Chapter Thirteen "Ang sarap ng pagkaing ininit mo, Boss Xachary." Ganado akong kumain. Sinigang na baboy ang ulam. "Talagang pinagdiinan mo pang ininit ko lang ang ulam." Umirap ito sa akin. "Boss Xachary, may tanong nga pala ako." Inilapag ko muna ang kutsara saka ko ito tinignan. "What?" "Palamunin ka lang ba ng magulang mo?" "I am what?" bingi naman ang isang ito. Parang si lola ko minsan. Nabibingi kapag may tinatanong ako rito. "Palamunin ka ba?" "Allegra, alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang iyan?" agad akong tumango. "Yes po. Palagi pong sinasabi ng mga tiya ko na palamunin daw ako sa mansion. Kaya alam ko ang salitang iyon." "Then what does that word mean?" "Pinapakain ng lola o magulang." "Sa tono mo'y positibo iyon. But it's not, Allegra." "Negative wo