Sense of Security

1512 Words
Isang malakas na pagsabog ang gumising sa lahat nang tao sa loob nang building kung saan naroon ang Dating condo unit nina Kristian. Nag sitakbuhan Lahat nang mga residente nang condo unit dahil sa malakas na pagsabog. Naguunahan sa pagbaba. Sakto namang dumating sina Kristian at Julianne sa lugar na iyon. Nang lumitaw sa harap ni Hunter ang hourglass ni Selene. Agad niyang sinabi sa kapatid nito kung nasaan ang dalaga. At sinabing pumunta agad sila kung gusto nilang maabutang buhay ang kapatid niya Ngunit sakto namang kakababa lang nila nang Van nang biglang may lakas na pagsabog. Nang tumingala Sila Nakita niya ang palapag kung saan naroon ang unit nila. Nahintakot si Aurora at natuptop ang bibig. Hindi nila alam kung gaya nang sinabi ni Hunter nasa loob nang unit si Selene at ang mga bata. Sa lakas nang pagsabog at sa lakas nang apoy na nakikita nila ngayon malabong may makaligtas sa nangyari kung may tao man sa loob. “Selene! Wiliam!” nagpapanic na wika ni Kristian. Panay ang pigil sa kanya nang mga pulis dahil sa pagpupumilit niyang pagpasok sa building. Nang makita niya ang nangyari sa unit hindi niya mapigilan ang sarili niya. Gusto niyang pumasok at puntahan ang kapatid niya at mga anak. “Bitiwan mo ako. Nasa loob ang kaapatid ko at mga anak ko” Asik ni Kristian. “Pasensya na Attorney. pero protocol ho ito, delekado sa loob.” Anang pulis. “Attorney. Hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob.” Wika nang isang pulis. “Ano ba! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko! Nasa loob ng building----” Inis na Wika ni Kristian. Dahil ayaw siyang palampasi nang mga fire fighter at mga pulis. Gumamit nang dahas si Kristian buong lakas niyang itinulak ang mga pulis na pumipigil sa kanya saka tumalon ito sa yellow cord na nakalagay sa harap nang building kahit ang mga pulis hindi nagawang pigilin ang binata.. “Haist ang tigas ng ulo.” Habol ng Fire fighter kay Kristian habang sinundan ito nang tingin nang tumakbo papunta sa pinto nang Condo. Lalo namang napahagulgol si Melfina. Agad naman siyang niyakap ni Julianne para pakalmahin. “It’s okay, Alam kong ligtas sina Selene.” Wika ni Julianne at hinihimas ang likod ng kaibigan. Pero sa loob-loob niya nagdududa din siya kung nakaligtas ang dalaga, Kung napaaga lang sana ang dating nila sana hindi ganoon ang nangyari. Napatingin siya sa paligid. Hinahanap nang mga mata niya si Hunter ang Binatang nagsabi sa kanila kung nasaan si Selene. Bakit hindi niya Nakita ang binata? Hindi dapat mas nauna itong dumating sa kanila dahil ito ang unang nakaalam kung nasaan si Selene bakit hindi niya makita ang binata sa paligid. “Sir bawal dito.” Wika ng tatlong pulis na humarang kay Kristian. “Umalis kayo sa harap ko!” Matigas na wika ng binata. “Sir, pakiusap bumalik na kayo doon mapanganib dito.” Wika pa nang pulis. “Get Lost! Damnmit! Nasa loob ang kapatid ko.” Wika ni Kristian. Hindi na siya makapagisip ng diretso dahil sa labis napag-aalala para sa kapatid at mga anak niya. Nasa isip ni Kristian kung mas napaaga sana sila nang dating naabutan pa sana niya ang kapatid at mga anak. Hindi niya alam kung nakaligtas nga ito mula sa pagsabog. Grabeng disappointment ang nararamdaman niya sa sarili niya ngayon. Five years ago, sinabi niya sa sarili niya na hindi na siya papayag na may mangyaring masama sa mga taong mahalaga sa kanya pero pareho pa din ang nangyayari. Wala parin siyang magawang hanggang ngayon. Pauli-ulit lang ang nangyayari at Paulit-ulit niyang binibigo ang mga taong mahalaga sa kanya. Hanggang sa nag-iisa niyang kapatid isa pa rin ba siyang inutil? Ngayon pari mga anaka niya hindi rin niya kayang protektahan. Nag-pupuyos sag alit ang dibdib ni Kristian. “Kuya!” Mahinang wika ni Selene. Bigla namang napahinto sa pagwawala si Kristian nang marinig ang pamilyar na boses. Agad niyang nilingon ang may-ari ng boses. Ganoon na lamang ang relief na naramdamn niya nang makita ang kapatid na nakatayo habang inaalalayan nang isang firefighter. “Nakita ko siya sa di kalayuan.” Wika nito. “Selene!” Wika ni Kristian at agad na niyakap ang kapatid niya. Akala niya kanina. Isa namang mahalagang tao sa buhay niya ang mawawala. Dati ang mga magulang nila, tapos ang lolo nil ana hindi manlang nila Nakita sa huling sandali nang buhay nito. Hindi na niya kakayanin kong pati ang kapatid niya ay mawala din o ang mga anak niya “Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” Nag-aalalang wika ni Kristian sa kapatid habang tinitingnan kung may sugat ang kapatid. “Okay lang ako.” Wika ni Selene saka marahang umatras sa kapatid dahilan naman para mabigla si Kristian dahil sa biglaang paglayo nang kapatid niya sa kanya. Napakunot ang noo siya sa pagtataka saka napatingin sa dalag. “Bakit?” tanong ni Kristian sa kapatid niya saka iniunat ang kamay para abutin ang kapatid niya. Bigla siyang natigilan nang makitang pumatak ang luha sa mga mata nito. “I-I’m sorry.” Biglang wika ni Selene. Lalo namang natigilan si Kristian Saka niya napagtanto ang dahilan nang paghingi nito nang sorry hindi niya makita ang dalawang anak niya. Huwag naman sanang tama ang iniisip niya na may nangyaring masama sa mga ito and the way Selene is cyring and saying sorry pakiramdam niya pinipiga ang puso niya. “Selene.” Mahinang wika ni Kristian alam niyang disappointed ang kapatid niya at nararamdaman niya labis na pagsisisi nito. “It’s not your fault.” Wika ni Kristian at lumapit sa kapatid niya at agad na niyakap. Kahit naman nagpupuyos ang puso niya dahil sa galit at disappointment hindi naman niya magawang sisisihin si Selene dahil alam niyang hindi naman nito gugustuhing masaktan ang mga pamangkin niya. She is also suffering. “We will have the rescuer find them. Don’t be hard on yourself. It’s not your fault.” Wika ni Kristian saka hinimas ang likod nang kapatid para bigyan ito nang assurance. “I’m really sorry. Wala akong nagawa para iligtas sila. I don’t even know kung saan sila dinala ni Elmer.” Wika ni Selene saka napahawak nang mahigpit sa braso nang kapatid niya. Nang marinig ni Kristian ang sinabi nang kapatid niya. Tila biglang nabunutan nang tinik ang dibdib niya. Ibig sabihin wala sa sumabog na unit ang mga anak niya. “It’s not your fault.” Muling wika ni Kristian. “We will find them and make sure that bastard will not pay for all his crimes.” Mariing sabi ni Kristian. Napatingala si Selene sa unit na nasusunog. Hindi niya alam kung anong nangyari. Ang huli niyang natatandaan ay ang pagsuntok sa kanya nang tauhan ni Elmer. Nawalan siya nang malay. Habang wala siyang malay naririnig niya ang tonong sa loob nang Unit. Tila parang orasan na tumakbo. Kaya lang dahil masyado siyang mahina hindi niya lubusang mapagtanto kung saan nanggagaling ang tonog na iyon o kung ano. Habang nakahiga sa sahig at pinipilit na panatilihin ang ulirat niya. Isang pares nang mga paa ang Nakita niyang nakatayo sa harap niya. May narinig siyang sinabi nito. How that person called her sound familiar hindi ngalang niya mapagtanto kung saan niya narinig. “Kiddo. You really know how to drive me crazy. I saved you for you to die in this kind of place?” narinig niyang wika nit. Magkakilala ba sila? Iniligtas na ba siya nito dati? Why is he calling her like that? Iyon ang mga tanong sa isip ni Selene. May narinig siyang pagsabog kasunod ang apoy at usok. Napaubo siya. Nahihirapan na siyang huminga dahil sa unti-unting pagkapal nang usok pero hindi pa rin natitinag ang lalaki sa kinatatayuan nito. Nakatingin lang ba ito sa kanya habang unti-unti siyang nahihirapan huminga. Sinubukan niyang tumingala para tingnan ang mukha nang lalaki. Ngunit nang pagtingala niya saka naman ang biglang pagbagsak nang debris papunta sa kanya mariin siyang napapikit dahil sa labis na takot. Ngunit, maya-maya muli niyang ibinukas ang mga mata niya hindi tuluyang bumagsak sa kanya ang debris Nakita niyang nakalutang ito sa itaas niya habang nakatayo ang lalaki sa harap niya. Hindi niya tuluyang makita ang mukha nito. But his pale yet bright red eyes ay malinaw niyang nakikita. “What is it that you want me to do?” Tanong nang lalaki sa harap niya. Sa isip ni Selene. Nagtatanong ba ito dahil hindi niya alam kung anong gagawin? O nagpapatawa sa ganoong sitwasyon. Wala na siyang panahon para isipin pa ang pala isipang tanong nito. “H-Help me.” Mahinang wika ni Selene. “I thought you will never ask.” Narinig niyang wika nang lalaki. Bago siyang tuluyang lamunin nang kadiliman naramdaman niya ang mga kamay na bumuhat sa kanya. Why does it feel warm.? Bakit nakakaramdam siya nang sense of security sa mga bisig na iyon? Sino ang lalaking iyon? That familiar feeling. Ano ba ang nakakalimutan niya? Bakit parang kahit anong gawin niya hindi niya magawang mabuo ang puzzle sa utak niya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD