Chapter Thirty "Okay na. Malinis na ang katawan ko. Pwede mo na akong kainin ng buhay." Nakayukong ani ko paglabas ko ng pinto. Saka ako dahan-dahan nag-angat ng tingin kay Boss Xachary na nakaupo sa gilid ng kama ko. Tumalim ang tingin nito sa akin. "Saan na naman ba napunta iyang utak mo, Allegra?" unang tanong pa lang niya ay ramdam ko nang galit na galit siya. Kasi sa sobrang galit niya ay hindi na niya naisip pa na hindi naman naglalakad ang utak. "U-malis ba ang utak ko, boss?" saka ko kinapa ang ulo ko. "Sorry. Hindi ko napansin na iniwan niya ako." Natapik ni boss ang noo niya. "Mukha ba akong nakikipagbiruan sa 'yo, Allegra?" tumayo ito't hinarap ako. Napatingala tuloy ako dahil ang tangkad nito. "Mukha po ba akong nagjo-joke?" "f**k it! Hindi mo ba kayang magseryoso man lan