Chapter Thirty-three "Wala." Iyon ang sagot ni boss sa akin no'ng tanungin ko siya kung ano iyong pinag-usapan nila ni Kaus the monkey kanina. Wala raw kahit narinig ko naman sila... narinig ko lang pero hindi ko sila naintindihan. "Allegra---" binigkas pa lang ni boss ang pangalan ko ay lumapit na ako rito. "Sabi ko na may ibig sabihin iyong mga pinag-usapan ninyo kanina. Ano iyon? Sabihin mo na sa akin." Atat na ani ko dahil kanina pa occupied ang isip ko ng mga narinig ko sa kanila. "Here's your passport." Iniabot niya sa akin ang passport. Alam ko ang itsura no'n pero first time ko lang na makahawak no'n. Agad kong binuklat at tinignan. "Boss Xachary, ang astig! Paano mo ako nakuhanan ng picture na ganito kaganda?" manghang tanong ko rito. Naka-formal attire pa ako rito. "Ts