hindi kita patatawarin,” masayang sagot ng dalaga. Napalunok si Jasper. Sana, romantically. Parang matutunaw ang puso ni Jasper sa isiping iyon. “Me too,” bulong ni Jasper. Hindi nya alam kung narinig siya ng babae dahil tumalikod na ito at mabilis na humakbang palabas ng ice cream parlor. “O, pa'no ba 'yan. Papasok na ako sa bahay. Huwag ka ng magpakita kay Kuya Vince, siguradong bibigwasan ka lang n'ya. Haha.” “Hindi pwede, kaylangan kong ipaalam kung bakit ka na-late ngayon.” “Okay fine, bahala ka.” Pagbukas pa lamang ng pinto ay bumungad na ang lalaking may istriktong awra ng mukha na si Vince. Siya ay pinsang lalaki ni Rossie at bunsong kapatid ni Sheena. Sina Vince at Sheena ay ulilang lubos na rin subalit may sariling bahay ang mga magulang na namatay sa isang tragic car crashed accident kasama ang mga magulang ni Rossie. Sapagkat ang pamilya ni Rossie ay nangugupahan lamang, nakapag-desisyon ang tatlo na magsama sa iisang bubong upang makabawas sa bayarin sa renta ng bahay at makatipid sa gastusin si Rossie. Sila ay close sa isa't isa kung kaya naman hindi nagdalawang-isip na sumama si Rossie sa dalawang pinsan. Upang makatulong sa pang-araw-araw na pantustos sa pag-aaral at gastusin sa bahay, lahat sila ay working students sa isang cake shop na malapit sa campus. Si Rossie ay Monday, Wednesday, at Friday ang schedule. Sina Sheena at Vince naman ay tuwing Martes at Huwebes dahil ayun lang ang tugma at bakante nilang oras. “Magandang gabi, Vince. Pasenya na kung na-late ako ng hatid kay Rossie.” Yumuko si Jasper bilang paggalang at kumamot sa batok. “Pasok! Dalaga mong tao,” masungit na bungad ni Vince. “Kuya Vince, hanggang ngayon ba naman sinusungitan mo pa rin si Jasper?” “Hindi siya ang isyu rito, ikaw.” “Vince, papasukin mo sila. Naghanda ako ng maiinom na may halong pampalamig ng ulo,” malumanay na sabi ni Sheena at ngumiti ito kay Jasper. Natawa naman si Rossie sapagkat alam niyang pianapahagingan nito ang bunsong kapatid na lalaki. Matanda ng isang taon si Sheena kay Rossie, samatalang sina Rossie at Vince ay magkasing-edad lamang. Ngunit sila ay pare-parehong nasa 12th grade dahil sa di inaasahang pangyayari sa kanilang pamilya. Tatlong taon na ang nakalilipas ng sabay silang mawalan ng mga magulang. Hindi ito lingid kay Jasper at isa ito sa mga hinangaan ng binata sa magpipinsan. Kung kaya naman hindi niya maiwasang ibida ang mga ito sa kanyang mga magulang at sa kapatid na nasa America. Lahat ng detalye ay naibida niya sa kanyang kapatid kung paano sila nagkakilala ni Rossie at ang mga bonding moment nila. ____ Napasandal sa kanyang swivel chair si Kasper at pinagmasdang muli ang picture ng magandang dalagang pinasa sa kanya ng kanyang kapatid. Kahit kaylan, hindi nagkwento ang kapatid tungkol sa mga hinahangaan nito ngunit ngayon, pakiramdam niya napakaswerte nito. Jasper, finally. Bulong nito sa sarili habang nakatitig pa rin sa maamong mukha ni Rossie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD