Sa loob ng isang malaking kulungan na gawa sa bakal, isang lalaki ang pilit na nakikipaglaban sa dalawang tigre para maprotektahan ang isang batang lalaki at isang babaeng buntis na kasalukuyan nang nangnanganak pero nakikipaglaban din sa isa pang tigre. Ang batang lalaki ay nanginginig na sa takot, umiiyak habang nakasiksik sa pinakasulok ng kulungan at yakap-yakap ang mga tuhod niyo. “Ahh!” sigaw ng babae na pilit na umiire kahit ang isang braso ay kinakagat na ng tigre. Ang lalaki ay tuluyan nang bumagsak at pinagtulungan ng dalawang tigre. Hanggang sa umalingawngaw na ang malakas na iyak ng sanggol nang tuluyan na itong mailuwal ng babae. Ngunit sa pagluwal sa sanggol ay muling bumukas ang bakal na pinto ng kulungan at dalawang wolf dog naman ang pumasok. “Young Master! Young Maste