3rd Person POV
“Lolo! Nandito ka na agad?” nakangiting tanong ni Jasper at walang pakialam kung ano man ang itsura nila ni Rossie sa mga oras na iyon.
Dahan-dahang inalalayan ni Jasper sa likod si Rossie at mapwersang itinuon ang siko sa sahig upang sila ay makabangon ng sabay. Si Rossie ay walang imik sa labis na pagkapahiya sa matandang mestizo at yumuko na lamang bilang paggalang. Ngunit panadalian lamang ito sapagkat si Rossie ay natural na masayahin.
“Magandang hapon po,” nakangiting bati ni Rossie, hindi alintana ang mga icing sa mukha at magulong buhok.
Mapanguso ang dalaga habang tinititigan ang icing sa mga kamay. Gusto niya sanang magmano.
“Napakaganda mo pala, iha. Anong pangalan mo?” tanong ng matanda.
“Salamat po. Ako po si Rossana Valiente. Kumusta po kayo?” tugon ni Rossie na nawiwirduhan. Puno ng icing ang mukha nya pero gandang-ganda sa kanya ang matanda.
“So, you are the one he-”
“Grandpa! No!” pigil ni Jasper sa Lolo niya.
“Magtigil ka. Groom yourselves, we will meet your parents soon,” tugon ng matanda kay Jasper.
Dahil sa tinuran ng matanda, nag-panic si Rossie at nabahala. Una, wala siyang extra na damit at pangalawa, ngayon niya lamang nakilala ang matanda at soon makikita niyang muli ang parents ni Jasper.
“Wow, talaga?” excited na pagsisiguro ni Jasper sa kanyang lolo. Alam niyang dadaanan sila dito ng kanyang lolo para sa kanilang special family dinner.
“Kaylan ba ako nagbiro?”
“Lolo Gasyong naman eh, hindi na mabiro. Siya tara na Babe, Grandpa is in a hurry,” aya ni Kasper sabay kindat sa kanyang lolo. Hinawakan ni Jasper ang kamay ni Rossie at naglakad sila paakyat ng kanyang kwarto.
Si Rossie naman ay biglang namula ang pisngi dahil sa tinuran ni Jasper.
“Anong Babe?” siniko ni Rossie ang kaibigan ng makalayo sa living room.
“Sssh, baka marinig ka ni Lolo Gasyong.”
“Babe ka d'yan. Umayos ka nga. Saka gagabihin ako kapag sumama ako sainyo. Nakakahiya at...”
“Ssshhh! 'Di ba sabi ko sa'yo kanina may sasabihin ako?”
“Oo nga pala. Ano 'yon?”
“E kasi naman kanina ang harot mo, nawala tuloy sa isip ko. Hahaha!”
“Excuse me? Hoy magtigil ka nga, ikaw 'tong ayaw paawat, nadatnan tuloy tayo ni Lolo Gasyong mo.”
“Pero kasalanan mo pa rin, ikaw ang nag-umpisa.”
Natahimik si Rossie, nag-iisip ng palusot. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit naisipan niyang laruin ang icing at ipahid ito sa mukha ng lalaki.
Nang makapasok ang dalawa sa kwarto, dumeretso sila sa banyo upang maglinis ng mukha at ng matapos hinila ni Jasper ang dalaga sa kanyang bed.
“Here, listen.”
Kinakabahan si Rossie sa biglang pagseryoso ng mukha ng lalaki. Hinaplos-haplos ni Jasper ang kanyang mga palad at nagsalita itong muli.
“Did you see that box? Open it.”
“Ano na naman 'to, Jasper?” naghihinalang tanong ng dalaga.
“Come on, open it.” Jasper smile at hinila palapit ang box.
“Okay.” curious na sagot ni Rossie. Hindi siya sanay sa mga sorpresa.
She lifted the cover without any care. When she looks at what's inside, napatda si Rossie.
“Hey, what are these for?”
“Go to my walk-in closet, try them.”
Binuhat ng lalaki ang box at inihatid ang dalaga. Pagkatalikod niya, nagmamadali naman siyang pumunta sa kabilang kwarto at doon na siya nagpalit ng damit na inihanda niya bago pa dumating si Rossie. Saktong pagbalik niya sa kwarto ay muntik na siyang madapa.
“Jasper, tingnan mo. Sobrang revealing naman nito,” nahihiyang sabi ni Rossie.
Ang kanyang royal blue evening dress na suot ay nagpatingkad lalo ng kanyang ganda at hubog ng katawan. Ito ay may katamtamang tabas na hanggang binti ang haba, off shoulder na pinarisan ng white gold plain necklace. Ang silver high heels na may plain glittery design at may katamtamang taas lamang ay nagbigay ng kasimplehan ngunit may pagka-elegante kay Rossie.
Napangiti si Jasper. Iba talaga kapag natural ang ganda, kahit na walang make-up si Rossie ay napakaganda nito. Ang kanyang mahabang curly hair ay bumagay sa kanyang kasuotan.
“Ano? Magsalita ka naman,” nahihiyang sabi ni Rossie habang iniikot-ikot niya ang katawan.
“Ah, sorry. You're so pretty. Napakaganda mo at bagay na bagay sayo ang damit na 'yan,” nakangiting papuri ni Jasper sa dalaga. Sinipat pang mabuti ang kaibigan at napangiti pa.
“Pero bakit kaylangan kong magsuot nito. Wala akong pambayad nito ha saka paano ang mga pinsan ko?” nag-aalalang tanong ni Rossie.
“Don't worry, I asked permission already. Kuya Vince and Ate Sheena are night shifts in the café.”
“Ha? Paanong-?”
Rossie's word cut by the knocks. Nagsalita ang butler.
“Sir, Sr. Dimitri is leaving.”
Hindi na lamang nagtanong si Rossie at inabot ang kamay ng lalaking naghihintay upang alalayan siya sa pagbaba ng hagdan.
Paglabas nila ng bahay ay nakaparada sa harap nila ang magarang limousine. Binulungan ni Jasper ang kanilang butler at tumango lamang ito ngunit ng makasakay sa kotse, sinabi ni Jasper na nauna na ang kanyang lolo sa venue.
Naguguluhan si Rossie, marami siyang gustong itanong sa binata ngunit iginalang na lamang niya ang desisyon nito. Nagtitiwala siya kay Jasper at nakakahiya naman kung tatanggihan niya ang alok ng lolo ng kaibigan na ngayon lamang niya nakilala. Ramdam niyang mabait ang pamilya ni Jasper at feeling niya, magkaugali si Jasper at ang lolo nito.
Habang nasa sasakyan, tahimik lamang si Rossie na nagmumuni-muni. Napansin ito ni Jasper kung kaya naman inabot niya ang palad nito at pinisil ng marahan.
"It's alright, trust me."
"Jasper, hindi ba nakakahiya?"
"Hey, they are my family. They just want to meet and get to know you. And besides, I am here."
"Nakakainis ka, hindi mo man lang sinabi agad."
"To be honest, hindi ko rin alam. Mom called me and informed me that she had sent the box. Grandpa just arrived from America so he wants a family dinner with us."
"E bakit kasama ako sa gathering n'yo?"
"Well, about that. I'm not sure. You met my parents once right?"
"Anong connect?"
"Rossie, Mom and Dad like you so much." Jasper said and smiled shyly.
"Mabait ang mga parents mo, pero hindi ba nakahiyang mag-join sa family dinner n'yo?"
"Just trust me. It's me, your Jasper."
Napabuntonghininga si Rossie at tumango na lamang ng paulit-ulit.
Napakabait ng binata sa kanya at sa katunayan, parang nakatatandang kapatid ang turing niya dito.
Nang marating nila ang venue, natigilan si Rossie ng paglabas niya ng sasakyan ay bumungad sa kanyang mga mata ang napakaengrandeng red carpet entrance ng Royal Hotel. Ang mga naka-uniform na service crew ay lahat nakatuon ang mata sa kanilang dalawa at sabay-sabay na yumuko bilang paggalang sa isa sa mga apo ng nagmamay-ari ng hotel.
"Jasper," bulong ni Rossie na biglang napahawak sa sa bisig ng kaibigan.
"Let's go," sagot ng binata at hinaplos ang kamay ni Rossie na nakahawak sa kanyang bisig.
Habang naglalakad papasok ng hotel, pabulung-bulong si Rossie kay Jasper.
"Jasper, kinakabahan ako. 'Yung totoo, ano ba kasi talaga ang okasyon?" tanong ni Rossie na may pangungulit.
Hindi sumagot si Jasper na ikinasimangot ng dalaga subalit ng pumasok sila sa exclusive lift at sila na lamang dalawa ay biglang humarap si Jasper at hinawakan sa mukha ang dalaga.
"Rossie, pansamantala lang ito. Please, save me. Sa palagay ko, Grandpa thinks we are dating, but I don't know what did my parents told him. But he come all the way here to meet you," mahabang paliwanag ni Jasper.
"Ha? So ibig sabihin, magpapanggap akong parang tunay na girlfriend mo?"
"Exactly. Will you help me?"
Sa dami ng naitulong ni Jasper, imposibleng tanggihan niya ang kahilingan nito at bilang matapat na kaibigan para kay Rossie, walang dahilan para ipahiya ang binata sa kanyang lolo. Naala pa niya ng mangako s'ya kay Jasper na someday matutulungan niya rin ang lalaki sa kahit anong paraan. Naisip ni Rossie na ito na siguro 'yun. Magpapanggap lang naman kaya nakapagdesisyon siyang pumayag agad-agad.
"Nandito na tayo, ano pa ang magagawa ko?"
"H'wag kang magtatampo ha. Basta ipapaliwanag ko na lang ang lahat later."
Seryoso ang mukhang sabi ni Jasper.
"May cake ba after dinner?" wala sa sariling tanong ni Rossie.
Tinitigan ni Jasper ang kaibigan at malalim na nag-isip. Malamang, nanghihinayang si Rossie sa nasayang na cake kanina.
Naghagalpakan ang dalawa sa loob ng lift dahil sa tanong ni Rossie. Walang ibang nasa isip ang dalaga kundi pagkain o panghimagas.
"Don't worry, just name it..hmm?" gigil na sagot ng binata at kinurot ang pisngi ng dalaga.
So cute. Bulong ni Jasper sa sarili.
Sana mapatawad mo kami, Rossie.
Nang bumukas ang lift, bago pa sila makapasok sa restaurant sinalubong sila ng hotel manager. Binati sila nito ngunit lumapit si Jasper at may ibinulong dito. Pagkatapos ay nagpaalam saglit sa dalaga.
"Rossie, wait a minute. Stay here." paalam ni Jasper at hindi na hinintay ang sagot ng dalaga.
Pagkalipas ng ilang minuto, nagulat si Rossie dahil iba na ang suot na damit ng lalaki."
"Sorry ha, hindi kasi ako komportable sa suot ko kanina," paliwanag ng lalaki na inayos pa ng konti ang damit.
"Ang daya mo talaga."
Hinampas ni Rossie ang binata sa matipunong dibdib nito ngunit nakangiti.
"Nagpalit ka ulit ng perfume?"
"A, oo bakit?"
"Mas mabango ka ngayon."
Napangiti si Kasper ng lihim at sabay silang pumasok sa restaurant.
Si Mrs. Angela ay galing sa mayamang angkan ng mga Suarez. Kilala sa negosyong foods and beverages at ilang hotel sa bansa ay pag-aari ng pamilya. Ngunit pinili nitong maging isang ordinaryong empleyado at nag-apply bilang Chef sa isa sa mga hotel na pag-aari ng mga Dimitri. Sa Royal Hotel siya unang nagtrabaho at dito niya nakilala ang anak ng may-ari ng hotel na si Dave Dimitri.
Hindi maganda ang naging kwento ng buhay ni Mrs. Suarez sa kanyang pamilya kung kaya naman namasukan siya bilang Chef at nagpanggap na ordinaryong tao lamang. Kaya naman ng ma-inlove siya kay David, hindi niya pinangarap na ma-link ang kanilang family business sa mga Dimitri.
Saka lamang naging business partners ng Dimitri Family ang mga Suarez ng limang taong gulang na ang kanyang mga anak. Mga panahong tanggap na ng mga magulang ni Mrs. Angela na ang pangarap niya ay magluto at mag-imbento ng mga recipe.
Tinalikuran ni Mrs. Suarez ang katungkulan na dapat ay para sa kanya bilang CEO ng kanilang kompanya at piniling manilbihan sa mga Dimitri. Masaya siya at kontento sa piling ng asawa. May kapatid naman siyang nagma-manage ng kanilang business.
Ang kababaang-loob at kawalan ni Angela ng interes sa yaman ang umagaw ng pansin sa tanyag na ama ng kanyang nobyo noon.
Nang malaman ni Mr. Gaston Dimitri na totoong pag-ibig ang naramdaman nina David at Angela, napatunayang malinis ang hangarin ng babae, hindi nagdalawang-isip ipakasal ang mga ito.
Ito lamang ang nais ni Mr. Gaston Dimitri. Hindi siya sang-ayon sa mga fixed marriages upang palakasin ang business empire. Alam niya ang tamang paraan kung papaano papalaguin ang negosyo ng hindi kinakailangang ipagkasundo ang kani-kanilang mga anak. Hindi siya papayag na maulit ang naranasan niya sa mga istriktong magulang na pilit siyang ipinakasal sa isang babaeng ang habol lamang ay ang kanyang yaman. Nalinlang siya ng yumaong asawa at pati na mga magulang nito. Subalit hindi naman niya pinagsisihan ang lahat ng ito sapagkat ng magkaroon sila ng anak, ipinangako niyang hinding-hindi niya ipagkakasundo ang kanyang anak at ang magiging apo sa kung kanino man.
Subalit ang lahat ng kanyang paninindigan at ipinaglalabang prinsipyo ay biglang naglahong parang bula ng malaman niya ang kalagayan ng isa sa kanyang mga apo. Naikwento ng kanyang anak na si David na may napupusuan ang kanilang anak.
Bumiyahe ang matanda mula pa sa America upang makita at makilala ng personal ang kinagigiliwang dalaga ng kanyang apo. Ngayong 75 years old na siya, nais niyang makitang masaya ang apo at masilayan ang kanilang kasal. Sa kondisyon niya ngayon, hindi niya masasabi kung hanggang kaylan na nga lang ba siya magtatagal.
Ngunit hindi ito ang totoong pakay niya. Nagpagulo sa kanilang isipan ang isang matinding kahilingan ng apong maysakit.
“Lolo, malapit na akong mawala, hindi ko man lang nasabi ang nararamdaman ko sa taong mahal ko.”
“Hijo, ask whatever you want. Leave it to grandpa.”
“Lolo, pwede bang maging parte ng pamilya natin si Rossie?” nangungusap ang mga matang tanong ni Jasper sa kanyang lolo na hindi agad nakaimik.
“Well, that is not even a problem. She's a family from now on,” walang gatol na sagot ni Mr. Gaston sa mahal niyang apo.