Chapter Twenty-nine "Okay lang po ako." Malawak ang ngiti ko sa mga kasama ko rito sa beach house ni Boss. Nakatitig kasi sila sa akin na wari'y nag-aalala. Pagkatapos kong umatungal ng iyak, pagkatapos akong pakalmahin ni boss. Ito ako't may ngiti sa labi para hindi na madagdagan pa ang pag-aalala ng mga kasama ko. "Nana, huwag ninyong aalisan ng tingin ang babaeng iyan. May lalakarin lang kami ni Kaus. Babalik din kami agad." Paalam ni boss. Agad akong humarang sa daraanan nito. "Hindi ka pwedeng sumama." "Boss, pahingi ng kiss." Ngumuso pa ako habang nakaharang pa rin. "Stop it, Allegra." Itinapal pa nito ang palad sa mukha ko. "Isang kiss lang, boss. Ingat kiss and goodbye kiss." "Shameless woman!" komento ni Kaus na nakasandal sa bar counter. "Wala akong pake sa 'yo, Kaus