3rd Person POV
Si Kasper ay kambal ni Jasper. Halos walang pinagkaiba ang kanilang itsura. Sila ay isang klase ng identical twins na tinatawag na Mirror Twins.
Seeing double. Ito ang madalas na joke ng kanilang lolo na si Mr. Gaston Dimitri.
Kapag nakainom ito madalas siyang magbiro ay tatawagin ang kambal upang malaman kung lasing nga talaga or hindi.
Sabi nga ng mga nakakakilala sa dalawa, para silang pinagbiyak na bunga. Maging ang kanilang boses ay magkatulad, ang hugis ng mukha, kulay ng mata, hugis ng mga labi, kilay at ilong maging sa porma ng mga ngipin. Ang brown curly hair, hairlines at kulay ng kutis ay walang pinagkaiba.
Ang palatadaan lamang ng mga Dimitri sa kanilang dalawa ay ang hugis ng kanilang earlobes. Ngunit kung pupunahin ang kanilang body and height, matangakad ng one centimeter si Kasper at mas matipuno ang kanyang katawan sapagkat si Jasper ay sakitin mula pa pagkabata.
Si Kasper ay sersyosong tao ngunit may pagakapilyo at mahilig sa babae samantalang si Jasper ay masayahin, tahimik minsan ngunit palabiro. Halos opposite sila ng mga kinahiligan.
Si Kasper ay ipinadala sa America ng kanyang ama upang i-manage ang kanilang business doon at nakatira sa bahay-bakasyunan ng mga Dimitri.
Mas maagang naka-graduate si Kasper kesa kay Jasper dahil naging masakitin ang huli ng nasa kolehiyo na ang mga ito.
Masaya si Kasper para sa kanyang kambal lalo na ng mabalitaan niyang nagkaroon ito ng kaibigan na magandang dalaga. Curious siya sapagkat si Jasper ay mahiyain pagdating sa babae. Ngunit ngayon, walang ibang bukambibig ang kanyang kambal kundi ang baabeng nagngangalang Rossie.
Madalas mag-send ng picture ni Rossie ang kanyang kambal kung kaya naman lalong naging intresado si Kasper na makilala ang babaeng alam niyang napupusuan ni Jasper.
Ang lahat ng masasayang balita na nalaman ni Kasper sa kambal ay napalitan ng 'di inaasasahang pangyayari. Si Kasper ay pinauwi ng kanyang mga magulang at isang napakalaking obligasyon at kahilingan ang nakaatang sa kanya. Hindi lamang ito isang kahilingan, kundi isang utos na kaylangang sundin at hindi maaaring balewalain. At higit sa lahat, hindi maaaring tanggihan.
Nagka-cancer sa dugo si Jasper. Acute Myeloid Luekemia. Wala na itong lunas at posibleng six months na lang ang kanyang itatagal.
Hindi nagdalawang isip na umuwi ng bansa si Kasper.
“Kas, you're here man!” masiglang bati ni Jasper sa kanyang kambal. Despite lying in the hospital bed, walang bakas ng lungkot si Jasper.
“Hey, I missed you.” sagot ni Kasper na pilit pinasisigla ang sarili. Malaki ang ibinagsak ng katawan nito.
Hindi siya maaaring malungkot o magpakita ng kahinaan sa harap ng kanyang kambal.
“Look, I am fine. You don't have to flight back right away.”
“Jas, who's that girl huh? Ipakilala mo naman siya sa akin,” aniyang pinipilit ibahin ang topic.
“Si Rossie? Oo naman. Pero Kas, may kahilingan sana aq sa'yo. At 'wag mo akong bibiguin, mangako ka.”
“Oh please, Jasper. You are ripping my heart.” Dahil sa tinuran ng kapatid, halos madurog ang puso niya.
“Ano ka ba naman Kas, we are Dimitri's pride.”
Sa tinuran ng kambal ni Kasper ay parang lalo siyang nanlumo. Si Jasper ang may sakit pero si Kasper ang hinang-hina.
“Sabihin mo lahat ng kahilingan mo, gagawin ko. Jasper, please. Anything you want. Just stay strong okay.”
“Ang OA mo, Kas.” sabi ni Jasper ngunit biglang tumulo ang luha niya.
Hindi niya inaasahan ang ganitong reaksyon mula sa kanyang kambal. Si Kasper ay kabaligtaran ng kanyang ugali pero sa isang banda, si Kasper lang ang nasasabihan niya ng lahat ng kanyang saloobin at alam niya hindi siya nito tatanghihan.
“Kas, this is it. Hanggang dito na lang talaga ako.”
“No, no. Please, Jas-” bulong ni Kasper sa kanyang kambal habang hinahagod ang likod nito.
Hindi nila napilit na magpa-chemo si Jasper. Para sa kanya, wala ng saysay ang bagay na ito.
“Look Dad, I don't want to die bald. I still want to look great with my hair, right Kas?”
Mas lalong nahabag si Kasper sa kanyang kambal.
Simula ng bumalik si Kasper, binuhos niya ang oras at panahon sa kapatid at malaki ang naging progress nito, parang wala itong sakit kung titingnan. Ganun naman daw kapag ang isang taong may sakit. Kadalasan kung kelan malapit na itong mawala, saka naman mas masigla.
May mga araw na nanghihina si Jasper kung kaya naman hindi siya maaaring makipagtagpo kay Rossie. At ito ang naging papel ni Kasper.
“Kas, palagay ko hindi ko kayang lumabas ngayon. Ikaw na muna makipagtagpo kay Rossie, please?”
Nasa ospital Jasper kung kaya naman ito ang unang araw na makikita at makikilala ni Kasper si Rossie.
Kinakabahan si Kasper, nababahala siya na posibleng makilala siya ng dalaga. Bago naman siya umalis ng bahay sinigurado ng Mommy niya na he is exactly looks like Jasper.
Sa unang pagkakataon ay nasilayan ni Kasper ang kaybigan ni Jasper.
“Jasper! Namiss kita!” sigaw ni Rossie at niyakap ng mahigpit ang kanyang kaibigan. Napatda si Kasper sa higpit ng yakap ng dalaga. Her jaw is leaning on his shoulder, and her breath is blowing on his neck dahil nakaharap ito sa kanyang leeg.
“H-Hey...I-” natitigilang sagot ni Kasper, hindi niya malaman kung gaganti ba siya ng yakap. Likas na pilyo si Kasper kung kaya naman hindi maiwasang makaramdam ng kakaiba dahil s abuga ng hininga ng dalaga sa kanyang leeg.
Shit, if this happens everyday I am afraid I can't control myself. Damn it, Rossie.
Kahit nabanggit sa kanya ni Jasper ang tungkol sa magaslaw na dalaga, nakakagulat pa rin at totoong nabigla siya.
Wow, are they like this everyday? Tanong ni Kasper sa sarili na napapalunok ng kanyang laway. Bago pa tuluyang magbago ang timpla ng mood niya at mauwi sa kung anong kalokohan, gumanti ng mabilisang yakap si Kasper at bahaygyang iniharap sa kanya ang babae.
“Hindi mo ako na-miss? Hmp! Nakakapagtampo, umalis ka ng bansa biglaan pa. Ang tagal mong nawala, buti tumawag si Auntie.” sumbat ni Rossie na humakbang ng mas mabilis at balak iwanan si Kasper.
Naisip ni Kasper, 'yon siguro ang ginawang alibi ni Jasper sa mga araw na 'di pumasok ang kapatid.
Dahil sa kahilingan ni Jasper na 'wag ipaalam sa dalaga ang kanyang sitwasyon, napilitang magpanggap si Kasper bilang si Jasper at kasabwat niya ang buong pamilya at malapit na kaybigan ni Jasper na si Elmer. Dahil isang buwan na lang ay graduation na niya, bihira ng pumasok sa school si Jasper.
“Ah, pasensya ka na ha. Then what do you want to have this time?” napakamot ng ulo si Kasper at hinabol ang babaeng nagkukunwaring nagtatampo.
Biglang pumihit si Rossie at niyakap muli ang kaibigan, sa sobrang galak at pagka-miss, kinutot nito ang mga pisngi ni Kasper.
“Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis.”
Muntik ng hindi maka-recover si Kasper sa pagkabigla at patay malisya sa babaeng parang ayaw ng bumitaw sa kanya.
“I want to eat ice cream, then, gusto ko lang kasama ka. Ilang araw kang nawala kaya magsasaya tayo.”
“Is that all?”
“Bakit? Alam no naman kung ano lang ang gusto ko, 'di ba?”
Shit, ano pa nga ang gusto n'yang gawin after ng ice cream?
“Ikaw ang masusunod. Your wish is my command.”
“Talaga? How about Amusement Park?”
“Sure. Let's go?”
Akma ng hahakbang si Rossie ng ikawit ang kanyang kamay sa lalaki ay biglang napatigil ang dalaga at nagtanong.
“Nagpalit ka ng perfume?”
“Ha? A, oo nga pla. Hindi mo gusto?”
“Mas mabango ka ngayon, mas mabango sa dati mong brand,” magiliw na sambit ng dalaga at ipinikit ang mata at inamoy muli ng malapita ang lalaki.
Napangiti na lamang si Kasper. Nauunawaan niya na mas gusto ng babae ang perfume niya kesa kay Jasper.
“Mas lalo kang gwapo, alam mo ba 'yon?”
“Thank you. Ikaw rin, ang ganda mo pala.”
“Ano? Pala? Ngayon mo lang nalaman? Naku Jasper ha, parang gusto kong ituloy ang pagtatampo ko,” reklamo ni Rossie ngunit nakangiti ang mga labi ng dalaga.
“Ah, I mean mas lalo kang gumanda.” Kinabahan si Kasper. Nadulas siya at muntik na siyang mabuking ng dalaga.
“Hmp! Siguro kase ang tagal nateng hindi nagkita.” paliwanag ni Rossie na pilit kinukumbinsi ang sarili. Siguro nga.
Naging ganito ang set-up ni Kasper sa kaibigan ni Jasper. Kapag kaya ni Jasper, siya ang humaharap sa dalaga.
Subalit nalaman ng lolo nila ang kalagayan ni Jasper kung kaya naman bigla itong umuwi sa Pilipinas.
Alam ni Kasper kung gaano sila kamahal ng kanilang lolo. Hindi man niya matukoy ngunit ramdam niyang may nabubuong plano sa isip nito.
-------
Deadline na ng kanilang last project at busy ang dalawa sa pag-finalize ng details nito sa laptop. Humugot ng malalim na paghinga si Jasper at kinausap si Rossie .
“Rossie,” malambing na bulong ni Jasper sa kaibigan habang nakatitig sa maamong mukha ng dalaga.
“Mn?” nakakaunot-noong tingin ni Rossie kay Jasper.
“Pwede ba tayo mag-usap mamaya pagkatapos natin?” tanong ng lalaki na may pagsusumamo.
“Sure. Why not?” Rossie smile and continue to write on her note.
Nakahinga ng maluwag si Jasper. Madalas kasing nagmamadaling umuwi si Rossie dahil natatakot siya sa pinsang lalaki na si Vince.
Nang matapos sila sa project, inayos na nila ang mesa at nagpahanda ng 2 mini icing cakes si Jasper na ikinatuwa naman ni Rossie. Alam ni Jasper na foodie monster si Rossie at dahil sweet lover ang dalaga, napapalakpak pa ito. Hindi choosy sa pagkain si Rossie, walang kyeme at higit sa lahat masayahing tao. Madaling maka-appreciate ng mga simple gifts.
“So, ano 'yung pag-uusapan natin?” tanong ng dalaga habang nakatitig sa cake na nakahain sa mesa.
“Subuan mo muna ako,” sagot ni Jasper at ibinuka ang bibig, naghihintay na subuan ni Rossie.
Rossie chuckles and answered, “Close your eyes first.” Palihim na kinuhit ni Rossie ang icing ng cake at habang nakapikit ang mga mata ng lalaki ay natigilan s'ya.
Mahigit 9 na buwan na rin niyang kaibigan si Jasper pero ngayon niya lng napagmasdan ng matagal ang maamo nitong mukha. Ang makapal na kilay, matangos na ilong, at ang manipis at mamula-mulang mga labi. Bahagyang napalunok at napabuntonghinga si Rossie. Kahit na ang hugis ng tenga ng lalaki ay kanyang napuna.
“Ross, susubuan mo ba ako o tititigan mo na lang?” biro ni Jasper na nakasilip ang isang mata.
“Ah, sorry. Akala ko kasi may dumi ka sa mukha, wala pala. O s'ya, eto na.”
Biglang ipinahid ni Rossie ang icing ng cake sa mukha ng lalaki na nabigla sa kanyang ginawa.
“Ah, ganu'n! Eto'ng sa'yo!” dinapot ni Jasper ang buong piraso ng cake at nilamutak ito sa mukha ni Rossie upang makaganti.
“Walanghiya ka talaga! Bakit mo ginawa 'yon?” gigil na sabi ni Rossie.
Pinunasan niya ng kanyang palad ang nanlilimahid na mukha at mabilis n'ya itong ipinahid sa mukha ng lalaki. Nagtawanan ang dalawa at nagpagulung-gulong sila sa malambot na carpet without knowing na dumating pala ang Lolo ni Jasper kasama ang kanyang mga body guard at ang butler na tahimik lang din. Tahimik lamang itong pinagmamasadan ang dalawa na masayang naghaharutan at nagpapahiran ng icing ng cake.
Nakapatong sa ibabaw ng katawan ni Jasper si Rossie at pilit inaabot ang mukha ng lalaki upang ipahid ang icing. Si Jasper naman ay pinipigilan ang mga kamay ng babae kung kaya naman wala silang pakialam kung ano ang kanilang posisyon. Eto ang nadatnang senaryo ni Lolo Gasyong.
Sapagkat ang bahay na tinutuluyan ni Jasper ay pag-aari ng kanyang lolo, malaya itong nakakapasok.
Nasa munting mundo pa nila ang dalawa kung kaya naman wala silang kamalay- malay sa presensya ng mga tao.
Nagkatitigan ang dalawa at sa 'di maipaliwanag na dahilan, biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Rossie, dahan-dahang lumalapit ang mukha niya sa mukha ng lalaki. Pawang mga t***k ng puso lamang nila ang kanilang naririnig at ang sa isang iglap ay parang binuhusan sila ng malamig na tubig ng biglang umubo ang matanda.
Napalingon si Jasper ngunit ang kanyang mga kamay ay napahawak sa balingkinitang katawan ng dalaga dahil sa pagkagulat.